Poker Face

 

Matagal-tagal ko na ding pinangako sa sarili ko na hinding hindi na ako iiyak... Kailanman! “big boy na ata ‘to” sambit ko sa utak ko noong nasa ika-anim na baitang ako sa elementarya.

 

Isang pagsubok ang pagiging OFW. Sugal kung tutuusin. Hindi mo masasabi ang kapalaran hanggang sumuong ka sa mismong laro ng buhay na ito. Ilang beses na din ako nakabasa ng istorya ng mga OFW bloggers na tila sila yata yung makapagpapabali ng aking pangako nung kabataan ko. Mapa-istorya man ito ng tagumpay o pighati, lahat nito kumukurot hanggang singit ko. Ang buong akala ko dati, ang pagpipigil lang ng pagnanasa sa katawan ang mahirap pati pala ang pagpipigil ng luha ay ganun din.

 

Bilang OFW ay sumugal din ako. Edad bente kwartro noong nakipagsapalaran ako sa bansang Malaysia. Nahasa ang aking dancing skills, dahil kailangan kong igalaw ang aking buong katawan bago nila maintindihan ang nais kong ipahiwatig. Natuto din magbahasa melayu sikit sikit (konte lang). at nagkaroon din ng panghihinayang sa ginawa kong hakbang na ‘to.

 

Kung may pinagsisisihan ako sa pagiging OFW, ay yung nawala sa akin si Jean.

 

Binalak kong ayusin ang lahat ng magulong bagay sa buhay ko kaya umuwi ulet ako ng pinas. Kaso… huli ng ang lahat. wala na akong babawiin.

 

“big boy na ‘ko” hindi kailangan magpaapekto sa pangyayari. nagpatuloy ang pagsugal sa buhay.

 

Nakipagsapalaran naman ako sa Singapore. Sugal ulet. katulad ng ibang OFW, posibleng pasitib o negatib ang kahinatnan ko dito. Hindi talaga ko pinanganak na gambler, pero yaen na. Lahat naman ng bagay na gagawin ng tao may consequence. bahala na nga daw si batman.

 

Hanggang ngayon OFW pa rin ako. nakikipagsapalaran. nagpapatianod sa agos ng buhay. Hindi ko alam kung ano ba yung iuuwi kong tagumpay sa bansa ko pagtapos nito. Paano kung ni piso wala akong kitain? Ibig sabihin ba nito ay natalo ako sa aking sugal?

 

Malamang Oo.

 

Malamang Hindi.

 

Sa totoo lang, ang pagkapanalo sa buhay ay naka base lahat kung papaano natin ito tinitingnan. Kung sumugal ka at natalo, ang maganda ay sinubukan mo. Walang nakalambitin na tanong sa’yo.

 

May panghihinayang oo.

 

Pero di ba ang buong buhay natin ay sugal? Kung di natin susubukan, hindi natin malalaman ang kahihinatnan.

 

Pag-uwi ko sa pinas….

 

naging matagumpay man ako o hindi dito sa ibang bansa, pipilitin kong maging masaya. pipilitin kong tuparin yung sinabi ko na hinding hindi ako iiyak.

 

kase natuto akong sumugal.

 

…na sana ang naging karanasan ay maging daan para sa pagbabago, na anu’t ano pa man ang kahihinatnan ng pagsugal sa buhay ay normal lang at dapat nating harapin ng buong tapang.

 

kung pasitib o negatib ang mangyari. iyon ay dahil sa kung papaano natin ito sinakyan o nilaro (siguro).

 

ang mahalaga ay ang mga natutunan natin sa larong ito.

 

 

 

 

Ang akdang ito ay bilang pagsuporta sa PEBA 2011: "Ako'y Magbabalik, Hatid Ko'y Pagbabago."

