26 com

Eksposyur


Suplado daw ako.
Halos oras-oras, minu-minuto at segu-segundo ko tong naririnig. Kanina lang, kausap ko ang kaopisina ko sa messenger at may tinatanong sya. Pagkatapos ng pagpapalitan ng linya eto ang naresib kong mensahe.

Hindi naman ako suplado. Yan ang parati kong pagdedepensa sa sarili ko. Bakit naman ako magiging suplado?
One time may nagsabi pa sakin ng personal:
SYA: Bulakbolero napaka unfriendly mo naman.
Awts, sapul hanggang balunbalunan ang paratang nya.
Siguro nahihirapan lang ako mag elaborate ng mga bagay bagay kaya sa bandang huli, suplado ang kinalalabasan ko. Minsan kasi, hindi ako mahilig na magpaliwanag pa. Ako yung tipong pag itetext mo ay magekspek ka na  ‘K’ lang ang reply ko. Maging Masaya ka na nun, minsan kasi pag understood na. Di na talaga ko magrereply sayang ang piso sa katulad kong pobre.
Napagtanto ko din, bata palang ako, ayaw ko na sa masyadong eksposyur. Hindi ko gusto yung natatawag ng titser sa harap para magsulat o magbura ng nakasulat sa pirasa. Nagtatago ako sa banyo pag turn ko na magpanatang makabayan sa flag ceremony. Ayaw ko din ng reporting na madidinig at makikita ako ng aking mga kamag-aral. Dito nga nagsimula yung aking trademark pag nagrereport. Dahil medyo nahilig ako sa pagguhit, gumagawa ako ng tau-tauhan at ididikit ko ito sa stick. Itsurang puppet na sya. Gagawa ako neto ng ilang piraso, para sa mga kagrupo ko, at sa likod kami ng pisara marereport. Hawak hawak ang improvised puppet, nilalaro namin ito na kunwaring puppet show at nagsasalita kami sa likod. Solb! Panandaliang nakatakas si bulakbolero sa bagay na ayaw na ayaw nyang gawin.
Alam ko mahirap yung maging mukhang artista (ehem ehem – ako ‘to). Kelangan mo pag aralan yung tamang ngiti. Hindi mo sila ngiti-an, sasabihin suplado ka. Ngiti-an mo ng bahag ya sasabihin napipilitan ka lang. Ngiti-an mo ng sobra, pakitang tao lang daw. Ngiti-an mo ng tama, malalaglag panty nila(na R18 pa). Saan ka lulugar?
Kahit ano pa man ang gawin kong paliwanag, hindi ko pa din mababago ang isip ng tao tungkol sa akin. Basta ang alam ko, palakaibigan naman ako. Ayaw ko nga lang ng eksposyur. Bow.
 
20 com

Lintik na pag-ibig


Nung linggo, pagkatapos ko tumakbo ay lagare ako papuntang Chinese garden para naman sa isa ko pang hilig -- ang pornography. Dala ang aking mahiwagang sandata (camera), tinungo ko kasama ng mga tropa ang Chinese garden para mag photoshoot. Dahil inde ako mahilig sa mga landscape shots (mas trip ko mga paparazzi shots) at pagod pa ako dahil sa marathon, humiga nalang muna ko sa may damuhan. Ninamnam ko yung simuy ng hangin na dumadampi sa aking katawan. Sarap…
Madaming tao sa Chinese garden nung panahong yun. Parang luneta ba-ga. Madaming nagkukumpulang grupo. May mga magsyuta ba-ga. May pamilya. At di maiiwasan na may soloista. Kumuha ng atensyon ko ay yung dami ng bilang ng PaPi relationship o yung Pana-Pinay tandem. Habang nasa ilalim ng punong kahoy, napaisip tuloy ako kung wagas ba talaga yung pag-ibig nila sa isa’t isa. Maaring oo, maari ding hindi. Hindi na natin malalaman kung anu ba talaga yung kasagutan, bahala na sila dun. Ang sakin lang, sadya bang malakas ang loob ng mga pana at talagang Pinay pa ang pinupunterya nila? Ako ah -- para sa akin, dahil pinoy ako, ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa para sakin ay walang iba kundi ang mga Filipina (walang halong biro). So kunwari sumapi ang katauhan ko sa isang pana, mas maattract kaya ako sa ibang lahi? Sa bagay, kanya kanyang panlasa lang yan. Pwede namang tikman lahat ng putahe sa handaan  (pagkain talaga tinutukoy ko dito, nagugutom na kasi ko malapit na maglunch). Back to PaPi relationship, dahil sa dumadaming bilang ng ganitong relasyon sa sg, naisip ko kung anu ba talaga ang kinagusto ng mga Pinay sa mga pana? Lintik na pag-ibig!

