Incubus

 

July 23, 2011. 8PM. Sa Stadium Negara, Malaysia. Slamman. Rakrakan.

 

Nanood ako ng concert ng Incubus. Hindi sila dadaan dito sa SG kaya walang choice kundi bumyahe sa ibang bansa.

 

Akala ko walang front act. madaming namamatay sa maling akala. Hindi ako makasabay sa mga kanta nila. Buti nalang, marunong ako makipag slamman. Ako pa binagga nila. Sino taob? Yun tuloy napunta ko sa may magandang pwesto. pangalawang row sa may bandang unahan at ilang tao nalang ay gitnang gitna na.

 

Oo. sa moshpit kami naka pwesto. kaya basag kung basag.

 

Tulad ng inaasahan Megalomaniac ang pambungad na awitin ng Incubus. Sinundan pa eto ng mga nakahanay na kanta sa baba.

 

IMG_0970

Wish You Were Here

Pardon Me

Have You Ever

Consequence

Anna Molly

Promises, Promises

Circles

Glass

In the Company of Wolves

Thieves

Drive

Pistola

Talk Shows on Mute

Adolescents

The Warmth

Nice To Know You

 

Paumanhin kung may mali mang nakalista sa taas, hindi ko alam lahat ng kanta nila. may mga panahon nga na naka tanga lang ako sa gitna. kawawang bulakbol. LOL!

 

Natapos ang concert na naligo ako sa sariling pawis.

 

Naagaw ko ang drumstick na hinagis ni drummer. pero may mga ibang kamay na nakiagaw sa akin.

 

malaysian1: ako unang nakakuha. ibigay nio na sakin. (hawak ang isang bahagi ng stick)

ako: ilan ang hawak niong kamay sa stick? ako dalawang kamay ko nakakuha ng stick

malaysian2: bro, to be fair. hatiin nalang natin yung stick. (kabarkada ni malaysian1 na hawak din ang isang bahagi ng stick)

ako: (para matapos lang dahil nose bleed na ko sa kapapaliwanag sa english) oks manoks.

 

at hinati nga ang stick. napunta sa akin ang kabilang dulo at pinakamalaking bahagi ng stick.

 

IMG_0966

 

saklap lang. naiwan ko sa taxi yung official souvenir shirt ng incubus na binili ko sa halagang 75RM. buhay nga naman. sabi nga ng mga kasama ko, isipin ko nalang na ang hating drumstick ay nagkakahalaga ng 75RM. Oks manoks.

 

at doon nagtapos ang nakakapagod na weekend ko.

 

\m/ rakenrol.

22 comments:

Vt1 | July 25, 2011 at 10:13 AM

ang galing nman my concert din d2 sa pinas ang incubus sa july 28 kasu wla nman budget isa sa pinafave fo na song nila ay wish you where here at drive, swerte mo nman!

Makina ni Monik | July 25, 2011 at 10:13 AM

"ilang ang hawak niong kamay sa stick? ako dalawang kamay ko nakakuha ng stick"
hahahaha. Natawa ko dito benta! haha. Ng dahil sa drumsctick. Alam ko pupunta rin sila dito sa pinas July 28. Yehey.Mauuna sila ng onti sa Korn. \m/ bangis!

EngrMoks | July 25, 2011 at 10:17 AM

Kakainggit sa moshpit! Wow ubos ang energy mo dyan sa slaman. At kakauhaw yan sa tagaktak na pawis. Sulit naman!

Sayang yung souvenir shirt, sana pinadala mo na lang sa akin. LOL

Bino | July 25, 2011 at 10:31 AM

ikaw na ang nakasalo ng drumstick!!! you already!!! inggitero ako ngayon wahahaha

hArTLeSsChiq | July 25, 2011 at 10:57 AM

yun pala ang ipinunta mo sa Malaysia truly Asia! hahaha manonood pala ng concert at talagang nakipag agawan sa drumstick? ayus! ikaw na!

