Random post lang



Minsan, hindi mo naiisip napaplano mo na pala yung buhay ng ibang tao ng di mo namamalayan… masarap mag plano. masarap may isasama ka sa pagplaplano, subalit kainaman, ang saklap kung yung isinasama mo sa plano mo ay wala naman palang interes sa plano o isama ka sa mga plano. Kaya para sakin, mas mainaman na sumunod nalang sa agos ng buhay.

Bago na nga pala ang kumpanya ko dito sa SG nung January 3 pa. Medyo bago sa akin yung ibang bagay. Sana mas oks to kesa sa dati kong work.

Bumili ako ng planner, nagaya ako sa mga katwitter ko (gaya-gaya lang talaga ko). Kainaman yan, ilang araw lang ako nagsulat di ko na ginagamit ngayon, sobrang dami kaseng kelangan gawin sa trabaho (pero tinatamad lang talaga ko).

Nagkaroon ng bijoke ang mga pinoy bloggers dito sa SG. Ang gagaling nila kumanta. Dyahe putek. Pero ayun, ang saya.

Pagkatapos ng kantahan may unteng kwentuhang naganap sa mga bloggers. At anu pa ba ang pag-uusapan? Edi tsismis. LOL. Joke. Ang tanda ko lang nagkaroon ng konting pa-exam yung isang blogger. Enumeration, ang mga tanong: (a) magbigay ng mga adult content na bloggers. (b) magbigay ng mga magagaling na blogger mapa english o tagalog (c) magbigay ng listahan ng mga bading na bloggers (d) magbigay ng mga blogger na haligi na ng ganitong larawan. LOL. Siempre may joke lang dito sa sinulat ko, hulaan nio nalang kung alin sa nabanggit.

Nung naghiwalay na ang lahat, naginom pa kami nila Owen at Sam. At anglufet, ang dami kong nasagap na balita. Kainaman lang.

Lilipat na naman kame ng bahay ng mga tropa ko dito sa March. Ang hirap magview ng bahay. Gusto ko sana  sa malapit na sa City (maranasan man lang), pero sakin, sunod lang sa agos, kung san lang gusto mga kasama ko, ako nalang mag-aadjust.

Para sa’kin, ayaw ko talaga yung tinatawag nilang positivity. Di din ibig sabihin neto na pabor ako sa mga laging negative na tao. Ang sakin lang, parang bakit mo pipigilan ang sarili mo na sabihin yung bagay na alam mong mali o alam mong ayaw mo para lang mapanatili ang positivity na tinatawag na yan? Kainaman! Lahat ng bagay, may pambalanse ika nga (sa opinion ko lang naman ‘to).

Ayown. Tama na ‘to kung anu-ano na lang talaga ang nasasabi ko. Salamat sa pag tyatyagang magbasa tulog na muna ko, sobrang napagod ako sa activities ngayong weekend. \m/ Happy Birthday pala bukas, Carla (mukhang di mo naman to mababasa, pampapadagdag lang ga ng characters sa blog entry, LOL)




16 comments:

PaJAY | January 29, 2012 at 9:38 PM

May problema ka ba daw sa Bading? nyahahahaha!!!! ayuff..nagkape pa pala kayo?para lang magchismisan?hahahahaha!

Anonymous | January 29, 2012 at 9:51 PM

Suntukan na lang. Hahaha!

bien | January 30, 2012 at 3:29 AM

Random or Ramdam?

may poot?

khantotantra | January 30, 2012 at 5:10 AM

natawa naman ako, may exam...

pano kaya yun? may check by or corrected by pa sa exam? written ba to o recitation? hehehe

Madz | January 30, 2012 at 10:45 AM

at binasa ko ulit ng ilang beses yung unang komento :))

yun oh busy siya noong weekend, sabagay parang hindi ka naman yata pwedeng walang ginagawa eh. :D

Sendo | January 30, 2012 at 10:52 AM

chismis!!! congrats sa bagong trabaho at God bless diyan ^_^ at sa positivity...may point ka and i agree with it...positive ako most of the time..pero di maiwasang maging negative..it's inevitable..ahw..haha

bulakbolero.sg | January 30, 2012 at 11:00 AM

@pajay, kainaman. di ka pala kasama sa tsismisan? este kapehan?

@alex, bawal makipagsuntukan negatibo yun.

@bien, randam siguro. LOL. salamat sa mga tsismis.

@gelo, recitation yun padamihan ng mababanggit. ang pinakamadaming mabanggit, mas maraming nabunyag na tsismis. LOL.

@madz, ano mali sa unang comment? bakit kelangan ulit-ulitin basahin?

@sendo, salamat. para sakin kung ano ka yun ka. kung may ayaw ka. edi ayaw mo, hindi yung pipilitin mo sarili mo maging pasitib. \m/

Madz | January 30, 2012 at 2:25 PM

wala may magic word kasi dun :))

Ngaps, nagbasa ko noh. napatutok lang kasi talaga dun sa unang komento. LOL

haha natawa ko sa reply mo kay sendo, natakot tuloy ako magcomment sa pagiging positive. Basta pareho lang din kami. Dumadating yung time na malungkot at nagbabaliw-baliwan pero bumabalik pa rin sa pagiging positive.

Jojo Lakwatsero | January 30, 2012 at 3:04 PM

uy nag rereply ka na ulit sa comments :P bwahahaha.

balita ko may ti-nake home kang blogger ah :P juk.

Anonymous | January 30, 2012 at 3:43 PM

parang ang dami ko na-miss sa bijoke session. lahat kayo halos may bagong blog after mag bijoke. inam!

guilty din ako sa pagiging cynical, siguro para lang din depensahan ko ang sarili ko from getting frustrated, pero it's still nice to stay positive, ibig sabihin nun, ur keeping the faith.. kasi di naman lahat madali di ba? pero tuloy lang ang gulong/tumbling/balentong sa life.

:) peace!

Anonymous | January 30, 2012 at 4:22 PM

madaling sbhn na stay positive, pero mahirap pa rin gawin,

others can say it well, kase hindi nila talaga alam yung nara2mdaman ng isang tao, kaya kung magsalita eh parang ganun2 na lang yun,

pero in time din naman eh tu2ngo din sa positiveness ang lahat, hindi nga lang kaagad-agad

:))

McRICH | January 31, 2012 at 12:00 PM

pareho kayo ni gasdud about positivity/buhay buhay ang post, siguro dahil nagchinese new year kaya nadala ng festivities.

ishare mo naman ang mga napagtsismisan nyo!

YOW | January 31, 2012 at 2:47 PM

Ang saya! <<< random comment! Haha.

Mapositibo akong tao, lalo na kung may iniisip akong resulta ng kung ano. Lagi kong iniisip na positive outcome at pabor sa akin. Paraan ko na lang din ng pampakalma kesa mangatog ako sa kakaisip ng pwedeng maging negatibong mangyari.

iya_khin | January 31, 2012 at 2:52 PM

lol versus ba kayo ni alex?! hahaha!

congrats sa new work at sa magiging new house!

answer ko sa tanong mo letter b____! :p

Leo | January 31, 2012 at 3:28 PM

Congrats sa new work Djowel! :) Tama yan, sabay lang sa agos. Sabi nga, if it's meant to be, it's meant to be. Haha. :)

AC | February 26, 2012 at 8:15 PM

Nakakaaliw naman tong blog mo. :)