9 com

irreplaceable


Ay bitin?

Alam mo yung pakiramdam na nasa last stage na, tatalunin mo nalang si Zeus, matatapos na yung ilang araw mong pinagpupuyatan na tapusin na God of Wars. E lagi kang namamatay. Sa kagustuhan mo talagang matapos, pinalaro mo si Kratos dun sa utol mo, natalo nya si Zeus. Natapos ang laban. Tapos na ang game. Nagtagumpay ka na makita yung huling stage. Pero parang bitin. Iba ang nagtapos.


Kontento?



On giving alms...

Unang nabasa ko yung tweet na to, sabi ko bakit ganoon, pagkain na bibigay ayaw pa. inam yan.



Pero ewan. Napaisip ako, baka ang gusto nung namamalimos, hawakan nya muna yung pera kahit saglit lang. Yung tipong dadaan kahit paano sa palad nya. Tapos sya yung bibili at pipili ng gusto nyang pagkain. Sya yung mag-aabot ng bayad sa tindero ng pagkain. Sya yung mag-aalok sa pamilya nya. Tapos baka sa paraan non, maramdaman nya na normal din syang tao. Pwedeng makuntento sa simpleng bagay. Tulad ng tindera sa palengke, na nagbebenta ng mga kung anu-ano para may maipakain sa kanyang pamilya, hindi naman pwedeng pagkain kaagad ang ibayad mo sa kanyang serbisyo.


Sa tingin ko, may mga bagay tayong inaalok sa isang tao dahil sa tingin natin ay yun ang makakabuti sa kanila. Pero di natin alintana na iba pala yung gusto nila. May gusto pala silang mafulfill sa sarili nila para maging kuntento sila. Pero dahil hindi naman natin alam kung ano yung talagang nasa-isip nila, kung ano nalang yung tingin nating oks sa kanila yun nalang yung gagawin natin. Doon nawawala yung ibang klase ng kaligayahan na minsan lang natin maranasan sa buhay natin.


Kontento?




Mabalik tayo sa nepal...

Noong nag nepal ako. Sa eskwelahan kami natulog ng ilang araw. Nagdala kami sa kanila ng mga gamit sa eskwela. Dala namin to galing Singapore. Notebook, libro, lapis, bolpen, eraser, pantasa, bag, etc... Yun kase ang alam namin na kakailanganin nila at magagamit nila. Pero yung pamamalagi ko doon ng ilang araw, napaisip ako, parang dapat iba yung dinala namin, hindi mga gamit sa eskwela. Kase sa ilang araw kong nakita yung mga estudyante, walang pagkakaiba yung kanilang sinusuot na damit. Kung ano suot nila noong unang araw, ganoon suot nila sa pangalawa, pangatlo... hanggang sa pang huling araw namin namalagi doon. Damit na halos hapit at bitin na sa kanila, sira sira at kupas na ang imprenta. Pero yung dala naming mga gamit eskwela, halos lahat ng napunta dun, ganon ang dinadala. Yung isang kwarto dun, ang daming supplies, galing siguro sa iba’t ibang organisasyon na tumutulong sa kanila. Alam mong grateful at thankful pa rin sila sa mga bigay mo. Mababatid mo yun sa mga ngiti nila. Pero siguro minsan, gusto din nila makapag suot ng ibang damit, maliban sa pang-araw araw nilang sinusuot ngayon.


Kontento?


12 com

Taj Mahal attempt = Failed



Pagkatapos kong ma-i-book ang ticket ko pa Nepal at malaman na may halos 16hours na transit time yung pauweng byahe ko mula Delhi to SG ay naeksayt akong planuhin ang pagpunta ko sa Taj Mahal. May nabasa kase akong artikulo sa net na isa yung Agra na City na kelangan mong mabisita bago ka mamatay dahil na din sa Taj mahal.

Ayon sa artikulo dito, ito daw yung listahan ng mga Cities na kelangang bisitahin bago daw matapos ang misyon natin sa mundo. Bilang bulakbolero, siempre gusto ko din sila madayo. Ang mga syudad ay ang mga sumusunod.

Rome, Italy – wala pa talaga kong plano pumunta dito. Baka pag yumaman nalang ako.

Jerusalem, Israel – may planong dayuhin pero wala pa kong pera. Nektime.

