Epal sa Nepal



“I was thinking that it’ll be depressing but I was wrong, the company made it fun.” – Victor Vassiltsov (nabanggit to ni Vik, isang beer session namin sa gitna ng bundok ng nepal)


Kaboom

Medyo mahaba ang byahe papuntang Nepal. ‘Yung byahe mula Singapore to New delhi ay mahigit anim na oras at mula New delhi to Kathmandu ay kulang kulang dalawang oras. Medyo ayus naman yung byahe papuntang delhi. Dahil di ako gaano sana’y matulog sa byahe. Pinagtyagaan ko manood ng mga pelikula sa eroplano at nung nabagot ay nakinig ng mga kanta. Walang anu-ano ay nagpalit ng eroplano papunta ng Kathmandu.

Skedyul na ng flight at wala pa kong katabi sa eroplano. Sa isip ko, sakto, pede akong matulog ng matiwasay sa dalawang oras na nalalabi papuntang Kathmandu. Pero di katagalan. Kaboom! May tumabi na sakin, parang may sumabog na explosives nung tumabi sya sakin. Patay tayo dyan. Di ko matiis. Humarap ako sa bintana. Subalit, makulet ang katabi ko, pilit akong kinakausap, trabahador daw sya sa dubai at uuwi sya sa pamilya nya sa nepal ng 1ng bwan. At yon, pinilit ko na din makapagkwentuhan at di inalintana ang pasabog na dala nya.


First love never dies


Kasabay ng paglapag sa airport ng nepal ay ang pagbungad ng sandamakmak na alikabok sa gusaling aking kinatatayuan. Sobrang liit at luma ng airport. Walang duty free. Simple – payak.

“My Friend, bye” wika ng Nepali na katabi ko sa eroplano. Labing walong oras pa daw ang kanyang bubunuin sa pagbyahe pauwe sa kanyang probinsya, wala daw kaseng airport pa punta sa lugar nya.

Unang gabi ay namalagi muna kami sa Kathmandu. Pangalawang araw pa noong sumabak kami papunta sa Bundok na aming aakyatin at titiran. Papunta sa bundok (di ko natandaan ang pangalan ng lugar), ay medyo mahirap ang byahe. Baku-baku at maalikabok. Yung tipong talo mo pa yung espasol, kase triple coat na ng alikabok ang nasa katawan, damit at buhok mo. Pagdating sa bundok, hapo sa pagod. Kumain ng hapunan at natulog.

Pagkagising kinabukasan... ”Huwaw” nasambit ko sa pagkamangha sa nakita ko nung ituro ng isang kasama ang bundok sa harapan. Hindi ako makapaniwala na makikita ko ang himalayas ng malapitan. Klaro kong nakikita ang mga bundok na nababalutan ng nyebe. Isa sa pangarap na natupad.



Umaga at hapon kaming nag trek noong araw na yon. Pagod pero masaya. Sa sumunod na araw, may mga sumuko na, naiwan nalang sa tinutuluyan naming at di na nagpatuloy sa pagtre-trek. Ako, Ganado. Bumalik na naman ang aking fashion, fusion, tension, passion na mamundok. Nognog na ko, pero walang pakialam, tuloy pa din ang pag-akyat ng bundok. Isang masayang karanasan na umakyat ng bundok kasama ang masaksihan yung lugar na pinamamahayan ng mga nepali. ”Namaste!” pagbati ng mga lokal sa twing may makikitang tao na dumadayo sa kanilang lugar. Sarap sa pakiramdam.


Curry Overload

San ka pa? umagahan, tanghalian at hapunan. Lahat may curry at bilang di ako mahilig sa curry, may kakaibang meal ako. Umagahan, isang plastic ng chocolate biscuit. Tanghalian, isang pack ng chocolates. Hapunan, chocolate biscuit o chocolate, depende sa availability. Sakto. Solb.


