17 com

Wattalong Weekend


Naramdaman ko nalang dahan dahang pinapasok ni ate ang kanyang kamay sa aking salawal.

Isang roller coaster na weekend ang nangyari sa akin nagyong linggo.

Huwebes ng gabi. Simula na ng isang mahabang weekend. Nagplano mag-inom sa bahay. Nagtawag ng mga kakosa. Walang nagsulputan subalit natuloy ang inuman ng tropang maghahawsmate na ofismate pa. 

Biernes. Vesak day na dapat ay maging wasak day. Walang pasok. Wala rin akong ginawa kundi matulog sa loob ng kwarto ko. Magmafia sa facebook at makipagkulitan sa kung sinu sino sa online world. Nagtangkang maginum ulet sa bahay ng gabi subalit inde natuloy.

Sabado. Planong mag wakeboard sa east coast. Umaga palang ready na ko. Tumawag sa mga kasama. Naiba daw ang plano. Mag Indonesia nalang daw. Bilang kaladkarin lang, nag-Oo agad ako na hindi alam ang gagawin sa indo. Tinanong ko kung ano ang dadalhin, kagwapuhan ko nalang daw at dahil roundtrip lang naman daw at babalik din kami ng gabi dito sa sg.
Nang nagkita-kita na kami, naisip kong itanong kung ano ba ang gagawin namin dun, sabi mag pa full body massage daw. Bigla akong napa break dance sa aking narinig. Huwat?! Pero sige game na din ako, katatapos lang naman ng sinalihan naming marathon nung weekend. Ayus na din na marelax ang mga nanankit na muscle dahil sa mahaba habang pagtakbo.
Ayun na nga nasa indo na kami.
Nagpakabusog muna kami sa may baybayin at kumain ng masarap na seafoods. Pagtapos nun, kunteng lakad sa mala masagana supermarket na mall nila at bandang alas sais indo time, nagpunta na kami sa Spa center para magpafull body massage.
Hard. Eto ang request ko. Sarap naman mag masahe si ate. Talagang todo diin nya sa aking mga muscle para maramdaman ko ang sakit. Nang bilglang.
Naramdaman ko nalang dahan dahang pinapasok ni ate ang kanyang kamay sa aking salawal. Dedma lang ako, ayoko gumawa ng move, baka may video dun at baka pagbayarin pa ko ng extra service. Saktong pera lang ang dala ko sa indo. Ayoko matrap dun ng di oras. Kala ko magtutuloy tuloy si ate, subalit naramdaman nya ata na bigla napabukas ang mata ko. Nilipat ni ate ang kanyang mga kamay sa aking hita at pinagpatuloy ang pagmamasahe.
Natapos ang masahe ni ate na parang wala lang. at inpernes sa kanya mahusay sya dumakma.
Namulestya ata ako ng bahagya?
Paglabas ko ng kwarto. Kwentuhan sa mga experience. Natatawa lang ako sa mga storyahan nila kasi ako may sarili ding storya.
Pagtapos ng masarap na masahi na may halong mulestya, bumalik na kami sa ferry pauwe ng Singapore.
Pagdating sa Singapore, isang masarap na inuman sa bahay ng tropa ang nangyari. Solb solb. Kasama ang masarap na patatim na pulutan.

Linggo. Halos kauuwe ko lang ng bahay sa mga oras na to. Derecho ako sa aking laptop para itipa ang mga naging karanasan ko ngayong weekend. Hayst. Bat ganun kabilis matapos ang weekend. Bukas lunes na naman at trabaho day na naman. Tsk. Bitin pa ko. L


Sige na muna, next time na ulet, magkalbo muna ko ng buhok tapos na magrecharge ang hair clipper ko ;)
\m/ kampay mga katoto.





21 com

Ako si ako.

