16 com

Planado

8 com

inuteel inside

Ginaya ko lang ang post ko ngayon sa entry ni pareng Jojo. Bigla lang kaseng nakatipusan ko mag isip ng subject na pipiktyuran ngayong pagkagising ko.


Taliwas sa nakasanayan ko nung nag-aaral pa ako ng ballpen lang ang dala ko pag papasok sa eskwelahan, ngayong nagtatrabaho ako sa SG ay parati akong may bitbit na bag. Siguro dahil na din lagi akong nauutusan bumili ng kung anu-ano na pang lahok/sahog sa lulutuin ng gabi at gusto kong maitago ang kilo ng manok at repolyo o anupaman na hindi maitatago sa bulsa, kaya nagdadala na ko ng bag ngayon. LOL. dyahe kaya na naglalakad na may grocery na bitbit. Lalo na pag utusan ka bumili ng malaking suka at toyo sa orchard at para makauwe ay sasakay ka ng MRT.

Pero ano nga ba ang kadalasang laman ng bag na bitbit ko araw-araw?





1. creative wireless headset+mic
2. tutbrush
3. tutpaste
4. nalgene water bottle
5. carabiner
6. post-it pad
7. eclipse mint candy
8. broken TNF ID lace
9. 1TB WD harddisk
10. Iphone charger cable
11. passport
12. bolpen
13. SD card
14. portable iphone charger
15. ampao
16. my ID in my last company
17. HK octopus card
18. extra MRT card (w/nets)
19. extra MRT card

ayun lang... minsan may nadadagdag pero madalas yan ang laman ng bag ko dahil bihira naman din ako mag-ayus ng bag.


sige liligo na ko. may masat session pala ako ngayon. nagpahome serbis ng masahista.
16 com

bunso



Mga pangyayaring naganap kaninang lants break.




officemate to my manager:


YL: Its unfair, why I don't have food?
Manager: just ask Joel, he has plenty.




officemate to me:


YL: I've been serving her for a long time yet I haven't get any food from her. unfair mah.
Me: according to E (my manager) its for both of us.




Bago ang pakikipag-usap kay YL.


Manager: Joel, here's some food. (sabay abot sa mga pagkain sa larawan sa baba na may lamang ilang pirasong sky flakes, oreo cookies, kid-O crackers, cheezels at isang plastic container ng potato chips)
Me: Wow. thank you. (pakiramdam ko patabaing baboy ako sa opisina)






======




Pitong taon na kong nagtatrabaho pero perstaym ko lang makapasok sa isang kumpanya na ako ang pinakabata. Medyo nakakatuwa naman. Bunso ang tawag sa akin ng halos lahat ng tao sa opis (pinoy man o hindi). Napatunayan kong di pa rin pala ako ganun katanda. Madalas pinapasalubungan ako ng mga kaopisina ko. lalo na yung mga kaopisina kong pinoy, parang ang lakas-lakas ko sa kanina (sa ngayon, baka magsawa rin to pag tagal). pero sa ngayon, samantalahin ko muna. \m/







20 com

mah new crib

isang linggo na akong natutulog sa aking bagong kwarto. mas maliit ang kwarto ko ngayon ng tatlong ulit kesa sa dating bahay na pwede magbisikleta sa loob at kasya ang dalawang queen size bed na maluwag pa ang espasyong pwedeng lakaran at tambayan. kahit mas maliit ay mas mahal naman ang bayad ko ngayon.mas mahal ng $200. wala naman problema sa akin dun. ang mahalaga naman sa akin ay kung sino ang mga kasama sa bahay at kumportable. \m/