23 com

Closing Time



"Every new beginning comes from some other beginning's end..."


dalawang taon at anim na buwan din yon.
maraming salamat sa lahat ng sumamang makipagbulakbol.
hindi ko talaga mundo 'tong pagbloblog, hayaan na natin sa talagang karapat-dapat.
\m/


bulakbolero sa sg, signing off...
15 com

Kahit ano lang



  • October na.
  • Wala pa din akong makitang pinagbebentang bar na pwede kong kunin para magsimula ng negosyo.
  • May nakita akong ad, resto space ang binebenta… kinontak ko na kung baka pwedeng iconvert sa bar. Pinabisita ko na din sa tropa ko para macheck kung oks yung lugar. sabi nung last weekend daw o kaya nung last Wednesday. Kainaman yan, hanggang ngayon di pa din pinupuntahan. (at ako na ang demanding kahit humihingi lang ako ng pabor... sorry naman).
  • Lablayp ko parang iphone 5 laang
  • Uuwi na daw sa pinas si '@', wala namang nabanggit kung anong plano nya sa pinas. Pero sa'yo '@' kung san ka masaya suportahan taka. Ayown, kaya catch-up, catch-up ang tropa dito pag may time. Woist. Mamimiss ka namin, paramdam ka kahit nasa pinas ka na.
  • Hindi ko na naman gusto ang trabaho ko ngayon. Palagian na naman akong nakikipag debate sa opisina. Tsk.
  • Kelan kaya ako magkakanegosyo para pahinga muna sa trabaho?
  • Namiss ko yung isang tropa ko. kahit kasi limitado lang yung mga istoryahan sa buhay ko, yung limitado na ‘to sa kanya ko lahat nakwekwento. Kaso lahat talaga nagbabago. Nalulungkot ako. Pero tama naman ang desisyon nya. Hindi naman talaga ako yung tropa na kelangan ikeep. (umeemo lang. lol). Kahit di na  tayo dikit, lagi mo lang isipin pag nahihirapan ka na. ayus lang yan... God is always with you. \m/
  • Dami nagtatanong sakin sa chat, tawag sa phone, personal, at kung saan saan pa (oo ganyang talaga kadami) kung kamusta na daw sg bloggers, wala na daw kitaan, ano na daw update. Sorry naman, wala din ako balita. Busy siguro karamihan.
  • Nag ninong pala ako sa binyag nung September. Virtually nga lang. haha. Kase taga Japan ang tropa ko at dun ang binyagan ng anak nya. Katuwang ko daw sa binyag half pinay-half haponesa. Mukhang panalo no? haha.
  • 2weeks ago na ata yun, tinanong na ako sa ofis kung magrerenew na ko ng contract, mapapaso na kase sa end of dec. Sabi ko pag malapit na mapaso saka nila ko tanungin ulit. Kasi ngayon pag tatanungin nila ko ang isasagot ko lang, “ayaw ko na”.
  • Mahirap pala maging boxer? LOL
  • Nakipagkita ko kay '$' nung isang gabi. Sumalisi kami sa asawa nya (lol… joke). Nagdinner lang naman kami sa isang japanese resto at nag kape sa coffee bean, pagtapos nun uwi na (tunay to!). nagcatch up lang naman (kamustahan ganun). Tagal na din kasi naming di nagkausap ng personal. Nakakamiss din yung mga biruan at konting landian lambingan. (lol… walang malisya ‘to. Magkaibigan lang. Tuldok)
  • May mangilan ngilan (mga isa) din palang nagtatanong kung bakit daw puro repost ang mga nilalagay ko ngayon sa blog ko. Sorry naman, wala talaga kong maisulat.
  • Eto ngayon, wala na din uli ako maidagdag sa post.
  • Gang dito nalang ata yung post ko?
  • Ngaps, naka iphone 5 na pala ko… (nagyayabang lang… haha)
  • The end.



14 com

Suko na 'ko


Isang usapan natin, nasabi ko sa’yo na tayo ang nakatakda. Natawa ka, sabi mo hindi ka naniniwala na may nakatakda talaga.

Ang sabi mo, Tao ang pumipili ng kanyang kapalaran. Walang nakatada. Sya ang pipili ng daan at Sya din ang huhubog neto. 

