irreplaceable


Ay bitin?

Alam mo yung pakiramdam na nasa last stage na, tatalunin mo nalang si Zeus, matatapos na yung ilang araw mong pinagpupuyatan na tapusin na God of Wars. E lagi kang namamatay. Sa kagustuhan mo talagang matapos, pinalaro mo si Kratos dun sa utol mo, natalo nya si Zeus. Natapos ang laban. Tapos na ang game. Nagtagumpay ka na makita yung huling stage. Pero parang bitin. Iba ang nagtapos.


Kontento?



On giving alms...

Unang nabasa ko yung tweet na to, sabi ko bakit ganoon, pagkain na bibigay ayaw pa. inam yan.



Pero ewan. Napaisip ako, baka ang gusto nung namamalimos, hawakan nya muna yung pera kahit saglit lang. Yung tipong dadaan kahit paano sa palad nya. Tapos sya yung bibili at pipili ng gusto nyang pagkain. Sya yung mag-aabot ng bayad sa tindero ng pagkain. Sya yung mag-aalok sa pamilya nya. Tapos baka sa paraan non, maramdaman nya na normal din syang tao. Pwedeng makuntento sa simpleng bagay. Tulad ng tindera sa palengke, na nagbebenta ng mga kung anu-ano para may maipakain sa kanyang pamilya, hindi naman pwedeng pagkain kaagad ang ibayad mo sa kanyang serbisyo.


Sa tingin ko, may mga bagay tayong inaalok sa isang tao dahil sa tingin natin ay yun ang makakabuti sa kanila. Pero di natin alintana na iba pala yung gusto nila. May gusto pala silang mafulfill sa sarili nila para maging kuntento sila. Pero dahil hindi naman natin alam kung ano yung talagang nasa-isip nila, kung ano nalang yung tingin nating oks sa kanila yun nalang yung gagawin natin. Doon nawawala yung ibang klase ng kaligayahan na minsan lang natin maranasan sa buhay natin.


Kontento?




Mabalik tayo sa nepal...

Noong nag nepal ako. Sa eskwelahan kami natulog ng ilang araw. Nagdala kami sa kanila ng mga gamit sa eskwela. Dala namin to galing Singapore. Notebook, libro, lapis, bolpen, eraser, pantasa, bag, etc... Yun kase ang alam namin na kakailanganin nila at magagamit nila. Pero yung pamamalagi ko doon ng ilang araw, napaisip ako, parang dapat iba yung dinala namin, hindi mga gamit sa eskwela. Kase sa ilang araw kong nakita yung mga estudyante, walang pagkakaiba yung kanilang sinusuot na damit. Kung ano suot nila noong unang araw, ganoon suot nila sa pangalawa, pangatlo... hanggang sa pang huling araw namin namalagi doon. Damit na halos hapit at bitin na sa kanila, sira sira at kupas na ang imprenta. Pero yung dala naming mga gamit eskwela, halos lahat ng napunta dun, ganon ang dinadala. Yung isang kwarto dun, ang daming supplies, galing siguro sa iba’t ibang organisasyon na tumutulong sa kanila. Alam mong grateful at thankful pa rin sila sa mga bigay mo. Mababatid mo yun sa mga ngiti nila. Pero siguro minsan, gusto din nila makapag suot ng ibang damit, maliban sa pang-araw araw nilang sinusuot ngayon.


Kontento?


9 comments:

KULAPITOT | May 31, 2012 at 4:03 PM

amy ganun talagang tao ..

iya_khin | May 31, 2012 at 6:12 PM

kainaman...

khantotantra | May 31, 2012 at 8:29 PM

sa first part, medyo mabibitin ka nga at di ka makukumplete kung iba ang nagtapos ng game. mas masaya kasi sa gamer ang matapos mo yung nilalaro mo.

dun sa pangalawa, may point, baka nga naman gusto nila na sila ang magdedesisyon sa perang malilikom nila. Pero, minsan, di tayo dapat choosy.

sa third, marahil nga, yung ibang need na ang kailangan ng students. Pero kasi ang thinking nating gustong tumulong ay mga school supplies talaga. next sa list ang shoes and bags and uniforms

pasensya na, mahaba ang commento. napadaldal lang ako

Anonymous | June 1, 2012 at 3:44 AM

anu yung "kainaman"

kaigihan ba yan? hehehe, just wondering kng bakit siya naging expression. hehehe

baka miyembro ng mafia un nagtitinda ng sampaguita, hehe

seriously, iba iba naman tayo ng pananaw ukol sa pagtulong sa tao. minsan nga kapag hindi mo sila pinagbigyan, pagtulong na din yun. kasi matututo silang tumayo sa sarili nilang mga paa.

Case to case basis kumbaga.

Kudos to you Jowel sa laging bagbibigay ng extra hand sa mga nangangailangan.

bien | June 1, 2012 at 4:00 AM

nice entry paps. this is good.

david.edward | June 1, 2012 at 7:03 AM

sa MNL, pag my nanghihingi ng ganyan, food binibigay ko. though puede mo silang bigyan ng pera pero cguro im lucky enough kasi ung mga lumalapit sa kin sumasama naman pag inaya ko kumain. oh hah! hindi takot. lol

the bad thing is pag dinala mo sila sa JB or Red Ribbon, ayaw silang papasukin ng guard and even ung manager gusto silang palabasin. it happened na multiple times but then i insists na kasama ko sila. i know naman business is business pero mahirap din ung kalagayan nila.

minsan, maiisip mo kuntento na ba sila sa ganong buhay? ano pa ung ninanais nilang marating? but one thing is for sure. sila ung mga totoong tao. walang halo ng kaplastikan sa katawan.

pag mayaman na ko (ay mali, pag sobrang yaman ko na, lol) magtatayo ako ng org tapos invite kita. hehehe

AJ Banda | June 1, 2012 at 1:51 PM

i just don't know how to explain..

at some point nabago mo ang pananaw ko.. and I must say na naramdaman ko ang sinasabi mo.. madalas kasi people tend to give dahil sa tingin nila yung ang importante sa ibang tao, pero di ba, wala namang makakapagsabi kung ano talaga ang kailangan ng isang tao kundi ang kanyang sarili...

mejo nahihirapan ako iexplain ang tumatakbo sa isip ko after ko ito mabasa.. pero masasabi kong makapagpabago ng pilosopiya ang akda mong ito.. and for that saludo ako!

Unknown | June 2, 2012 at 2:23 PM

minsan ang simpleng bagay ang nagbbgay kasiyahan satin.
madaling sabihin na kuntento tau pero parang may kulang pa rin

Anonymous | June 2, 2012 at 4:39 PM

okay lang din naman kung pagkain mismo bibigay mo sa namamalimos, kase minsan yung mga yan sindikato in disguise lang, pero ako nagbibigay ako ng tithe kapag meron ako,

:)