 

=====

ito na yata ang pinakamahirap na entry na ginawa ko. nahihirapan kase talaga ko maglahad ng istorya na pasitib ang magiging outcome. paano ko ba mapapakita na makakauwe ako sa bansa ko na may dalang pagbabago? ang hirap! ilang beses din akong nag delete ng draft para dito. kung papalarin, nais ko sana itong isali sa PEBA. kelangan kong sumugal ngayon.

---bulakbol

=====

47 comments:

Pong | August 17, 2011 at 12:11 PM

beys!

Pong | August 17, 2011 at 12:20 PM

Walang sukatan ang tagumpay ng OFW - ito ang pananaw ko. Sapat ng minsan ang pagiging OFW ay salamin ng pagbabago ng ating pamilya at bansa sa kabuuan.

Isang PEBA entry na sumasalamin na ang OFW ay tatak ng pagbabago hindi lamang sa pamilya.

Be blessed ser! Big boy ka na!

The Gasoline Dude | August 17, 2011 at 12:28 PM

Ganyan ba?! Fine! Tatapusin ko na din ang PEBA entry ko. Hahaha! :))

Leo | August 17, 2011 at 12:31 PM

Nagtagumpay ka sa pakikipagsapalaran mo sa ibang bansa kung ang sakripisyo mo ay magbubunga ng pag-unlad hindi lang sa laman ng iyong bulsa, kundi sa pag-unlad ng buhay ng iyong mga mahal sa buhay. Ang pag-unlad ay may kaakibat na pakikipagsapalaran at matindihang pag-titiis, ngunit kapag nakita mo ang sarili mo at iyong mga mahal sa buhay na may mas komportable na pamumuhay, nagtagumpay ka sa hamon ng buhay.

Naantig ang puso ko sa entry na 'to Jowel.

Mabuhay kayong mga bayaning OFW!

J. Kulisap | August 17, 2011 at 1:07 PM

Kahit nandito naman tayo sa sariling bayan, ang buhay sugal din pero mas doble ang pagsugal kapag nasa ibang bayan ka't wala kang mapagbalingan man lamang ng mga agam-agam sa buhay pero dahil ginusto mo, at ika nga eh sa pag-uwi mo ay ngingiti ka dahil dala mo ang pagbabago.

Palagay ko pagbabago ng pananaw sa buhay, pagbabago mula sa nakagawian at pagpapatibay ng pagkatao para kung ano mang unos ang dumating eh, kayang kayang lampasan.

Toilet Thoughts | August 17, 2011 at 1:42 PM

Ang pagsusugal ng karamihang kakilala kong OFW ay umiikot madalas sa pagsuportang pinansyal para sa kanilang mga magulang at kapatid.

Mas nagiging doble ang nakatayang sugal kung may kaakibat itong sugal "pagmamahal" - mga naiwang nobyo o nobya o siguro asawa at mga anak. Nandyan na ung may mga naghihiwalay na magnobyo, pati kahit mag-asawa. Absence makes the heart go fonder, but it can make the heart forget as well. It's a gamble not all has the guts to undertake.

I salute you for standing firm in your battles. You'll end up successful, ipupusta ko yan. Kaya, magtayo na ng business/ investment sa Pinas! lol.

At kung pag-ibig lang... sus! madami dyan, chikboy ka naman. haha!

palakanton | August 17, 2011 at 3:45 PM

lahat nman ng ginagawa natin kelangan ntin sumugal tsaka "big boys don't cry" image parang kasabihan lang yun para sakin minsan kelangan mo rin lumuha, pero alam ko rin pkiramdam ng isang ofw at totoong ang daming kelangan gawin at isugal sa buhay kahit hindi ntin alam un outcome bsta ang mahalaga un mga paninindigan ntin sa buhay....

hArTLeSsChiq | August 17, 2011 at 4:08 PM

congrats parekoy, sa wakas may entry na ikaw sa PEBA! :)

di ko na hahabaan 'to kasi yun din naman ang sasabihin ko, kung ano yung nakapaloob sa sinulat mo.