Hawa Hawa na…
Ang dakilang tamad kelangan mag sulat. Sakto, dumating si jepoy my savior… nagkaroon ako ng idea kung ano ang magiging entry ko ngayong araw. Ayown. Siempre nag paalam muna ko sa kanya, at pumayag naman…
Habang ginagawa ko to, parang naramdaman ko nag eegsam ako. Hirap din pala sagutan to. Umabot ata ako ng isang oras sa pagmumuni muni kung ano ang isasagot ko. Pati ako yata, di ko pa gaano kilala ang sarili ko. Wapaks!
Tama na ang paliguy-ligoy… eto na ang entry ko ngayong araw.
Ang top list ni bulakbolerosasg. \m/ enjoy…

Ten Favorite Foods

1. Bulalo
2. Kare-Kare
3. Chicharon bulaklak at chicharon baboy
4. Boy bawang at nagaraya
5. kaldereta
6. Bangus na may palaman sa loob na luya, sibuyas at kamatis
7. Patatim
8. Sisig
9. Lemon Chicken
10. Brownies/cookies

Nine Things You want to do before you die

1. Mag bungee jump sa phuket
2. Maka akyat sa Mt. Everest kahit sa base camp lang
3. Magkaroon ng sariling negosyo kahit Zagu Franchise lang
4. Malibot ang pitong continente
5. Kumita sa nuffnang
6. Makabalik sa US
7. Makapunta sa Babuyan Island/Batanes
8. Makapagpatayo ng sariling bahay
9. Magdrive ng F1 car

Eight things about yourself

1. Sabi nila, insensitive
2. madamot
3. masungit
4. Hirap mag-english :P
5. Hindi mahilig manood ng muvi, mapa porn man ito. Kahit sa big screen, laptop o cathode ray tube. (Nakakatulugan ko kase madalas)
6. Mahilig magpacute kahit hindi naman cute
7. Hindi nasasarapan sa Pizza Pie kahit anong flavor… nyahahaha,
8. Juan tamad

Seven Confessions

1. Nagtry na ako gumawa ng seks video ko… eww
2. Nasubukan ko na magpaview sa cam… (bahala na kayu maghusga kung anu pinapaview ko at kung ginagawa ko pa din to)
3. Naiinitan ako palagi kahit gabi at kahit naka aircon, kaya alam nio na ano ang suot ko pag natutulog.
4. Maginoo pero medyo bastos
5. May mga bagay na mahirap kalimutan
6. May mga bagay na mahirap gawin
7. May mga bagay na di dapat gawin


Six things you wanna say to Six different people

1. Miss mo ba ko?
2. Woi… idedate mo ba ko sa wasak day o hindi?
3. Kupal ka!
4. Walang pakealaman.
5. Longkot ako… T.T
6. Tama na yan inuman na.


Five ways to win my heart

1. Magaling magluto at magbake
2. Magaling kumanta (kahit anung klaseng kanta, bahala na kayu mag-isip)
3. Subrang sweet. Yung tipong tumataas na yung blood sugar ko sa pagiging sweet.
4. Madaming pera. Wahahaha… oo mukha akong pera!
5. Seksi seksi seksi seksi… (napapakanta ng you’re so sexy ng French affair habang sinusulat to.)


Four things that cross your mind

1. To settle and have my own family
2. Pwede bang secret dito?
3. Bahay
4. Trabaho


Three things you wish you never did

1. Mainitin ang ulo, awayin pati boss. lol
2. Lumipat sa pesteng companya… napariwara tuloy buhay ko. Tsk.
3. Di mag budget ng pera


Two important things in your life

1. Family
2. Money


One thing you notice physically to an opposite sex
1. Kelangan pa ba imemorize yan? Bisyo na to… lol (siempre ang kanyang mala anghel na mukha :P)

At ayun na nga. Hehehe… sana e kahit papaano e nakilala nio ko. \m/
Sa muling pagbisita sa aking bahay mga katoto…
10 com

Haitus


Nawala akong parang bula sa blogworld. Dumating kasi ang pamilya ko dito sa singapura. Kelangan ko magsakit-sakitan para maipasyal sila (wak maingay). Ginawa kong dahilan ang aking vertigo, dahil na din sa naranasan ko na din eto dahil sa nakahiligan kong abutin ang langit (mamumubok a-re at lumiliwaliw kaya nasasakay ng erpleyn).

