ang labo mo

Minsan, napaisip ako kung bakit nahihirapan tayong sagutin yung mga ibang katanungan sa atin. Bakit may mga tanong na nasasagot lang ng OO at HINDI pero ang hirap hirap pa bitawan ang mga katagang ito. Sa aking pananaw lang naman, kaya siguro tayo nahihirapan sumagot ay dahil sa 2ng kadahilanan lang:


(1) Nahihiya tayo iexpress yung ating saloobin

(2) Natatakot tayo na makasakit tayo ng damdamin ng ibang tao


Simple lang, kung ako tatanungin mo.. hindi ko kelangan ng paborableng sagot… hindi ko kelangan na lahat ng sinasabi ng tao sa akin ay makakapag pagaan ng loob ko. O hindi kaya ay magiging proud ako sa sarili pagtapos ng usapan. Ang sakin ay… Hindi ko kelangan ng MAGANDANG sagot ang kelangan ko ay ang MALINAW na sagot. Ang labo ko ba?


Ngaps, meron dapat chat conversation na kasama 'to, pero hindi naaprubahan ng kinauukulan. ;)

11 comments:

domjullian | April 15, 2010 at 4:01 PM

labo nga.hehehe.

minsan naman kasi simpleng oo at hindi lang talaga, wala ng explanation o kung meron man, hindi mo na kailangan marinig pa yung sagot kasi naintindihan mo na kahit hindi sabihin.

ayan. labo din ng sagot ko

bulakbolero.sg | April 15, 2010 at 5:25 PM

dom-j, salamat sa pagbisita... hehe.. malabo nga. ang sakin lang talaga. sabihin mo lang kung oo o hindi, tapos. bat kelangan pa ng smiley.. malay ko ba kung ung smiley na yon eh oo o isang malaking manigas ka dyan. lol

krn | April 15, 2010 at 6:58 PM

may point ka dyan, pero minsan mahirap talagang sagutin ng oo o hindi ang ibang mga bagay. maybe undecided pa. sometimes it takes time to decide.

bulakbolero.sg | April 15, 2010 at 8:03 PM

pero yung tanong ko sa kanya... simple lang, di na kelangan ng time para magdecide.

Sendo | April 15, 2010 at 10:39 PM

gusto ko ang entry na to!...linawin natin..wag nating palabuin ^_^

Anonymous | April 15, 2010 at 11:41 PM

eh baka feeling nya di ka handa sa isasagot nya kaya minabuti nyang maging malabo na lang ( assuming lang ako sa sitwasyon) lol labo!

bulakbolero.sg | April 16, 2010 at 1:00 AM

@sendo, ayus ba? hehe.. salamat.

@buhay prisesa, malamang ganun na nga.

Sendo | April 18, 2010 at 11:43 PM

oo..nakakarelate rin kasi ako..ayoko rin kasi ng malalabo...ayaw ko nga rin sa sarili ko kasi minsan malabo ako hahaha

pilyamaldita | April 22, 2010 at 6:19 PM

kambal, pareho kayo ni jay ng pananaw sa buhay. :D oo or hindi lang ang gusto niyang marinig, next time na ang paliwanag kapag hiningi na niya. minsan kase (kasama ako dun :D) defensive agad, lalo na kung pakiramdam ng magdedeliver eh hindi magiging pabor para sa kanya yung isasagot niyang black/white :P

bulakbolero.sg | April 23, 2010 at 12:13 AM

kambal! ang labo kase... kahit naman hindi ka sumagot may consequence din naman yun... so sumagot ka na... either good or bad... bahala na. atleast malinaw. habang tumatagal kasi lalong gumugulo. :/ labo ko pa din.. wahehe.

iya_khin | June 18, 2011 at 10:31 PM

parang yung twit kahapon ni khanto..hurt me with d truth or tell my lies...lol

para sa aking tell me d truth nalang oo kung OO hindi kung HINDI..kasi mas masakit magpaasa mas malalim ang sugat na idudulot nun. mas mainam isang suntok nalang o isang pasabog para atleast tapos na!