Nagtry lang ako kahapon maggoogle tungkol dito. At namangha ako na may yahoo question na pala ang bagay na ito. ETO yun. Nagulat din ako na may sumagot ng ganito “indian guy they're hot”. At may mas iinit pa pala sa akin? Hehehe.. wala lang. Sabi ko nga kanya kanyang pananaw lang yan sa buhay. Bat ba namamakealam pa ko? Hehe… Basta alam ko HOT ako. Yun na yun. Tapos. (kapalmuks mowd on)
32 com

Bastos pala ang pamagat


Linggo.

Isang masukal, mamasa-masa at masikip ang aking pinasok.

Dahan dahan kong sinimulan ang lahat. Unti unti kong nilalakihan ang aking pagkilos. Batid ko na masakit sa simula pero pinilit kong pwersahin. Habang tumatagal lalo kong binibilisan. May mga minutong bahagyang dumilim ang aking paningin dahil na din siguro sa unti-unting nauubos ang aking lakas. Pawisan na ako ng mga panahong iyon. Tagagtak na ito - gumagapang sa buo kong pagkatao. Pawang mga unggol lang ang aking nasasambit sa sobrang pagkahapo. Derecho pa din ako… patuloy-tuloy, pabilis ng pabilis. Hanggang sa naramdaman ko na masasagad ko na ang aking lakas. Binagalan ko ng konti, kelangan tumagal pa. Kelangan idahan dahan muli. Sa mga puntong to, nararamdaman ko na parang bumabayo ang paligid kasabay ng aking mga galaw. Nakakapagod. Kinakapos na talaga ko ng hininga. Kailangan kong tapusin ang aking nasimulan, sa bawat kilos, nararamdaman ko ang magkahalong sakit at sarap. (hinggal)
Malapit na! Ito ang aking nasambit, lampas isang oras na din ang nakalipas mula nung pasukin ko ang makipot na daan. Dito ko napagtanto na kelangan ko na ibigay ang buo kong pwersa. Binilisan ko ulet. Mabilis na mabilis. Oooooooo….
At sa wakas… narating ko din ang rurok.
“Ang lagkit” sambit ng binibini na nadama ang basa kong katawan. Hindi pa ko makapagsalita ng maayos. Kaya ang mala artistahing ngiti ko lang ang sumagot sa kanya. Sa isip isip ko -- Napwersa ako. Pwede naman siguro magpahinga hindi ba?
Sarap ng pakiramdam. Gumagapang na ako ng natapos -- pero solb. Sarap ulit-ulitin. Kumbaga sa Jollibee, ‘isa pa.. isa pa.. isa pang chicken joy’ (nagpropromote lang, baka sakaling pwede akong maging endorser katulad ni pareng Aga).








At yun na nga, natapos ang 15K marathon na sinalihan ko nung linggo na nakakapagod pero solb. Ang hanggad ko nga sa simula ay matapos ko ang takbo at hindi ako yung kahuhulihan na runner. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Nanalo ako! (sabay may nagpalakpakan sa background)… takte, tama na ang ilusyon. Natupad naman ang hanggad ko, hindi ako yung dulo sa takbo, at subrang (exag lang) dami pa ng nasa likod ko. Pero imahinasyon lang na nanalo ko sa takbuhan. 

Yan ang aking race bib.

Paunawa: wala pong kinalaman at kaugnayan ang may akda sa mga tauhan sa larawan. Nagpapiktyur lang sila sa inyong lingkod. Kala siguro nila professional pornographer ako. 
 Okie. Sa susunod ulet. ~poof
22 com

Saan ba ko lulugar?


