17 com

Bulakbol in Vietnam

 

Nagbulakbol ako sa vietnam nung weekend.

 

IMG_1322

 

da place.

 

sa pangkalahatan, maayos naman. parang malaking quiapo o divisoria. daming isjapeyks na bag at damit. karaniwang madidinig mo sa kanila ay “many colors, many designs, good quality.” ayus din sa promotion kung tutuusin.

 

IMG_1276IMG_1296IMG_1318

 

da people.

 

mukhang mga taga pilipins lang din sila. malaki ang resemblance nila sa atin.

 

 

da transportation.

 

common ang scooter pang bulakbol ng mga tao na nakatira doon. madami din silang cab parang gapore lang. may rickshaw din para sa mga turista. ang pinakaayaw ko lang sa kanila, madaming mapagsamantalang driver. kaya kung sino man ang gustong magbakasyon sa vietnam, ingat lang.

 

 

IMG_1243

 

 

da food.

 

isa sa peborit part ko pag nagbubulakbol. dami kong nakain dito. halos patok naman sa panlasa ko ang mga pagkain sa vietnam.

 

IMG_1246IMG_1251IMG_1266

 

 

da eksperience.

 

ayus maglakbay sa vietnam. sa saigon lang pala kami nagpunta. halos lahat ng mga tourist destinations dun ay pede mong lakarin. from district 1 to district 4 (ata). nakakapagod nga lang pero tipid tipid sa pamasahe. madami din pala kong nakita na nagpapa pre-nup dun. parang pre-nup capital ata sila. lol.

 

IMG_1301IMG_1312IMG_1313IMG_1311

 

 

 

 
 

 

ayon lang po. abangan nalang ang susunod na pagbubulakbol ni bulakbolero. salamat, sa uulitin.

47 com

Poker Face

 

Matagal-tagal ko na ding pinangako sa sarili ko na hinding hindi na ako iiyak... Kailanman! “big boy na ata ‘to” sambit ko sa utak ko noong nasa ika-anim na baitang ako sa elementarya.

 

Isang pagsubok ang pagiging OFW. Sugal kung tutuusin. Hindi mo masasabi ang kapalaran hanggang sumuong ka sa mismong laro ng buhay na ito. Ilang beses na din ako nakabasa ng istorya ng mga OFW bloggers na tila sila yata yung makapagpapabali ng aking pangako nung kabataan ko. Mapa-istorya man ito ng tagumpay o pighati, lahat nito kumukurot hanggang singit ko. Ang buong akala ko dati, ang pagpipigil lang ng pagnanasa sa katawan ang mahirap pati pala ang pagpipigil ng luha ay ganun din.

 

Bilang OFW ay sumugal din ako. Edad bente kwartro noong nakipagsapalaran ako sa bansang Malaysia. Nahasa ang aking dancing skills, dahil kailangan kong igalaw ang aking buong katawan bago nila maintindihan ang nais kong ipahiwatig. Natuto din magbahasa melayu sikit sikit (konte lang). at nagkaroon din ng panghihinayang sa ginawa kong hakbang na ‘to.

 

Kung may pinagsisisihan ako sa pagiging OFW, ay yung nawala sa akin si Jean.

 

Binalak kong ayusin ang lahat ng magulong bagay sa buhay ko kaya umuwi ulet ako ng pinas. Kaso… huli ng ang lahat. wala na akong babawiin.

 

“big boy na ‘ko” hindi kailangan magpaapekto sa pangyayari. nagpatuloy ang pagsugal sa buhay.

 

Nakipagsapalaran naman ako sa Singapore. Sugal ulet. katulad ng ibang OFW, posibleng pasitib o negatib ang kahinatnan ko dito. Hindi talaga ko pinanganak na gambler, pero yaen na. Lahat naman ng bagay na gagawin ng tao may consequence. bahala na nga daw si batman.

 

Hanggang ngayon OFW pa rin ako. nakikipagsapalaran. nagpapatianod sa agos ng buhay. Hindi ko alam kung ano ba yung iuuwi kong tagumpay sa bansa ko pagtapos nito. Paano kung ni piso wala akong kitain? Ibig sabihin ba nito ay natalo ako sa aking sugal?

 

Malamang Oo.

 

Malamang Hindi.