Na nosebleed ako bigla nung nasabi ni Madz na Haitus daw ata ako. Pootek. Nawala ako agad sa ulirat, napagtanto ko nalang na pinupunasan ko nalang ang ilong ko sa kawalan. Ayon daw ke Urban dictionary:
Haitus: An excuse for webmasters to take a vacation and not get in trouble for it.
Egsample:
Guy one on beach: So, what's up with your website while we're here?
Guy two: It's on haitus; no worries!

At dahil naHaitus daw ako… hanggang ngayon ay wala pa ko sa momentum magsulat (palagi naman). Ishare ko nalang muna etong makalumang mga linya sa sine. Luma na to. Pero parang di pa din kumukupas… ;) enjoy reading…


In the tradition of "Kapag ang Palay Naging Bigas,

May Bumayo", here are some

more *classic* Filipino movie titles:
1. Kapag ang halaman naging puno, may sumibak
2. Kapag ang tahong bumuka, may sumipsip
3. Kapag ang tulya nabasá, may dumila
4. Kapag ang manok tumilaok, may lumunok
5. Kapag ang mani nangamoy, may bumaboy
6. Kapag ang itlog pumutok, may pumitik
7. Kapag ang bibingka nagka-niyog, may kumayod
8. Kapag ang mani umiinit, may mapupunit
9. Kapag ang talong sumulong, may pumatong
10. Kapag ang pinya nagka-katas, may tumabas
11. Kapag ang papaya ang ibiniyaya, may liligaya
12. Kapag ang pasas tumigas, may humimas
13. Kapag ang ibon nagka-pugad, may alagad
14. Kapag ang tuba naging suka, may sumawsaw
15. Kapag ang damo nakalbo, may umararo
16. Kapag ang mani namaga, may nag-laga
17. Kapag ang tiyan nagka-bukol, may pumalakol
18. Kapag ang mata tumirik, may tumurok
19. Kapag si Inday umaray, may sumakay
20. Kapag ang ahas tumuka, may bubukaka
21. Kapag ang butas hindi madulas, may minamalas
22. Kapag ang monay nilamas, magugulo ang balbas
23. Kapag ang penoy inamoy, sasaya si Manoy
24. Kapag ang bibingka may itlog, espesyal (wala lang)
25. Kapag ang buhok magulo, B_LB_L ito :)
11 com

Need a job?

Sa panahon ngayon choosy ka pa ba? Tira lang ng tira...hehe...


Ang link ay galing ke vicyakman at matatagpuan dito.

Apply na... \m/
13 com

Kapag ang butas hindi madulas, may minamalas


Tuyut na tuyot na.
Kahit anong gawing piga, walang lumalabas.
Mukhang naisagad ko na hanggang sa kasukdulan.
Ganito ata talaga ang epekto pag inaraw araw...
 Sabi na wag pilitin pag wala ng nalabas… yan tuloy napagod at natigang.

Hapdi ng ulo ko.
Pagod.
Walang silbi.
Hindi ko alam paano muling bubuhayin.
Hay pootek.. kung kelan kita kelangan saka hindi ka nakikisama.

Sana sa susunod na araw magkasilbi ka ulet.
Kung kelan, kumikita na ko dahil sa’yo.
Kung kelan, sa bawat paggamit ko sa’yo dolyar ang nakataya.
Kailan ulet lalabas ang iyong mga katas?
Kelan magkakaroon ng buhay at kwenta ang iyong mga nilalabas?

Isang bwan lang ba ang iyong silbi?
Gumana ka na paki-usap.
Kelangan ko ang tulong mo para madagdagan ang post ko dito sa bahay ko.
Kelangan ko to para dumami ang magcliclick sa nuffnang ads ko.
Utak, ulo, isip, tulungan nio ko maglagay ng bagong entry sa blog ko. Pakiusap..

