25 com

isang makabuluhang chat

 

vacation mode on na ang karamhihan ng tao ngayon dito sa opisina. shutdown kase ang planta sa singapore at medyo maluwag ang skedyul ngayon dahil unte lang issue sa ibang planta. hindi nakakailang makipag-usap sa office communicator dahil di masusungit ang mga consultant dahil di masikip ang sked. yun tuloy, nagkaroon ako ng isang makabuluhang pakikipagtalastasan (oo, napakabuluhan)  sa isa kong babaeng teammate. at eto ang storyahan…

 

 

bulakbol

 

 

sa totoo lang, matagal ko nang binalak yang suggestion nya. inam. \m/ nababasa nya siguro ang isip ko.

15 com

Bantay

Pamagat: Bantay

May-akda: Bulakbolero@sg

Ipinaskil: ika-19 ng Desyembre 2011

napilitang lahok sa patimpalak ng kaibigang si Alex

 

 

 

tangan ang maleta

tiningnan kung may kulang pa

tila wala na

ako’y lalarga na

 

walang pagsidlan ang pagkasabik

na madinig ang iyong mga hagikgik

isama pa ang bawat langitngit

ng kama kapag tayo’y nagtatalik

 

ito na ang araw na pinakaaasam-asam

lubos na kasiyahan ang nararamdaman

muling makikita ang minamahal

na tangi at laging hiling sa Maykapal

 

lulan ng pampasaherong jeep

mukhang maiihi sa brip sa  pagka-sabik

hindi maitago ang ngiting kalakip

ng mga diwang na-iisip

 

sa aking pagpanaog sa sinasakyan

tila ‘di magandang pangyayari ang nadatnan

sa aking pagtahak papalit sa’yo

bakit ika’y tumatangis at nanlulumo?

 

gusto kong pahiran ang luha sa iyong mga mata

subalit bakit wala akong magawa?

sa pagtatangkang yakapin ka,

paulit-ulit na pagkaibigo ang aking natamasa.

 

“wala na s’ya” tangi mong sambit.

habang ang ating bunso’y iyong bitbit.

hindi pa matukoy kung sino ang iyong binabanggit

habang kausap ang kapatid at nakatuon sa langit.

 

“tumagas daw ang gasolina ng jeep” dugtong mo

“walang anu-ano’y sumabog ito”

“walang nakaligtas sa mga pasahero”

“wala na ang inaabangan ko…”

17 com

isa sa mamimiss ko…



12 com

[repost] Sweet and Spicy

 

gusto kong suportahan yung pakontes ni GB kahit di nya sinuportahan yung pakontes ko. LOL. nagtanim lang ng hinanakit? haha. joklang naman.

 

nakalagay sa pakontes nya, kailangan daw yung pinakamaganda mong naisulat sa blog mo, pero wala naman ata akong naisulat na swak. kaya kahit ano nalang.

 

etong isasali ko ay eto yung unang tumatak na post ko para sakin bilang bloggero. kase medyo madami ang nagkumento kaya natuwa naman ako. kaya gusto ko lang balik balikan.

 

\m/

 

kaya eto na po ang lahok ko sa pakontes ni GB.

 


Sweet and Spicy

May akda: Bulakbolero sa sg

Unang pinaskil: June 3, 2010.

 

 

 


Madalas tayo mag bigay ng bansag sa mga tao. Nagbabansag tayo dahil minsan gusto natin na pasikreto natin silang pinaguusapan.

 

Dito sa opisina, nagbansag ang tropa sa isang kaopisina. Pinangalanan namin syang… Chilli Padi.

 

Si Ms. Chilli Padi ay isang tyaynis, isa sya sa piling piling pwede dito sa opisina. Sya ay maputi, may katangkaran, balingkinitan ang katawan at may paka madaldal.

 

Bagamat dapat ang bansag ay sinesekreto lamang, alam ni Chilli padi na tawag namin ito talaga sa kanya. Medyo hindi nga lang sya sang-ayon dito.

 

Alam kong nag aagam agam sa inyong isipan kung ano ang chilli padi (paki basa ang nasa baba).

 

 

Chilli padi

From Wikipedia, the free encyclopedia

Chilli padi (Malay: cili padi) are tiny little fiery chillis normally in red or green color, also known as bird's eye chilli in English. This type of chilli can be found in Malaysia and Indonesia but most commonly in Thailand, where they are known as phrik khii nuu (พริกขี้หน), which translates literally as "mouse shit chiili". Although small in size compared to other types of chilli, the chilli padi is relatively strong at 50,000 to 100,000 Scoville. Malaysia consumes about RM140 million worth of chillies each year.[citation needed]

See also: African birdseye

 

 

Tinawag naming syang chilli padi kasi maanghang sya, mainit pala, ay hot pala… basta yun na un. Bagamat hindi naman ganun kalakihan ang kanyang alam nio na yon hinaharap, mayroon sa kanyang pagkatao na para bagang mahuhumaling ka. Kumbaga sa Hayskul layf eh, kras ng bayan ang dating.

 

At dahil normal na nilalang lang naman ako siempre kabilang ako sa hilera na humahanga sa kanya.

 

Kahapon may pinagawa sya dito sa ofis, pagkatapos ko ito tapusin, nagemail sya sa akin ng ganito ‘thanks! Told you you are the best! Hahaha’ nabiro ko sya na bakit ba lagi nya kong inuuto.  At eto ang sagot nya ‘No la… I never bluff you. Really!’ Edi si ako, turn ko naman para magpacute, sabi ko sige kung best pala ko, dalhan mo ako ng cookies dito sa opisina pang merienda. Weakness ko kasi talaga ang cookies at mababaw lang talaga akong tao. Lol. Bigla ko tuloy namiss ang binebake ni eksmunchkins. Sabi nya sige daw, anong klase daw ba. Sabi ko. Nibibiro ko lang sya, tinetest ko lang kung mabait sya. At doon natapos ang paguusap namin.