Athens, Greece – nektime nalang din to. Pang mayaman din e. lol

Istanbul, Turkey – di ko pa naresearch ano yung mga nakikita dito. Siguro madaming turkey ham dito. Lol.

Cairo, Egypt – niyayaya na ko magpunta dito. Sana ma-eskedyul na next year.

Beijing, China – CHECK. Napunta na ko dito last year. At nakatalon sa pamosong great wall of china.



Paris, France – muntik na ko makapunta nung march. E asa pa ko. Lol. Siguro pag may pera nalang ako saka nalang ipaplano pag punta ko. Hirap magpumilit.

Rio de Janeiro, Brazil – matagal ko ng gustong puntahan to. Isang libo, isang tuwa pag nakapunta ko dito.

New York, New York – CHECK. 2006 ata ako napunta dito (Limot ko na). Saya ng pakiramadam. Unang beses ko magtravel mag-isa. Isa ang Amerika sa bansa na gusto ko.



Agra, India – at eto na nga ang Agra. Simula nang nalaman kong mahaba-haba ang transit time ko sa India, naisip kong kumuha ng transit visa para makapaglibot at siempre makita na din ang Taj Mahal. Tinanong ko agad si Jaki tungkol dito dahil alam kong nag Taj Mahal na sya. Di ko inaasahan ang magiging sagot nya, sarado pala ang Taj ng gabi. Wala din daw kwenta kung di ako makakapasok sa loob ng gate. Medyo nalungkot ako pero wala na ko magagawa. Yun lang talaga yung oras na pwede ako sa India. Sabi nya pede din naman daw mag New delhi nalang. Madami naman daw pwede puntahan dun. Okay na din sakin ang ganun. Bilang si eks-munchkins ay na-onshore sa delhi, sya naman ang tinanungan ko ng mga pwedeng puntahan. Ayon, ginawa kong guide yung mga lugar na sinabi nya at nagresearch na din ako sa net ng mga pwedeng puntahan.

Dumating ang araw na nag transit ako sa New Delhi. Kakaiba ang nasaksihan ko hindi tulad ng inaasahan ko. Maganda ang Delhi Airport, malawak, malinis, progresibo. Paglabas ng airport, ayos din naman. Kahit sinasabi ng lahat na mag ingat ako dahil delikado dun, hindi ko ito naramdaman. Nagrenta ako ng taxi para sa aking pagbubulakbol. Nagkasundo kami ni Kuyang Taxi driver na kokontratahin ko sya sa halangan 1.5K Indian money sa buong paglalakbay ko. Mabait si kuyang taxi driver. Hindi nga lang sya ganoon kagaling mag english. Pag may hindi sya naiintindihan sa akin, laging ”next topic” ang sagot nya. Lol. Para bang iwas pusoy. Naging tour guide ko na din pala sya, sinasamahan nya ko sa mga tourist spot at pilit na pinapaliwanag kung ano ang mga iyon, sa limitadong english na baon nya. Natuwa ako. Mga 10:30 ata ng gabi, nagutom si kuya, habang naglilibot libot ako, bumili sya ng street food. Paglapit ko sa kanya at tinanong ko kung ano yun, sabi nya potato daw. Inaalok nya ko. Pero dahil mukhang binabad sa curry yung patatas, tumanggi ako.




Dahil mabait naman si Kuya, sabi ko kain nalang next stop. Nagtake out ako ng KFC at kumain kami sa may India Gate. Hangsweet lang diba? Lol.

Sumatotal, napuntahan ko lahat ng mga lugar na nakasulat sa naresearch ko, pero dahil gabi na yon, halos sarado na ang karamihan. Ayos lang. Ang mahalaga yung nakita ko at naeksperience.

Masaya ang naging travel ko sa New Delhi. Maiksi pero sulit. (note: malabo pala ang mga larawan kase gabi at fon lang gamit ko.)






Next bulakbol? wala pa. come what may.