Bukod sa pagbababasa ng blog, dati, nahilig din ako magbasa ng forum. Madami din akong sinubaybayan na forum. Maraming nakasalamuha at nakilala dahil dito. Ilan sa mga forum na nilakbay ko dati ay PC-experts, sulit.com.ph, auecess.org, mtc, at iba pa… Sa aking pagbubulakbol sa mundo ng forum, may mga babasahin na sadyang nakakahasa ng utak at meron din na nakakakiliti ng isipan. May mga panahon pa nga na masarap magbasa ng mga usapan ng mga miyembro nito, kung panu sila magreak sa isang topic ba-ga. Bilang isang ordinaryong mambabasa, minsan, hindi ko alam kung paano ako magrereak, kung matatawa ba ako o mababadtrip sa binabasa ko.
Isang magandang halimbawa: Kunwari naguusap sila tungkol sa anung putahe ang mas-masarap
Forum Topic: Ano mas masarap Adobong hippopotamus o Adobong bayawak? (isa lang itong halimbawa)
Samu’t-saring reaksyon:

Reaksyon 1: Una ako!
Reaksyon 2: Pangalawa ako!
Reaksyon 3: Pootek kayu, reaksyon 1 and 2, sumagot naman kayo dun sa tanong
Rekasyon 4: Ikaw din di sumagot sa tanong Reaksyon 3. Para sa akin mas masarap ang ang adobong hippo, lalo na kung may bagoong na sawsawan.
Reaksyon 5: Ang panget kaya ng lasa nyang adobong hippo, mas oks pa din yung adobong bayawak.
Reaksyon 6: Adobong hippo pa din ang mas masarap, Reaksyon 5, kung ayaw mo ng adobong hippo, wag ka nalang magreak… hindi naman kami nagrereak na ayaw naming ng adobong bayawak.


Medyo malabo yung kwento ko, pero parang ganito naglalaro yung usapan. Hindi mo malaman minsan kung san ka lulugar. Kung sa bawat naririnig mo ba at nababasa e kelangan may comments at critics palage?

Sa blogworld malabo ka makakakita ng comment na katulad ng mga sumusunod:
-          ang panget ng entry mo ngayon
-          walang kwenta yung sinulat mo
-          hindi ko maintindihan, sayang lang ang oras na nilaan ko
-          at iba pang negative comments
Ang gumugulo lang sa napakagulo kong isipan, bakit ba may nagcocomment ng ‘no comment’? At bakit nga ba wala kang makitang negative comment sa blog entry(kung meron man di pa ko nakakakita- sorry naman)? Hindi ko kasi mapagtanto, kasi sa dami dami ng blog na finafollow ko, hindi ko alam kung kelangan ko bang icomment na nabasa ko na yung blog nila… Yung tipong, ‘oi ikaw, natats mo buhay ko kahit papaano… ‘ para bang ganyan. O sadyang di nalang ako magcocomment mala secret admirer ba-ga.
Ang masasabi ko lang, mula ng nagbulakbol ako sa mga tahanan nio, tinamaan nio na ako.. natats ba-ga. :P Hindi man ako madalas magcomment sa mga blogs nio alam nio na yun! Malamang alamang, may nagpasaload lang sa akin. (Bulakbolero diksyonaryo: Pasaload- ito ay trabaho ng iba pero nagiging trabaho ni bulakbolero in the future. :P)
Awts. Poof!
11 com

Isang kuto sa blogworld

Inilathala ko ang kauna-unahang blog entry ko dito sa blogspot mahigit isang linggo palang ang nakalilipas (April 12 ang eksaktong petsa). Naengganyo lang naman akong magblog dahil sa paguusap namin ng isang tropa tungkol sa politika. Medyo lumulukso kasi ang aking isipan sa mga bagay na tungkol dito. Kung hindi ninyo natatanong, nung bata ako pangarap kong maging kapitan ng baranggay. --putol-

Bakit nga ba kelangan ko magblog?

Wala lang trip ko lang!