Okay suko na ko. Tama ka na. Taas na kamay ko sa’yo. Hindi uso yang nakatakda-takda na yan. Hindi tunay at walang basehan.

Sige, ako ang dapat pumili ng kapalaran ko. 

May napili na kong daan. 

Ang daan patungo sayo, daan para makilala ka ng husto. Hindi man ito nakatakda, eto ang daang gusto kong tahakin…


====
Destiny man o hindi, kung para sa'yo para sa'yo. kusa nga daw dumadating ang pag-ibig. hindi hinihintay. bigla ka nalang mauuntog, yan na pala. hayst. sarap ng pakiramdam talaga ng inlab.

Suko na 'ko, una kong pinaskil noong February 17, 2011.
12 com

Liham Para Sa’yo


Soulmate,

Kamusta ka naman dyan?  Alam ko mahilig ka magbasa kaya malamang nagbabasa ka ngayon. Siguro binabasa mo ngayon yung mga paborito mong akda. O hindi kaya nagbloblog hop ka. Possible ding itong liham ko ang binabasa mo.

Gusto ko lang naman sanang magpasalamat sa’yo na dumating ka sa panahon na nalulumbay na ko dito sa Singapore. Hindi ka naman naging payaso para pasayahin ako, pramis! Siguro, kelangan ko lang din ng soulmate at dumating ka. 

Patawad na din pala sa pag-gamit ko ng term na soulmate. Hindi ka naman kase nagrereak pag binabanggit ko to, bagkus e tumatawa ka lang. Bilang mapag-feeling, Inassume ko na baka okay lang naman sa’yo na tawagin kitang ganito. Kung ayaw mo, e palitan nalang natin… sabihan mo lang ako. Naisip ko nga, Jodi nalang kaya ang itawag ko sa’yo? Naks! Napansin ko kase may pagkahawig kayo ni Angelina Jodi este Jodi Sta. Maria pala. At malamang di naman ako nagkamali, kase nung tinanong ko sa’yo kung may nakapagsabi na neto sa’yo, sabi mo meron naman. 

Ano nga ba yung panama ko sa may kamukhang artista? Wala malamang! Pero dahil feeling ako. Sige na nga, papatulan ko na yan. May kamukha din naman akong artista ah… Si idol bearwin meily. Yahoong yahoo. Hehe.

Nga pala, di pala ko mahilig magbadminton. Di nga ako marunong non (yata) pero sige pag nag-aya ka, sasama ko. Pwede naman siguro maging audience lang don dba? Sa tingin ko kase mas enjoy kung bumili nalang tayo ng isang gallon na ice cream, magkwentuhan sa mga bagay-bagay, pagtawanan yung mga nabasa nating nakakatawa at maging madrama sa mga emo na sulatin. Tapos, hindi natin namamalayan ubos na pala yung isang gallon ng ice cream na kinakain natin. Hangtakaw lang.

Okay din siguro na tumakbo nalang tayo. Tingnan natin kung matatapos mo yung 5K. bonding na din yon di ba? Tapos pag di mo na kaya, edi bubuhatin nalang kita. Ang sweet kaya non. Nilalagam na nga ako ngayon sa pwesto ko habang sinusulat ko to. Sorry, Adik lang.

Sige hanggang dito nalang muna siguro. Baka masyado ka ng mahabaan sa sulat ko, ang sabi mo pa naman sakin natatamad ka magbasa ng masyadong mahaba. Baka tamarin ka at di mo pa mabasa to. Kaya ayown.

Ingat parati. Miss you.


Ang iyong feeling Soulmate,
bulakbolero sa singapore



=====
Tapos na ang labstory ni bulakbol ke soulmate. Magkaibigan naman kami ngayon. at kasalukuyang masaya si soulmate sa kanyang lablayp. Ganoon naman talaga ata ang pagmamahal. hindi naghihintay ng kapalit.


Liham Para Sa’yo, Una kong na-ipaskil noong February 16, 2011.

