Liham Para Sa’yo


Soulmate,

Kamusta ka naman dyan?  Alam ko mahilig ka magbasa kaya malamang nagbabasa ka ngayon. Siguro binabasa mo ngayon yung mga paborito mong akda. O hindi kaya nagbloblog hop ka. Possible ding itong liham ko ang binabasa mo.

Gusto ko lang naman sanang magpasalamat sa’yo na dumating ka sa panahon na nalulumbay na ko dito sa Singapore. Hindi ka naman naging payaso para pasayahin ako, pramis! Siguro, kelangan ko lang din ng soulmate at dumating ka. 

Patawad na din pala sa pag-gamit ko ng term na soulmate. Hindi ka naman kase nagrereak pag binabanggit ko to, bagkus e tumatawa ka lang. Bilang mapag-feeling, Inassume ko na baka okay lang naman sa’yo na tawagin kitang ganito. Kung ayaw mo, e palitan nalang natin… sabihan mo lang ako. Naisip ko nga, Jodi nalang kaya ang itawag ko sa’yo? Naks! Napansin ko kase may pagkahawig kayo ni Angelina Jodi este Jodi Sta. Maria pala. At malamang di naman ako nagkamali, kase nung tinanong ko sa’yo kung may nakapagsabi na neto sa’yo, sabi mo meron naman. 

Ano nga ba yung panama ko sa may kamukhang artista? Wala malamang! Pero dahil feeling ako. Sige na nga, papatulan ko na yan. May kamukha din naman akong artista ah… Si idol bearwin meily. Yahoong yahoo. Hehe.

Nga pala, di pala ko mahilig magbadminton. Di nga ako marunong non (yata) pero sige pag nag-aya ka, sasama ko. Pwede naman siguro maging audience lang don dba? Sa tingin ko kase mas enjoy kung bumili nalang tayo ng isang gallon na ice cream, magkwentuhan sa mga bagay-bagay, pagtawanan yung mga nabasa nating nakakatawa at maging madrama sa mga emo na sulatin. Tapos, hindi natin namamalayan ubos na pala yung isang gallon ng ice cream na kinakain natin. Hangtakaw lang.

Okay din siguro na tumakbo nalang tayo. Tingnan natin kung matatapos mo yung 5K. bonding na din yon di ba? Tapos pag di mo na kaya, edi bubuhatin nalang kita. Ang sweet kaya non. Nilalagam na nga ako ngayon sa pwesto ko habang sinusulat ko to. Sorry, Adik lang.

Sige hanggang dito nalang muna siguro. Baka masyado ka ng mahabaan sa sulat ko, ang sabi mo pa naman sakin natatamad ka magbasa ng masyadong mahaba. Baka tamarin ka at di mo pa mabasa to. Kaya ayown.

Ingat parati. Miss you.


Ang iyong feeling Soulmate,
bulakbolero sa singapore



=====
Tapos na ang labstory ni bulakbol ke soulmate. Magkaibigan naman kami ngayon. at kasalukuyang masaya si soulmate sa kanyang lablayp. Ganoon naman talaga ata ang pagmamahal. hindi naghihintay ng kapalit.


Liham Para Sa’yo, Una kong na-ipaskil noong February 16, 2011.

11 comments:

khantotantra | September 12, 2012 at 9:19 AM

:(

pero siguro nga, tama ang sabi-sabi na minsan ang soulmate ay di nangangahulugang kayo ang magkakatuluyan. minsan considered as special part sya ng buhay mo.

Aj Banda | September 12, 2012 at 9:39 AM

I don't know the concept of soulmate pero ito ang alam ko --

soulmate doesn't necessarily mean na yung taong makakatuluyan mo, bagkus, ito yung taong makakasama mo hanggang sa dulo... ^_^

MEcoy | September 12, 2012 at 11:20 AM

for me di mahalaga kung di mn kayo soulmate as long na nagmamahalan kayo sapat na yun para masabi para kayo sa isat isa

Archieviner | September 12, 2012 at 12:07 PM

Maging masaya nalang tayo dahil nakita natin ang soulmate ng buhay natin :) I'm sure magiging masaya karin.

Dorm Boy | September 12, 2012 at 12:50 PM

Saya naman natagpuan mo soulmate mo. At nakakatuwang makibasa ng cheesy letter for a soulmate. =) More bonding time with your soulmate!

Mi Miw | September 12, 2012 at 1:54 PM

maganda.

mabuti naman at ok parin kayong dalawa ni soulmate bilang magkaibigan, ganun naman talaga dapat. friendship should stay. congratulations dahil nakuha ninyong sagipin ang pagkakaibigan ninyo.

k0tz | September 12, 2012 at 6:03 PM

well.. hindi mo naman masasabi na yun na ang ending nun. but who knows dba? malay mo maging kayo ulit. =).

TAMBAY | September 13, 2012 at 8:36 AM

kinilig naman ako kaya lang humaplos ang malungkot na damdamin dun sa iyong pahabol.

masaya na sya ngayon at alam kong ikaw ay ganun din sir.. :)

jhengpot | September 13, 2012 at 12:44 PM

naintriga ako sa katauhan ni soulmate... sino kaya sya? Anyway tambling ako kay berwin meily! ambanges lungs! hehehe... malay mo may dumating ulit na soulmate mo...

denggoy | September 14, 2012 at 12:48 PM

ang martyr nyebera mo lang. hehe. ganon talaga tol, malay mo di pa lang talaga nakatakda na magtagpo kayo ni soulmate. darating din yon, pagdating ng panahon, sabi ni parebg aiza. hehe.

T.R.Aurelius | September 15, 2012 at 10:25 PM

magkakatagpo rin kayo, :))

good things happen to those who wait naman eh :))