Sayang naiwanan, sana pinaraffle mo na lang yung shirt! :P

J. Kulisap | July 25, 2011 at 12:28 PM

Nasa Pinas ata sila ng July 28.

Sana ilibre ako ni Salome. hehehe. Rakrakan na.

Ipaframe mo ang kaputol.

Truly, die hard fan is not totally dead. They are alive like you.

The Gasoline Dude | July 25, 2011 at 2:52 PM

Barakong-barako talaga ang mga posts mo ngayon. = P

Axl Powerhouse Production Inc. | July 25, 2011 at 5:11 PM

whahah sayang naman yung tshirt na yun...
pero naman naenjoy mo naman yung concert :D

krn | July 25, 2011 at 5:31 PM

waaaahhhhh fan ako ng incubus! natawa naman ako sa kaputol na drumstick wahahaahaha LOL! at least!! may souvenir asteeeg \m/

YOW | July 25, 2011 at 5:33 PM

Kewl. \m/

Gusto ko din manood ng Incubus concert kahit konti nga lang alam kong kanta nila. Hahaha. Eh di ikaw na dumadayo pa para sa concert. Ang yomon!

Leo | July 25, 2011 at 6:15 PM

siempre, Wish You Were Here lang ang alam kong kanta nila! at ang mahal ng tshirt ah! 75RM! Homay. Ok lang yan, mayaman ka naman paps. :)

saM | July 25, 2011 at 11:29 PM

e ako mishu lam ko kanta nila. tama diba?! o mali ako? hehehe... parang hp7 pinanud mo ah me libreng stick hehehe. wala lang me maikoment lang. bye.

glentot | July 26, 2011 at 4:56 AM

Una, I like the new layout! I've liked Incubus since high school. Llao yung Talk Shows on Mute at yung Here in my Room. Napakadistinctive ng sound nila.

~ JaY RuLEZ ~ | July 26, 2011 at 8:13 AM

namimiss ko yang mga slaman na yan...masaya at nakakatsangsing ka din jan sa mga gnyan hahaha

talagang fan ka enoh,nakipagpambuno ka talaga sa stick hehehe

ikaw na !:)

Santo Santino | July 26, 2011 at 1:03 PM

waaaahhhh....isa sa mga foreign artist na gusto kong mapanood...kakainggit. :(

iya_khin | July 26, 2011 at 1:54 PM

naman ba't hinati pa?! lels lang parang enggot lang i'm sure ipangkakamot lang yon! hehehe

never pa akong nakadalo sa mga concert, ako na ang manang! wala lang! kasi ayoko ng siksikan daming manyakis!

Zhurutang | July 28, 2011 at 11:39 AM

. . . masasabi kong mahina ang incubus dahil wala silang kakayahan na mang-engganyo ng mga babae para mag "show-your-boobs".

Diamond R | July 28, 2011 at 1:57 PM

nagbiyahe ng ibang bansa para makapanuod ng concert Incubus kung alam lang ito ng kung sino mana ang Naghagis ng stick baka drum ang inihagis sayo.Panalo ang trip mong ito. Gusto ko to

L | July 29, 2011 at 11:58 AM

ang mahal kaya ng ticket nila dito. bibili na lang ako ng pirated dibidi pag lumabas na 'yung manila tour nila sa bangketa. lol!

Raft3r | August 3, 2011 at 7:26 PM

naman!
idol!
akin na lang yan!
hehe

Raft3r | August 3, 2011 at 7:27 PM

eto setlist sa maynila:

megalomaniac
wish you were here
consequence
pardon me
anna molly
love hurts
circles
look alive
promises, promises
the warmth
drive
sick sad little world
isadore
glass
talk shows on mute
adolescents
a crow left of the murder
i miss you
in the company of wolves
nice to know you

Andy | August 3, 2011 at 8:08 PM

eh di kayo na ang nanood ng concert at ako na ang nainggit!