8 com

Blogistang Bulok


Blogistang Bulok
(unang nailathala ni bulakbol noong June 17, 2010)

Limitado.
Noong una, akala ko ang blog ang magiging dahilan para isulat ko ang lahat ng aking saloobin.
Noong una, akala ko maibubulaslas ko dito kahit anong bagay na ninais kong ipahiwatig sa mundo.
Ganoon din pala.
May mga bagay na hindi mo pwedeng sabihin dahil na din may ibang makakabasa na alam mong hindi nya dapat ito pwedeng malaman.
May mga salitang di pwedeng bitawan kasi may masasaktan.
May mga pangyayaring hindi pwedeng ibunyag kasi walang madudulot na mabuti.
Limitado pa din ang mga bagay-bagay.
Minsan dapat mo itong pangalagaan at protektahan.
Hindi dapat mabunyag at hindi dapat malaman pa ng iba.
Hindi lahat ng nadidinig mo, kelangan mo sabihin sa ibang tao.
Hindi lahat ng nakikita mo, kelangan malaman ng nakararami.
Hindi lahat ng bagay, pampubliko.
Minsan, kelangan natin matutong itikum ang bibig at tumahimik nalang.
Katulad ng punyal, matalim ang dila.
Bawat salitang kanyang binibitawan ay kelangan pagplanuhan.
Minsan hindi mo alam nakakasakit ka na pala.
Yaong minsan na ito, hindi mo na mababawi, nakatarak na sa taong sinabihan mo.
Wala ka ng magagawa, checkmate na.

Dahil dito, parang nakikita ko, limitado pa din ang aking mga nailalathala.
Walang kwenta!

====

Pagkabasa ko na'tong muli. naisip ko. ganito pa din stand ko. blogistang bulok pa din ako kahit dalawang taon na ang nakilapas.

bulakbol's current mood:

larawan galing dito

14 com

Eksposyur

Eksposyur
(Unang nailathala ni bulakbol noong April 29, 2010)



Suplado daw ako.

Halos oras-oras, minu-minuto at segu-segundo ko tong naririnig. Kanina lang, kausap ko ang kaopisina ko sa messenger at may tinatanong sya. Pagkatapos ng pagpapalitan ng linya eto ang naresib kong mensahe.




Hindi naman ako suplado. Yan ang parati kong pagdedepensa sa sarili ko. Bakit naman ako magiging suplado?

One time may nagsabi pa sakin ng personal:

SYA: Bulakbolero napaka unfriendly mo naman.

Awts, sapul hanggang balunbalunan ang paratang nya.

Siguro nahihirapan lang ako mag elaborate ng mga bagay bagay kaya sa bandang huli, suplado ang kinalalabasan ko. Minsan kasi, hindi ako mahilig na magpaliwanag pa. Ako yung tipong pag itetext mo ay magekspek ka na  ‘K’ lang ang reply ko. Maging Masaya ka na nun, minsan kasi pag understood na. Di na talaga ko magrereply sayang ang piso sa katulad kong pobre.

Napagtanto ko din, bata palang ako, ayaw ko na sa masyadong eksposyur. Hindi ko gusto yung natatawag ng titser sa harap para magsulat o magbura ng nakasulat sa pirasa. Nagtatago ako sa banyo pag turn ko na magpanatang makabayan sa flag ceremony. Ayaw ko din ng reporting na madidinig at makikita ako ng aking mga kamag-aral. Dito nga nagsimula yung aking trademark pag nagrereport. Dahil medyo nahilig ako sa pagguhit, gumagawa ako ng tau-tauhan at ididikit ko ito sa stick. Itsurang puppet na sya. Gagawa ako neto ng ilang piraso, para sa mga kagrupo ko, at sa likod kami ng pisara marereport. Hawak hawak ang improvised puppet, nilalaro namin ito na kunwaring puppet show at nagsasalita kami sa likod. Solb! Panandaliang nakatakas si bulakbolero sa bagay na ayaw na ayaw nyang gawin.

Alam ko mahirap yung maging mukhang artista (ehem ehem – ako ‘to). Kelangan mo pag aralan yung tamang ngiti. Hindi mo sila ngiti-an, sasabihin suplado ka. Ngiti-an mo ng bahag ya sasabihin napipilitan ka lang. Ngiti-an mo ng sobra, pakitang tao lang daw. Ngiti-an mo ng tama, malalaglag panty nila(na R18 pa). Saan ka lulugar?

Kahit ano pa man ang gawin kong paliwanag, hindi ko pa din mababago ang isip ng tao tungkol sa akin. Basta ang alam ko, palakaibigan naman ako. Ayaw ko nga lang ng eksposyur. Bow.


