irreplaceable
Ay bitin?
Alam mo yung pakiramdam na nasa last stage na, tatalunin mo nalang si Zeus,
matatapos na yung ilang araw mong pinagpupuyatan na tapusin na God of Wars. E
lagi kang namamatay. Sa kagustuhan mo talagang matapos, pinalaro mo si Kratos
dun sa utol mo, natalo nya si Zeus. Natapos ang laban. Tapos na ang game.
Nagtagumpay ka na makita yung huling stage. Pero parang bitin. Iba ang
nagtapos.
Kontento?
Kontento?
On giving alms...
Unang nabasa ko yung tweet na to, sabi ko bakit ganoon, pagkain na bibigay ayaw pa. inam yan.
Pero ewan. Napaisip ako, baka ang gusto nung namamalimos, hawakan nya muna
yung pera kahit saglit lang. Yung tipong dadaan kahit paano sa palad nya. Tapos
sya yung bibili at pipili ng gusto nyang pagkain. Sya yung mag-aabot ng bayad
sa tindero ng pagkain. Sya yung mag-aalok sa pamilya nya. Tapos baka sa paraan
non, maramdaman nya na normal din syang tao. Pwedeng makuntento sa simpleng
bagay. Tulad ng tindera sa palengke, na nagbebenta ng mga kung anu-ano para may
maipakain sa kanyang pamilya, hindi naman pwedeng pagkain kaagad ang ibayad mo
sa kanyang serbisyo.
Sa tingin ko, may mga bagay tayong inaalok sa isang tao dahil sa tingin natin
ay yun ang makakabuti sa kanila. Pero di natin alintana na iba pala yung gusto
nila. May gusto pala silang mafulfill sa sarili nila para maging kuntento sila.
Pero dahil hindi naman natin alam kung ano yung talagang nasa-isip nila, kung
ano nalang yung tingin nating oks sa kanila yun nalang yung gagawin natin. Doon
nawawala yung ibang klase ng kaligayahan na minsan lang natin maranasan sa
buhay natin.
Kontento?
Kontento?
Mabalik tayo sa nepal...
Noong nag nepal ako. Sa eskwelahan kami natulog ng ilang araw. Nagdala kami
sa kanila ng mga gamit sa eskwela. Dala namin to galing Singapore. Notebook,
libro, lapis, bolpen, eraser, pantasa, bag, etc... Yun kase ang alam namin na
kakailanganin nila at magagamit nila. Pero yung pamamalagi ko doon ng ilang
araw, napaisip ako, parang dapat iba yung dinala namin, hindi mga gamit sa
eskwela. Kase sa ilang araw kong nakita yung mga estudyante, walang pagkakaiba
yung kanilang sinusuot na damit. Kung ano suot nila noong unang araw, ganoon
suot nila sa pangalawa, pangatlo... hanggang sa pang huling araw namin namalagi
doon. Damit na halos hapit at bitin na sa kanila, sira sira at kupas na ang
imprenta. Pero yung dala naming mga gamit eskwela, halos lahat ng napunta dun,
ganon ang dinadala. Yung isang kwarto dun, ang daming supplies, galing siguro
sa iba’t ibang organisasyon na tumutulong sa kanila. Alam mong grateful at
thankful pa rin sila sa mga bigay mo. Mababatid mo yun sa mga ngiti nila. Pero
siguro minsan, gusto din nila makapag suot ng ibang damit, maliban sa pang-araw
araw nilang sinusuot ngayon.
Kontento?
Kontento?
9 comments:
amy ganun talagang tao ..
kainaman...
sa first part, medyo mabibitin ka nga at di ka makukumplete kung iba ang nagtapos ng game. mas masaya kasi sa gamer ang matapos mo yung nilalaro mo.
dun sa pangalawa, may point, baka nga naman gusto nila na sila ang magdedesisyon sa perang malilikom nila. Pero, minsan, di tayo dapat choosy.
sa third, marahil nga, yung ibang need na ang kailangan ng students. Pero kasi ang thinking nating gustong tumulong ay mga school supplies talaga. next sa list ang shoes and bags and uniforms
pasensya na, mahaba ang commento. napadaldal lang ako
anu yung "kainaman"
kaigihan ba yan? hehehe, just wondering kng bakit siya naging expression. hehehe
baka miyembro ng mafia un nagtitinda ng sampaguita, hehe
seriously, iba iba naman tayo ng pananaw ukol sa pagtulong sa tao. minsan nga kapag hindi mo sila pinagbigyan, pagtulong na din yun. kasi matututo silang tumayo sa sarili nilang mga paa.
Case to case basis kumbaga.
Kudos to you Jowel sa laging bagbibigay ng extra hand sa mga nangangailangan.
nice entry paps. this is good.
sa MNL, pag my nanghihingi ng ganyan, food binibigay ko. though puede mo silang bigyan ng pera pero cguro im lucky enough kasi ung mga lumalapit sa kin sumasama naman pag inaya ko kumain. oh hah! hindi takot. lol
the bad thing is pag dinala mo sila sa JB or Red Ribbon, ayaw silang papasukin ng guard and even ung manager gusto silang palabasin. it happened na multiple times but then i insists na kasama ko sila. i know naman business is business pero mahirap din ung kalagayan nila.
minsan, maiisip mo kuntento na ba sila sa ganong buhay? ano pa ung ninanais nilang marating? but one thing is for sure. sila ung mga totoong tao. walang halo ng kaplastikan sa katawan.
pag mayaman na ko (ay mali, pag sobrang yaman ko na, lol) magtatayo ako ng org tapos invite kita. hehehe
i just don't know how to explain..
at some point nabago mo ang pananaw ko.. and I must say na naramdaman ko ang sinasabi mo.. madalas kasi people tend to give dahil sa tingin nila yung ang importante sa ibang tao, pero di ba, wala namang makakapagsabi kung ano talaga ang kailangan ng isang tao kundi ang kanyang sarili...
mejo nahihirapan ako iexplain ang tumatakbo sa isip ko after ko ito mabasa.. pero masasabi kong makapagpabago ng pilosopiya ang akda mong ito.. and for that saludo ako!
minsan ang simpleng bagay ang nagbbgay kasiyahan satin.
madaling sabihin na kuntento tau pero parang may kulang pa rin
okay lang din naman kung pagkain mismo bibigay mo sa namamalimos, kase minsan yung mga yan sindikato in disguise lang, pero ako nagbibigay ako ng tithe kapag meron ako,
:)
Post a Comment