12 com

Epal sa Nepal



“I was thinking that it’ll be depressing but I was wrong, the company made it fun.” – Victor Vassiltsov (nabanggit to ni Vik, isang beer session namin sa gitna ng bundok ng nepal)


Kaboom

Medyo mahaba ang byahe papuntang Nepal. ‘Yung byahe mula Singapore to New delhi ay mahigit anim na oras at mula New delhi to Kathmandu ay kulang kulang dalawang oras. Medyo ayus naman yung byahe papuntang delhi. Dahil di ako gaano sana’y matulog sa byahe. Pinagtyagaan ko manood ng mga pelikula sa eroplano at nung nabagot ay nakinig ng mga kanta. Walang anu-ano ay nagpalit ng eroplano papunta ng Kathmandu.

Skedyul na ng flight at wala pa kong katabi sa eroplano. Sa isip ko, sakto, pede akong matulog ng matiwasay sa dalawang oras na nalalabi papuntang Kathmandu. Pero di katagalan. Kaboom! May tumabi na sakin, parang may sumabog na explosives nung tumabi sya sakin. Patay tayo dyan. Di ko matiis. Humarap ako sa bintana. Subalit, makulet ang katabi ko, pilit akong kinakausap, trabahador daw sya sa dubai at uuwi sya sa pamilya nya sa nepal ng 1ng bwan. At yon, pinilit ko na din makapagkwentuhan at di inalintana ang pasabog na dala nya.


First love never dies


Kasabay ng paglapag sa airport ng nepal ay ang pagbungad ng sandamakmak na alikabok sa gusaling aking kinatatayuan. Sobrang liit at luma ng airport. Walang duty free. Simple – payak.

“My Friend, bye” wika ng Nepali na katabi ko sa eroplano. Labing walong oras pa daw ang kanyang bubunuin sa pagbyahe pauwe sa kanyang probinsya, wala daw kaseng airport pa punta sa lugar nya.

Unang gabi ay namalagi muna kami sa Kathmandu. Pangalawang araw pa noong sumabak kami papunta sa Bundok na aming aakyatin at titiran. Papunta sa bundok (di ko natandaan ang pangalan ng lugar), ay medyo mahirap ang byahe. Baku-baku at maalikabok. Yung tipong talo mo pa yung espasol, kase triple coat na ng alikabok ang nasa katawan, damit at buhok mo. Pagdating sa bundok, hapo sa pagod. Kumain ng hapunan at natulog.

Pagkagising kinabukasan... ”Huwaw” nasambit ko sa pagkamangha sa nakita ko nung ituro ng isang kasama ang bundok sa harapan. Hindi ako makapaniwala na makikita ko ang himalayas ng malapitan. Klaro kong nakikita ang mga bundok na nababalutan ng nyebe. Isa sa pangarap na natupad.



Umaga at hapon kaming nag trek noong araw na yon. Pagod pero masaya. Sa sumunod na araw, may mga sumuko na, naiwan nalang sa tinutuluyan naming at di na nagpatuloy sa pagtre-trek. Ako, Ganado. Bumalik na naman ang aking fashion, fusion, tension, passion na mamundok. Nognog na ko, pero walang pakialam, tuloy pa din ang pag-akyat ng bundok. Isang masayang karanasan na umakyat ng bundok kasama ang masaksihan yung lugar na pinamamahayan ng mga nepali. ”Namaste!” pagbati ng mga lokal sa twing may makikitang tao na dumadayo sa kanilang lugar. Sarap sa pakiramdam.


Curry Overload

San ka pa? umagahan, tanghalian at hapunan. Lahat may curry at bilang di ako mahilig sa curry, may kakaibang meal ako. Umagahan, isang plastic ng chocolate biscuit. Tanghalian, isang pack ng chocolates. Hapunan, chocolate biscuit o chocolate, depende sa availability. Sakto. Solb.


The Nepal experience

Taliwas sa isa sa pinakapoborito kong nadayong bansa, ang Japan. Ibang iba ang nepal. Maalikabok, mainit, walang kuryente, puro gulay na may curry ang pagkain. Pero, masasabi ko ngayon, isa na ang Nepal sa gusto kong bansa. Payapa at lahat ng nakikita ko sa aking mga mata, tila nangungusap, mapa tao man o lugar. Balak ko bumalik dito, di ko pa alam kung kelan. Malamang pag inakyat ko na ang everest...












Next bulakbol... India.



16 com

Sempurna

Nakakapagod. Mahabang byahe. Walang concrete na plano. Dugo ilong sa pagkikipag-usap sa salitang banyaga. Nakakapaso ang kainitan ng panahon. Maiksi ang oras sa surfing na highlight ng pag-dalaw sa Bali, Indonesia. Sobrang bitin.