 

Kanina, pagpasok na pagpasok ko palang sa pintu, tinatawag nya ko. Medyo hindi ko sya agad napansin kasi may hawak akong kape at kelangan ko itong ipatong sa cube ko. Normal routine ko kasi sa umaga e dumaan muna sa vendo machine bago pumunta sa cube. So yun na nga, punta muna ko sa cube ko para ibaba ang kape at iboot ang PC ko. Mga siguro 1 second to be exact, nagulat ako nasa likod ko na sya… may dalang isang lata ng chocolate chip cookies. Waaaah… bigla akong natunaw. Hindi ko akalain na seseryosohin nya. E ako pa naman ang tao na pakiramdam ko lagi na teenager ako. Nyahahaha… So yun na. Nalaman ko na sweet pala sya. Sinabi ko to sa kanya… at ang sabi nya…

 

 

Now then you know I’m sweet…

=p

 

 

Hayst… ngayon ko lang nalaman ang tunay na kahulugan ng sweet and spicy… Pootek. Para talaga kong HS. Ganito pala ang tama ng pagiging blogger. Nahihigh ako sa ka kesohan. \m/

 


***salamat ke google sa imahe na nasa taas.

11 com

hinagpis ng simpleng ofw

 

babala: lahat ng inyong mababasa sa baba ay pawang opinyon lamang ng isang bulakbolero. maaring lahat kayo ay di sang-ayon tulad ng mga nakatalastasan ko kahapon.

 


 

hindi kailangang sa lahat ng bagay ay tatahimik ka nalang at wala kang sasabihin kahit alam mo na mali ito.

 

hindi pang-gulo ang turing sa taong sinasabi ang nasa-saloob nya lalo na kung wala naman syang nasasaktan.

 

at bakit kelangan tanggapin nalang ng isang tao na ang mga bagay na mali sa lipunan ay wala ng lunas at isa ng malalang sakit?

 

ang labo lang.

 

tulad ng aking naturan sa last na blog entry ko, masarap maging ofw. 100% sure ako dyan. subalit lahat naman ng sarap ay may pasakit na nakakabit.

 

nagtataka lang ako kung bakit parang masyadong pahirap umuwe sa pinas lalo na ang pabalik sa lugar na kung saan ka nagtatrabaho.

 

hindi pa ba sapat yung employment pass mo sa bansang pinagtatrabahuhan mo para makabalik ka doon?

 

Kund di kayo pamilyar sa pinag-sasabi ko. bilang ofw, kelangan mo magsecure ng OEC (overseas employment certificate) na nagkakahalaga ng 5.5 Singapore dollars (approx 200 petot) kung magbabakasyon ka sa pinas at babalik ka sa bansa kung san ka nagtatrabaho.

 

kung tutuusin ano ba naman ang 5.5 singapore dollars kumpara sa makita mo ang pamilya mo sa pinas. hanu? wala naman sanang problema dun, ang hassle lang ay kung papaano mo kukunin yung OEC.

 

1.     may mga requirements bago makakuha ng oec, kailangan ng:

·         kelangan ng passport (wala naman problema dito)

·         kelangan member ng owwa na nirerenew every other year na nagkakahalaga ng 42 dollars (wala din problema)

·         kelangan member ng pag-ibig atleast 5mos. (dito ako nalalabuan, kung required man, edi oks para walang talo talo)

·         kelangan ng return plane ticket (inam, kelangan bumili agad ng ticket bago ka kuha oec, pero sige oks na din kase meron ka naman talaga neto pag uuwe ka pinas kaso daig pa ang pagkuha ng visa)

2.     kailangan mo kumuha ng oec sa araw ng trabaho mo. Kaya kailangan mo talaga umabsent

3.     may quota ang pag-bibigay nila ng oec. Kaya kailangan mo gumising ng maaga para makaabot ka sa quota

4.     at higit sa lahat… masyadong manual ang pagkuha ng oec. Kaya sobrang haba lagi ng pila. Maswerte ka na kung 1ng oras mo lang itong makukuha. Ang larawan sa baba ay ang pila sa pagkuha ng oec dito sa Singapore. Nasa labas nayan ng embassy. Di mo pa kita ang ilang ikot pa na pila sa loob mismo. (sa pinakadulo ng pila kailangna mo pa lumiko pakanan at pagkatapos nun, unteng kaliwa pra makapasok sa loob ng embassy.) Parang pila lang sa pagkuha ng passport at NSO hano?

IMG_1726

sa nabanggit ko sa taas. minsan, maiisip mo nakakatamad na din umuwe sa pinas. pede ka naman maglakwatsa sa ibang bansa na walang kahassle hassle.

 

para sa akin may mali talaga sa sistema. yun naman talaga ang gusto ko sabihin. kung sasabihan nio ko na pwede naman ako mag psp sa pila o magbasa ng libro o magtwitter maghapon dahil wala naman akong magagawa kase sakit na ng lipunan yon at makakadagdag lang ako sa mga reklamo ko. inam! ang masasabi ko lang, kaya may mga lugar na di umaasenso kase pinipilit natin na wag magsalita o kaya ay i-embrace nalang kung ano ang nakasanayan.

 

may nagsabi din na e ano ngayon, alam na natin na may mali, may magagawa ka ba? kung wala man akong magagawa kase simpleng mamamayan lang ako, atleast nasabi ko yung saloobin ko. hindi yung okay lang akin. kase ang tao, kung sa tingin nya ay okay lang pala sa kanya yung ginagawa nya o kaya sa tingin nya ay kahit ganun ay wala naman palang problema sa iba, babaguhin nya pa ba ‘to? parang inde. mananatili yong ganun.

