39 com

when i see you smile...


BMIM
Blog Mo, Ipasuot Mo.


Salamat....

salamat ke Mads na sya nag-asikaso lahat ng kelangan bilang wala naman ako sa pinas.

salamat ke PaQ na sinali ang blog ko sa adhikain ng grupo nila.

salamat ke Ser Jkul na sya ata yung dahilan kung bakit madaming nagbigay tulong din noong araw nayon. nakng.

salamat ke Poi na kahit galing ilo-ilo e derecho tumulong sa pa-outreach ng BMIM.

salamat ke Joleah na lagi nagtetenkyu sakin, e ako nga dapat magtetenkyu dapat sa grupo nila.

salamat sa lahat ng miembro ng bmim.

salamat sa mga bata...





April 21, 2012
Brg. Tatalon, Araneta Ave. QC.




Sa mga nais makibahagi sa adhikain ng grupong BMIM, maari pong kontakin si pablo quaderno o sino mang miyembro ng BMIM.





41 com

it's not the place it's the people


Magpanggap na travel blogger daw muna ako.




Noong biernes ng gabi (April 13) hanggang kagabi (April 18) ay dumayo kami sa Taiwan, kasama ang mga tropa.






Para sa akin, hindi ko ganoon ka trip ang taiwan. Sa mga Asian country na napuntahan ko, Japan parin ang best para sa akin. Subalit, ang importante naman talaga doon ay yaong pakiramdam na naexplore mo yung lugar, nadiskubre mo yung culture ng ibang bansa at yoong nakapagbakasyon ka sa trabaho. Bonus pa ang mga kasama mo sa byahe.


Sumatotal, masaya ang naging bulakbol ko sa bansang ito.








Nagfood trip...pero di taiwanese food. kainaman.



Pero nagfood trip din naman ng taiwanese food.



Nakakita ng mga wirdong pagkain.




Naswerte din pala kame sa lugar na pinag-stayan namin. Nakamura kame kase nagrenta kame ng isang buong apartment na may tatlong kwarto at dalawang banyo. malaki ang apartment sa aming anim. kaya sulit. Isa sa okay doon ay libre ang pick-up namin mula aiport hanggang bahay. maasikaso yung may-ari ng apartment. may wheels sya na pwede kayong magpatour at mas mura kesa sa normal na van rental ang singil. Isang nakakatuwa ay, noong tinour nya kame, pinagbaunan nya pa kame ng pagkain (walang singil), kasama ang mainit na tinapay sa breakfast. may dalawang bisikleta din sa bahay na pwedeng gamiting kung gusto mag bike w/in taipei. Libre din pala yung wifi sa bahay. Kung sino man ang pupunta ng taipei, highly recommended ko yung apartment na nakuha namin. \m/ Mayroon silang site, pede kayo dumalaw sa blog na 'to (Taipei Apartment). Nasa babang larawan yung kwartong tinulugan ko at banyo.




Ayown lang. mahirap pala mag travel blog. LOL. Hanggang sa muli... 

Bulakbol's next destination Bali, Indonesia.



47 com

my universe will never be the same, glad you came



Dalawang taon na ang nakalipas.
Naging tambayan.
Naglabas ng samu't-saring emosyon.
Nagalit.
Natuwa.
Nagtiwala.
Nawalan ng tiwala.
Humanga.
Umibig.
Nabigo.
Naging panatiko.
At naging kritiko.

Dalawang taon.
At sa mga nakibahagi.
Maraming salamat.


(una akong nagpaskil ng entry sa blogspot noong ika-12 ng abril 2010)

The most important part of the meet-ups was the thought of building the connection of friendship and putting the puzzle pieces together, from the stories read and the author itself. But the big question is... Who among them will stay and who among them pass by only to say hi and goodbye at the same time? – roanne