Basta, susuportahan kita dito parekoy! Promote kung promote! Good Luck!

Mac Callister | August 17, 2011 at 4:25 PM

nice! super naka relate ako...super di ko din alam aasahan ko nun una kong tapak dito sa middle east...

iya_khin | August 17, 2011 at 4:25 PM

wow nice naman my friend! may entry kana din sa wakas! cge i support din you! God bless sa ating lahat na OFW! hihihi!

EngrMoks | August 17, 2011 at 8:25 PM

Nice tong entry mo parekoy at malapit ko na rin maranasan at maintindihan yang laman ng luha mo. Alam na.

At teka, seryoso dancer ka sa malaysia? O mali lng pagkakaibtindi ko o nagdyudyok ka lang? Lol

kikilabotz | August 17, 2011 at 8:50 PM

naks naman. ikaw na pumipeba. hehehe. uhmmm ang komento ko lang dito ay a"success is not a destination, its a journey." hahaha. yun na siguro yun.. uhmm be happy lang sa lahat ng mga action nagagawin natin sa buhay. hehe.

Bino | August 17, 2011 at 10:35 PM

astig! kahanga-hanga ang pagkakasulat. dahil bilang dating ofw, ramdam ko ang hirap at sakit ng pakikpagsapalaran sa ibang bansa. wala na ko'ng ibang maikokomento dahil halos lahat ay nasabi na sa artikulo. good luck sa 2011 peba

YOW | August 17, 2011 at 11:35 PM

Hindi ko din maintindihan kung paano sumali sa PEBA ngayon. Iba dun sa dati hano? May mga OFW supporters pa? Ngayon, di ko talaga alam kung paano makakapasok ang entry mo.

Hindi ako OFW pero feel na feel ko ang napagdaanan niyo kapag may nababasa ako ng ganto. Yung moment na nakapagpadala ka para sa pamilya mo nagdala ka na ng pagbabago. Saludo ako sa lahat ng mga makabagong bayani.

khantotantra | August 18, 2011 at 12:18 AM

may entry din you like iyakhin. naks. :D

akala ko SG kaagads ang bansang pinagtrabahuhan mo, nag work ka pa pala sa ibang country. ibang klase ka sir.

Jepoy | August 18, 2011 at 3:53 AM

Noon pa man mataas na tingin ko sa mga OFW. Hindi dahil madami ako tsokoleyt at relos pag na-uwi sila ng Pilipinas. Pero, sa murang edad ko parang bubut lang na bayabas eh nakita ko ang matinding sakripisyo na binibigay ng mga mahal ko sa buhay. Sila yung classic na tape recorder lang at snail mail ang means of communication at ones every 5 years lang umuwi. Nakita ko din yung effect ng pag bibigay ng pangkabuhayan showcase sa pinas tapos hindi maganda kinahinatnan ng anak at asawa sa Pinas. Hindi ko lubos maiisip na magiging OFW din pala me. Ang saya pala! Ayokong isuper impose na puro hirap at pasakin ang buhay OFW dahil ang totoo marami ring namang saya. Kaya sinusuportahan ko ang punto mo na negative man o positive ang resulta ng pagiging OFW ang mahalaga eh yung lesson learned. Oo parang corny pero yun talaga ang maganda at importaneng maiuuwi natin liban sa kwento pera at tsokaleyt.
Oo ang haba ng comment ko! Hindi pala kita na link sa bago mong link kaya walang feed. Yun lang! Parang gusto ko rin mag post ng ganitong arte. LOL

Ciao!

Anonymous | August 18, 2011 at 5:43 AM
This comment has been removed by a blog administrator.
~ JaY RuLEZ ~ | August 18, 2011 at 8:41 AM

Tama!magtagumpay ka man o hindi sa pagiging isang ofw.