 

Sa totoo lang, ang pagkapanalo sa buhay ay naka base lahat kung papaano natin ito tinitingnan. Kung sumugal ka at natalo, ang maganda ay sinubukan mo. Walang nakalambitin na tanong sa’yo.

 

May panghihinayang oo.

 

Pero di ba ang buong buhay natin ay sugal? Kung di natin susubukan, hindi natin malalaman ang kahihinatnan.

 

Pag-uwi ko sa pinas….

 

naging matagumpay man ako o hindi dito sa ibang bansa, pipilitin kong maging masaya. pipilitin kong tuparin yung sinabi ko na hinding hindi ako iiyak.

 

kase natuto akong sumugal.

 

…na sana ang naging karanasan ay maging daan para sa pagbabago, na anu’t ano pa man ang kahihinatnan ng pagsugal sa buhay ay normal lang at dapat nating harapin ng buong tapang.

 

kung pasitib o negatib ang mangyari. iyon ay dahil sa kung papaano natin ito sinakyan o nilaro (siguro).

 

ang mahalaga ay ang mga natutunan natin sa larong ito.

 

 

 

 

Ang akdang ito ay bilang pagsuporta sa PEBA 2011: "Ako'y Magbabalik, Hatid Ko'y Pagbabago."

 

=====

ito na yata ang pinakamahirap na entry na ginawa ko. nahihirapan kase talaga ko maglahad ng istorya na pasitib ang magiging outcome. paano ko ba mapapakita na makakauwe ako sa bansa ko na may dalang pagbabago? ang hirap! ilang beses din akong nag delete ng draft para dito. kung papalarin, nais ko sana itong isali sa PEBA. kelangan kong sumugal ngayon.

---bulakbol

=====

26 com

BBQ area 1 pit 2

 

Walang pasok kahapon dahil birthday ni Singapore. Nagplano ang mga tropa na pumunta sa Pasir Ris park para doon ay mag BBQ. Para din daw tumakbo at magbike.

 

Pasir Ris Park BBQ area 1 Pit 2. Dito kami nakabook para sa BBQ na mangyayari. Pagpunta sa park, tanaw sa ‘di kalayuan na parang may mga tao sa pinareserve naming lugar.

 

 

Ako: Dos di ga?

 

IMG_1117

pagkatapos kong sabihin ‘to ay may narinig ako sa may pit. “dito ata sila” at konting bulungan galing din don.

 

Ako: Dos di ga tayo?

 

Auntie: Oo. teka check ko resibo. (hanap ng resibo sabay abot sa akin)

nilapitan ko yung mga nagBBQ.

 

Ako: Did you reserve for this place? (bagamat nadinig ko na parang nagtatagalog sila, inenglish ko narin para makasigurado. minsan magkatulog kase ang bahasa sa tagalog)

Siya: No. We’ll just move to the other pit.

 

Ako: Thank you. (sabay baba ng mga gamit na dala ko)

 

Pagka-alis nila ay nag BBQ na kame.

 

 

======

 

Minsan may mga bagay na nakatakda na sa atin pero naunahan tayo ng iba dito. Kailangan lang natin itong ipaglaban para makuha. Kung wala tayong gagawin, mapupunta sa iba nang wala tayong kalaban laban. Gusto mo ba ‘yon?

27 com

Bidyo Eskandal

 

 

ang buhay ng tao, masaya man o hindi parang video scandal yan.

 

may nabubuksan, may nasasaktan, may natutuwa at may nasasagi na storya.

 

pilit man burahin ng kahit sino, may panahon parin na maalala mo ito.

 

kahit hindi ikaw yung pangunahing tauhan,  maaring may kopya ka.

 

ang sa akin lang, parang yung sa pagkuha ng bidyo, kailangan maging responsable.

 

hindi natin alam kung ano yung kahihinatnan nito sa bandang huli.

 

ingat.

 

 

 

Isang taon na mula nung huling lumapat ang aking kamao sa isang tao. ito ay dahil sa pambabastos na ginawa nya sa isang babae (walang bidyo eskandal na kinalaman-ibang bastusan ‘to). babae na minsan ay naging parte ng puso ni bulakbol. hanggang ngayon hindi ko pa din ito makalimutan dahil sa nasirang pagkakaibigan.