Kapag ang butas hindi madulas, may minamalas


Tuyut na tuyot na.
Kahit anong gawing piga, walang lumalabas.
Mukhang naisagad ko na hanggang sa kasukdulan.
Ganito ata talaga ang epekto pag inaraw araw...
 Sabi na wag pilitin pag wala ng nalabas… yan tuloy napagod at natigang.

Hapdi ng ulo ko.
Pagod.
Walang silbi.
Hindi ko alam paano muling bubuhayin.
Hay pootek.. kung kelan kita kelangan saka hindi ka nakikisama.

Sana sa susunod na araw magkasilbi ka ulet.
Kung kelan, kumikita na ko dahil sa’yo.
Kung kelan, sa bawat paggamit ko sa’yo dolyar ang nakataya.
Kailan ulet lalabas ang iyong mga katas?
Kelan magkakaroon ng buhay at kwenta ang iyong mga nilalabas?

Isang bwan lang ba ang iyong silbi?
Gumana ka na paki-usap.
Kelangan ko ang tulong mo para madagdagan ang post ko dito sa bahay ko.
Kelangan ko to para dumami ang magcliclick sa nuffnang ads ko.
Utak, ulo, isip, tulungan nio ko maglagay ng bagong entry sa blog ko. Pakiusap..

Isang bwan na nga pala ang blogspot ko… yahoo… akalain nio yun nakaabot ako ng ganito katagal. Ang saklap lang. hirap na ko makaisip kung ano ang ipopost… Hirap talaga pag hindi ka gifted sa ganitong bagay.
Ngaps, sa isang bwan kong pamamalagi sa blogworld,
nakakatuwa na madami akong nakilalang kaibigan.
Nakakatuwa na kahit papaano eh may mga isang follower ako na nagcocomment parati sa mga entry ko. Nakakatuwa na nahasa ulet yung bahasa melayu skills ko dahil na din sa mga bumibisita sa blogspot ko na mga kaibigang bahasa.

Sa mga isa kong follower… ang post na to ay dedicated para sa imu. Kung hindi dahil sa imu, nagsara na ang bulakbolerosasg sa kanyang pang isang buwan na pamamalagi sa blogworld.
Maraming Salamat… Kaibigan Ko…
Terima Kasih… Kawan Ku…


13 comments:

Lord CM | May 18, 2010 at 3:15 PM

Isang buwan ka pa lang pala sa blogsphere?! ang akala ko ilang buwan ka na dito :D

Happy monthsarry sa inyo ng blog mo, saan ang inuman? :D

shin | May 18, 2010 at 3:55 PM

happy one month to u and ur blog, sana magtagal pa kayo :) poreber en eber

hArTLeSsChiq | May 18, 2010 at 4:42 PM

asus..oo na icclick ko na yang ad mo araw-araw...hahahaha

may post ka palang bago.. pero walang bago, walang kwenta pa rin :P

Chingoy | May 18, 2010 at 4:49 PM

sino iyon yooohoooo!!!

Jhiegzh | May 18, 2010 at 5:05 PM

Yeah 1 month and 3 days ung sa akin! Weee..keep posting!...Nice meeting you here though!

KESO | May 18, 2010 at 7:37 PM

akala ko mtagal ka na dito sa blogosperyo hahaha.

gillboard | May 19, 2010 at 12:52 AM

happy monthsary sa blog mo!

karen anne | May 19, 2010 at 7:24 AM

sabi ko naman sayo eh, blog lang ng blog, hehe. happy monthsary sa blog mo!

pilyamaldita | May 19, 2010 at 9:59 AM

happy monthsary kambal! :D

♥superjaid♥ | May 19, 2010 at 10:26 AM

happy monthsary sa blog mo..^_^ akala ko matagal ka na sa blogsphere..

bulakbolero.sg | May 27, 2010 at 3:07 PM

@lordCM. yep medyo bagito pa. kaya pagpasensyahan na po ang aking mga akda. boring. hehe. salamat sa pagdalaw at pagbati.

@shin, salamat. sana magtagal nga.

@muse, salamat salamat. sana yumaman ako sa nuffnang. hehe

@chingoy, ang alin?

@Jhiegzh, yep... happy 1 month din sa blog mo.

@Keso, baguhan palang po. kaya medyo wala wenta mga post. sensya na.

@gillboard, salamat tol!

@muse karen... salamat salamat. sana e may maisulat pa.

@kambal. salamat salamat.

@superjaid, nope bado palang po.

ivanrhys | June 4, 2010 at 8:24 PM

wala bang like button pra click ko nalang? hehe

ivanrhys | June 6, 2010 at 8:10 PM

belated happy monthsary sa blog mo.. hehe