 
====

Scheduled post 'to at ang ika-dalawang repost ko ngayong linggo.

Nung namimili ako ng mga posts na pwede kong i-repost at nabasa ko uli 'tong akda kong 'to. natawa lang ako. naisip ko kase, ayaw-ayaw daw ng eskposyur pero parang ngayon masyado na kong ekspose dito sa blogworld. kainaman laang.

Pero naisip ko, mas mainam pa din siguro na parang naging anonymous blogger nalang ako. Pinasakit din kase ng blog na 'to ang ulo ko. Takteng yan, pero yun nga tatsmuv already, wala na kong magagawa. eto na to eh. yaen na.


Bulakbol's current mood:














larawan galing dito

10 com

Vente lang si Ligaya


Vente lang si Ligaya
(unang napaskil ni bulakbol noong April 13, 2010)

“Tara OT tayo”
… naiisip mo ba ang naiisip ko? Malamang kung magkatulad tayo ng kinaroroonan ngayon, magiisip ka pa kung ano ba ang nais kong ipahiwatig. Dalawa kasi ang ibig sabihin neto dito. Kung ang ginagalawan mong bansa ay maliit lang tulad ng kung saan ako naroroon, malamang alamang, pamilyar ka na sa mga lugar nito. At siguro kung nandito ka nga, alam mo na ang OT, TP at Geylang. Sa mga hindi nakakaalam, bigyan ko lang kayo ng backgrounder… etong mga lugar na to ay lugar ng sambahan (banal lang).
Minsan nasa MRT kami ng isang tropa, napag-usapan namin ang nakakapagod at nakakatamad na araw sa trabaho. Biglang naglaro sa isip naming kung ano ba ang trabaho na kung saan, mageenjoy ka na kikita ka pa. Hindi ko akalain na masasambit ng aking mala anghel na dila ang isang trabaho na kung saan di tanggap ng karamihan. Ang mga susunod na salita ay di na saktong konsepto ng usapan:

AKO: alam mo, parang ang pinakamadaling trabaho ay yung pagbebenta ng laman, isipin mo nasasarapan ka na, kumikita ka pa.

SIYA: ~di ko na tanda kung nagreak ba sya o nabastusan sa akin~

AKO: Isipin mo, di ka na magpapakahirap mag program, walang debug debug.. at higit sa lahat, habang kumikita ka.. napapapikit mata ka pa.. lol (babuy lang)

SIYA: ~nakikita ko medyo may pag-sang-ayon sa mukha~

AKO: Sa totoo lang naisip ko na din magbenta ng katawan… hirap kaya mawalan ng trabaho… mapakinabangan man lang yung maalindog kong katawan.

SIYA: ~muntik na masuka sa nadinig~


Putulin na natin dito, masyado ng censored ang mga susunod na salitain baka MTRCB pa tong blog ko. Wala akong gusto pahiwatig sa naturan ko sa taas. Pasensya na kung may masama akong nasabi. Sa totoo lang, kung wala nga ako trabaho ngayon, malamang alamang pasukin ko yung trabahong yan. Di ko kaya kaya magutom at magmafia lang maghapon sa feysbuk. Kakabagot kaya yun.
Subalit, datapwat, kumokontra etong trabahong eto sa aking motto in layf. Lol. Hayskul palang, eto na paborito kong isulat sa slambook ng mga nagpapaautograph sakin: ‘When you love someone sex her free’. So panu na? e magagawa mo naman pala ng libre bakit ka pa magbabayad? E kung vente lang si ligaya papayag ka ba? Ewan, baka, siguro?! Tapos ang laban, sabog ang sabaw…
Ganito nga siguro ang buhay OFW, madaming challenges, madaming pagsubok, madaming tukso. Nasa tao nalang kung paano nya ihahandle ang mga ito. Minsan, si ligaya nasa tabi mo lang, minsan hinahanap mo sya at di mo mabanaagan. Ang labo. Hay layf. Kaya dumadating ang panahon, naiisap mo mag OT para magpatangay lang sa agos ng buhay. Pag OT kasi ang bilis ng oras… agos lang ng agos… sumisirit ng mabilis… hay solb…
O ano, OT tayo?