 

parang lalong di din naman ako makakapayag na sabihin nalang natin na sakit na yon ng lipunan na kailangan nalang nating tanggapin. wala na ba tayong tiwala sa bansa natin na may pag-babago pa to? na pede pa tong umasenso? kahit unti-unti lang?

 

sa huli, wala naman talagang kong ibang issue dito sa entry ko, kundi may mali lang sa sistema natin. kailangan baguhin. kung wala man akong maitutulong, atleast nasabi ko yung part ko na di tama yung ganito nalang lagi.

 

modern world na tayo. kahit simplen online application lang sana ng oec pwede na.

 


March 28, 2009 sa aking multiply, nagpaskil ako ng pagkadismaya sa ibang tao na ayaw sumuporta sa computerized election. para kasing nakakasawa na dati na matatapos na ang termino pero di pa din alam yung resulta ng botohan.

 

image

 

May 10, 2010 nakasatuparan ang national computerized election sa pinas. mukhang naging maayos naman bukod sa ilang machine na pumalya. pero pangkalahatan ay okay naman. may nadinig ba tayong mga ingay na dulot ng dayaan, etc, katulad nung manual election pa?

 

alam ko wala naman talaga kong naging parte dito pero ang sa akin lan, may pagbabago na naganap. at sa ikagaganda naman yon ng bansa.

 

sa tingin ko, kailangan lang talaga natin i-embrace ang pagbabago. ang pagbabago lang naman kase ang constant sa mundo ika nga.


 

kung pagkatapos nio to basahin ay sa tingin nio ay yung mga naturan ko ay makakadagdag sa pang-gulo. e para sakin, mas mainam na palang maging pang-gulo na umaasa pading may mangyayaring positibo sa aking bansa kesa iisipin nalang na may malalang sakit ang lipunan ko na hindi na gagaling. kailanman.

 

wala lang. inam \m/

15 com

ang sarap maging OFW

 

naalala ko yung isang interview ko dito sa Singapore. bakit daw ba ko dito sa SG nagtatrabaho, ano daw ang pagkakaiba ng pagtatrabaho sa SG kumpara sa pinas. Ang nasagot ko nalang ay, Para sakin, wala silang halos pagkakaiba pareho mong dapat ideliver yung mga bagay na kelangan ng isang kumpanya. Ang tanging pagkakaiba lang ay yung nagtatrabaho ka na malayo sa mahal mo sa buhay. parang natawa nga ako sa sagot kong to. mukhang pang mr. pogi ang dating hindi pang job interview. inam.

 

pero sa totoo lang, ‘yon lang naman talaga yung nakikita kong pagkakaiba.

 

sa aking opinyon kase, masarap sa pakiramdam maging isang ofw.

 

  1. dahil, napatunayan mo na may isang salita sa diksyonaryo na nageexist at magiging paborito mo. ang salitang MISS. bilang ofw normal na madami kang nami-miss… mga mahal sa buhay, pagkain, ilang mga gamit na wala sa lugar kung asan ka, at mismong pilipinas ay mamimiss mo.
  2. dahil, natuto kang magtanggol ng bansa. naging nationalistic baga. yung tipong bibilin mo lahat ng philippines shirt na makikita mo sa kanto.
  3. dahil, pag nasa ibang lugar ka pala, malalaman mo na sadyang mapagmahal ang mga pinoy. kayo kayo din ang magtutulungan sa hirap at ginhawa man.
  4. dahil, sa tuwing uuwe ka ng pinas, wala ka mang pasalubong, ramdam mo na ang iyong presensya ay sapat na. nakakataba ng puso.
  5. dahil, pag uuwe ka ng pinas at makainuman mo ang ilang kamag-anak at tropa parang ang dami niong baon na istroyahan na pwedeng ibahagi sa isa’t isa.
  6. dahil, malayo ka man ay alam mong nakakatulong ka sa mga mahal mo sa buhay.
  7. dahil, ang simpleng ngiti na kapalit ng iyong balik bayan box ay sadyang nakakapukaw ng damdamin.
  8. dahil, ang iniwan mong maliit palang ay pagdating mo naglalakad na.
  9. dahil, madali mong maisasama ang iyong pamilya o mga kaibigan sa kung saan ka man naroon ngayon na possibleng hindi pa nila napuntahan dati.
  10. at dahil, natututo kang magblog tulad neto.

ilang araw nalang magpapasko na. sa pinas, sadyang napakahalaga ng pasko.

 

bilang ofw, possibleng hindi ka magpasko sa sarili mong bansa.

 

ang mahalaga nalang siguro, sa twing makakauwe ka sa pinas, kahit inde pasko, iparamdam mo sa mga mahal mo sa buhay na pwede rin namang maging pasko ang ordinaryong araw. Gawa ka ng wishlist tapos hingan mo sila ng regalo. di ga? inam yan. \m/

15 com

it’s the most wonderful time of the year

 

 

disyembre na. maaga ang pasko ng pinoy blogger dito sa singapore. maya-maya lang ay Christmas party na namin. egsayted na ko dahil nasukat alam ko na yung matatanggap kong exchange gift.

 

IMG_1709IMG_1713

 

dahil nasa singapore ako, hindi pila yang larawan na nasa taas ng isang government office sa pinas. tatakbo ako sa SCB full marathon sa linggo at yan ay pila ng kuhanan ng race kit. patayan ulet sa 42KM. inam. di ko alam bakit gustong gusto ko pinapahirapan katawan ko.

