Bantay

Pamagat: Bantay

May-akda: Bulakbolero@sg

Ipinaskil: ika-19 ng Desyembre 2011

napilitang lahok sa patimpalak ng kaibigang si Alex

 

 

 

tangan ang maleta

tiningnan kung may kulang pa

tila wala na

ako’y lalarga na

 

walang pagsidlan ang pagkasabik

na madinig ang iyong mga hagikgik

isama pa ang bawat langitngit

ng kama kapag tayo’y nagtatalik

 

ito na ang araw na pinakaaasam-asam

lubos na kasiyahan ang nararamdaman

muling makikita ang minamahal

na tangi at laging hiling sa Maykapal

 

lulan ng pampasaherong jeep

mukhang maiihi sa brip sa  pagka-sabik

hindi maitago ang ngiting kalakip

ng mga diwang na-iisip

 

sa aking pagpanaog sa sinasakyan

tila ‘di magandang pangyayari ang nadatnan

sa aking pagtahak papalit sa’yo

bakit ika’y tumatangis at nanlulumo?

 

gusto kong pahiran ang luha sa iyong mga mata

subalit bakit wala akong magawa?

sa pagtatangkang yakapin ka,

paulit-ulit na pagkaibigo ang aking natamasa.

 

“wala na s’ya” tangi mong sambit.

habang ang ating bunso’y iyong bitbit.

hindi pa matukoy kung sino ang iyong binabanggit

habang kausap ang kapatid at nakatuon sa langit.

 

“tumagas daw ang gasolina ng jeep” dugtong mo

“walang anu-ano’y sumabog ito”

“walang nakaligtas sa mga pasahero”

“wala na ang inaabangan ko…”

15 comments:

joeyvelunta | December 19, 2011 at 11:44 AM

Classic twist ni Bulakbolero. Ang galing talaga!

chingoy, the great chef wannabe | December 19, 2011 at 11:56 AM

hanep!!! i just lost my chance of getting that prize hehehe

Bino | December 19, 2011 at 1:50 PM

ayun! laglag na naman ako sa contest dahil sa poem mo! amf! hehehe. astig!

hArTLeSsChiq | December 19, 2011 at 3:24 PM

Yan na nga ba ang sinasabi ko..


Wala daw maisip...



E ANG GANDA NGA nitong entry mo!


AYUS! :)

Akoni | December 19, 2011 at 3:33 PM

kakaiba...napaisip ako ng soooo deeeeppp...nice entry!

rainbow box | December 19, 2011 at 3:49 PM

galing :)

YOW | December 19, 2011 at 3:54 PM

Okay. While I'm reading this, I was thinking of joining the contest. Pero mukhang nalinawan na ako. Congratulations. Hahaha.

khantotantra | December 20, 2011 at 9:23 PM

tragic.

anhirap kalabanin ang entry mo. lols.

bien | December 21, 2011 at 4:22 AM

kabogero ang entry mo paps, bumu-bruce willis.

Lakwatsero Ako | December 21, 2011 at 10:24 AM

kaya naman crush kita eh :P pumo-poet poet ka din eh

saM | December 21, 2011 at 11:40 PM

ganda lang. ikaw na. :p

saM | December 21, 2011 at 11:40 PM

ganda lang. ikaw na. :p

McRICH | December 24, 2011 at 12:12 PM

isa ka talagang mandirigma, angaling ng pagkakapasok mo ng paksa, ang pakontes ni gasdud e talagang patindi ng patindi, goodluck!

~ JaY RuLEZ ~ | December 26, 2011 at 9:31 PM

and th winner is!!! ikaw na :)

The Gasoline Dude™ | February 10, 2012 at 1:52 PM

After more than a month of reading and putting scores on each entry, FINALLY! Check my blog for the list of winners. Salamat sa paglahok at pagsuporta sa aking munting patimpalak. :)