hitik sa bunga

 

ang sabi ng mga matatanda na kasing tanda ni Ser Jkul, ang tao daw parang puno lang. pag may nagdilig, ito ay mamumunga (double meaning ‘to).

 

ang hitik sa bunga na puno. pinupukol. yan ang nararamdaman ko ngayon. ang hirap maging sikat daming pumupukol. kase kung di nyo natatanong o napapansin, sikat na ko, kahapon lang… nafeature kase ko sa blog ni pareng bino. nasa baba yung sampol ng usapan at ang buong usapan ay matatagpuan DITO.

 

 

Bino: Sino si Joel sa tunay na buhay? Sa likod ng blogging?


Joel: parang katulad ‘to ng unang tanong ah. Si joel at si bulakbolero, halos wala naman pinagkaiba. Personal naman yung sinusulat ko sa blog entries ko, kaya ako’t ako din yon. Gwapong gwapo pa den.

 

 

e wala lang. gusto ko lang magyabang.

 

naisip ko lang din na kung sa dati e ayaw ko magpakilala dito sa blog e parang ngayon e ako na tong nagbubukas ng libro tungkol sa sarili ko.

 

kung hindi ako nagkakamali may mga pagpapakilala na din ako tungkol sa sarili ko  dito sa blog ko.

 

HU ME? at Random facts about bulakbolero

 

kaya kung tutuusin ay malamang sa alamang ay kilala nio na din ako.

 

Ang gulo ng post ko na to, ang gusto ko lang naman sabihin ay. Salamat sa inyong lahat.

 

 

 

\m/  Keep on rockin!

ang inyong alipin, bulakbol.

 

biboy

24 comments:

J. Kulisap | July 14, 2011 at 12:30 PM

Kung maka-matanda naman ito.

Bata pa ako, 51 years old. Hahaha.

Ikaw na ang sikat. Pa-otograp

Anonymous | July 14, 2011 at 1:43 PM

Wow sikat ka na..nag iba kaba ng domain kze galing ako da tweeter eh

Che-mtmy sweet nothings

Akoni | July 14, 2011 at 6:38 PM

haha..alipin sa gigilid!

iya_khin | July 14, 2011 at 6:49 PM

oo sige na dahil nakita na kita PUGEENG bata ka nga at hangputeee!! lels!

nasilaw nga ako sa kagwapuhan mo kaya bigla akong ginutom! hahaha! joke! lam mo namang labs kita! lol uli! cge magyabang kapa at granada na ang ipupukol sayo! hahaha!

Anonymous | July 14, 2011 at 6:56 PM

wahahaha.

promote post pala dis. :D

kaw na sikat. kaw na ang pinupukol kasi ur so hitik. me ganun.

-khanto

Lakwatsero Ako | July 14, 2011 at 8:03 PM

so mas sikat ka na kay Jepoy? Pa autograp naman sa dodo ko. bwahehe

Nimmy | July 14, 2011 at 8:38 PM

wow! ikaw na celebrity kuya! hihi :)

Bino | July 14, 2011 at 9:38 PM

ganun na pala edad ni jkul. heheheh. anyway, naks may promotion! ang dami mo'ng bunga! yown! :D

ABoyNamedXander | July 14, 2011 at 10:48 PM

hahhaa.. ikaw na ang mayabang.. hehe..pero cge na nga d naman bawal ang magyabang ehh.. go lang! promote lang ng promote..

Pong | July 15, 2011 at 7:32 AM

Pa-pirma naman ser sa tshirt ko hahaha

ikaw na ang pinupukol kasi matigas ang ulo lels

Be blessed ser.

ikaw na ang may dot com!

Makina ni Monik | July 15, 2011 at 7:33 AM

Hindi ako makapaniwalang kahapon lang e kachat ko sa chatroll ni sir JKul ang isang sikat na tulad nyo sir! Nakakahiya. Napakahumble nyo po. LoL. Salamat lang talaga sir Bulak sa Kowtable kowt nyo. Hindi lang sa blogspot, Pati sa tumblr kumalat ang pangalan mo. Naks! Ikaw na FAMOUS sir! :D :D ahaha.

LordCM | July 15, 2011 at 8:57 AM

Ikaw na!!! Pagkatapos ng dot com, hot seat naman sa damuhan, ano pang kasunod? :D

empi | July 15, 2011 at 9:45 AM

pa-autograph naman dyan :D

jedpogi | July 15, 2011 at 11:08 AM

ts tsk tsk.. ang tatanda nyo na hahaha!

Santo Santino | July 16, 2011 at 3:20 PM

kaya hnd ka na nagpapakita dahil sikat k n. ayaw mo ng sumama sa mga hampas lupang katulad nmin.hahaha...autograph!

YOW | July 17, 2011 at 1:18 AM

Actually, kakabasa ko lang nung blogger hot seat mo. Hahaha. At kakaiwan ko lang ng comment dun sa Damuhan. Ikaw na nga ang sikat! Ganun talaga, nagplano din akong maging magtago at hindi magpakilala, pero pag naging kaibigan mo na nag mga kablog mo, you want your life to be an open book na din. Is this me talking? Hahaha. Kungrachuleyshens.

Diamond R | July 17, 2011 at 2:46 AM

nagbasa muna ako ng blogger hot seat nakalimutan kong lumabas pala ako dito.

Pa autograph naman.

Anonymous | July 17, 2011 at 12:04 PM

ayos, buti pa tong blog na to barakong-barako..

paps, si supladong officeboy ba bading! nababahing ako pag binabasa ko blog nya! bwahaha!

eh si jepoy? hahaha!

more to come papi! lol!

KikomaxXx | July 18, 2011 at 12:49 PM

hahahha likas ang pagkakomedyante ni idol... hahahha... paautograph din ako... hahaha

Leah | July 20, 2011 at 8:32 PM

Oo na, ikaw na ang gwapo.. kaya nga may ipagyayabang naman. Lels.. Ayos ang mga sagot mo dun sa hotseat ni bino. Clap! Clap! :)

EngrMoks | July 21, 2011 at 5:03 PM

natawa naman ako sa komento ng anonymous na yun... abt Suplado at Jepoy... Hmmm. Wala lang!

Sikat ka kasi, kaya binabato. Yung iba namimisinterpret ang kayabangan mo. May yabang kasi na kahit wala kang ginagawa sa tao, naiinis sayo. May ibang yabang natural na nakakatuwa, binabagayan, parang Robin Padilla.

Yun lng. Basta wag paapekto sa kanila, ang artista, maraming intriga para ibagsak sila, parang ganito sa blog. walang pinagkaiba ang buhay showbiz sa buhay blogero. Public Figure kasi tayo! Apir! LOL

Raft3r | July 21, 2011 at 9:24 PM

ikaw na!
hehe

krn | July 23, 2011 at 2:13 AM

bagong template!! ganda! puti rin.. iba na talaga pag sikat. Nahirapan lang ako hanapin yung link ng comment. Labo na yata mata ko.

Natawa rin ako sa comment ni Anonymous. wahahaha barakong barako ka raw. Sa tingin ko d ka naman mayabang. :D Mataas lang ang self esteem hehehe. joke

Youni | July 23, 2011 at 8:53 PM

pa-comment po... hehehe baka sakaling madaanan mo ang blog mo pag sumikat na po ikaw ng husto... hahahaha... pa-autograph rin po okei, papa frame ko wag kang mag-alala