Pero yung makatakas ka sa nakakastress na trabaho. Makasama ang mga kaibigan. Makagala na alam mong ito ang iyong hilig. Lahat ng salita sa taas ay mababawi. SEMPURNA!


at ang pinaka masaya sa lahat. inuman sa loob ng van habang gumagala. \m/



ayon. balik realidad na naman. balik Singapore na naman ngayong umaga. ako na ang naka-sick leave na umitim. kainaman yan.


Next bulakbol... Nepal.

15 com

E ano daw


Dahil wala naman ako magawa sa eroplano kanina at gaya-gaya ako. Eto daw yung listahan nung mga gusto ko sabihin sa mga tao na bahagi ng buhay ko. Eto ay pinasimuno ni aia sa blog nya pero muling binuhay ni salbe at biglang nabuhay ule.



1. Andami ko pagkukulang at pagkakamali sayo. Gusto ko sana bumawi pero bigla ka nagpakasal sa iba. Gayumpaman. Natauhan na ko, at alam mong ikaw ang naging dahilan kung bakit ko natutong pahalagahan kayong mga babae.

2. Pangarap ka nalang talaga.

3. Sa larong tinatawag nating buhay, kailangan nating matutunan na pahalagahan ang bawat bagay. Isipin ang bawat hakbang. Magtiwala.

4. Salamat.... Sa lahat lahat.

5. Idol kaya kita.

6. Sabi mo nga pag tunay na kaibigan, kahit di magka-usap ng matagal magkaibigan paden. Kaya yon pass na muna ko. Pag kailangan mo naman ako andito ako parati, pangako yan. Sa tingin ko ngayon, di mo naman ako kelangan saka tapos na misyon ko, naging espesyal ka ule sa mga kaibigan mo. Natutuwa ako, Ok na lahat.

7. Hindi talaga ko kumportable kumausap sa mayayabang na tao, pasensya na. Lalo na kung ang pinagyayabang mo e puro hangin lang.

8. Woi! Ayusin mo yung trip sa cambodia. Inam yan. August 18-20 ako pede.

9. Nakakatuwa na kahit ym nalang yung komunikasyon natin mula nung college, e kahit papaano e kinakamusta mo pa rin ako. Mababaw talaga kong tao. Yun lang masaya na ko.

10. Woist! Masarap ba ko? Nakailang ulet ka e. sabi mo patikim lang. Lol!

11. Marahil hindi ako magaling. Wala akong kwenta, at walang kahit anu paman. E yun naman talaga ko. Di ko tinatanggi.

12. Gusto ko talaga tumulong. 100% pero wala ako magawa naiipit ako.

13. Natatawa ako sa sarili ko paminsan. Sobrang baliw na ata ako. Kahit ginawa mo lang ako taga dala ng tripod, binasted ng makailang ulet pero pag nagrequest ka. Inam... Eto ako nanginginig pa.

14. Tagal na pala natin di nagkita at nagkausap ano? Naalala lang kita ngayon. Bigla ko namiss kagaguhan natin dati sa sm mega. Lol. Chix hunting tayo dun. Tapos i assess natin kung pang ym ba na may webcam o pang chat lang. Lol!

15. Alam ko nakukulitan ka na sakin sa palagian kong pag sabi sayo ipasok mo ko dyan sa kumpanya mo. Please.. Ulitin ko ule ngayon. Gusto ko talaga kase magtrabaho dyan sa tate!

16. Kainaman yan. Tumatanda na ba? Hehe... Ang rayuma nadadaan lang sa takbo, salamat pala sa pagiging tropang tunay, lalo na pag may problema kame e ikaw gumagawa ng paraan para magkita kita tayo at gumaan man lang pakiramdam.

17. Gusto ko talaga magtayo ng bar. Pautang. Lol!

18. Nalungkot ako, bigla ka nalang nagbago.

19. Sorry... Lagi ako tumatanggi sa imbitasyon. Di naman sa tumatakas o nagtatago, may mga bagay lang talaga na di talaga pede.

20. Hirap pala netong listahan na 'to. Pero ayan natuloy naman pangako ko na gagawa din ako.


Ayown lang. \m/