= = = = = =


Setyembre na. Kung nasa pinas laang ako ngayon, edi sana’y nakakadinig na siguro ako ng mga awiting pamasko di ga? Kakamiss laang hane? E wala e, dakilang ofw laang tayo, kelangan kumayod para sa pamilya.

Hayst...

Ngaps, mag rerepost lamang po ako ng ilang mga naipaskil ko na dito sa blog ko (mga ilang post laang nama, mga 100 ganon. LOL). Pootek. Wala na talaga kong maisulat kase, e dahil nga magpapasko na, madaming inaanak, kelangan ng hits ng nuffnang. Pagpasenyahan nalang ho. Sinimulan ko na sa pagpapaskil uli ng akda sa taas.


Bulakbolero’s current mood:

(imahe galing dito)
10 com

Enough is enough



- Lance Armstrong





minsan...
tumitigil ang tao hindi dahil sawa na sya.
hindi dahil ayaw nya na.
hindi dahil nahihirapan na sya.

kundi dahil...
paulit-ulit na nangyayari ang mga bagay-bagay.

na kahit paulit-ulit...
walang nagiging pagbabago.

at anupamang gawin o sabihin nya...
ganun parin ang kahihinatnan sa bandang huli.

na darating sa puntong...
kailangan nang tumigil, para matapos na.

kailangan nang magpaubaya.
para may lumaya.

kailangan nang magsakripisyo.
para sa ikaliligaya ng iba.

'yun naman talaga ang pinakamahalaga...
'yung alam mo kung san ka lulugar.
'yung alam mong hanggang doon nalang ang kaya mong itulong.
'yung alam mong mas mahirap para sa kanya kung nandyan ka.
at 'yung alam mong sa pagbitiw mo, mas magiging ok sya.



====
napahanga ako sa pagpapaubaya ni lance armstrong sa sinampang kaso laban sa kanya, kaya ako napasulat. sinakripisyo nya ang kanyang karangalan, katayuan sa buhay at kredibilidad para lang matapos na ang lahat.



6 com

one last kiss

7 com

how wonderful life is while you're in the world




isang nakakatamad at ordinaryong araw...


nagkwentuhan si "me" at si "blank"




bakit kaya pursegido si "blank" sa paghahanap ng mapapakasalan ni "me"?

a. supportive lang talaga si "blank", gusto nyang maging masaya ang eks nya na si "me".

b. nakukulitan na si "blank" kay "me", kaya sa tingin nya, pag nakapagpakasal na si "me" titigilan na sya neto sa pangungulit.

c. may kakilala si "blank" na may gusto kay "me" kunwari lang na hahanapan nya si "me" pero may naka linya na talaga. (feeling gwapo lang kunwari si me)

d. wala sa nabanggit.



21 com

Durex


Tiwala.


=====


 


hindi ko alam kung bakit nag i-stock pa din ako ng condom e di ko naman trip ang pakiramdam pag gumagamit neto. Dahil ba walang tiwala sa withdrawal skills ko? LOL








=====


kausap ko si (BLANK) nung isang araw, sabay kase kami nakikinig ng magic 89.9, tapos may topic tungkol condom. Sabi nya elibs daw sya sa mga lalaking nagdadala ng condom parati. Patay tayo dyan. Mukhang mawawala tiwala nya sakin pag nabasa nya ‘to.



=====


Ang nakakatakot sa pagtitiwala? Madaming nang-aabuso.

(imahe nakuha lang sa kung saan, salamat sa may-ari)


=====


May isang usapan kami ni eks na hinding hindi ko makakalimutan kahit anong mangyari.


Bulakbol: Bat di ka natakot? Iniisip mo bang hindi ka mabubuntis o pag nabuntis ka papakasalan kaagad kita?

Eks: Kahit ano naman, ayos lang sakin, nagtitiwala naman ako sa’yo.


=====


Yung tiwala, masarap ibigay kahit kanino. E paano kung ang binigyan mo ng tiwala e isang dikit sa’yo, tapos biglang malaman mo na yung mga bagay na sinasabi nya sa’yo pawang kasinungalingan. Magtitiwala ka pa ba?


=====


Mahirap din humusga. Mayroon na din kasing pangyayari sa buhay ko na nawala ko ang pagtitiwala ng isang tao sa akin. Ngayon bumabawi naman ako. Sana makabawi kahit huli na. Huli man daw at magaling, gwapo pa din este huli pa din.