 

malabo pa din ang pag-uwe ko sa pinas. inam. sana magkaroon na ng linaw next week.

 

gusto ko pala makumpleto simbang gabi dito sa singapore. sana sana… sino sasama?

 


 

ngaps, dahil nga desyembre na, PBA na… kaya ibinoboto ko po si Otep ng Libre lang mangarap 2011 Philippine Blog Awards Bloggers’ Choice. \m/

16 com

Iphone 4s

 

Lahat na ata ng sinabihan kong bumibili pa ko dati ng text card para makapag text sa ibang fon ay hindi nakakarelate. Hindi ko alam kung ganun na ba ko kantanda o sadyang, nauto lang ako ng globe ng panahong di pa uso ang unlitxt.

 

Motorola d68 pa gamit kong fon ng mga panahon na yon. Simple lang sya, pero masaya na ko na nagagamit ko sya pantawag sa mga mahal sa buhay at pati na din sa minahal sa buhay. Inam.

 

Oo kuntento na sana ko dun, kaso mo dumating si nokia 3210 na mas cool ang features, sinu ba naman ako na tao lang at natutukso rin? Kaya pinagpalit ko si motorola kay nokia.

Dahil tulad ng iba, wala talaga kong kakuntentuhan... Ilan pang (nokia) models ang nagdaan sa kamay ko. Magagara, maporma at pwedeng ipagyabang sa tropa.

 

Hindi na ata mababago yun.. Hindi na ko makukuntento. Ngayon nga si Siri yung gusto kong maangkin.

 

Pag di ka kuntento o sawa ka na, pede ka naman magpalit. Dun naman umiinog ang buhay ng tao. Laging may aasam-asamin ka. Hindi ka makukunteto dahil yung inaakala mong ayus na features kaya mo ito nabili ay hindi naman pala ganun kacool pag tagal-tagal. Pabalat lang. Marketing strategy. Minsan nga madidisappoint ka pa kung bakit mo nabili 'to. Lalo na kung may bago kang makita na mas asteeg sa kasalukuyan mong ginagamit ngayon.

 

Subalit napansin mo ba? Ang mga bagay na may sentimental value, gaano man ito ka-luma, ka-laos, ka-panget, o anu pa mang di papantay sa kung anong nakikita mo ngayon ay mahirap pakawalan?

 

Yung Motorola d68 ko? nasa tukador nakatago. Kung tatanungin mo ko kung magkano halaga nya ngayong panahon na to… yun ay Priceless…

14 com

e ano ngayon?

21 com

Kung talagang mali, pakita mo nga?

hole_hand

pag-inakma mo daw yung kamay mo na pormang parang teleskopyo, sabay pa-ihip sa tipo mong babae yung butas na mabubuo neto, malalaman mo yung kulay ng panty nya.

naalala mo ‘to?

yung tipong pinagdadasal mo na sana ay mali yung sagot mo dun sa sasabihin mong kulay? huhula ka pa nga ng pinaka-imposimbleng kulay ng panty. di ga?

inam! sabi na nga ba, gawain mo yun.

haha. wala lang.

nalala ko lang ang buhay elementarya.

***imahe galing kay pareng google
17 com

buhay owhefdabolyu

 

 

ang palay lumapit sa manok...
ang manok...@3#%$


ang palay lumapit ulet sa manok...
ang manok...@3#%$


eto na, may ibang klaseng palay, lumapit din sa manok...
ang manok...@3#%$


lumalapet paulet ulet...
ang manok...@3#%$

 


buhay owhefdabolyu nga naman...

 

*** hango ulet sa mga matagal na sulatin ni bulakbolero na hindi pa napaskil dito sa bahay na ‘to. ano mang bagay na inyong napipikytur sa sinulat ay possibleng hindi na nangyayari sa tunay na buhay.

 

 


 

ngaps, dahil magpapalitan na pala ng taon (masyado lang ako adbans. lol) at kunwari ay intsik ako kaya nag-bago lang ako ng ayus ng kwarto. haha. inam. ang gulo pa den!

 

image

17 com

who’s gonna drive you home tonight?

 

 

nakita ko na may per-visit ads ako sa nuffnang. wala naman akong maisip na isulat kaya naghalungkat nalang ako ng mga sinulat ko dati na hindi ko pa napost dito sa bahay ko. at eto yun.

 

Naisip ko lang, madalas nakakalito ang love, lust at admiration… inde ko alam kung ako lang nakakaisip neto… pero paano mo nga ba madi-differentiate ang Love, Lust at Admiration?

 

Ang tagal nio nang magkasama… taon na nga ang bibilangin… kilala nio na ang pamilya ng isa’t isa… subalit may konting bagay na di ka padin nasasabi sa kanya at minsan naman kahit simpleng bagay pinagtatalunan nio pa.… love pa din ba to?

 

Alam nio na d nio kayang ipagpalit ang isa’t isa… kabisado nio na ang bawa’t detalye ng inyong kapareha… subalit pag may unteng di pagkakaunawaan… nagagawa mo pa ding magtigas tigasan at di sya kausapin… love pa din ba to?

 

Alam mo na sya lang ang nakakapagpangiti at nakakapagpakilig sayo, lagi mo syang sinasabihan na mahal kita at iloveyou pag may pagkakataon, may mga bagay na ayaw ka sa knya.. tanggap mo naman.. pero bakit d lang maalis alis sa isipan mo... love pa din ba to?

 

Ilan taon na din kayo magkarelasyon, nangyari na din ang mga pangyayari… (dahil wholesome yung blog ko, hindi ko babanggit ang salitang seks o pagtatalik dito)alam mo sa sarili mo na mahal mo sya… pero yung pag mamahal nayon… inde nya mapantayan ung pagmamamahal na naramdaman mo nung bago palang kayo magkasintahan… lust lang ba to at di love?

