Epal sa Nepal
“I
was thinking that it’ll be depressing but I was wrong, the company made it fun.”
– Victor Vassiltsov (nabanggit to ni Vik,
isang beer session namin sa gitna ng bundok ng nepal)
Kaboom
Medyo
mahaba ang byahe papuntang Nepal.
‘Yung byahe mula Singapore
to New delhi ay mahigit anim na oras at mula New delhi to Kathmandu ay
kulang kulang dalawang oras. Medyo ayus naman yung byahe papuntang delhi. Dahil di ako gaano
sana’y matulog sa byahe. Pinagtyagaan ko manood ng mga pelikula sa eroplano at
nung nabagot ay nakinig ng mga kanta. Walang anu-ano ay nagpalit ng eroplano
papunta ng Kathmandu.
Skedyul na ng flight at wala pa kong katabi sa
eroplano. Sa isip ko, sakto, pede akong matulog ng matiwasay sa dalawang oras
na nalalabi papuntang Kathmandu. Pero di katagalan. Kaboom! May tumabi na
sakin, parang may sumabog na explosives nung tumabi sya sakin. Patay tayo dyan.
Di ko matiis. Humarap ako sa bintana. Subalit, makulet ang katabi ko, pilit
akong kinakausap, trabahador daw sya sa dubai at uuwi sya sa pamilya nya sa
nepal ng 1ng bwan. At yon, pinilit ko na din makapagkwentuhan at di inalintana
ang pasabog na dala nya.
First
love never dies
Kasabay ng paglapag sa airport ng nepal ay ang
pagbungad ng sandamakmak na alikabok sa gusaling aking kinatatayuan. Sobrang liit at luma ng
airport. Walang duty free. Simple – payak.
“My Friend, bye” wika ng Nepali na katabi ko sa
eroplano. Labing walong oras pa daw ang kanyang bubunuin sa pagbyahe pauwe sa
kanyang probinsya, wala daw kaseng airport pa punta sa lugar nya.
Unang gabi ay namalagi muna kami sa Kathmandu.
Pangalawang araw pa noong sumabak kami papunta sa Bundok na aming aakyatin at
titiran. Papunta sa bundok (di ko natandaan ang pangalan ng lugar), ay medyo
mahirap ang byahe. Baku-baku at maalikabok. Yung tipong talo mo pa yung
espasol, kase triple coat na ng alikabok ang nasa katawan, damit at buhok mo.
Pagdating sa bundok, hapo sa pagod. Kumain ng hapunan at natulog.
Pagkagising kinabukasan... ”Huwaw” nasambit ko sa
pagkamangha sa nakita ko nung ituro ng isang kasama ang bundok sa harapan.
Hindi ako makapaniwala na makikita ko ang himalayas ng malapitan. Klaro kong
nakikita ang mga bundok na nababalutan ng nyebe. Isa sa pangarap na natupad.
Umaga
at hapon kaming nag trek noong araw na yon. Pagod pero masaya. Sa sumunod na
araw, may mga sumuko na, naiwan nalang sa tinutuluyan naming at di na
nagpatuloy sa pagtre-trek. Ako, Ganado. Bumalik na naman ang aking fashion, fusion,
tension, passion na mamundok. Nognog na ko, pero walang pakialam, tuloy pa din ang pag-akyat ng bundok.
Isang masayang karanasan na umakyat ng bundok kasama ang masaksihan yung lugar
na pinamamahayan ng mga nepali. ”Namaste!” pagbati ng mga lokal sa twing may
makikitang tao na dumadayo sa kanilang lugar. Sarap sa pakiramdam.
Curry Overload
San
ka pa? umagahan, tanghalian at hapunan. Lahat may curry at bilang di ako
mahilig sa curry, may kakaibang meal ako. Umagahan, isang plastic ng chocolate
biscuit. Tanghalian, isang pack ng chocolates. Hapunan, chocolate biscuit o
chocolate, depende sa availability. Sakto. Solb.
The Nepal
experience
Taliwas sa isa sa pinakapoborito kong nadayong
bansa, ang Japan. Ibang iba ang nepal.
Maalikabok, mainit, walang kuryente, puro gulay na may curry ang pagkain. Pero, masasabi ko ngayon, isa na ang Nepal sa gusto kong bansa. Payapa at
lahat ng nakikita ko sa aking mga mata, tila nangungusap, mapa tao man o lugar.
Balak ko bumalik dito, di ko pa alam kung kelan. Malamang pag inakyat ko na ang
everest...
Next bulakbol... India.
12 comments:
puro sweet food ang dala mo ha.pampaenergy pa yun...
ang ganda ng nepal parang isang paraiso. kaso di pa masyadong maunlad, ayun oh aakyat ikaw na,
nice!
ingat sa pag-inom ng tubig dyan!
wow nice experience ah..
nice shot at maayos ang lugar kahit di ganun kaunlad.
Natawa ako sa puro tsokolate! hehe :))
nakakahappy naman ang Nepal experience :D
at mababait ang mga nepalese (at mas mabangong di hamak) sa mga indiano, usually sa eroplano kami nag-a-update ng mga bagong movies kaya enjoy pa rin kahit mahaba ang byahe!!
waahh.. gusto ko tikman ang curry sa ibang bansa.. LOL
hangganda lang ng kabundukan.. gusto ko rin yan makita ng personal :)
natawa ako sa curry part. Ako ayoko na ng pagkaing yan. Alam mo na daming indian, nepali at pakistani dito.
Ayus yang chocolate lng nakain, diet b yan? LOL
Atsaka, nanibago sa blog post na to, minsan lang nadalaw e may picture na. Mukhang magiging travel blogger ka na parekoy.
Aabangan ang India adventure, saka mga picture.
ang ganda, parang mas payapa pa ang probinsya nila kesa dito....,
btw, i love the photo of the mountain alps!
:))
heheheh, kapareho mo pala si sir jepoy na di rin hilig ang curry as food.
ang simple nga ng place pero maganda yan for people na gusto ng tahimik na life.
ayos ang mga pics mo, it shows the simplicity ng life at place. Pati nga ata jumijingle kinuhaan mo ng pic :D
Buti, sumama ka sa trip na to. So kumusta ang Operation Tuli?
nice bulakbolero ka nga :)
base sa piktyur mukhang salat din sa yaman ang nepal :)
katulad mo,ayaw ko din ng curry.wala lang.kumusta?
Nakakarelate ako sa hindi mo pagkain ng Curry LOL.
Kelangan ba talaga na umakyat ng bundok at mag trek para ma explore yung community ng Nepal? Hindi yata kasi kaya ng katawang lupa ko ang mag trek na katulad ng ginawa nyo.
Naappreciate ko yung pag detalye mo ng trip mo para kasi na dadala narin kame sa mga travels mo. Pag punta mo ng india wag ka mag merge ng picture pag nag upload ka sa blog mo, individual shots ang i upload mo kahit yung piling pili mo lang. Gusto ko rin kasi sanang ma explore and India kahit ayoko ng curry.
Hihintayin ko ang mga susunod mo trip, more details more fun.
Bulakbol pa habang makalas pa!
Post a Comment