Bidyo Eskandal

 

 

ang buhay ng tao, masaya man o hindi parang video scandal yan.

 

may nabubuksan, may nasasaktan, may natutuwa at may nasasagi na storya.

 

pilit man burahin ng kahit sino, may panahon parin na maalala mo ito.

 

kahit hindi ikaw yung pangunahing tauhan,  maaring may kopya ka.

 

ang sa akin lang, parang yung sa pagkuha ng bidyo, kailangan maging responsable.

 

hindi natin alam kung ano yung kahihinatnan nito sa bandang huli.

 

ingat.

 

 

 

Isang taon na mula nung huling lumapat ang aking kamao sa isang tao. ito ay dahil sa pambabastos na ginawa nya sa isang babae (walang bidyo eskandal na kinalaman-ibang bastusan ‘to). babae na minsan ay naging parte ng puso ni bulakbol. hanggang ngayon hindi ko pa din ito makalimutan dahil sa nasirang pagkakaibigan.

27 comments:

EngrMoks | August 2, 2011 at 5:16 PM

Bakit napapost? May Bidyo iskandal ka ba? LOL

Maginoong Bulakenyo! Nanununtok ng binabastos na Babae! IkawSiMB!

Zhurutang | August 2, 2011 at 5:17 PM

. . . hindi ba, kagustuhan din ng mga aktor/aktres sa bidyo ang mga naganap?

MD | August 2, 2011 at 5:18 PM

nakanang... ang buhay ng tao nga naman.. nauuwi sa bidyo kung minsan, mas makulay mas maganda.

Leo | August 2, 2011 at 5:23 PM

alam ko 'tong post na to. para 'to kay katrina halili!!! :)

serious much!

:)

palakanton | August 2, 2011 at 5:47 PM

tama lang pre un ginawa mo kelangan mong makapanakit ng tao para ipakita na mali ginawa nya, tsaka dme kya sirain na buhay ng simpleng video scandal..
cgro sa tingin ng iba simple lang nman un pero para sau big deal yun..

The Gasoline Dude | August 2, 2011 at 5:47 PM

Dumugo ang utak ko sa pag-intindi ng post na ito. LOL!

We must be responsible for every actions that we make. <--- Heto nga ba ang moral lesson na gusto mong ibahagi sa iyong mambabasa?

Santo Santino | August 2, 2011 at 5:59 PM

sana wag kumalat ang bidyo ko. :(


well nice post!pero kung init na ng katawan ang pinaiiral minsan nakakalimutan na ang pagiging responsable.

Makina ni Monik | August 2, 2011 at 6:09 PM

hirap imaniobra ang puso at isip noh, kaya yun, may nasasaktan (bolakbolero). Umabante ka at iatras ang nakalipas. . . e binalikan mo sir, ayun emo tayo ngayon. :D

Leah | August 2, 2011 at 7:12 PM

Oi sobrang seryoso.. Emo?

Tama. Maging responsable sa mga kinikilos.. Nasirang pagkakaibigan dahil sa pambabastos na nagawa.. Maaaring makalimuntan saglit, pero hindi maiiwasang maalala. :(

iya_khin | August 2, 2011 at 8:43 PM

ang lalim..ilang beses ko muna binasa uli...

tama si gasul be responsible..sa lahat ng aspeto ng bagay hindi lahat ayos at patok sa panlasa ng iba..kung trip nya at di mo trip talagang magklaclash!

maging mainggat kasama na din ang pagtitiwala..wag maging tanga! bow

Bino | August 2, 2011 at 9:15 PM

wag gawin sa iba ang ayaw mo'ng gawin sa iyo.

the green breaker | August 2, 2011 at 9:30 PM

Tama, dapat talaga tayong maging maingat dahil maraming mata ang mapagmatyag at mapagmasid, na sinusuri ang ating mga galaw. Galaw na maaring tama noong panahon na iyon, ngunit maaari ding pagsisihan paglipas ng oras hanggang makarating sa kasalukuyan.

taga-bundok | August 3, 2011 at 3:40 AM

plano ko pa naman mag-post na bidyo iskandal. LOL

alam, nakakabadtrip talaga yang ganyan. kung simpleng pambabastos na nga lang nakakapanapak ka na, paano pa kaya kung ganun na nga.

Pong | August 3, 2011 at 6:08 AM

akala ko ser Sg ito na yung scandal mo ang ipopost mo.

ako naman ayoko nakakakita ng babaeng umiiyak lalo na yung mga mahal ko at naging parte ng buhay ko.

ganun siguro talaga dahil ang lalake dapat ang mag-alaga sa mga babae, literally and figuratively.

be blessed.

~ JaY RuLEZ ~ | August 3, 2011 at 8:08 AM

ang tagapagtanggol ng kababaihan!andito na!lel


yan si bulakbol maginoo na pugeee pa...!!!hahaha


naeksayt ako sa title eh...haha

LordCM | August 3, 2011 at 9:28 AM

ayos, kahit bulakbolero, maginoo naman...

dun talaga nagcomment sa ibabang mensahe :))

J. Kulisap | August 3, 2011 at 9:29 AM

Sabi nila may consequences daw ang mga aksiyon ng tao, marahil totoo. kaya dapat handa tayo sa anumang babalik, maging positibo o negatibo man ito.

Maginoo, mainam

Anonymous | August 3, 2011 at 9:42 AM

maginoong bulakbolero ka pala. :)



empi

shyvixen | August 3, 2011 at 9:58 AM

kala ko mei bidyo talaga.. ehehehe lol...

seriously... maging responsable... dahil ikaw ang drayber ng sinasakyan mong dyip na tinatawag na life.. eheheheh

KikomaxXx | August 3, 2011 at 10:34 AM

gusto kung mabasa ikwento na dali.. hehhe.. chismoso lang

mommy-razz | August 3, 2011 at 1:23 PM

tama, kaya dapat lahat ng kilos at salita ng bawat isa pag-isipan kc once na mgkamali ka, hnd mo na mibabalik yon...

YOW | August 3, 2011 at 4:21 PM

Intriguing. Anniversary ba ito ng pagkakasuntok mo o ng pagkawala ng pagkakaibigan? O may nasuntok ka ulit?

aninipot | August 3, 2011 at 5:26 PM

ang una kong naisip ay may scandal ka..hehehe

parang ang bait yata ni bulakbolero dito..hahaha

Raft3r | August 3, 2011 at 7:25 PM

broken friendships are the hardest relationships to recover from

yes, ingles yan

hehe

-=K=- | August 4, 2011 at 6:35 PM

May kinaiinisan rin akong tao e. Pwedeng paki-sapak? Heheheheh! :)

Diamond R | August 5, 2011 at 3:17 PM

pag ang mga mahal mong tao na ang naaagrabyado tatakasan ka ng iyong katinoun makakaisip ka ng mga bagay na minsan di mo maisip na magagawa mo pala.

Aj Banda | August 9, 2011 at 3:43 PM

napakalalim naman ng artikulong ire.. di ko maarok.. ni di ko madugtong ang ideya ng sapak sa bidyo (ano tagalog ng bidyo.. sensya pinipilit ng purong tagalog) :p