Patalim

 

The tongue like a sharp knife... Kills without drawing blood.” – buddha quotes

 

 

Grade 6 ata ako nung may nabasa akong lathalain tungkol sa kakaibang sandata na lahat tayo ay nagmamay-ari. Ang sandata na nakakasakit ng hindi natin inaasahan. Ang sandanta na pag tumarak kaninuman ay walang dugo pero possibleng makasira ng buhay. Mula noon, kahit hindi palagian ay pinilit ko ang sarili ko na gamitin lamang ito sa tamang paraan. Eto yata ang naging dahilan kung bakit natawag akong suplado o isnabero ng kadamihan sa mga nakikilala ko.

 

Madaming beses na din ako nasugatan gawa ng kakaibang sandata na ito. may mga naghilom na at mayroon pa rin na pasanin ko hanggang ngayon. Hindi tiyak kung kelan gagaling. Magiging mabilis ba o mananatiling sugat panghabambuhay?

 

Pilit kinuntrol pero hindi maiiwasan, madami ding nasaktan sa pag-gamit ko nito. Sabi nga ng karamihan, ang sugat na gawa ng tunay na patalim ay maaring maghilom ng mabilisan subalit ang sugat na tumagos sa emosyonal na parte ng tao ay mas matagal mawala.

 

Hamon lang siguro hindi lang sa akin pero sa ating lahat na maging maingat sa pag-gamit ng kakaibang sandata na ito. Kung hindi naman kailangan ng mabilisang aksyon o kasagutan, maari sigurong magisip muna ng makailang ulit bago magbitaw ng salita. Kundi, makakasakit ka ng hindi mo inaasahan o sinasadya. At kung kailan na naisip mo na mali ang iyong binitawan ay huli na ang lahat, may nasaktan na, hindi mo na mababawi. TATSMUV ALREADY MAH.

32 comments:

J. Kulisap | July 4, 2011 at 2:54 PM

Lahat yata ng mga tao prone sa ganito.

Mas nauuna pang bumuka ang bibig kesa sa mag-isip.

Sabi ng mga bihasa, bago daw rumatrat dapat huminga at pumikit muna ng malalim para sureball na, ganun din siguro kapag maghihiyaw at magpapaulan ng hindi makaing salita, dapat talagang nag-iisip.

Guilty ako dito minsan dahil mapang-asar ako pero ginagawa ko ito sa mga taong alam kong kilala na kahit papaano na nang-aasar lamang ako at walang intensiyong manakit ng kalooban ng iba.

Say sorry when needed na nanggaling sa puso.

Sa mga nasaktan naman, pwede mong kausapin ang taong nakasakit sayo baka hindi niya alam.

Sa mga ka-birtwal, baka may napipikon o nasasaktan ako.

Sorry naman.

Nice post Sir Sg.

iya_khin | July 4, 2011 at 2:54 PM

sabi pa nga..there is a power in your words...

sa bible din..sabi pa nga sa Matt.15:11 it's not what goes into your mouth that defiles you; you are defiled by the words that come out of your mouth." hehe

sa pananaw ko..saktan mo na ako physically pero ang saktan mo ako emotionally parang mas pinatay mo na ako nun..

little tongue be careful what u say..what u say...

iya_khin | July 4, 2011 at 2:56 PM

sorry pala sa mga nasaktan ko dahil sa dilang matabil...

wala lang guilty din ako...aminado ako dun...

Palomah | July 4, 2011 at 3:04 PM

sadyang makapangyarihan nga ang dila, sobrang makapananakit kung hindi gagamitin ng tama.. Ika ng nila isipin mo muna ng sampung beses bago mo ibulalas..isipin mo muna kung makakasakit ka ng kapwa...

hArTLeSsChiq | July 4, 2011 at 3:11 PM

wala akong masabi...mahirap na... LOL

Akoni | July 4, 2011 at 3:30 PM

Kailangan mo to, kailangan ko, kailangan natin lahat. hehe

YOW | July 4, 2011 at 3:36 PM

Less talk, less mistake sabi nga. At kailangan ko nga ding magkontrol ng ganyan dahil impulsive din ang dila ko. Haha. Minsan babanat, mapanira pa. Tsk.

khantotantra | July 4, 2011 at 4:05 PM

true, mas masakit ang salita kaysa sa dos por dos kapag nahazing ka.

people should be careful on what they say dahil minsan super duper lalim ng sugat na maidudulot na baka hindi maghilom

Bino | July 4, 2011 at 4:17 PM

kaya naman hanggat maaari talaga, iniiwasan ko rin ang paggamit ng armas na ito dahil marami ako'ng masasaktan. un din ang dahilan kung bakit tulad mo, minsan suplado ang tingin sa akin ng karamihan,

joeyvelunta | July 4, 2011 at 4:19 PM

Aminado akong madami na akong nasagasaan. Ako ako rin ay madalas nasasagasaan. Kaya kwits lang. Pero ngayon bawas bawas na ng kaunti. Dapat hindi nagpapadala sa bugso ng damdamin kapag galit o kapag nasisiyahan.