Mahalaga,sinubukan mo at pinilit mo gumawa ng pagbabago para sa pamilya mo...

Maganda ang akda mo sir!
Asahan mo ang suporta ko!

jedpogi | August 18, 2011 at 9:29 AM

saludo ako sau tol bulak!

shy | August 18, 2011 at 10:24 AM

Nice Kuya SG!... ang galing-galing mo... suportahan taka! PEBA 2011... :D

Unni | August 18, 2011 at 1:47 PM

goodluck,,,
kung may pinagsisihan ako sa pagiging OFW ay yung nawala sakin si JEAN..
TT
ok lng yng,,darating din ang nararapat na girl para sau...
mas magandang sumugal kesa naman naduwag ka at di ka sumubok dba..
iba pa rin ang feeling pag nanalo ka mula sa pinaghirapan mo,,,

Andy | August 18, 2011 at 6:58 PM

ganyan ba? naaaaaks! nice post! keep it up! lol!

di bale, masaya namang umuwi sa pamilyang namimiss mo.

KikomaxXx | August 18, 2011 at 8:31 PM

saludo ako...

LordCM | August 19, 2011 at 7:31 AM

kung masaya at kuntento ka sa estado mo ngayon, tagumpay na raw ang tawag dun...at hindi ito dahil sa mga materyal na bagay na meron ka...

goodluck pre...

Raft3r | August 21, 2011 at 3:30 PM

sa laro ng buhay, panalo klagi ang risk taker
kaya panalo ka!

krn | August 22, 2011 at 11:39 AM

natawa ako akala ko talagang sumasayaw ka. haha. hanga talaga ko sayo kuya bulakbol. kasalukuyan din akong sumusugal ngayon para maging OFW gaya mo. idol kita e. hehe tama ka... kung hindi mo susubukan walang mangyayari. ang buhay natin ay parang sugal. kahit mabigo man ang mahalaga ang mga natutunan natin.

good luck sayo!

goyo | August 23, 2011 at 12:03 PM

Comment! Wohoo! Haha. Nakita ko sa twitter ang link. Anyways, ako man gusto kong lumipad paibang bansa. Kapag kailangang kailangan ng sumugal, gagawin ko talaga. Pero kung papalarin at okay naman ang sahod dito kapag nagkatrabaho na, e di dito na lang. Hehe. Sali nga din ako sa peba, pinapasali ako e. Supporter categ. Hehe.

MD | August 23, 2011 at 12:33 PM

Ang pagsugal sa karanasan ay parte na ng napakagandang buhay na ating pinagdadaanan. Bilib ako sa mga taong handang pasukin ang sugal ng buhay. maganda ang iyong pagkakalathala, positibo at nakakaenganyo. Hindi mo na kailangan si jean, sayang naman ang pagiging puge natin diba?

mommy-razz | August 23, 2011 at 7:44 PM

naku may entry ka pala bolero? bakit hnd ko nkita sa BR ko or sa Dassboard? nway GOOD LUCK sau..

marami pang jean na darating sa buhay mo.. God bless

Leah | August 23, 2011 at 8:29 PM

Unang-una sa lahat.. sino si JEAN? Ha? Sino?? Lols.. Ni-click ko. Di ko ma-gets. Ano yung nangyari dun sa Cubao overpass? hehehe..

Anyway..

Agree ako sa mga sinabi mo. Life is ALL about taking RISKS. Panu mo nga naman malalaman kung hindi mo i-try. Madalas, yung mga hesitations natin, nagsisimula sa takot. Takot na matalo.. takot na ma-reject.. takot na maging isang failure.

Pero kung hindi ka susugal, hindi mo malalaman.

Kaya nga saludo ako sa mga OFWs natin. Kahit na dito sa atin, sumusugal din tayo.. pero mas doble yung mga risks kapag nasa labas na. magkaibang lahi yung makakasama mo.. iba't ibang mga pniniwala, mga pag-uugali. Dapat marunong makibagay..