=====


Kainaman, napapost tuloy ako ng topic tungkol sa tiwala dahil sa tulang ginawa ni diwangbughaw. Na-emo kase ko bigla nung nabasa ko yung entry nya. Kung di nyo naitatanong dumadaan ako ngayon sa matinding pagtatanong sa sarili kung dapat ba ko magtiwala sa isang tao na akala ko e bahagi ng buhay ko. (gumaganoon ang bulakbol? nyahaha)



11 com

may niluluto





pangnagdaan...


Unang napaskil ang bidyo dito








pangkasalukuyan...


larawan galing ke jepoy








panghinaharap...





Mga iba pang teaser:
Kay



5 com

Halaga




2 com

How to install iOS6 on your apple device


You don't need to wait for an official release of apple before you install iOS6 on your device. Iphone developers show a way on how to do it. Below are the steps that you need to do in order for your device to be upgraded with the new version.

1.       Make sure you have the latest version of iTunes (version 10.6.3) in your PC.
2.       Download here the iOS 6 beta file for your device. 
3.       Unzip/convert the .dmg file to .ipsw
4.       Open your iTunes.
5.       Plug in your device (note: do some back up first).
6.       Look/click for your device name on the left panel of the iTunes window, then in the main panel, search then click on the ‘Check for Update’ button (while holding on the option key).
7.       Select the iOS 6 .ipsw file you have downloaded/extracted and install it (it will take few minutes to finish the installation).
8.       Finish.



12 com

KM3: Tinig-Sintunado [hindi-lahok]


Gusto kong sumigaw ng malakas ngayon. Dito kung saan ako nakaupo. Sa harapan ng de-kuryenteng kwaderno. Kung mamarapatin lang. Kung posible lang.

Pinoy ako. Sa isip. Sa puso. Sa diwa. Sige pati na din sa gawa. Istura? Oo naman.

Pinoy ako pero wala ako sa pinas. Nagpupumilit makipagsapalaran sa ibang bansa para sa pamilyang naiwan sa pinas. Mahirap. Malungkot. Pero ito ang nakatakda sa akin.

Sa kalagayan ko ngayon, pinoy na wala sa sariling bansa, pag nagsiwalat ba ako ng tinig ito ay maririnig?

POOOOOOOOOOOOOTEK!

Gusto ko umuwi ng pinas pero masyadong masalimuot. Mas madali pang pumunta ng ibang bansa kaysa ang pag-uwe ng pinas. Bakit kelangang bayaran ang isang kapirasong papel na nagkakahalaga ng halos dalawangdaang piso para lang makabalik sa pinagtatrabahuhan kung sakaling umuwi sa ng pinas? Bakit sa pagkuha ng kapirasong papel na ’yon kailangang pumila ng halos kalahating araw at kung mamalasin ka pa, ubos ang isang buong araw mo. Bakit paulit-ulit na kelangang isulat ang mga bagay tungkol sa sarili para makakuha ng papel na yon? Bakit di sapat ang ID? Ang labo lang. Alam kong madami nang nagrereklamo sa makalumang sistema na ito ng embahada. Pero walang nakikinig sa bawat tinig na sinasambit. Ganoon ba kasarado ang bansa ko sa pagbabago? Kung gusto nilang pabayaran ang serbisyo nila, wala namang problema doon, pero ayusin naman sana nila yung sistema nila.  

Bulok. Masakit mang aminin pero yan talaga ang deskripsyon kung ano yung sistema ngayon ng embahada ng pilipinas kung saan ako naroroon ngayon. Kailan kaya nila balak makinig sa tinig ng mga taong nakapalibot sa kanila? Simpleng pagbabago lang sana. Konting kaayusan. Konting sistema. At pag-akap lang sa mabilis na pagbabago ng teknolohiya ngayon. 2012 na, lahat Computerized na, tayo... sulat kamay – tipa sa makinilya. Nakakalungkot.

Mahal ko ang bansang Pilipinas. At dahil concern ako sa kanya, gusto ko sana mabago yung mga panget na nakikita ko. Mali ba yon?



Joel dela Cruz po... isang OFW. Paos. Sintunado. Pero umaasang balang araw madidinig din ng kinauukulan ang aking tinig at magiging maayos din ang sistema ng mahal kong bansa.