 

Mahal na mahal mo sya kaya ginusto mong makabase militar para mapatunayan na mahal ka din nya. Nung natikman mo to… lagi mo na syang hinahanap hanap… lust lang ba to at di love?

 

Matagal na din kayong magkasama, sa pagsasama na to… walang pang nangyayari sa inyo, dahil ayaw nia… nirerespeto mo naman sya… subalit lagi mong naiisip sa sarili mo na ano kaya kung may mangyari na sa inyo at dahil sa pagiisip na to… napapanaginipan mo pa ito… lust lang ba to at di love?

 

Bakit ba nililigawan ng lalaki ang babae? Dahil ba love nya un or inaadmire nya lang un?

 

Bakit ba sinasagot ng babae ang lalaki? Dahil ba love nya na un or inaadmire nya ung ginawang panliligaw ng lalaki?

 

Bakit may gustong gusto kang tao… yung tipong aakyatin mo na ang mt. everest para lang sagutin ka nya? Tunay kaya na nainlab ka kaagad sa kanya?

 

Nakakasawa ba ang love? May point ba na magsasawa ka sa taong lab mo? Kahit 1 second lang… possible ba yon?

 

E yung lust, Nauubos ba?

 

E bakit sa X mo nawawala ung lab mo, ibig ba sabihin nito.. d mo talaga sya mahal nung kayo palang? Kasi nawala eh… dba dapat ang love eternal… d nawawala.

 

Possible ka bang mas higit pa ang paghanga mo sa isang tao na di mo gf kesa sa karelasyon mo?

 

Possible kaya na iba ang pakiramdam pag magkaibigan kayo kesa sa magkarelasyon na kayo?

 

Possible kaya na ang simpleng paghanga ay napapagkamalang pagibig? O possible kaya na pagibig na pala yun pero kala mo hinahangaan mo lang sya? O di kaya possible kaya na kala mo hinahangaan mo ang isang tao pero pinagpapantasyahan mo lang pala… (nyakakaka… babuy!)

 

Ang gulo ko no?

 

Pano pag sinabi kong gusto ko si Katrina Halili…. Ano yun? Love, lust or admiration…

inam

18 com

Excite me please

 

December 25, 2007 nung una akong magpasko ng wala sa pinas at malayo sa pamilya. Hindi ko alam kung nasaang lupalop ba ko ng mundo ng mga panahon na ‘yon. Umaga kase ng 24 ako umalis ng Tate at nakadating ako sa Pinas ng umaga ng 26. inam.

 

Mula noon, ordinaryo nalang sa akin magcelebrate ng pasko kung san-san mang lupalop ng mundo.

 

hindi na ko naegsayt magbukas ng regalo.

 

hindi na ko naegsayt kumain ng mga handa tuwing pasko.

 

wala na yung kakaibang simoy ng hangin na nararamdaman ko tuwing desyembre.

 

nag-iba na lahat ng pananaw ko.

 

lalong lumungkot ang pasko ko nung naging ofw na talaga ko.

 

Papasok ako ng December 24, tapos yung hapunan ko sa fastfood o kaya ay sa hawker center.

 

Walang ineexpect na regalo.

 

Tawag lang sa mahal sa buhay ay masaya na ko. Sobrang bihira kase ko tumawag sa pinas. Once in a blue moon ika nga. Sa nakakakilala sakin, Ako yung tao na pag hindi tinapik ay hindi gagalaw. De bateryang maituturing.

 

e bakit ko nga ba ‘to ipinopost? wala namang wenta storyahan ko.

 

wala lang. trip trip lang.

 

ramdam ko kase na magpapasko na talaga.

 

hindi ko alam kung uuwe ako ng pinas. wala pa kong ticket pauwe. kaya malamang sa alamang, mga 2% lang ang chance ko makauwe ng pinas. atleast may 2% kahit papaano.

 

Last year pala. Tenkpul ako kase nakaresib ako ng regalo galing sa mga bloggers nung pasko (nagpaparinig ako baka may magregalo ulet – haha).

 

Ngayong taon baka regaluhan ko nalang sarili ko. baka world peace ang iregalo ko. ganun. inam.

 

Gusto ko ulet mag Tate, kahit saglit lang. hayst.

 

Merry Christmas pala sa lahat. Ano gusto nio regalo galing ke bulakbol? Pagmamahal nalang pede ba ‘yon? haha. \m/

11 com

Pag puno na ang salop

May mga bagay na hindi lalabas kung hindi ka marunong dumiskarte kung paano ito palabasin. Halimbawa nalang ay yung tutpaste, hindi to lalabasan kung tititigan mo lang. Kailangan mo itong hawakan, diinan ng konti, himasin ng marahan at walang anu-ano ay pupulandit din ang likido nito.

Ganun din (minsan) ang tao.

Magiging sweet sya sa'yo kung alam mo kung pano to palabasin sa kanya.

Magagalit sya sa'yo kung sa mga ginagawa mo ay napupuno mo na ang salop nya.

Minsan ganun lang yon kasimple (siguro/sana). Nasa tao din minsan kung paano sya tatratuhin ng taong nakapaligid sa kanya.

Given na ika nga...


-Posted using blogger for iPhone
18 com

I therefore conclude…

 

tapos na ang aking pakontes, kasabay ng pagtatapos ng kontrata ko dito sa sg. inam. talagang nagsabay pa ang dalawa hanu?

 

 

pero tulad ng pangkaraniwang term paper, kelangan ng summary ng lahat lahat sa dulo.

 

 

wala namang katapusan yung pasasalamat ko sa inyong suporta, kaya muli, salamat sa inyong lahat.

