Stayl bulok
Minsan may diskarte tayong sablay o kaya bulok. Pag-iyong babalikan, matatawa ka na lang sa mga pinagsasabi mo. Sabe nga, tats move, kung anong nasabi mo na ay di mo na mababawi kahit kailan.
Dahil wala pa ding pumapasok sa utak ko na magandang isulat, eto na naman ako para maghalungkat ng aking chat archive. Habang binabasa ko yung pakikipagtalastasan ko ke kaofismate@sg (inde ito yung nagsabi sakin ng suplado), natatawa ako sa mga bulok na hirit na binitawan ko sa kanya. Eto yata yung masasabing stayl bulok. Nasa baba yung usapan.
Isipin mo yun, ang hirap pala ibigay ang number sa akin? Napaisip tuloy ako kung ano ba pagkakaiba ko sa iba bukod sa inde nga ako cute? At anu ba basehan ng pagiging cute? Para sa akin nasa tumitingin lang yan. At hindi naman talaga ko cute, pambata lang kaya un. Pang hayskul ba-ga. Saka napansin ko, makapal din pala mukha ko kahit paminsan. Hehe… kunwari pa ko na ayaw ko ng eksposyur pero dumidiskarte din pala sa likod ng kamera. Ganito siguro ko kajologs. Kakahiya mang aminin pwede akong maging nominado maging hari ng sablay. :P
Ngaps, medyo naging trademark ko na ang magcopy-paste ng chat conversation, pero napagtanto ko na parang di na okay na pati yung medyo pribadong buhay ko e naihahayag dito sa blog ko. Medyo baka hindi rin komportable yung mga naiinvolve sa usapan na ilagay ung pag-uusapan namin. Kaya hindi na ko maglalagay ulet ng chat conversation (sana). Eto na yung second to the last, hirit pa ko ng isa next time. hehe...