Isang bwan na nga pala ang blogspot ko… yahoo… akalain nio yun nakaabot ako ng ganito katagal. Ang saklap lang. hirap na ko makaisip kung ano ang ipopost… Hirap talaga pag hindi ka gifted sa ganitong bagay.
Ngaps, sa isang bwan kong pamamalagi sa blogworld,
nakakatuwa na madami akong nakilalang kaibigan.
Nakakatuwa na kahit papaano eh may mga isang follower ako na nagcocomment parati sa mga entry ko. Nakakatuwa na nahasa ulet yung bahasa melayu skills ko dahil na din sa mga bumibisita sa blogspot ko na mga kaibigang bahasa.

Sa mga isa kong follower… ang post na to ay dedicated para sa imu. Kung hindi dahil sa imu, nagsara na ang bulakbolerosasg sa kanyang pang isang buwan na pamamalagi sa blogworld.
Maraming Salamat… Kaibigan Ko…
Terima Kasih… Kawan Ku…


43 com

Stayl bulok ang huling kabanata


At natupad ang plano…  SUCCESS!
nagselos na ang magseselos… lol.. joke joke.
Pagkatapos ko ipaskil dito sa aking bahay ang stayl bulok, ayun at nagreak nga ang aking dating munchkins…
munchkins ko dati (5/6/2010 5:47:21 PM): natawa ko dun sa blog mo nun isang araw
munchkins nya dati (5/6/2010 5:47:26 PM): san??
munchkins ko dati (5/6/2010 5:47:27 PM): un humihirit hirit ka sa ofismate mo
munchkins ko dati (5/6/2010 5:47:33 PM): bat ndi binigay un numbernia
munchkins ko dati (5/6/2010 5:47:35 PM): tsk tsk
munchkins nya dati (5/6/2010 5:47:36 PM): wuu.. natawa o nasaktan?
munchkins ko dati (5/6/2010 5:47:39 PM): hahaha
munchkins ko dati (5/6/2010 5:47:42 PM): natawa
munchkins nya dati (5/6/2010 5:47:45 PM): aminin
munchkins nya dati (5/6/2010 5:47:55 PM): lol
munchkins nya dati (5/6/2010 5:48:32 PM): crush kasi ko nun. tingnan mo yung salita nya. di madaling ibigay sakin number nya
munchkins nya dati (5/6/2010 5:48:34 PM): so pakipot
munchkins nya dati (5/6/2010 5:48:44 PM): bakit sa iba madali ibigay pero sakin inde
munchkins nya dati (5/6/2010 5:48:57 PM): edi dapat sinabi nya nalang ayaw nya ibigay ung number nya
munchkins ko dati (5/6/2010 5:57:16 PM): hahaha
munchkins ko dati (5/6/2010 5:57:18 PM): pede rin
munchkins ko dati (5/6/2010 5:57:25 PM): sige na nga
munchkins ko dati (5/6/2010 5:57:27 PM): panalo ka na
munchkins ko dati (5/6/2010 5:57:29 PM): type ka nia
munchkins ko dati (5/6/2010 5:57:31 PM):
munchkins ko dati (5/6/2010 5:57:33 PM): wahehe

gusto ko lang ishare sa inyo. At saka tulad ng aking pinangako… eto na yung last na magsusulat ako ng chat conversation.
Ui munchkins ko dati, hindi ko na pinagpaalam sayo to.. baka mareject ulet eh – pagbigyan mo na ako.. ngayon lang naman. (Andres de saya lang)
Kaya eto na yung part 2 ng stayl bulok. Ito yung kadugtong ng usapan naming after nung hingian ng numero.

Ang sa akin lang naman. Minsan mahirap talaga ispelengin ang mga babae. Takte dapat sa edad kong to, dapat inde ganto yung mga pinopost ko. Jologs ampupu.
Kung ayaw mo, ayaw mo… wala ng paligoy ligoy pa. :P Hindi mo nga bibigay number mo, pero magpapabaon ka naman sakin (ui piz kaopisina@sg kung mababasa mo to… egsample lang naman… Andres de saya mode on ulet).  Baka ibang baon kaya ung tinutukoy dito? Nyahaha..
Isa pa, ayaw ko na magpacute(hindi naman ako cute)… masyado na mimis interpret…

Saka dagdag ko lang tong babasahin na HS pa ata ako neto…. Nabasa ko lang sa cover notebook nung klasmeyt ko nung HS...mga 1970s ata yun. Haha. Baka meron pang inde nakakabasa senio.


