Kasalanan bang humingi ako sa Langit ng isang Himala?

 

kagabi sumama ko sa kainan at kulitan ng ilang bloggers dito sa singapore. may nagluto, may nanlibre ng chips at drinks at mayroong mga nagkwento. dahil ang ilan ay di pa masyadong kakilala ang isa’t isa, naitanong ang walang kamatayang tanong pag unang pagkikita…”ano ang unang impression mo sa akin?”. wtf at pare-parehas sila ng sagot sa akin, ako na daw ang tulala sa isang tabi at di mapakali (kantahin hanggang verse2). yung tipong bigla na lang daw tatahimik na parang ewan. lol. sige ako na, pero aktuwali, naniniwala ako sa kanila kase yun talaga ako, kumbaga di ako sanay na nakikipag-kolaborasyon sa usapan. okay na akong follower kesa leader, parang ganun. malabo di ko mapaliwanag. basta. tapos, madami pang diskusyon at usapan ang naganap ng gabing yaon.

sembawang

ang litrato ay kuha ni alex

 

umuwe ako sa bahay ng hating gabi na dalawang balita ang sumalubong sa akin. isang pasitib at isang negatib.

 

pasitib. nanalo ako sa patimpalak ni bino. ang pangarap kong lalong umangas ay matutupad na. si bulakbolero ay dadatcom na. aktuwali, binayaran ko talaga si pareng bino para sa datcom, kunwari nanalo lang ako pero ako yung nagbabayad ng domain. haha. joke lang nag aadik lang. ayown nga. laking pasasalamat ko ke bino at di ko inaasahan na magiging datcom na ang bahay ni bulakbolero. at maligayang pangatlong taong pagbloblog pareng bino.

 

negatib. sinikreto ko to kahit kanino. ni isa wala akong sinabihan. dahil sa sikreto kong to, kailangan ko tingan gabi gabi ang letter box. inaasahan ko kase na june o july sya darating. walang palya yon, at kagabi nga dumating ang liham na aking pinaka-iintay intay. sabi nila… malalaman mo daw kaagad ang resulta sa kapal ng sulat na matatanggap mo. pag manipis, sablay. pag makapal, jackpot. pagbukas ko ng letter box pag uwe ko kagabi, naramdaman ko na agad na ito yung sulat na iniintay ko. gustuhin ko man salatin kung gaano ito kakapal, damdamin kung gaano ito kabigat, itsura palang tila isang pahina lang ang nakapaloob sa liham. nalungkot ako bigla. hindi ko na nais pang buksan ang liham, pero wala akong magagawa binuksan ko pa din sya para mabasa ang nasasaad dito. ayun nga, pinatunayan nya lang ang aking hinala. bigo ako.

IMG_0774

 

eto ata yung tinatawag nilang mixed emotions. hindi mo masagad yung emosyong nararamadaman mo sa bawat pangyayari sa buhay mo dahil ang isang bagay na nararansan mo ay kabalintunaan ng isa. gusto mo mang matuwa, di lubos. tapos, malungkot ka man, may unteng pambawi. hay ang gulo.

 

di ba talaga pwede nating makuha ang lahat? talaga bang kasalanan na humingi sa langit ng isang himala?

31 comments:

mommy-razz | June 24, 2011 at 9:42 AM

my never ending na tanong, saan ka sa picture na yan? ung naka voilet? hehe!

CONGRATS bolero, dot.com ka na..

ganyan ang life kong may saya may lungkot, kong may gabi may araw...

hnd kasalanan humingi ng isang himala sa langit.. keep on praying.

Bino | June 24, 2011 at 9:55 AM

unang una congratulations sa iyong magiging domain! aasikasuhin ko this weekend ha.

anyway, nacurious naman ako sa bad news. umandar ang pagiging chismoso ko hehehe. ganunpaman, lahat ng bagay ay may dahilan.