 

sa mga napilit kong sumali. dagdag 20x ang pasasalamat ko sa inyo.

 

magagaling ang mga kalahok.

 

natutuwa ako na madami kong napuntahang bagong travel blog dahil sa pakontes na ‘to.

 

dagdag 30x ang aking katuwaan nung nakitang sumali ang aking mga idol sa blogworld.

 

sa unang top3 lang sana prepremyuhan ko ay naging sampu na.

 

pasensya na yung huling pitong premyo sobrang nakapos ako sa budget at nahirapan pumili kung ano ang pandagdag. pagpaumanhin nio po.

 

 

nasa baba yung kumpletong listahan ng nanalo kung ayaw niong magbackread ng ilang posts ko.

 

 

pers. poi

 

Fuji Instax Choco

 

IMG_1533

 

sekan. reigun

 

Sea to Summit Dry lite Micro towel

 

IMG_1534

 

terd. chino

 

Nalgene Glow in the Dark water bottle

 

IMG_1532

 

 

 

tie sa pangport. tago at ryan

 

Tatonka Dry Stuff Bag

 

IMG_1535

 

 

siks.francis at seben. mio

 

Hangten I love SG shirt

(large binili ko sorry naman, di ko pa kase alam mananalo nung bumili ko)

 

IMG_1537

 

 

 

eyt. kuyabob nayn. joey at ten. rdsean

 

The North Face Luggage tag

IMG_1536

 

 

 

sa mga nanalo. pwede po bang pa email sa akin yung location kung saan pede ipa barko yung premyo? o kaya po ay kung nasa manila o karatig bayan neto ay baka pwede imeet nalang kayo sa trinoma, megamall o cubao ng isa saking mababait na hurado (nang-uuto ako)? hehe. wala na kase akong pera para sa paship (parang awa nio na). kung pede lang naman. haha. pa-sabi po sakin ng maaga, kase napapanis po yung mga premyo. haha.

***yung may mga presyo pala, sadyang di ko inalis, trip ko lang. LOL!

 

 

at siempre… mawawala ba yung premyo ng mga nagpakahirap mag judge? meron din sila. eto yun.

 

Salamat kala: alex, jaki, jojo, madz at vin. bilang ganti ay susundin ko ang payo ng aking magulang, tutuparin ko…. bilang ganti ay umisip ako ng pede nio magamit. sana magamit nyo nga sa pagbubulakbol nyo. Dinagdagan ko ng I love SG shirt yung kay Vin at kay Madz, bilang di naman sila taga SG. Salamat ulet sa inyo mga tropang Judges. Alam ko nahirapan kayo mag marka. pero inam, dabest kayo. tiwala ako sa mga pinanalo nio.

 

The North Face Travel Canister. \m/

IMG_1541

 

 

Sa lahat… salamat muli! back to regular programming na ko bukas alam kong medyo naumay na kayo sa pakontes ko.

20 com

6:49

 

 

“Still, despite all this, traveling is the great true love of my life. I have always felt, ever since I was sixteen years old and first went to Russia with my saved-up babysitting money, that to travel is worth any cost or sacrifice. I am loyal and constant in my love for travel, as I have not always been loyal and constant in my other loves. I feel about travel the way a happy new mother feels about her impossible, colicky, restless, newborn baby–I just don’t care what it puts me through. Because I adore it. Because it’s mine. Because it looks exactly like me. It can barf all over me if it wants to–I just don’t care.”

-eat, pray, love

 

 

 

 

Judge 1: nakakahappy lang ung concept -- parang freedom

 

Judge 2: ang sarap tignan nitong picture parang free na free yung pakiramdam... HAPPINESS!

 

 

 

usapan ng dalawang walang kwentang nilalang sa isang social networking site:

 

walangwenta1: Magjujudge din ako sa pakontes mo.

walangwenta2: Sino gusto mo, kahit top5 lang.

walangwenta1: ---,---,---,--- at yung 6:49 ang mga favorites ko.

walangwenta2: inam! ano naman yan, di ko maintindihan.

walangwenta1: panoorin mo video mo!

 

 

hahaha. at pinahirapan pa ko… inam!


 

Judge 3: Love this! Amazing photo! Dramatic! Kudos to the photographer who was able to capture the flapping of wings. Should have not put the caption in the photo itself, and just let it as it is. I want this also to win.

 

Judge 4: Travel. Street Photography. Adventure lalo na pag ikaw naiputan nung sanlaksang ibon. Nice nice.

 

 

 

may isang sikat na blogger ang nag YM sa isang ordinaryong blogger at eto usapan nila:

 

image4

 


 

dahil medyo matagal magpasa ng skorkard si judge number5 kaya nung nakita ko sa time ng twit nya na nagsskor na sya, nag-stalk ako sa timeline nya. at eto ang nakita ko…

 

image

 

pati yung nagtwit sa kanya pinake-alaman ko. ako na. LOL!

 

image

 

 

Judge 5: Masyadong saturated na yun photo, fake blurs, walang focal point, hindi maganda yun text. Maganda talaga yun shot, kaso pumangit dahil sa crappy edits.

 

 

 

Ayaw ko man bigay sa kanya yung premyo. wala na ko magagawa. yung 4 na judges high skorer sya. sa judge 5 lang sya medyo sablay.

 

sa’yo… alagaan mo si Choco. Unang premyo ko sa pakontes ko yan. milestone kumbaga. saka di ko nga alam kung masusundan pa ‘to. kase wala na kong pera at baka natakot sa mga judges ko na yung mga sasali kung may next time pa.

 

72 Freedom 3 - Poi

 

 

congrats poi. \m/

20 com

The journey not the arrival matters.