Yung dalawang Kuya ko, mga ganun din.. OFW. Kahit na walang kasiguraduhan yung buhay sa labas, sige lang.. sumusugal.

Alam mo.. minsan, okay ring umiyak. Mas makakagaan ng loob. Umiyak ka kung feel mong umiyak. kung gusto mo nang may makakausap.. andito lang ako. CharOT!! ahahaha!!

Good luck sa entry Bolero! :)

an_indecent_mind | August 23, 2011 at 8:49 PM

para sa akin, ang buhay naman natin magmula noong bata pa tayo ay isang paulit-ulit na sugal. buti nga noon, andyan palagi ang mga matatanda para gumabay sa atin, para maging wais tayo sa ating mga desisyon, para di tayo maging padalos dalos..

kung noon simple lang ang buhay kasi mga bata pa tayo, konti pa ang consequences at madami pang panahon pa para itama ang mali pero ngayon nasa hustong pagiisip at edad na tayo, may kapasidad para tumimbang ng mga bagay bagay, may mas malawak na pananaw, mas mabigat ang mga consequences sa bawat desisyon... ngunit kokonti na lang ang oras, o wala nang oras para itama pag nagkamali...

iisa lang ang nakikita ko, mula noon hanggang ngayon palagi tayong nakaharap sa choices, kelangan magdesisyon, sugal kung medyo alanganin tayo.

pero nasa pinas man o nasa ibang bansa, parehas lang naman tayong sumusugal. yun nga lang, mas pinili natin ang magpakalayo layo, dahil sa tingin natin e nasa ibayong dagat ang mas mataas na porsyento ng pagkapanalo.. nagiging wais lang tayo, kagaya ng turo sa atin ng mga matatanda noon.

everything happens for a reason.

at oo, ang haba ng kumento ko, PEBA entry ko ba to??? LOL

an_indecent_mind

Anonymous | August 23, 2011 at 8:53 PM

You need not worry about failing. Worry more about the chances you miss when you don't even try. Sabi nga, hindi mo mararating ang gusto mo marating kung wala ka sa kinalalagyan mo ngayon. Life is always a dark world, nothing is definite. It involves lots of risks, and sometimes we are required to jump off the cliff even if don't want to, because that's the only way out. Kuha mo?!?!

Hindi ko alam pinagsasabi ko haha pero sa ngalan ng chocnut! :P
Gudlak sa PEBA! Ikaw na! :)

-jackster

Lakwatsero Ako | August 23, 2011 at 10:36 PM

di ko alam, madrama din pala buhay mo :) di to pang PEBA, mag MMK dapat to!

goodluck tsong!

rainbow box | August 24, 2011 at 2:10 PM

good luck kuya! :)

duking | August 24, 2011 at 5:29 PM

'Sa totoo lang, ang pagkapanalo sa buhay ay naka base lahat kung papaano natin ito tinitingnan. Kung sumugal ka at natalo, ang maganda ay sinubukan mo. Walang nakalambitin na tanong sa’yo.'

ito yung mga salitang naibigan ko ng husto. siguro, OFW man o hindi, ang buhay ay isang karanasan na dapat nating pagdaanan gaano man kahirap, gaano man ang kawalang kasiguraduhan.

isa lang ang laging dapat, na sa kahit anong kahihinatnan ng isang pangyayari, dapat ay may aral tayong laging natututunan.

salamat po sa pagbabahagi ng kwento ninyo at karanasan!

lecheriesangesdejes | August 24, 2011 at 10:11 PM

emotero ka pala, bulakbol samantalang sa personal- tahimik

saM | August 25, 2011 at 12:22 AM

sana manalo ka :) un lang bow.

