ang sarap maging OFW
naalala ko yung isang interview ko dito sa Singapore. bakit daw ba ko dito sa SG nagtatrabaho, ano daw ang pagkakaiba ng pagtatrabaho sa SG kumpara sa pinas. Ang nasagot ko nalang ay, Para sakin, wala silang halos pagkakaiba pareho mong dapat ideliver yung mga bagay na kelangan ng isang kumpanya. Ang tanging pagkakaiba lang ay yung nagtatrabaho ka na malayo sa mahal mo sa buhay. parang natawa nga ako sa sagot kong to. mukhang pang mr. pogi ang dating hindi pang job interview. inam.
pero sa totoo lang, ‘yon lang naman talaga yung nakikita kong pagkakaiba.
sa aking opinyon kase, masarap sa pakiramdam maging isang ofw.
- dahil, napatunayan mo na may isang salita sa diksyonaryo na nageexist at magiging paborito mo. ang salitang MISS. bilang ofw normal na madami kang nami-miss… mga mahal sa buhay, pagkain, ilang mga gamit na wala sa lugar kung asan ka, at mismong pilipinas ay mamimiss mo.
- dahil, natuto kang magtanggol ng bansa. naging nationalistic baga. yung tipong bibilin mo lahat ng philippines shirt na makikita mo sa kanto.
- dahil, pag nasa ibang lugar ka pala, malalaman mo na sadyang mapagmahal ang mga pinoy. kayo kayo din ang magtutulungan sa hirap at ginhawa man.
- dahil, sa tuwing uuwe ka ng pinas, wala ka mang pasalubong, ramdam mo na ang iyong presensya ay sapat na. nakakataba ng puso.
- dahil, pag uuwe ka ng pinas at makainuman mo ang ilang kamag-anak at tropa parang ang dami niong baon na istroyahan na pwedeng ibahagi sa isa’t isa.
- dahil, malayo ka man ay alam mong nakakatulong ka sa mga mahal mo sa buhay.
- dahil, ang simpleng ngiti na kapalit ng iyong balik bayan box ay sadyang nakakapukaw ng damdamin.
- dahil, ang iniwan mong maliit palang ay pagdating mo naglalakad na.
- dahil, madali mong maisasama ang iyong pamilya o mga kaibigan sa kung saan ka man naroon ngayon na possibleng hindi pa nila napuntahan dati.
- at dahil, natututo kang magblog tulad neto.
ilang araw nalang magpapasko na. sa pinas, sadyang napakahalaga ng pasko.
bilang ofw, possibleng hindi ka magpasko sa sarili mong bansa.
ang mahalaga nalang siguro, sa twing makakauwe ka sa pinas, kahit inde pasko, iparamdam mo sa mga mahal mo sa buhay na pwede rin namang maging pasko ang ordinaryong araw. Gawa ka ng wishlist tapos hingan mo sila ng regalo. di ga? inam yan. \m/
15 comments:
sabagay meron tlgang mga pagkakaiba lalo na sa sweldo, ika nga kapalit ng sakripisyo ay ang ikakaginhawa ng mga mahal mo sa buhay!
meh bahagyang kalungkutan sa likod ng iyong akda.....di man isalaysay ng deretsuhan pero yun yon...iba parin ang pasko sa pinas kaya nga may quote "only in the philippines"
sana next time magkita din tayo! :P
merry christmas in advance my friend! luv you po!
Oo naman masarap maging ofw, kasi malaki ang kita, advance country napupuntahan niyo at marangya ang pamumuhay.. ang malungkot lang ang homesick..
Mas masarap maglasing !!lalo na kung OFW!..:)))
hmmmm, parang gusto namin bumisita an ah ehehe
meri xmas jowel!:)
at dahil ofw ka, alam ko'ng uuwi ka ng pinas heheheh
true yung number 2. magiging fashionalista ka.
at magkakaroon ka din ng free time para sa mga hobby mo tsaka mga gusto mong gawin dati. Marathon, Photography, hiking etc...
Inam nga.Dito mo matutunang pahalagahan ang mga bagay bagay na di mo pinapansin dati pero mahalaga pala sayo.
korek kahit hindi pasko ay magbigayan, yan ang mantra ng mga ofws!
haha.. tama yan. nagiging nationalistic talaga pag ofw. :D Yung Kuya ko, kahit keychain basta gawang Pilipinas, or gwang Pinoy, binibili.. :P
Tapos kada paguwi, pasalubong sa pamilya, kahit na maliit na bagay lang, ayos pa din. Then tapos ng mahabng kwentuhan at kumustahan, bidyuke sympre.. haha! :D
And agree din.. naapprecite mo pa lalo ang mga bagay-bagay pag nasa malayo ka na. Pareho lang din sa tao.. pag laging andyan, normal lang.. pero pag wala na, namimiss mo din. Hmm... :P
Ay kelan uwi mo bolero? hehehe..
sabi sakin dati, pag OFW daw, pag dating sa Pinas, parang artista, madaming pans. booked agad at puno ang schedule, mahihirapan sumingit lol.
kaya pag punta mo dito, pakisabi na ung schedule para maka pagpabook na kami ni Madz ng tagaytay road trip. lol.
Nakakamiss nga ang Pilipins. Kakalayas ko lang sa Pilipinas pero sagad na ang pagkamiss ko. Christmas blues. Hay.
ang shweet naman...naku makapag OFW na nga! haha.... ^_^ tama nga naman lahat ng sinabi mo..Sana makauwi ka ng pinas mister jowel. :P
saan ka sa batangas?
Post a Comment