 

 

Dami kong antok, pagod at puyat (hikab), pero masaya…

 

ayaw ko na habaan ang kwento tungkol sa paglalakwjackie chanatsa ko sa macau at hongkong kasama ang dalawang tropa. sadyang masarap magkaroon ng mababait na kabarkada. tunay ang kasabihan na opposite attracts, kung mabait sila… mas mabait ako. LOL.

 

nagpapiktyur ako sa star walk (di ko lam tawag, hula mode lang ako) ni jackie chan pero wala naman pangalan at putol ang star. ayus na ‘yon. walang aangal.

 

biernes ako lang mag-isa ang nagpalibot libot sa hongkong, sabado ay kasama ko na si roanne. linggo ay nag macau-hongkong kame ni jeff at roanne.

 

linggo ng madaling araw nag thugs thugs at nag casino kame.

 

kainaman yung dalawa, ako daw ang uncle at sila ang mga batang henerasyon. sila na.

 

dami kong tawa pag nagkukulitan ang dalawa. masaya na ko na pinapanood sila.

 

napatunayan kong marunong pa din ako tumupad sa pangako at magkontrol ng sarili. sabi ng dalawa na wag daw ako mag connect sa internet ng linggo at nagawa ko naman. ayus!

 

dami kong tenkyu sa dalawa. \m/

 

hanga ako sa english accent ng mga pinoy sa HK. inam. parang mga taga call cener lang.

 

kakabitin.

 

kagabi pag-uwe ng bahay, kahit pagod na pagod ay nagawa ko pang kumain ng madami. LOL. mas matimbang ang pagkaen kesa sa pahinga para sakin. ang siba lang.

 

inaantok pa talaga ko hanggang ngayon. kelangan ko pumasok ngayon dahil dami work na nakapending at may meetings pa mayang hapon.

 

 

 


 

 

For my part, I travel not to go anywhere, but to go. I travel for travel's sake.

the great affair is to move.
There are no foreign lands. It is the traveler only who is foreign.
Robert Louis Stevenson

 

 

 

 

Judge 1: Gusto ko yung treatment. Tsaka yung feeling na nasa middle of nowhere. Apir.

Judge 2: Awesome shot! Postcard like.

Judge 3: pwede na 'to pam-postcard!

Judge 4: parang painting lang, ang sarap sa mata nung kulay

Judge 5: Very oriental, relaxing to look at, perfect!

 

ang pangtatlo

 

63 voyage - chino

Voyage of Change


Judge 1: Beautiful model, subtle lighting, picturesque landmark, PERFECT!

Judge 2: ang gandang tignan nung sikat nung araw dun sa babae parang para sa kanya talaga , parang blessing lang

Judge 3: sayang, sana nakuha ang buong structure at ni-timing-an na walang tao sa likod para solong-solo ng model ung place

Judge 4: One of my favorites to win. Dramatic. Lady seems to be lost. Like the idea of the worm's eye-view shot.

Judge 5: Di ko ma pronounce yung lugar. Dun pa lang adventure na Ark Di Trayampel ba yan? Alam ko din sa gitna ng kalsada sya nag picture. Hindi sa Pedestrian. 

 

ang pangalawa

 

44 arc - manikreigun

 

Muy Caliente. It was a hot day. And it was the perfect time to travel. Arc de Triomf, Barcelona, Spain.

 

 

***ang mga kumento ay hindi sunod sunod at maaring yung judge 1 sa isang piktyur ay hindi sya judge 1 sa kabilang piktyur. halu-halo kumbaga.


 

 

paghihiwalayin ko pa sana yung pang 2nd at 3rd para surprays surprays pero ako na ang tinamad gumawa ng madaming post. nadrain ata ako masyado sa lakwatsa ko nung weekedn.

 

 

ABANGAN kung sinu ang maguuwi kay Choco (may nagbinyag na ng pangalan. inam).

21 com

“Life is either a great adventure or nothing.”

 

 

“Twenty years from now you will be more disappointed by the things you didn’t do than by the ones you did do. So throw off the bowlines, sail away from the safe harbor. Catch the trade winds in your sails. Explore. Dream. Discover.”

Mark Twain

 

 

 

Judge 1: kahit simple lang ang larawan, nagandahan ako sa concept ng mapa, sasakyan, bag at nakatungong tingin sa paglalakbayan :)

Judge 2: maganda yung concept niya, parang siya lang si Dora

Judge 3: Ganda ng concept ng larawan!

Judge 4: Great photo; Well thought of; Best encapsulates the word 'bulakbol'.

Judge 5: Uuhhh... creative, maganda yung idea.

 

 

ang ika-pito

 

70 for bulakbolero - Mio

Oras na dapat ay nasa klase, ngunit mas piniling planuhin ang pagbibyahe.

 


 

Judge 1: Hulaan ko... edited sa iphoto to. isang click ng "enhance" ganun epek nun eh, semi HDR na bevel and emboss. Medyo natingkaran lang ako sa kulay

Judge 2: naka-HDR ba'to? Bughaw na bughaw ang langit, e bias ako sa clouds talaga haha

Judge 3: tama lang yung tapang nung kulay... Ang ganda tignan nung sky

Judge 4:  BEAUTIFUL!

Judge 5: Love the cloud shots.

 

ang ika-anim

 

60 DSC_2459 - Francis

Mukha sa araw ay pag takpan, katawan man ay mabilad sa ma araw na dalampasigan.

 


Judge 1: Sobrang ganda kahit naka-portrait orientation!

Judge 2: I wanna go to Romblon!