Bat ang labo nio Gels?  
If u smile at 'em, they'll think crush mo xa
If u don't naman, sasabihan kang feeling gwapo
If u respond to her crush agad, they think yer taking advantage
If it took u years to notice, sobra kang manhid at torpe
If u go out with her alone, sasabihan kang boring
Kapag may barkada along, bad trip k'se barkada pa rin
If u go out with another gal, tingin sa 'yo playboy
'Pag stick ka sa kanya, they'll proclaim yer dead na dead
If u ask her where she's been, sasabihan kang possessive
'Pag pinabayaan mo naman, they think yer fooling lang
If u kiss her, she thinks yer going too fast
If u don't naman, she'll say yer unromantic...
BOYS are just humans and may mistakes den,
And we often wonder, ba't ANG LABO N'YO GELS?!


\m/ hanggang sa muli mga katoto.
8 com

Galing at Talino


Sa mga oras na ito, kasalukuyang ginaganap ang halalan sa Pilipinas kong mahal. Malamang sa alamang ang mga tao ay nakapili na ng kanilang kandidato. Ayus… nakakainggit naman kayo, na-practice nio ang inyong rights na bumoto.
Dahil wala rin naman akong kwentang mamayan ngayon, ninais ko na medyo tumahimik nalang kung may nagtatanong sa akin kung sino ang gusto kong iboto. Bakit? Alam ko kasi matatalino ang mga pinoy, may kanya kanya tayong pagiisip na hindi naman bigla bigla nalang nadidiktahan ng kahit sino. Kung sino ang sa tingin natin na tunay, tapat at makakatulong sa ating bayan… alam kong yun yung iboboto ng pinoy. Medyo nakakabadtrip lang yung nabasa ko sa comment sa facebook nung isang araw tungkol sa pageendorso ng isang malaking grupo sa isang kandidato. Parang dinidiktahan nya na tayo. (pasensya na kung may tamaan, sariling opinion ko lang to). Ang labo tsong… Ang nakasulat dun ay. Iboboto ko sana si candidate number 1 pero ang inendorso e si candidate number 2. Kaya para sa pagkakaisa at aral na dapat sundin si candidate 2 na dapat iboboto ko. Hayst… kakalungkot ang aral na yan.
At dahil simula na ng botohan at talagang fix na kung sino ang iboboto nyo. Sasabihin ko na ang aking saloobin.
Lahat ng kandidato, may kanya-kanyang plataporma na niniwala ako na sadyang makabayan. Alam ko naman na ang nagtulak sa kanila sa pagtakbo ay ang eagerness nila na makatulong sa bayan (think positive naman kahit paminsan mga kababayan – hindi lahat ng kandidato kumakampanya para humakot ng kamban ng bayan). Ewan ko lang dun sa isang kandidato na parang napilit lang naman ata dahil sa isang aksidenteng nangyari nung nakaraang taon (ako na ngayon ang negative).
 “Filipinos do not deserve the second best”. Eto ang tinuran ng isang kandidato. Huwaw parang Malaysia at Singapore lang to na gusto hakutin ang world record ah. Gahaman baga. LOL. Pero seryoso, hanga ako sa pagkakasabi nya neto. Bakit ba inde eto yung pinaplataforma ng ibang kandidato? Bakit puro pokus sila sa mahirap? Sorry sa pagiging rude. Mahirap din naman ako, pero iba ang pananaw ko sa buhay lalo na sa politika at sa bansa. Talagang mabagal ang pag-unlad ng bansa. Ganun naman talaga, hindi naman 1 click lang yan. Pero kahit ilang milyon man ang ibigay mo sa mga mahihirap, wala namang  imbestor na dayuhan. Wala din. Ganun padin ang flow of income ng Pilipinas. Kelangan natin na magisip kung paano tayo makikilala. We need to aim for the best! We need to be recognized, not as a poor country, not as a developing country but a country than can compete with other countries. Dami kaya natin pwede ipagmalaki. Kelangan lang natin magpakilala. Husay pinoy, galing pinoy at ganda ng pilipinas… Paano pa at tayo ang naging perlas ng silangan? Hahayaan ba natin itong maagaw ng mga gustong angkinin lahat ng world record? :P
Anu at ano pa man ang maging resulta ng halalan. Umaasa ako na ang mananalo ay yaong karapatdapat na maglingkod sa bayan.
Isa pa, laging 2 way yan para magwork. Sa atin mga mamamayan at sa mahahalan na pinuno nakasalalay ang pag-unlad ng ating bansa.  
9 com