L | August 26, 2011 at 9:18 AM

only those who risk going too far can possibly find out how far one can go.

hindi ka pa man nakakauwi, binabati na kita bulakbol! all the best sa peba! mabuhay ka! \m/

Makina ni Monik | August 27, 2011 at 12:29 PM

Una sa lahat gusto kitang batiin sa entry na ito sir Bulak.

Kakabit na ng pagsusugal ang pakikipagsapalaran sa buhay. Nae-egsaytakong basahin inaabangn baka love story yung about kay Bb. Jean, kala ko OFW love story :''>

Traveliztera | August 30, 2011 at 3:40 PM

Tama...
Maraming sakripisyo kapag iniwan mo ang Pilipinas... Pero lahat nga naman talaga sugal kahit nasa Pilipinas ka. Kanya-kanya tayo ng daan, kanya-kanyang aral. Kaya kahit papaano, marami kang natutunan sa paglalakbay mo...

bagotilyo | August 31, 2011 at 5:52 PM

big boy ka na nga pareng bulakbolero.

ang tapang na pagsugal sa mga bagay bagay sa buhay. dun pa lang panalo ka na :D

Buhay Abroad | September 3, 2011 at 3:34 AM

Hello BulakBolero,

Big boy ka na nga. Kung iiyak ka man ngayon dahil sobra mong tapang hinarap ang buhay Abroad. Kung iiyak ka man sa pag uwi mo iyan dahil ang isang totoo'ng sangkap ng SUCCESS ay yang mga luha na dumadaloy...

Mabuhay ka Kabayan.

Eoz | September 6, 2011 at 10:00 AM

Good luck po! Galing ka palang malaysia!!

-=K=- | September 6, 2011 at 3:30 PM

Tama ka jan, ang lahat ay sugal. Pero alam ko namang matapang ka kaya't kaya mo harapen kahit ano mang kahinatnan mo. Teka maiba tayo, ndi ako maka online vote bakit ganun? Nung isang araw kase binoto ko si Gasul. Hanggang isa lang ba pwede? Weird.

joeyvelunta | September 6, 2011 at 3:50 PM

alam kong mahina ako sa matematika at lalung-lalo na sa mga numero (oo linya mo yan SG, pahiram muna) pero dahil idol kita pipilitin kong susumahin kong ilang taon ka na sa mundong ibabaw at kung ilang taon ka ng nagboblog. At kahit itatapat ko ito sa dibdib ko at sa lahat ng ilaw at liwanag ng araw ay hindi ko pa rin makuha ang eksaktong bilang. Bakit ko ba pinapahirapan ang aking sarili? Bakit hindi ko na lamang itanong sa'yo para malinaw ang lahat hahaha.

Maahil "big boy" ka na at marami ka ng napagdaanan pakikipagtunggaling sa karera ng buhay. Isa na riyan ang pangingibang-bansa at nakikipagsapalaran. Ang paglisan pa lamang ay isa ng makapal na balakid, at hindi natin alam kung papano mo ito titibagin. Mahirap maging OFW. Ang pakikipagsalamuha sa ibang lahi. Ang homesick. Pero hangga't kaya ng lakas ng loob at tibay ng pananampalataya "kakayanin sir". Hayaan nalang dumaloy ang luha. Tiyak matatangay nito ang lumbay at kalungkutang nadarama

Joemill | December 1, 2011 at 9:08 PM

nakakaiyak naman ang post na ito kahit na 'big boy' na ako. hehe. nice one!

Amanda11 | December 20, 2011 at 5:31 PM

"•Join the Sabongking.com, match betting with a minimum deposit of Php2000. Feel the excitement as it happens inside the cockpit.
•Big bettors are rolling in! Be part of the actionand not a mere spectator! Be the SABONGKING! Start loading your Sabongking virtual points now.
•Bigtime derbies. Big bettors. Clearest video. Sign up now at Sabongking.com and feel the adrenaline rush as you watch and place your bets.
•A true gamecockers don't just watch. THEY BET. Start rolling in with a minimum of deposit Php2000.

"