Judge 3: maganda sana kung nilagyan ng magandang caption ang larawan, hindi lang basta sinabing Romblon etc. para mas ma-impart ung story na gusto iparating bakit un ang napiling larawan ng pagbubulakbol

Judge 4: parang gumagalaw lang yung mga ulap, ganda ng kulay

Judge 5: Ahhh... Golden hour. Gustong gusto ko yung concept na nag aagaw yung light and dark.

 

 

 

ang ika-apat (tie)

 

65 IMG_6381 - Ryan Mach

Romblon on My Mind


 

Judge 1: Originally eto ang top ko. Pero nung nag scoring na ako, dami na nya ka tie. Di ko na binago score ko, tie na kung tie.

Nung nakita ko sa header mo na nagpasa na si Tago, hindi ko na tiningnan muna, alam ko maganda sya kumuha, wala ako balak maging biased. Pinanood ko yung Youtube slide show mo, and nakita ko yung entry nya, na hindi ko alam na sa kanya. Pero ang reaksyon ko agad.. "winner to"

Judge 2: Galing ng pagka rule of thirds ng dalawang subject!

Judge 3: kay tago 'to! Alam na! Krus palang! Haha :)) ayoko mag-comment malufet na photographist na kasi siya :P

Judge 4: dramatic yung kuha, parang pampelikula lang

Judge 5: Superb shot. Just dunno where to focus: boatman or the cross? Caption could have been better.

 

 

ang ika-apat (tie)

 

42 IMG_5734blog - tago

Sometimes, it takes a little risk to capture a memory of a place you may never be able to see again soon. Camiguin, March 2009.

 

 

 

***ang mga kumento ay hindi sunod sunod at maaring yung judge 1 sa isang piktyur ay hindi sya judge 1 sa kabilang piktyur. halu-halo kumbaga.

 


 

The best things in life are free… siguro habang binabasa nyo to ay nasa erpleyn ako, maglalakawatsa muna kasama ang tropang dikit. libre eh (di naman lahat libre, di naman ako ganun kagarapal-hotel lang libre, pero nadinig ko ata pati food din di ga?).

 

Ingat ingat kayo mga katoto at katoting. \m/ mahal ko kayo (kunware artista)…

35 com

life is a journey

 

 

“The world is a book and those who do not travel read only one page.”

St. Augustine

 

 

 

 

Judge 1: isa pang kuha na pwede sa travel blog/magazine

Judge 2: spell RELAXATION haha, eto ang epic example!

Judge 3: One of my favorites as well. Wanna go inside the picture, and make use of that hammock.

Judge 4: Ingit na naman ako. Senysa, partial talaga ako sa beach

Judge 5: Mas-wide sana dapat yun shot, para kita pa yun background. Maganda naman sya.

 

 

ang ika-sampu

 

62 rdsean - rd

"Ang mundo ay isang malaking PARAISO, madaming BEACHES. Magbulakbol habang bata pa at lasapin ang SARAP ng kalikasan.."

 


Judge 1: Masyadong saturated at dark yun colors.

Judge 2: Love this shot! One of my favorites! Love the colors, very NatGeo.

Judge 3: medyo madilim pero maganda na napagsama-sama ang primary colors!!

Judge 4: buhay na buhay yung larawan gawa nung kulay at yung movement na nacapture ng photographer

Judge 5: Wow ang galing. May Baha. Joke. Isa pang gusto kong mapuntahang lugar. (pansin mo yung top ko yung mga gusto kong puntahan na lugar hahaha) ingetero kasi ako

 

 

ang ika-syam

 

36 DSC_0579 - joey velunta

Ang maganit na pagkakataon ay may hangganan basta ituloy lamang ang katatagan ng kalooban at marangal na hanapbuhay.

 


Judge 1: Overexposed. Too whitewashed. Similar concept as #18, but I like #18 better

Judge 2: dalang dala nung caption yung picture, clearly depicts what the photographer wants to convey tapos maganda pa yung kulay yung focus mo dun agad sa subject

Judge 3: isa 'to sa pinakagusto ko, pramis! Kasi parang ang vast ng paligid tapos mag-isa lang ung subject sa gitna..tapos bias pako sa landscape haha

Judge 4: Sinandya ko ipag tie tong dalawang (#18) to ata. Mas gusto ko colors nung kay Kuya Bob (hindi sya over exposed Judge 1, babaan mo lang brightness ng laptop mo" Pero may added element yung tsinelas ni Marco Polo.

Judge 5: Perfect. Nuff said.

 

 

ang ika-walo

 

27 Bulakbulero Entry - kuya bob

Sometimes, to be able to find yourself, you need to be lost in the vastness of the universe.

 

 


 

Hanggang ngayo’y hindi ko maisip na aabot ng 81 ang lalahok sa aking pakontes. Bagamat ang ibang lumahok ay sapilitan at naawa lang sa akin, nakakatuwa pa din na sila’y sumuporta.

 

Bilang ganti’y ginawa ko na pong sampu ang mananalo… Hindi man sapat (wala kaseng sponsor at ikinaubos na ng pera ko ang 10 premyo), alam kong mas mahalaga na lahat tayo ay nagkaroon ng kanya kanyang natutunan sa ating mga mumunting adventures. \m/

 

***ang mga kumento ay hindi sunod sunod at maaring yung judge 1 sa isang piktyur ay hindi sya judge 1 sa kabilang piktyur. halu-halo kumbaga.

14 com

Abangan...

“Iba-iba man ang pananaw natin sa buhay pag-lalakbay, ang mahalaga’y sa bawat daang tinahak natin ay may mga marka tayong naiiwan.”


Tapos na ang paghuhusga. Naipasa na ng mga hurado ang kanilang skorkard. Abangan ang nalalapit na pag anunsyo ng mga nanalong larawan. Malapit na.