Lil'Jim | July 4, 2011 at 4:22 PM

tama pre wala ngang sugat na iniwan kaso mas malalim naman un naging resulta khit sa salita nga lng.

Anonymous | July 4, 2011 at 7:37 PM

tama, kaya nga naalala ko yung sinabi sa akin ng isang kaibgan,,kapag masama ang loob mo itulog mo na lang..kapag ok k na saka mo ayusin ang lahat. hehe.. napaka powerfull db? nyahahah

-kiki

my sweet nothings | July 4, 2011 at 9:06 PM

Ang lalim..ikaw na..;$

Lakwatsero Ako | July 4, 2011 at 11:01 PM

lubos na matalinhaga ang iyong panulat sa araw na ito. Ako'y muntik ng malunod sa lalim ng iyong pakahulugan at di na muling makaahon mula sa kaibuturan ng iyong mensahe.

ganyan na ba ang dumadatkom?

Diamond R | July 5, 2011 at 12:56 AM

Una. pa wow muna kasi yan ang una kong reaksiyon pag pasok ko dito. ang ang gwapo, mayabang at gwapo ulit.

ang daming bago dito.

at sa iyong napakatalas na mensaheng giliw.Ito ang dapat na katandaan ng mga taong lupa.

na tulad ko. Patawarin.

mas kunting salita mas maganda pakaiwasan ang magbitiw ng salita kung ikaw ay nagagalit ang pagsisi ay laging nasa hulihan.

The Gasoline Dude | July 5, 2011 at 1:52 AM

Minsan mas masakit 'yung walang sinasabi...

empi | July 5, 2011 at 8:43 AM

minsan mabigat naman sa loob kung di mo masasabi. :)

bulakbolero.sg | July 5, 2011 at 9:09 AM

ser jkul. lahat naman ata tayo guilty sa ganitong bagay. mas mabilis naman kase magsalita kesa mag-isip hehe.

iya. hehe. nice bible verse, aking pinagnilay nilay.

palomah. oo, tunay na masyadong makapangyarihan ang salita. nakakasakit ng di natin inaasahan.

muse. anyenye?

akoni. hehe. oo kailangan nating lahat. lol.

yow. tama ka dyan. kase once na nagsalita na tayo di na natin mababawi yon.

khanto. ibayong pag-iingat lang siguro ang kailangan.

bino. yep, okay na maging suplado ang turing kesa naman makasakit.

ser joey. hehe. kwits ba? bad ata yon. lol

Lil jim. at you masaklap dun, di mo alam kailan hihilom ang sugat.

kiki. hehe. powerful ba ga?

che. hmm. walang malalim kung gustong maarok ang diwa.

jojo. hindi naman sya matalinhanga, direct to da point nga ang aking naturan. at talagang ganito ang dumadatkom, nagiging seryoso. lol

diamond. di ka ba makapaniwala sa nabasa mo? hahaha.

alex. paano naging masakit kung di ka nakasakit?

empi. mas mabigat ata sa kalooban yung makasakit ka ng isang tao kaysa inde mo sinabi ang gusto mong sabihin na alam mo na may masasaktan. (opinyon ko lang)

The Gasoline Dude | July 5, 2011 at 10:17 AM
This comment has been removed by the author.
The Gasoline Dude | July 5, 2011 at 10:18 AM

Minsan kasi, "Silence hurts more than words." Ang mga salita kasi ay ginagamit to express one's thoughts and feelings, at dahil sa mga salita mas nalalaman at nakikilala mo ang isang tao.

But there are some situations na kapag walang salita na ginagamit, mas nakakapagpabagabag ng isipan at damdamin. Halimbawa, kapag ang dalawang magkasintahan ay naghiwalay ng biglaan at ito'y hindi napag-usapan, mas masakit sa isa o parehong panig. Walang closure, ika nga kaya mas mahirap maka-move on. Pareho din sa isang sitwasyon na hindi ka pinapansin na iyong tinatangi at nililigawan. Mas mabuti pang mabasted ng derecho kesa sa maghintay sa wala.

