Eksposyur


Suplado daw ako.
Halos oras-oras, minu-minuto at segu-segundo ko tong naririnig. Kanina lang, kausap ko ang kaopisina ko sa messenger at may tinatanong sya. Pagkatapos ng pagpapalitan ng linya eto ang naresib kong mensahe.

Hindi naman ako suplado. Yan ang parati kong pagdedepensa sa sarili ko. Bakit naman ako magiging suplado?
One time may nagsabi pa sakin ng personal:
SYA: Bulakbolero napaka unfriendly mo naman.
Awts, sapul hanggang balunbalunan ang paratang nya.
Siguro nahihirapan lang ako mag elaborate ng mga bagay bagay kaya sa bandang huli, suplado ang kinalalabasan ko. Minsan kasi, hindi ako mahilig na magpaliwanag pa. Ako yung tipong pag itetext mo ay magekspek ka na  ‘K’ lang ang reply ko. Maging Masaya ka na nun, minsan kasi pag understood na. Di na talaga ko magrereply sayang ang piso sa katulad kong pobre.
Napagtanto ko din, bata palang ako, ayaw ko na sa masyadong eksposyur. Hindi ko gusto yung natatawag ng titser sa harap para magsulat o magbura ng nakasulat sa pirasa. Nagtatago ako sa banyo pag turn ko na magpanatang makabayan sa flag ceremony. Ayaw ko din ng reporting na madidinig at makikita ako ng aking mga kamag-aral. Dito nga nagsimula yung aking trademark pag nagrereport. Dahil medyo nahilig ako sa pagguhit, gumagawa ako ng tau-tauhan at ididikit ko ito sa stick. Itsurang puppet na sya. Gagawa ako neto ng ilang piraso, para sa mga kagrupo ko, at sa likod kami ng pisara marereport. Hawak hawak ang improvised puppet, nilalaro namin ito na kunwaring puppet show at nagsasalita kami sa likod. Solb! Panandaliang nakatakas si bulakbolero sa bagay na ayaw na ayaw nyang gawin.
Alam ko mahirap yung maging mukhang artista (ehem ehem – ako ‘to). Kelangan mo pag aralan yung tamang ngiti. Hindi mo sila ngiti-an, sasabihin suplado ka. Ngiti-an mo ng bahag ya sasabihin napipilitan ka lang. Ngiti-an mo ng sobra, pakitang tao lang daw. Ngiti-an mo ng tama, malalaglag panty nila(na R18 pa). Saan ka lulugar?
Kahit ano pa man ang gawin kong paliwanag, hindi ko pa din mababago ang isip ng tao tungkol sa akin. Basta ang alam ko, palakaibigan naman ako. Ayaw ko nga lang ng eksposyur. Bow.
 

26 comments:

THiNK+ | April 29, 2010 at 12:21 PM
This comment has been removed by the author.
Madz | April 29, 2010 at 12:23 PM

hahaha pareho tayo pare..college na ko natutong ngumiti sa camera..salamat na lang nauso ang camera phone.. pwede ko ng kunan ang sarili ko sa anggulong gusto ko..haha

sus nagpost pa ng pix.. anong makikita ko jan.. :))

Jepoy | April 29, 2010 at 12:31 PM

akin na nga facebook mo Pre kasi ang landi landi mo feeling mo artista ka?! Sus, marami ka pang dapat matutunan sa pag arte at sa pag ramp model, tignan mo me sanay na...Hihihi

Suplado ka talaga! Aminin mo na!

kikilabotz | April 29, 2010 at 12:45 PM

ganyan talga tayong mga gwapo at artistahin dapat suplado supladuhan. ahahaha

bulakbolero.sg | April 29, 2010 at 2:03 PM

@muse, buti ka pa may camfon, ako gang ngayon walang pambili nyan.

@jepoy, nyahaha.. kelangan ata magpaturo sayu ng pagiging artista. makakuha nga ng artista 101 na kurso.

@kiki, ganun pala yun kaya pala natural lang sa akin pagiging suplado. di ko napansin agad yun. salamat sa pagmulat sa katotohanan.

