Luha: Pagsuko

 

 

 

 

 

Ikot. Ikot. Sige ikot pa.

Ilang beses ginawa upang makalimot na.

Kasabay ng hakbang ng mga paa,

Mistulang ako’y tutumba na.

 

 

Ikot. Ikot. Sige ikot pa.

Kaunting bilis pa’t tagay ko na.

Sadyang masayang kainuma’y barkada,

Sa mga panahong hindi maligaya.

 

 

Ikot. Ikot. Sige ikot pa.

Katawa’y umiindayog na.

Panandaliang aliw pilit tinatamasa,

Kahit ang totoo’y ‘di lubos na maligaya.

 

 

Ikot. Ikot. Ako’y hilo na.

Sawa na akong umasa pa.

Kung ito ang iyong ikapapayapa,

Sige ako ay sumusuko na.

 

 

 

 

Pamagat: Luha: Pagsuko

May-akda: Bulakbolero@sg

Ipinaskil: ika-27 ng Hulyo 2011

opisyal na lahok sa patimpalak ni Iyah.

36 comments:

J. Kulisap | July 27, 2011 at 4:14 PM

Kapag malungkot ka'y alak ang nagisilbing antiseptik ng puso
para sandaling mamanhid ang emosyon

Ang alak din ang nagsisilbing panggatong upang uminit ang naduduwag na hakbang papunta sa naisin

Ang alak din ang siyang naghuhudyat para ikanlong mo ang tunay na nararamdaman, na sa paglagok nito'y dinadaya mo ang tunay na ibinubulong ng iyong puso-

ang Luha ng pagsuko.

Kainaman.

iya_khin | July 27, 2011 at 4:17 PM

ikot at paikot-ikot pa!dalian mo at tagay ko na! magaling kaibigan!klap klap klap!

teka parang nahahawa na ako kay sir Jkulisap! hahahha! cge kita kita tayo sa finals! salamat sa inyong pagpatol sa aking pakulo! lels

EngrMoks | July 27, 2011 at 4:32 PM

Ayun na naman pla pre, bulakenyo ka nga!

Anu naman ikakahiya ng bulakenyong tulad mo sa gawang to? Nice SG

MD | July 27, 2011 at 5:32 PM

aw..

sige ikot ikot pa,
pagsuko ay wag na munang ibandera,
Ilang tagay ang kailangan para makuha,
Ang minimithing tunay na ligaya.

Diamond R | July 27, 2011 at 6:56 PM

Magaling.

At yong comment ni MD parang karugtong lang.

the green breaker | July 27, 2011 at 7:39 PM

ang emo naman! haha. parang nakakahiya bigla sumali sa patimpalak ni kaibigang iya_khin! :D

jedpogi | July 27, 2011 at 8:11 PM

mahusay hehehe...

palakanton | July 27, 2011 at 9:00 PM

ok ah at tagay mo lng yan at tama lng na my mga bagay na kelangan bitawan at di apnghawakan.... un entry ko invalid malamang ang akala ko kc 4 na verse lang, hehehe

Tago Fabic | July 27, 2011 at 9:07 PM

Oh wow. Ganda ng tula. :D

KikomaxXx | July 28, 2011 at 12:08 AM

di ka ba mahihilo niyan :) nice...

saM | July 28, 2011 at 12:13 AM

ganda. :)

ng tula ha ndi ikaw :p

khantotantra | July 28, 2011 at 1:05 AM

ang bangis sa tula! ikot pa!

shenanigans | July 28, 2011 at 3:01 AM

sobrang nakaka relate ako!

tara! inom tayo!

tagay mo na!

leonajane | July 28, 2011 at 3:12 AM

nakakawindang ang ikot na tila walang hanggan... kaibigan, wag mong basta isuko ang laban!

ang sabaw! haha! iwagayway ang watawat ng bulacan!

tuloy ang ikot! sabayan mo ng kembot! haha!