God bless ^^

The Gasoline Dude | June 24, 2011 at 10:35 AM

ARGH! Ayoko na talagang mag-apply! Takot ako! :(

Alam mo ba, isa sa mga paborito kong meet-ups 'yung kagabi. Ewan ko ba, tulad mo, gusto ko din minsan 'yung small group lang kasi simple pero mas engaging at intimate (parang mag-syota lang) ang usapan. Saka salamat nga pala sa mga naibahagi mo kagabi. Salamat sa pagtitiwala. Gusto ko nga sanang mag-grouphug kagabi. Kayo na! LOL!

Sana maulit. Promise magluluto din ako sa sunod. :)

At oonga pala, dahil mag-datkom ka na, parang gusto ko na ding mag-datkom. Inggitero much? Nyahaha! :))

khantotantra | June 24, 2011 at 11:03 AM

di ko gets yung inapplyan mo/ yung sulat na negatib ang epek,

nywei, grats sa dot com contest.

rambling and raves of some sweet nothings | June 24, 2011 at 1:20 PM

Kaw na blogger hehehe...congrats.galing mo talaga dude

Negative-ibibgay sayo yun in His time.wait ka lang.dami mo naman opportunities naddating.di lng yaan naman.

Happy weekend!!

PaJAY | June 24, 2011 at 1:35 PM

anong sulat yan pre??


baka lasing ka lang..buksan mo ulit baka makapal na ang laman..ano nga ba yan pre? parang nakyuryus ako bigla..:)))

Diamond R | June 24, 2011 at 3:06 PM

Una congrats dumadot.com ka na. at kung ano man yang di mo makuha ngayon magugulat ka na lang nasa iyo na yan baka di pa ngayon. Cheers.

Tago Fabic | June 24, 2011 at 4:19 PM

Congrats sa dot com! :D I wonder kung ano yung letter na nakuha mo. I can only guess pero I'm not sure. Agree, it will be given to you in due time. :D Congrats again on the dot com! :D

jedpogi | June 24, 2011 at 5:25 PM

CONGRATS TOL BULAK AT NAKADOTCOM KA NA... KASO NAHIWAGAAN AKO SA LIHAM.. ANO YAN PERMANENT RESIDENCY BA YAN HEHEHE... MANGHULA DAW BA..

Mr. Chan | June 24, 2011 at 5:48 PM

wow .COM na! congrats!

apply ka na lang ulit ng PR-ship sa susunod :D try and try lang :D

sama nio ko next time ha! LOL

Akoni | June 24, 2011 at 6:14 PM

Una hurt parin ako ng half...at congrats narin.

pangatlo, anong sulat kaya yun? pero sabi nga nila, lahat daw may dahilan. next move ulit, hindi ka pa naman ata check mate eh.

Andy | June 24, 2011 at 7:08 PM

hongyobong! dumadatcom na!

balak mo bang pumasok sa military? o yung singapore scholarship yan? sabihin mo naaaa!

empi | June 24, 2011 at 7:29 PM

ano kaya ang laman ng liham na yan.... hmmmm pauuwiin ka na? wag naman sana....

saM | June 24, 2011 at 7:47 PM

congrats! :)

wag ka na malungkot... try and try.

MG | June 24, 2011 at 8:52 PM

hayaan mo na yun parekoy, bawi k na lang sa susunod. ako nga brokenhearted eh. hahahahaha. kelangan banggitin? nyahaha. ayos lang yan pre. konting pagpupursige pa at makakamit mo rin yang gusto mo

kikilabotz

Pong | June 25, 2011 at 2:47 AM

congrats ser sa pagkakapanalo sa munting pakulo ni ser bino.

yung sa tanong mo naman, hindi kasalanan yung humingi ng himala. malamang di pa panahon, o kaya naman inihahanda ka lang sa mas malaking biyaya. madalas sa madalas di natin maarok ang mag bagay o bagay o kung naniniwala tayo sa Diyos, di natin minsan maintindihan ang kanyang kaparaanan. Pero sa huli, magho-hope pa rin tayo dahil yun lang ang alam nating paraan para makamit ang isang bagay na wala pa sa atin.

be blessed ser.