The Nepal experience

Taliwas sa isa sa pinakapoborito kong nadayong bansa, ang Japan. Ibang iba ang nepal. Maalikabok, mainit, walang kuryente, puro gulay na may curry ang pagkain. Pero, masasabi ko ngayon, isa na ang Nepal sa gusto kong bansa. Payapa at lahat ng nakikita ko sa aking mga mata, tila nangungusap, mapa tao man o lugar. Balak ko bumalik dito, di ko pa alam kung kelan. Malamang pag inakyat ko na ang everest...












Next bulakbol... India.



12 comments:

Axl Powerhouse Network | May 21, 2012 at 2:22 PM

puro sweet food ang dala mo ha.pampaenergy pa yun...
ang ganda ng nepal parang isang paraiso. kaso di pa masyadong maunlad, ayun oh aakyat ikaw na,

Raft3r | May 21, 2012 at 2:36 PM

nice!
ingat sa pag-inom ng tubig dyan!

Unknown | May 21, 2012 at 3:43 PM

wow nice experience ah..
nice shot at maayos ang lugar kahit di ganun kaunlad.

jake | May 21, 2012 at 4:17 PM

Natawa ako sa puro tsokolate! hehe :))

nakakahappy naman ang Nepal experience :D

McRICH | May 21, 2012 at 5:04 PM

at mababait ang mga nepalese (at mas mabangong di hamak) sa mga indiano, usually sa eroplano kami nag-a-update ng mga bagong movies kaya enjoy pa rin kahit mahaba ang byahe!!

AJ Banda | May 21, 2012 at 5:41 PM

waahh.. gusto ko tikman ang curry sa ibang bansa.. LOL

hangganda lang ng kabundukan.. gusto ko rin yan makita ng personal :)

EngrMoks | May 21, 2012 at 7:30 PM

natawa ako sa curry part. Ako ayoko na ng pagkaing yan. Alam mo na daming indian, nepali at pakistani dito.

Ayus yang chocolate lng nakain, diet b yan? LOL

Atsaka, nanibago sa blog post na to, minsan lang nadalaw e may picture na. Mukhang magiging travel blogger ka na parekoy.

Aabangan ang India adventure, saka mga picture.

Anonymous | May 21, 2012 at 10:00 PM

ang ganda, parang mas payapa pa ang probinsya nila kesa dito....,

btw, i love the photo of the mountain alps!

:))

khantotantra | May 21, 2012 at 11:50 PM

heheheh, kapareho mo pala si sir jepoy na di rin hilig ang curry as food.

ang simple nga ng place pero maganda yan for people na gusto ng tahimik na life.

ayos ang mga pics mo, it shows the simplicity ng life at place. Pati nga ata jumijingle kinuhaan mo ng pic :D

bien | May 22, 2012 at 3:38 AM

Buti, sumama ka sa trip na to. So kumusta ang Operation Tuli?

Anonymous | May 22, 2012 at 10:58 AM

nice bulakbolero ka nga :)

base sa piktyur mukhang salat din sa yaman ang nepal :)

katulad mo,ayaw ko din ng curry.wala lang.kumusta?

Jepoy | May 24, 2012 at 10:38 AM

Nakakarelate ako sa hindi mo pagkain ng Curry LOL.

Kelangan ba talaga na umakyat ng bundok at mag trek para ma explore yung community ng Nepal? Hindi yata kasi kaya ng katawang lupa ko ang mag trek na katulad ng ginawa nyo.

Naappreciate ko yung pag detalye mo ng trip mo para kasi na dadala narin kame sa mga travels mo. Pag punta mo ng india wag ka mag merge ng picture pag nag upload ka sa blog mo, individual shots ang i upload mo kahit yung piling pili mo lang. Gusto ko rin kasi sanang ma explore and India kahit ayoko ng curry.

Hihintayin ko ang mga susunod mo trip, more details more fun.

Bulakbol pa habang makalas pa!