Bino | July 28, 2011 at 3:40 AM

di nag appear ito ng sa blogroll ko. buti nakita ko kay iya. hehehe. astig ng tula! at dahil inggitero mode ako ngayon, sasali din ako wahahahaha

Xander | July 28, 2011 at 3:53 AM

ahehehee. nahihilo ako sa kakaikot mo. hang galing naman..

taga-bundok | July 28, 2011 at 6:03 AM

Pakiramdam ko, gusto kong magpakalasing. Alak lang din kasalo ko sa lumbay.

Leo | July 28, 2011 at 8:35 AM

aliw! ang galing galing nitong tula mo papsi jowel. :)

nakakainggit ung mga taong magaling gumawa ng tula, epic fail ako pagdating sa field na yan! hahaha.

~ JaY RuLEZ ~ | July 28, 2011 at 8:57 AM

ikot,cge ikot pa,isang ikot na lang bangenge ka na,

anot may luha sa iyong mga mata

bigo ka ba?o nasusuka?

ikot,cge ikot pa...



astig ng tula ng tagay hahaha

Santo Santino | July 28, 2011 at 9:17 AM

ikaw na talaga ang makata.

Galing napaka-meaningful.

Sandali db yan din ang ginagawa mo kapag nag-video ka ikot ikot.LOL

Apir! Idol ka talaga!

mommy-razz | July 28, 2011 at 3:28 PM

nahilo ako sa pag-ikot, galing! Good luck din sau.

Arvin U. de la Peña | July 28, 2011 at 10:37 PM

ayos din itong sinulat mong ito para sa contest..tulad mo sumali din ako..

Nate | July 28, 2011 at 10:57 PM

very catchy ang unang saknong.. nice..

L | July 29, 2011 at 11:59 AM

naimagine ko bigla 'yung mga pangyayari sa likod ng tula. babae + beer + barkada = one helluva freakin' ride to neverland. \m/

bulakbolero.sg | July 29, 2011 at 12:01 PM

natutuwa ako L. nakuha mo lahat ng gusto kong ipahiwatig.

joeyvelunta | July 29, 2011 at 2:43 PM

Alak! Sugal! Kape! Babae!

SG may natatago kang galing. Sa tuwing may patimpalak katulad ng nasambit ko na, madalas akong nasisindak.

Sana'y ang pagsuko na ito ay hindi nangangahulugan bilang pagtalikod. Sana humugot lang ng isang malalim na hinga upang muling susubok.

Pong | August 1, 2011 at 10:18 AM

nakakhilo naman parang tsubibo hahaha
Ser SG's 3Bs!
eh di ikaw na ang may tula para kay Iya! xD
Seriously, sa anumang paraan tayo sumusuko, whether sa bote ng alak, sa babae o maging sa pagluha ito'y nangangahulugan lamang na kailangan natin ng tulong and we surrender for we know di natin kakayanin ang mag-isa.

Kasalo mo sa luha ng pagsuko? Sino?

Be blessed, ser!

ahmer | August 2, 2011 at 4:04 PM

Nahilo ako tol' suka ang abutin ko nyan. Haha. Namis ko dito ah. Hehe

aninipot | August 3, 2011 at 5:24 PM

kelangan ba ng pakontest para makagawa ng mga ganitong tula?

naks! maganda, simpleng banat pero tagos.

Raft3r | August 3, 2011 at 7:25 PM

paikot-ikot?

purplebrightsummer | August 4, 2011 at 12:13 AM

Ikot. Ikot. Ako’y hilo na.
Sawa na akong umasa pa.
- Ganda. ;)

krn | August 4, 2011 at 1:44 PM

ikaw na naman panalo! ikaw na talaga! bilib na talaga ko sayo :D

kuri | August 4, 2011 at 5:00 PM

MAGALING MAGALING! Tagay pa!

The Gasoline Dude | August 4, 2011 at 8:13 PM

Ikaw na ang may 33 comments! LOL!

kikilabotz | August 4, 2011 at 9:30 PM

takte,, kay apala walang lumalabas na mga post mo hnd pa updated blog ko . com k n nga pala. hehehe.. kayo na magagaling tumula at ako ang panggulo. hahah

rainbow box | August 28, 2011 at 5:09 PM

galing!