이 은별 | April 29, 2010 at 2:11 PM

sadyang ganyan talaga ang mga artistahin tulad ko hwahhahaha,,suplada din ako sa personal kasi nga artistahin gaya mo bulakbolero whaha..
Wag lang kalimutan ngumiti minsan dahil ang paparazzi nakaabang sa tabi tabi nyahahha

bulakbolero.sg | April 29, 2010 at 2:13 PM

언니, yun nga inaalala ko ang paparazzi palaging nakamanman. :P pero palakaibigan talaga ko. namimintang lang sila. wahaha.

이 은별 | April 29, 2010 at 2:14 PM

kala ko di mo masusulat name ko wahahaha,,galing nang pagkacopy paste ah hahaa,,joke,,unni here,,,ai ganyn talga insecure sa kagwapohan mo ata haha..

bulakbolero.sg | April 29, 2010 at 2:16 PM

언니, nyahaha.. yep, naligayahan lang ako icopy paste name mo. :)

Jepoy | April 29, 2010 at 3:38 PM

wag mong ibahin ang usapan iadd mo ko sa facebook now na.

이 은별 | April 29, 2010 at 4:50 PM

adik ka bulakbolero haha

bulakbolero.sg | April 29, 2010 at 4:56 PM

@Jepoy, maiba tayo... asteeg yung blog entry mo ngayon ah. \m/ idol talaga!

@언니, thanks po. mwah.

chingoy, the great chef wannabe | April 29, 2010 at 7:02 PM

totoo bang suplado ka? kasi kung hindi at impresyon lang, oks lang un. ang nahalaga, ung pakikipag kapwa tao mo at di ka plastik.. :)

krn | April 29, 2010 at 8:03 PM

next time dapat wala nang takip yung mukha... hehe

Madz | April 29, 2010 at 8:18 PM

@karen: ang arte n0h?plibhasa dmadami na tagasubaybay ...hehe

@bulakbolero: papilit pa si pare...uiii magpopost na yan ng kta ang mukha..bait bait nian...LOL

krn | April 29, 2010 at 8:35 PM

haha, nacurious tuloy ako dahil dyan...

Madz | April 29, 2010 at 8:55 PM

susubaybayan ko nga kung papano mapapayag ni jepoy magpost c pare ng pix nya d2 n walang takip ang mukha or yung maiadd sa fezbuk..haha

bulakbolero.sg | April 29, 2010 at 9:51 PM

@chingoy, dehins ako suplado. namimis-interpret lang siguro kasi matipid ako minsan magsalita.

@karen, mahiyain ako, kaya di ko mapakita mukha ko.

@madz, kaingay eh. :P

mianski | April 29, 2010 at 10:51 PM

tsk! sadyang suplado yata pag artistahin... :D

Madz | April 29, 2010 at 11:41 PM

Amf SUPLADO tlga...

bulakbolero.sg | April 30, 2010 at 12:01 AM

mian, pareg ako sa passion run. wala akong credit card weh. hehe...

muse, nakana. sinu suplado, sapakin natin. :P

Madz | April 30, 2010 at 1:36 AM

Tingin ka sa salamin pare :P m2log ka na lang baka magising ka pa sa kahibangan mo..artistahin yer face...TSE! :))

Sendo | April 30, 2010 at 2:05 AM

kebs nila...haha...ganyan ang hansam guys hehe...nasasabihan rin ako ng suplado eh pero palangiti at palakaibigan naman ako! haha...

bitaw...pakainin mo yang mga yan di na yan magsasalita ...ayan...hehe

Madz | April 30, 2010 at 2:08 AM

@Sendo: kahit la na pagkain basta may pix na kita ang mukha..at acct sa facebuk para kay jepoy :))

2ngaw | April 30, 2010 at 8:13 AM

Hehehe :D Nung nakaraang bakasyon ko sa Pinas, pinakilala ako ng wife ko sa friend nyang girl...nung nakaalis na kami nagtxt ung girl sa wife ko, "Mukhang masungit asawa mo no" lolzz

Akala lang nila yun :D

Napadaan lang at add na rin kita :)

bulakbolero.sg | May 1, 2010 at 12:13 AM

Muse, tsk, inaaway mo na naman ako. :(

Sendo, wahaha. wala na ko masabi... nayayabangan na sakin si muse eh. tahimik muna ko dito.

Lord, yep, kadalasan mali yung unang impression sa atin ng mga babae. bakit kaya? tsk.