Vente lang si Ligaya


Vente lang si Ligaya
(unang napaskil ni bulakbol noong April 13, 2010)

“Tara OT tayo”
… naiisip mo ba ang naiisip ko? Malamang kung magkatulad tayo ng kinaroroonan ngayon, magiisip ka pa kung ano ba ang nais kong ipahiwatig. Dalawa kasi ang ibig sabihin neto dito. Kung ang ginagalawan mong bansa ay maliit lang tulad ng kung saan ako naroroon, malamang alamang, pamilyar ka na sa mga lugar nito. At siguro kung nandito ka nga, alam mo na ang OT, TP at Geylang. Sa mga hindi nakakaalam, bigyan ko lang kayo ng backgrounder… etong mga lugar na to ay lugar ng sambahan (banal lang).
Minsan nasa MRT kami ng isang tropa, napag-usapan namin ang nakakapagod at nakakatamad na araw sa trabaho. Biglang naglaro sa isip naming kung ano ba ang trabaho na kung saan, mageenjoy ka na kikita ka pa. Hindi ko akalain na masasambit ng aking mala anghel na dila ang isang trabaho na kung saan di tanggap ng karamihan. Ang mga susunod na salita ay di na saktong konsepto ng usapan:

AKO: alam mo, parang ang pinakamadaling trabaho ay yung pagbebenta ng laman, isipin mo nasasarapan ka na, kumikita ka pa.

SIYA: ~di ko na tanda kung nagreak ba sya o nabastusan sa akin~

AKO: Isipin mo, di ka na magpapakahirap mag program, walang debug debug.. at higit sa lahat, habang kumikita ka.. napapapikit mata ka pa.. lol (babuy lang)

SIYA: ~nakikita ko medyo may pag-sang-ayon sa mukha~

AKO: Sa totoo lang naisip ko na din magbenta ng katawan… hirap kaya mawalan ng trabaho… mapakinabangan man lang yung maalindog kong katawan.

SIYA: ~muntik na masuka sa nadinig~


Putulin na natin dito, masyado ng censored ang mga susunod na salitain baka MTRCB pa tong blog ko. Wala akong gusto pahiwatig sa naturan ko sa taas. Pasensya na kung may masama akong nasabi. Sa totoo lang, kung wala nga ako trabaho ngayon, malamang alamang pasukin ko yung trabahong yan. Di ko kaya kaya magutom at magmafia lang maghapon sa feysbuk. Kakabagot kaya yun.
Subalit, datapwat, kumokontra etong trabahong eto sa aking motto in layf. Lol. Hayskul palang, eto na paborito kong isulat sa slambook ng mga nagpapaautograph sakin: ‘When you love someone sex her free’. So panu na? e magagawa mo naman pala ng libre bakit ka pa magbabayad? E kung vente lang si ligaya papayag ka ba? Ewan, baka, siguro?! Tapos ang laban, sabog ang sabaw…
Ganito nga siguro ang buhay OFW, madaming challenges, madaming pagsubok, madaming tukso. Nasa tao nalang kung paano nya ihahandle ang mga ito. Minsan, si ligaya nasa tabi mo lang, minsan hinahanap mo sya at di mo mabanaagan. Ang labo. Hay layf. Kaya dumadating ang panahon, naiisap mo mag OT para magpatangay lang sa agos ng buhay. Pag OT kasi ang bilis ng oras… agos lang ng agos… sumisirit ng mabilis… hay solb…
O ano, OT tayo?


= = = = = =


Setyembre na. Kung nasa pinas laang ako ngayon, edi sana’y nakakadinig na siguro ako ng mga awiting pamasko di ga? Kakamiss laang hane? E wala e, dakilang ofw laang tayo, kelangan kumayod para sa pamilya.

Hayst...

Ngaps, mag rerepost lamang po ako ng ilang mga naipaskil ko na dito sa blog ko (mga ilang post laang nama, mga 100 ganon. LOL). Pootek. Wala na talaga kong maisulat kase, e dahil nga magpapasko na, madaming inaanak, kelangan ng hits ng nuffnang. Pagpasenyahan nalang ho. Sinimulan ko na sa pagpapaskil uli ng akda sa taas.


Bulakbolero’s current mood:

(imahe galing dito)

9 comments:

Pala kanton | September 3, 2012 at 3:54 PM

intriguing un title mo pre...
now lang ulit npatmbay...
kelangan rn kumayod

KULAPITOT | September 3, 2012 at 4:57 PM

paskong pasko n nga dito ..... umuwi k na !

Superjaid | September 3, 2012 at 10:14 PM

seriuosly naisip mo yun kuya? kaloka ka!hihi anyway..di ko pa masyadong feel ang christmas masyado pa akong mdaming iniisip eh haha

Chateau de Archieviner | September 4, 2012 at 7:23 AM

Sir, OFW ka rin? Nakakanis nga ang Pasko sa Pinas. Saludo ako sa mga OFW dahil OFW rin ako. lol Bakit dito walang OT. joke. lol (asa)

k0tz | September 4, 2012 at 12:34 PM

teka anu ba ang OT? hahaha

fiel-kun | September 4, 2012 at 3:54 PM

Wahaha, lalo tuloy akong na curious sa "OT" na yan hehe :D

Yep, mejo christmas is in the air na dito sa Pinas. I'm sure ang dami nating mga kababayang OFW like you na naho-home sick na naman ngayong panahon ng kapaskuhan. Marami naman means ngayon para maibsan kahit papaano ang pagka home sick nyo jan. May FB, skype, cellphone :)

bien | September 5, 2012 at 2:33 AM

Pare, pumupunta din akong OT minsan para kitain si kumare, andun ang office nya haha

MEcoy | September 5, 2012 at 6:26 AM

haha OT need ko na ata yan wa trabho eeh hhahaha

T.R.Aurelius | September 5, 2012 at 8:50 AM

sana mafeel ko na rin ang christmas this year, unlike last year hehe