Kaya nga in every relationship, it's always healthy to have an open communication. Totoo na may mga nasasabi tayong hindi maganda minsan at nakakasakit ng ibang tao, but thru words din naman naaayos ang lahat.

Gets? :) (Haba ng comment ko. Hahaha!

bulakbolero.sg | July 5, 2011 at 11:22 AM

alex. lol. oo kaw na ang mahaba mag comment. ang tinutukoy ko sa post ko dito, ay yung pag gamit ng salita ng hindi pinagiisipan, yung nakakasakit. pero yun nga kung nakakasakit din pala ang pananahimik. sa huli, ganun at ganun pa din, kelangan mag isip ng makailang ulit ng walang masaktan.

Santo Santino | July 5, 2011 at 12:59 PM

agree ako sa post mong ito...ika nga "think before you speak" at sa tingin ko kaakibat din nito ang respeto.

isa din ito sa mga natutunan ko habang ako ay nag-mature, isipin mabuti ang mga binitawang salita lalo na sa taong nakapalibot akin.

minsan kasi mga mga taong busa ng busa na hindi pala nila alam na nakakasakit na sila ng damdamin ng ibang tao maging biro man ito.

mabuti ang maging prangka ka pero gamitin mo ang tamang salita na gagamitin mo upang matanggap ito ng taong kausap mo.

may kasabihang pa ngang "if words could kill"

The Gasoline Dude | July 5, 2011 at 1:46 PM

Continuation sa usapan natin sa Twitter:

Ang gusto ko lang puntuhin eh kung minsan na may nasasabi sa atin ang ibang tao na hindi maganda, we should try looking at it in a different perspective. Tanungin din natin sa sarili natin kung bakit nasabi sa atin 'yung mga salitang 'yun kasi depende din sa sitwasyon baka naman kailangan lang din natin itong marinig at kailangan nating magising sa katotohanan. Mahirap din kasi na lagi tayong nagiging reactive sa mga sinasabi sa atin ng iba. Tayo din naman kasi ang talo kapag reactive tayong masyado kasi tayo mismo ang apektado.

Ang importante siguro dito sa usaping ito eh matuto tayong magpatawad, despite na nasasaktan tayo sa mga sinasabi sa atin ng ibang tao.

Good post Bulakbol! Madami akong realizations sa post mo. LOL!

LordCM | July 5, 2011 at 3:27 PM

para nga sigurong patalim, pero may paraan para hindi sila masaktan kapag ginamit mo to, imbes na itusok mo, ipangtapik mo lang...

ganun din sa pagsasalita, di mo kailangan manahimik kung alam mong makakasakit ka sa sasabihin mo, may paraan para masabi mo ito ng hindi sila nasasaktan...kung paano, di ko maexplain pero kaya ng bawat isa kung iisipin :D

bulakbolero.sg | July 5, 2011 at 5:57 PM

saints. magkatulad tayo ng stand. apir pre.

bulakbolero.sg | July 5, 2011 at 5:57 PM

ser Lord. ibayong pag-iingat lang po talaga siguro ang kailangan.

Lakwatsero Ako | July 5, 2011 at 10:03 PM

OT post. @ Gasul. Gumawa ka nga ng sarili mong blog entry. LOL :P

Sendo | July 6, 2011 at 5:19 AM

totoo talaga ettttooooo.....the tongue is the most difficult to tame. out of the overflow of the heart...the mouth speaks...the tongue moves nyaha

shyvixen | July 6, 2011 at 10:09 AM

hindi lang ikaw bulakbolero ang napagsabihan ng suplado o isnabero... ganyan din ako... sabi nila... suplada at isnabero.. dahil di ako palabati at tahimik akong tao. Ang rason ko ay katulad ng iyong blog... ayokong makasakit ng tao ng dahil sa talim ng aking dila.... kaya quiet nalng.. heheheheheh.. nice post... ^-^

helena | July 6, 2011 at 11:48 AM

puwede ring mag-iingat ka nga pero yung mga tao sa paligid mo hindi maingat. pero kung iisipin, mas maganda na nga na sila yung may bad karma kaysa ikaw...

shenanigans | July 7, 2011 at 10:24 PM

ang komplikado naman ng comment box mo! hehe..

nyway,

im confused

Raft3r | July 11, 2011 at 9:10 PM

nakaw
tactless din ako
lahat naman yata tayo, eh
hehe