PNB: Proud Nanay's Boy

 
Espesyal ang araw na ito sa isang taong malapit sa ating buhay.

Walang mga imbentor, guro, professional kung walang inang nagtyaga magturo.
Walang mga pastor, pari, madre, at mga lider ng relihiyon kung walang inang nagmulat ng tamang asal.
Walang president at opisyal ng gobyerno kung walang inang gumagabay.


Ika nga, mothers know best.


Inang nandyan lagi sa’yo.

 
 
Inang handang isakripisyo ang lahat alang-alang sa kanyang pinakamamahal na anak.

 



Sa aking Inay at sa lahat ng Ina… Maraming salamat!!!



Happy Mother’s day.
Maligayang araw ng mga Ina.
Selamat Hari Ibu.



***Salamat kay youtube sa mga videos.

6 com

Ang Aral. Bow.


10:01pm.
Inaantok na ko pero gusto ko pang magsulat. Kadalasan mas late pa nga ako matulog, madaling araw na. pero kakaiba ang araw na to, parang hupang hupa ang katawan at pagiisip ko. Isang buong araw na parang kahit anong gawin ko, hindi ko malabanan ang pagkabugnot. Sadyang may mga panahon talaga na kahit anong gawin mo, hindi maganda ang dating sayo.
Umaga palang… ang dami ko nang ginawang trabaho sa opisina. Balak ko pa naman sana sumundot ng blog tungkol sa nakita kong article sa yahoo Singapore homepage. Wala na. Natambakan na ko ng trabaho hanggang hindi ko na trip isulat yon.
Tanghali, hapon, gabi. Ganun pa din ang pakiramdam.
Hindi na din ako nag jog ngayong gabi. Takte, nasira na ang momentum. Naisip ko kasi baka di ko rin matapos takbuhin yung parke na iniikot ko. Walang lakas, walang gana.
=======
Nakakalungkot. Binigyan tayo ng utak para mag-isip hindi para magpacontrol. Natural lang naman na matakot pero dapat nasa lugar. Hindi laging ang nakakataas sayo ay tama katulad din ng hindi ka rin laging tama. Hindi papantay ang buhay kung hindi ka tutulong balansehin ito.
Alam kong malaking impluwensa ang nakakataas sa atin, pero tama bang controlin nya pati buhay natin? Nakakalungkot talaga! Hindi tayo de remote na kung anong gusto pagawa sa atin eh, isang click lang susunod na tayo.
Nirerespeto kita. Nirerespeto ko ang paniniwala mo. Pero sana respeturin mo ang sarili mo, Kapatid.
========

Bakit sa buhay natin laging may kontrabida?
Bakit mas gusto natin lagi ang bida kesa kontrabida?
Bakit pag nagsabi ka ng tunay mong saloobin may posibilidad na maging kontrabida ka? E ang sinasabi mo lang naman ay yung tama at ayaw mo lang magpa-api?
Bakit mas gusto pa ng iba na tumahimik o sumunod nalang para hindi tawaging kontrabida?
Bakit nga ba?
At bakit kamukha ko ang nasa larawan? Lol.


***photo from mr. google
 =======

11:29 pm na.