Jepoy | June 25, 2011 at 3:03 AM

nainggit ako sa paglabas nyo wala akong lakad nun kaso lang di ako kasali sa twitter invite kaya hindi ko na pinilit isingit ang sarili ko. It looks like you had fun which is the best part of gathering.

About sa letter :-( Parang na mention mo yung reason baket you want this bad. Uhhhm, tingin ko lang may darating na mas okay tapos sa susunod ka nalang mag apply sabi nila mahigpit parin daw e.

Yun lang, may sense ang comment ko kasi madaling araw na :-D

Good Luck!

iya_khin | June 25, 2011 at 5:05 AM

Haaay nahuli n naman ako. . .nyway congratz uli sayo at dadotcom kana! galing!
about sa sulat ano yan? for immigrant?

Santo Santino | June 25, 2011 at 9:26 AM

always look at the bright side. kung hindi man para sayo yun better things will happen along the way. (wait english yun...lol)

basta enjoy na lng natin ang life. :)

LordCM | June 25, 2011 at 1:32 PM

nagkalat ang singapore blogger's eb experience na to :D congrats sa datcom at ntawa ako sa unang comment, BOLERO dot com ka na lolzz

Axl Powerhouse Production Inc. | June 25, 2011 at 3:25 PM

wow congrAts ka nagdotdotcom ka na.. ikaw na talaga.,

about sa ikalawa anung meron doon?
mmpp interesting yun ha :D

The Gasoline Dude | June 26, 2011 at 9:33 AM

@ Jepoy: Tanda ko na nagtanong ako sa Twitter kung sino gusto sumama mag-dinner nung gabi na 'yun. Tanda ko din na nag-tweet ako sabi ko sa lahat ng SG bloggers na gusto sumama sa Sembawang Park eh sama lang. Kaso hindi ka din naman nag-reply nun so how ah? Sa sunod eh sama lang ng sama...

leonajane | June 26, 2011 at 9:26 PM

shempre late na naman ako... gaya ni alex, thank you for entrusting us your story that night!

congrats sa dot.com naks! parang napster lang. haha!

oh well... tungkol sa sulat, parang alam ko na yan.. better things are yet to come. aja!!! tuloy ang kembot!

kelan ang susunod???

KikomaxXx | June 27, 2011 at 2:06 AM

congrats chong ha.,. hehehe

J. Kulisap | June 27, 2011 at 12:17 PM

Ikaw na ang dadatcom sa mga susunod na araw.

Don sa negatib, hindi ko alam kung ano 'yon dahil sikret diumano. Baka hindi pa panahon. Darating 'yan. Maghintay ka lamang

Derrick | June 27, 2011 at 6:24 PM

sa pasitib - congrats!

sa negatib - better luck next time nalang.. ako ng-give up na dyn.. sbi ko nalang kung ayw nila eh di huwag.. hehe..

pusang kalye | June 28, 2011 at 11:23 AM

isa ka sa mga dahilan kung bakit diko nakuha yang dotcom na yan from Bino.hahaha. coolness. duma-dotcom na talaga. ibang level na. :D

taga-bundok | June 29, 2011 at 10:36 PM

Ayun oh. Datkom na talaga. :)

ako070707 | July 1, 2011 at 8:38 PM

By faith we can get all that we want , but not all at once...

ang saya dot.com ka na.. hahaha

Raft3r | July 11, 2011 at 9:19 PM

you cant have your cake and eat it, too?
ganon ba yon?

Jonha | Happiness | July 14, 2011 at 11:46 AM

Weeeeh! Congrats at dumadot.com ka na :) Kainis naman, may suspense talaga?