= = = =

Ang akda kong ito ay may relasyon sa naipost ko dati dito sa blog ko: ”Ang hinagpis ng isang simpleng OFW”. Nalulungkot lang ako na sa pagsasabi ko ng napansin ko sa embahada, na baka maitama pag pinuna ay namasama pa ang punto kong ito.


Sinabay at inakma ko lang eto sa patimpalak ni Jkul ngayong taon. KM3: Tinig.



10 com

Me



Nagback read lang ako sa mga post ko dati. Wala pa din pala gaanong nagbabago sa buhay ko noon hanggang ngayon. Isa sa binalikan ko yung post ko dati ng mga bagay tungkol sakin at kasama don yung ”Nine Things I want to do before I die”, isa palang pala yung natupad don. Ang kumita sa nuffnang. Ang loser ko lang takte.


Napost ko 'to dahil gusto ko magkaroon ng negosyo. Bar. Please po.



9 com

irreplaceable


Ay bitin?

Alam mo yung pakiramdam na nasa last stage na, tatalunin mo nalang si Zeus, matatapos na yung ilang araw mong pinagpupuyatan na tapusin na God of Wars. E lagi kang namamatay. Sa kagustuhan mo talagang matapos, pinalaro mo si Kratos dun sa utol mo, natalo nya si Zeus. Natapos ang laban. Tapos na ang game. Nagtagumpay ka na makita yung huling stage. Pero parang bitin. Iba ang nagtapos.


Kontento?



On giving alms...

Unang nabasa ko yung tweet na to, sabi ko bakit ganoon, pagkain na bibigay ayaw pa. inam yan.



Pero ewan. Napaisip ako, baka ang gusto nung namamalimos, hawakan nya muna yung pera kahit saglit lang. Yung tipong dadaan kahit paano sa palad nya. Tapos sya yung bibili at pipili ng gusto nyang pagkain. Sya yung mag-aabot ng bayad sa tindero ng pagkain. Sya yung mag-aalok sa pamilya nya. Tapos baka sa paraan non, maramdaman nya na normal din syang tao. Pwedeng makuntento sa simpleng bagay. Tulad ng tindera sa palengke, na nagbebenta ng mga kung anu-ano para may maipakain sa kanyang pamilya, hindi naman pwedeng pagkain kaagad ang ibayad mo sa kanyang serbisyo.


Sa tingin ko, may mga bagay tayong inaalok sa isang tao dahil sa tingin natin ay yun ang makakabuti sa kanila. Pero di natin alintana na iba pala yung gusto nila. May gusto pala silang mafulfill sa sarili nila para maging kuntento sila. Pero dahil hindi naman natin alam kung ano yung talagang nasa-isip nila, kung ano nalang yung tingin nating oks sa kanila yun nalang yung gagawin natin. Doon nawawala yung ibang klase ng kaligayahan na minsan lang natin maranasan sa buhay natin.


Kontento?




Mabalik tayo sa nepal...

Noong nag nepal ako. Sa eskwelahan kami natulog ng ilang araw. Nagdala kami sa kanila ng mga gamit sa eskwela. Dala namin to galing Singapore. Notebook, libro, lapis, bolpen, eraser, pantasa, bag, etc... Yun kase ang alam namin na kakailanganin nila at magagamit nila. Pero yung pamamalagi ko doon ng ilang araw, napaisip ako, parang dapat iba yung dinala namin, hindi mga gamit sa eskwela. Kase sa ilang araw kong nakita yung mga estudyante, walang pagkakaiba yung kanilang sinusuot na damit. Kung ano suot nila noong unang araw, ganoon suot nila sa pangalawa, pangatlo... hanggang sa pang huling araw namin namalagi doon. Damit na halos hapit at bitin na sa kanila, sira sira at kupas na ang imprenta. Pero yung dala naming mga gamit eskwela, halos lahat ng napunta dun, ganon ang dinadala. Yung isang kwarto dun, ang daming supplies, galing siguro sa iba’t ibang organisasyon na tumutulong sa kanila. Alam mong grateful at thankful pa rin sila sa mga bigay mo. Mababatid mo yun sa mga ngiti nila. Pero siguro minsan, gusto din nila makapag suot ng ibang damit, maliban sa pang-araw araw nilang sinusuot ngayon.


Kontento?