BBQ area 1 pit 2

 

Walang pasok kahapon dahil birthday ni Singapore. Nagplano ang mga tropa na pumunta sa Pasir Ris park para doon ay mag BBQ. Para din daw tumakbo at magbike.

 

Pasir Ris Park BBQ area 1 Pit 2. Dito kami nakabook para sa BBQ na mangyayari. Pagpunta sa park, tanaw sa ‘di kalayuan na parang may mga tao sa pinareserve naming lugar.

 

 

Ako: Dos di ga?

 

IMG_1117

pagkatapos kong sabihin ‘to ay may narinig ako sa may pit. “dito ata sila” at konting bulungan galing din don.

 

Ako: Dos di ga tayo?

 

Auntie: Oo. teka check ko resibo. (hanap ng resibo sabay abot sa akin)

nilapitan ko yung mga nagBBQ.

 

Ako: Did you reserve for this place? (bagamat nadinig ko na parang nagtatagalog sila, inenglish ko narin para makasigurado. minsan magkatulog kase ang bahasa sa tagalog)

Siya: No. We’ll just move to the other pit.

 

Ako: Thank you. (sabay baba ng mga gamit na dala ko)

 

Pagka-alis nila ay nag BBQ na kame.

 

 

======

 

Minsan may mga bagay na nakatakda na sa atin pero naunahan tayo ng iba dito. Kailangan lang natin itong ipaglaban para makuha. Kung wala tayong gagawin, mapupunta sa iba nang wala tayong kalaban laban. Gusto mo ba ‘yon?

26 comments:

khantotantra | August 10, 2011 at 2:02 PM

true. dapat ipaglaban.

The Gasoline Dude | August 10, 2011 at 2:09 PM

Hindi ko alam kung bakit pero natawa ako sa post mo na 'to. Hanep kasi sa realizations. LOL!

iya_khin | August 10, 2011 at 2:47 PM

tama minsan kailangan ipaglaban..ang kay eva ay para kay eva ang kay adan ay para kay adan! lels lang


maiksing kwento pero swak ang meaning..galing mo talaga biboy!

by da way...miss na nga pala kita..busy ka kasi lagi.. :P

hArTLeSsChiq | August 10, 2011 at 6:40 PM

ngayon na lang ulit napadaan dito :)

aba aba aba, gumaganyan ka na ngayon parekoy.. hahaha

pasok sa banga ang punto mo!

Makina ni Monik | August 10, 2011 at 6:57 PM

"Minsan may mga bagay na nakatakda na sa atin pero naunahan tayo ng iba dito"

Korek ho! this!

EngrMoks | August 10, 2011 at 8:13 PM

tama ang iyong ginawa... ipaglaban ang karapatan, nasa legal na panig ka magkagulo man ang buong singapore...may ipinaglaban kang tama dapat naman talaga ay sayo.
Getz? Wala lang pinalaki ko lang ang issue. Adik sensya na pre. :)

MG | August 10, 2011 at 8:45 PM

hmmmm parang napapabago mo nanaman ang isip ko..hahaha. pero minsan kailangan mo rin magbigay lalo na kung mas kailangan sila ng iba ^_^

Traveliztera | August 10, 2011 at 9:51 PM

simpleng storya pero malalim ang mga prinsipyong hinalo ng may akda. nux lalem din ng tagalog ko... pero angas ng post mo... :)

Bino | August 10, 2011 at 9:57 PM

tama! ipaglaban ang dapat ay sa iyo. wag magpapaapi. yan ang natutunan ko

YOW | August 10, 2011 at 10:19 PM

May moral lesson pala ang BBQ party. Hahaha. Pero tama naman! Kahit sinong inagawan, lalo na't may karapatan, dapat lumaban! Good Job Kuya Joel!

Xander | August 10, 2011 at 10:22 PM

Sabi nga ni Atty. Jose C. Sison.. Kapag may Katwiran, Ipaglaban mo!

Nakkks.. umeeksena ang mga mangaagaw ng pwesto sa BBQhan.

Happy Birthday to Singapura...

UnniBenteNwebe | August 10, 2011 at 11:04 PM

nalunod ako sa lalim sa last part hehe~~~
ipaglaban talaga baka magsisi ka kung mapunta ito sa iba~~
horray

gillboard | August 11, 2011 at 12:54 AM

kelangan talaga ng malalim na interpretation ang nangyari sa inyo? hehe

Pong | August 11, 2011 at 6:50 AM

Happy bday kay Singa! Pore years old na ba siya? hahaha korni xD

Hmmmm baka namali lang sina kabayan, ikaw na ang umiingles!xD

tama naman yun basta ipalaban lang sa mabuting paraan.

be blessed ser

Aj Banda | August 11, 2011 at 9:49 AM

well dati oo ganun ako..
result: naunahan ako ng mokong na sira-ulo na baliw na ga*o na basta galit ako sa kanya..

lesson learned: "hindi na mauulit yun! ang akin ay akin lang at pag gusto ko nung kanila.. akin pa rin yun.." bwahahahah!

ganda ng post na ito.. gusto ko tuloy ng BBQ!!

Tago Fabic | August 11, 2011 at 10:20 AM

Wow! Totoo. Ipaglaban kung ano ang sa iyo. :D

Diamond R | August 11, 2011 at 10:38 AM

Astig. Pero kaya nga nagpa reserved tapos unahan lang pala. tama ka bulakbol.dito sa AbuDhabi (di ako aware sa pinas ngayon pag nanood ka ng movie may binayaran kang upuan at dapat doon ka umupo parang ganon lang. na alala ko lang sa post mong ito.
sigurado ako dahil diyan ang sarap ng BBQ.

Toilet Thoughts | August 11, 2011 at 10:46 AM

haha. may cheesy line sa dulo. potek. haha!

parang advise lang sa love life ah! haha!

~ JaY RuLEZ ~ | August 11, 2011 at 11:02 AM

wag kang papayag!

sa inyo un eh...

:)

mommy-razz | August 11, 2011 at 1:26 PM

happy birthday SG!..

dapat ipaglaban, ang kay pedro kay pedro ang kay juan kay juan.. #lol

MD | August 11, 2011 at 1:46 PM

Ang akdang ito ay may iba pang pinaghuhugutan.

Para asa akin, kung alam nating nasa lugar tayo, marapat lang na itoy ipaglaban. Lalo pa't nakasisiguro tayong atin ito.

krn | August 11, 2011 at 1:58 PM

ganda ng advise. ipaglaban ang sayo! i'll take it from the expert XD

J. Kulisap | August 11, 2011 at 5:10 PM

Kung nakareserve na, palagay ko may karapatan kang magtanong, dapat expected na rin kapag may reservation dapat sure na sure.

..Minsan may mga bagay na nakatakda na sa atin pero naunahan tayo ng iba dito. Kailangan lang natin itong ipaglaban para makuha. Kung wala tayong gagawin, mapupunta sa iba nang wala tayong kalaban laban. Gusto mo ba ‘yon?- tamang tama ito. Ipaglaban

Anonymous | August 12, 2011 at 11:06 AM

Ang mga payo ni bulakbol katulad ng inaasahan may laman.

Kailangan natin ipaglaban ang mga bagay na alam natin abot kamay na. Lalo kapag nasa takdang oras at lugar at pangyayari lalo kapag sa mga ganitong kalagayan -joeyvelunta

glentot | August 16, 2011 at 9:32 PM

Ah syempre tamang ipaglaban yun. Kaya nga may reservation eh... Buti madali lang sila kausap...

Raft3r | August 21, 2011 at 3:33 PM

alternative title para ito:
you got to fight for your right to party
hehe