Nawala ang antok ko. Basa basa ulet ng mga balita tungkol sa nangyayari sa pinas.

~poof

19 com

Balut@sg


Gusto ko ng balut. Sa katunayan nga, nung bata-bata pa ko nakakaubos ako ng tatlong balut sa isang gabi. Hindi naman ako naweweirduhan sa lasa nya. Masarap sya para sa akin lalu na pagsinasawsaw sa suka.
 Ayon ke Mr. Wikipedia:
A balut is a fertilized duck (or chicken) egg with a nearly-developed embryo inside that is boiled and eaten in the shell.
Popularly believed to be an aphrodisiac and considered a high-protein, hearty snack, balut are mostly sold by street vendors in the regions where they are available. It is commonly sold as streetfood in the Philippines. They are common, everyday food in some other countries in Southeast Asia, such as in Laos (where it is called Khai Luk), Cambodia (Pong tea khon in Cambodian), and Vietnam (Trứng vịt lộn or Hột vịt lộn in Vietnamese). They are often served with beer.

At dito nagsimula ang istoryahan sa SG....
Dahil isa kong OFW, may mga panahon na tinatanong ng mga katrabaho kong ibang lahi kung ano yung mga pagkaing pang pinas lang. Ako, ni minsan hindi sumagi sa utak ko na ipatikim o ipagmalaki sa kanila ang ating balut. Hindi ko alam kung bakit, pero ang kadalasang nirerekumenda ko ay lechon, Purefoods na hotdog at ang ating tamis anghang na ketsup. Ang weird no? Nasabi ko nga sa sarili ko, wala kaya silang ganito at ganito pa ang pinagmamalaki ko. Sa safe side lang ako. Yung tipong simple lang tingnan pero cool yung lasa. Yung tipong hindi ako ipapahiya. Yung pagkatapos nya kainin ay maisasabi nya na nasarapan sya. Hindi ko nga din binabanggit yung adobo kasi ang iniisip ko ay baka hindi nila trip yung madaming spices. Alam ko kasi pagdating sa pagkain, may kanya kanya tayong trip.
Hanga ako sa kaopisina kong pinay. Naisip nya na iintroduce ang balut sa mga kateam nya. Hindi nya ba naisip na baka hindi sila masarapan dito at baka isumpa na nila ang mga pagkaing Filipino? Wag naman sana. Kaya ayon na nga ang nangyari. Mayo-a-singko, tea break, naganap ang dapat maganap. Sa unang pagkakataon, dalawang Chinese naming kaopisin ang sumubok kumain neto. Lakas ng loob nila. 
Pagmasdan, ngiting ngiti ang kaopisina kong pinay na pasimuno ng lahat. :P

Dalawang kaopisina kong pinoy ang nagdemo sa dalawang kaopisina naming chinese kung paano kumain ng balot.

Kala ko nga hindi pa nila mauubos pero naubos naman nila. 

Panoorin ang video na kinuhan ng batikang mamvivideo na si maynard... di lang pala seks scandal kaya mo ivideo pre. lol.
Nakakain ka na ba ng balut?
Siguro kung hindi pa, sasabihin mo nakakadiri, may buhok buhok pa at mararamdaman mo pa yung tuka ng itik. Tunay naman, hindi ako makikipagtalo tungkol dyan, yung balat nga ng baboy bago ipirito inaahitan pa eh, yung kalago pa kayang balahibo ng itik di mo malasap? Pero ang payo ko lang, subukan mo munang tikman saka mo ihusga. Kung ayaw mo, malamang ayaw mo talaga… iba iba naman talaga tayo ng trip. Possibleng ang trip mo naman ang hindi ko trip.
Tanong ko, kumakain ka ba ng pagkaing may gata? Pag sinabi mong oo. Swak, ako naman hindi. Ayaw ko ng pagkain na may gata. Hindi ko alam kung bakit. Siguro hindi ko lang sya talaga trip.
Siguro ganun din ang buhay, hindi mo naman masasabi na masarap hanggang hindi mo natitikman. May mga bagay na maganda sa panglabas pero panget sa panloob at meron din namang panget sa pangloob pero maganda sa panlabas. Yun lang.
15 com

