Stayl bulok


Minsan may diskarte tayong sablay o kaya bulok. Pag-iyong babalikan, matatawa ka na lang sa mga pinagsasabi mo. Sabe nga, tats move, kung anong nasabi mo na ay di mo na mababawi kahit kailan.
Dahil wala pa ding pumapasok sa utak ko na magandang isulat, eto na naman ako para maghalungkat ng aking chat archive. Habang binabasa ko yung pakikipagtalastasan ko ke kaofismate@sg (inde ito yung nagsabi sakin ng suplado), natatawa ako sa mga bulok na hirit na binitawan ko sa kanya. Eto yata yung masasabing stayl bulok. Nasa baba yung usapan.

Isipin mo yun, ang hirap pala ibigay ang number sa akin? Napaisip tuloy ako kung ano ba pagkakaiba ko sa iba bukod sa inde nga ako cute? At anu ba basehan ng pagiging cute? Para sa akin nasa tumitingin lang yan. At hindi naman talaga ko cute, pambata lang kaya un. Pang hayskul ba-ga. Saka napansin ko, makapal din pala mukha ko kahit paminsan. Hehe… kunwari pa ko na ayaw ko ng eksposyur pero dumidiskarte din pala sa likod ng kamera. Ganito siguro ko kajologs. Kakahiya mang aminin pwede akong maging nominado maging hari ng sablay. :P
Ngaps, medyo naging  trademark ko na ang magcopy-paste ng chat conversation, pero napagtanto ko na parang di na okay na pati yung medyo pribadong buhay ko e naihahayag dito sa blog ko. Medyo baka hindi rin komportable yung mga naiinvolve sa usapan na ilagay ung pag-uusapan namin. Kaya hindi na ko maglalagay ulet ng chat conversation (sana). Eto na yung second to the last, hirit pa ko ng isa next time. hehe...

15 comments:

Chingoy | May 4, 2010 at 2:05 PM

ahahaha... sige, wait ko ulet ung last... na sa malamang, 2nd to the last ulet :p

Jepoy | May 4, 2010 at 2:13 PM

SMB nga! Sablay na Sablay buti kamo may gf ka pa ngayon sa gayang hirit ahaha, kala ko pa naman matutu ako ng mga the moves na lulufet wala pala. Makalayas na nga dine...

hArTLeSsChiq | May 4, 2010 at 2:39 PM

tatawa na lang ako :))

kikilabotz | May 4, 2010 at 2:43 PM

magpapaturo sana ako ng mga teknik jan eh. hahaha.. bkit parang hnd mgnda resulta.ahaha

hArTLeSsChiq | May 4, 2010 at 2:48 PM

buti na lang kiki nabasa mo agad...bwahahahaha sablay

bulakbolero.sg | May 4, 2010 at 4:24 PM

@chinggoy. ayaw ko na maghalungkat ng lumang archive chat conversation, nadadala lang ako minsan ng emosyon. lol.. joke joke.

@jepoy. ako ay dakilang sablay na tao lang. :P kung anu sinasabi ko ayun tinitibok ng puso ko. lol. kapootek!

@Muse, kala ko ba eh tatawa ka lang bat may follow up comment ka pa? :P

@kiki, dehins ako mahusay dyan sa teknik pre. kagandahang lalaki lang ang pinapairal ko. adik.

hArTLeSsChiq | May 4, 2010 at 5:11 PM

hindi ko kasi naiwasan eh..tatawa ulet :))

언니 | May 4, 2010 at 6:48 PM

bOOm~~~pwedeng kumanta ng ikaw ang hari ng sablay?peace,,ikain mo nlng yan ng tsokolate,,mahhyper ka pa hahahhaah,,,

karen anne | May 4, 2010 at 8:52 PM

nanliligaw ka ba ng lagay na yun?hehe.. stayl bulok... haha

mjomesa | May 4, 2010 at 9:54 PM

bulok nga..as in kamatis level bulok..hehehe

Jag | May 5, 2010 at 1:53 AM

hahahahah tyaga tyaga lng yan pre...

bulakbolero.sg | May 5, 2010 at 9:24 AM

@muse madz. sige tawa lang ng tawa.

@언니. boom shakala. kakakain ko lang tsokolate kagabi. kasama ba yung milo sa chocolate? kaiinom ko lang ngayong umaga.

@muse karen. nope, nagpapacute lang naman ako. at alam ko bulok nga stayl ko. kaya nga natawa ako dito habang pinopost ko. haha

@mj. ayus. salamat sa papuri.

@jag, yep. pag may tyaga may tinola. hehe. ang korni pootek!

~ JaY RuLEZ ~ | April 16, 2011 at 8:08 AM

ndi ka kasi cute..


gwapo lang?




ahahahaha yan ang mga banat...hehehe

Ako si Yow | April 17, 2011 at 12:46 AM

Hahahaha. Hindi nga epektib. Dapat dinagdagan mo pagpapakitang gilas o kaya inofferan mo ng katawan makuha lang number niya. Hahaha. joke lang.

Ken` | April 17, 2011 at 11:06 PM

mas ok pa nga ang mga bulok na banat. minsan sa mga ganyang banat di mo alam madedevelop din yang mga babae satin. hehe