Bilang IT, may panahon na pag masyado na dumudugo ang utak mo at gusto mong magrelaks lang… kelangan mo umisip ng paraan para libangin mo ang sarili mo. Doon nagsimula ang aking pagkahilig sa pagbabasa ng blog. Mapapansin nyo sa mga blog na sinusundan ko kung anung mga klaseng blog ang hilig kong basahin.

Naeenganyo ako magbasa ng mga nakakatuwang blogs. Pootek, etong mga blogs na to ang nakakawala ng istress sa trabaho. Kaaliw basahin.

Nakahiligan ko din na magbasa ng food blog, isang bes kasi, naghahanap ako ng masarap na kainan dito sa sg, matakaw kase ako. At ayun, isinuggest ni Mr. google na basahin ko daw si http://ieatishootipost.sg/. Panalo naman, litrato palang nakakagutom na.

At siempre, dahil dakilang bulakbolero ako, hilig ko magbasa ng mga adventure/travel blogs. Dito ko rin na pupulot yung ginagamit kong itinerary sa aking mga pagbubulakbol.

At dito nga nagstart ang lahat. Napagtanto ko… kayo lang ba pede magblog? Siempre ako din… belat. (isip bata pootek)

Alam ko naman na darating din ang panahon na tatamarin din ako magblog at ihihinto ko din tong pagsusulat na to. Na kahit anong piga ang gawin ko sa utak ko, walang idolohiyang lalabas at pawang patak ng dugo nalang (brain bleed kumbaga…wapax) ang tutulo. Alam ko yun, ngayon palang.

Alam ko na medyo boring yung mga blogs ko. Sorry naman, bagito lang… ang hangad ko nga lang ay may mapaglibangan sa mga patay na oras. Wala nga daw pilitan yung pag susulat, magsulat ka pag may naisip ka. Pag wala wag pilitin, kusang lalabas yan. E ako pasaway, pinipilit ko sarili ko na magsulat. Required ako kumbaga. Yaon ang sinet ko sa sarili ko. -- Unang araw na clinick ko ang post button ng blogspot, sabi ko, susubukan ko araw-araw ako mag-uupdate pero ayown, di ko nagawa. Ayus nay un. Atleast medyo unte lang absent ko sa tahanan na to.

Ngayon, may syam na kong followers – mukhang napilitan lang iclick yung follow button. Anu at anu pa man ang dahilan, Salamat sa inyong pagsubaybay (sabay flying kiss). Mukhang hindi na nga kayo madadagdagan. Maghubad nalang kaya ako at ipost ko ang mga scandal na’to dito… baka sakaling madami bumisita. Haha.. juk juk.

Ayown na yon. Tapos na po ang entry para sa araw na to.

~poof

9 com

Tanikala

Kagabi pag uwe ko ng bahay… may isang note sa may punasan namin ng paa .

Nang aking binuklat, isa pala itong singtel postpaid sim.

Hindi ko pa alam magkanu plan per month neto, di ko pa kasi sinubukan, hindi ko pa alam kung gagamitin ko na ba or kung gagamitin ko nga ba.

Wala lang, parang mahirap lang tumanggap ng SiM. Ok lang sana kung pasaload… pero kung postpaid sim… anyenye… ibang usapan na yun.


x0x

Tanikala siguro ang nagdudugtog sa pinoy at sa pilipinas. Mahirap buwagin -- mahirap paghiwalayin. Ako man ay nasa ibang bansa ngayon, taas noo ko na sinasabi na ako ay tunay na Pilipino. Kahit pa halos lahat ng tao kahit sa pinas ay inaakala nila na ako ay isang Instik.

At dahil dyan. Natuwa ako at dumating na nung sabado yung damit na inorder ko ke Pareng Dennis. Pinagpasapasahan din ang damit nato bago makarating sa aking mga palad. Wahehe… Una, Iniabot ng pamangkin ni pareng Dennis ke ermat, si Ermat inibigay sa tropa kong si raph para iluwas sa manila, si raph hinabilin sa pinsan kong si otep para ibigay kay pat dahil iisa lang sila ng pinagtatrabahuhan. Si pat kasi ay pumunta dito noong sabado. At ayun na nga, inabot sa akin ng personal ni pat ang mga damit na aking hinabilin. Salamat sa mga naging involve. :P

Ayus \m/ Proud to be Pinoy!