Stayl bulok


Minsan may diskarte tayong sablay o kaya bulok. Pag-iyong babalikan, matatawa ka na lang sa mga pinagsasabi mo. Sabe nga, tats move, kung anong nasabi mo na ay di mo na mababawi kahit kailan.
Dahil wala pa ding pumapasok sa utak ko na magandang isulat, eto na naman ako para maghalungkat ng aking chat archive. Habang binabasa ko yung pakikipagtalastasan ko ke kaofismate@sg (inde ito yung nagsabi sakin ng suplado), natatawa ako sa mga bulok na hirit na binitawan ko sa kanya. Eto yata yung masasabing stayl bulok. Nasa baba yung usapan.

Isipin mo yun, ang hirap pala ibigay ang number sa akin? Napaisip tuloy ako kung ano ba pagkakaiba ko sa iba bukod sa inde nga ako cute? At anu ba basehan ng pagiging cute? Para sa akin nasa tumitingin lang yan. At hindi naman talaga ko cute, pambata lang kaya un. Pang hayskul ba-ga. Saka napansin ko, makapal din pala mukha ko kahit paminsan. Hehe… kunwari pa ko na ayaw ko ng eksposyur pero dumidiskarte din pala sa likod ng kamera. Ganito siguro ko kajologs. Kakahiya mang aminin pwede akong maging nominado maging hari ng sablay. :P
Ngaps, medyo naging  trademark ko na ang magcopy-paste ng chat conversation, pero napagtanto ko na parang di na okay na pati yung medyo pribadong buhay ko e naihahayag dito sa blog ko. Medyo baka hindi rin komportable yung mga naiinvolve sa usapan na ilagay ung pag-uusapan namin. Kaya hindi na ko maglalagay ulet ng chat conversation (sana). Eto na yung second to the last, hirit pa ko ng isa next time. hehe...
8 com

Desaru


Sakto, mayo-a-uno nag yaya ang bundokeros na magpunta sa Desaru. Ayon ke wikitravel ang Desaru ay matatagpuan sa south-east part ng Johor, Malaysia.


Photo courtesy of Wikitravel

Gabi palang ng biernes, naresib ko ang iterinary at kung anung oras ang byahe ng ferry na sasakyan papuntang Desaru. 630 ng umaga ang kitakits sa Changi Ferry Terminal. Ang bangkang ito ang maghahatid papuntang Malaysia at mula dun ay magpapadyak na hanggang makarating sa Desaru.

Sa pagtatantya, mga 4 na oras din ang gugugulin ng pagpapadyak kasama na ang pahinga at pamimisan minsang pagpipiktyur piktyur.

Matagal ito. Kaya ang makarating sa mismong destinasyon ay isang kaginhawahan.

Masarap na kahit paminsan-minsan ay magkaroon ng ganitong activity. Eto nga ang aking mga iniintay na gawin. Magbulakbol, magpiktyur sa pampang, lakbayin ang mga lugar na di ko pa napuntahan, at maginuman ng walang humpay hanggang sa pagkagising mo – parang wala lang nangyari.

Subalit… ako ay bigo. Hindi ako nakasama sa Desaru. Dahil sa sobrang aga ng alis. Tinamad ako gumising. Hahabol sana ko sa 2nd batch na 10am ang alis, pero nung nadinig ko ang alarm ko ng bandang alas-otso, pinatay ko lang ito at nagtalukbong na ulet ng kumot.
Lumipas ang araw na ang nagawa ko lang ay matulog at patumbahin si pareng Jose Curevo kasama ang mga tropa sa bahay.

Masarap din naman. Kaso nakakahinayang na di ako nakasama sa Desaru. Sana sa susunod na pagpadyak papuntang Desaru ay makasama na ako.

Moral Lesson:Daig ng tamad gumising ang alarm clock.”
Photos courtesy of Sir Carlo (salamat sir sa pahintulot na gamitin ang iyong mga obra)