Blogistang Bulok


Blogistang Bulok
(unang nailathala ni bulakbol noong June 17, 2010)

Limitado.
Noong una, akala ko ang blog ang magiging dahilan para isulat ko ang lahat ng aking saloobin.
Noong una, akala ko maibubulaslas ko dito kahit anong bagay na ninais kong ipahiwatig sa mundo.
Ganoon din pala.
May mga bagay na hindi mo pwedeng sabihin dahil na din may ibang makakabasa na alam mong hindi nya dapat ito pwedeng malaman.
May mga salitang di pwedeng bitawan kasi may masasaktan.
May mga pangyayaring hindi pwedeng ibunyag kasi walang madudulot na mabuti.
Limitado pa din ang mga bagay-bagay.
Minsan dapat mo itong pangalagaan at protektahan.
Hindi dapat mabunyag at hindi dapat malaman pa ng iba.
Hindi lahat ng nadidinig mo, kelangan mo sabihin sa ibang tao.
Hindi lahat ng nakikita mo, kelangan malaman ng nakararami.
Hindi lahat ng bagay, pampubliko.
Minsan, kelangan natin matutong itikum ang bibig at tumahimik nalang.
Katulad ng punyal, matalim ang dila.
Bawat salitang kanyang binibitawan ay kelangan pagplanuhan.
Minsan hindi mo alam nakakasakit ka na pala.
Yaong minsan na ito, hindi mo na mababawi, nakatarak na sa taong sinabihan mo.
Wala ka ng magagawa, checkmate na.

Dahil dito, parang nakikita ko, limitado pa din ang aking mga nailalathala.
Walang kwenta!

====

Pagkabasa ko na'tong muli. naisip ko. ganito pa din stand ko. blogistang bulok pa din ako kahit dalawang taon na ang nakilapas.

bulakbol's current mood:

larawan galing dito

7 comments:

Bino | September 10, 2012 at 9:55 AM

minsan talaga ang blog ay hindi pwedeng maging diary. unless private at para lang sa piling-piling readers.

Archieviner | September 10, 2012 at 9:56 AM

Tama ka. May mga bagay din na hindi mo maisasabi sa blog. Sulat lang din ng sulat nang maingat :)

T.R.Aurelius | September 10, 2012 at 10:11 AM

tama! di lahat ng bagay ay pwedeng ilathala sa publiko....

:)

The Gasoline Dude™ | September 10, 2012 at 2:59 PM

Gawa ka na lang ng isa pang blog na anonymous naman.

khantotantra | September 10, 2012 at 9:21 PM

tomo, gawa ka ng anonymousblog.... hahaha, kaso medyo mahiraps ata pag anonymous. Minsan, gusto mo din kasing makisalamuha sa iba.

MEcoy | September 11, 2012 at 10:05 AM

everything has limitation kahit ang blogging peo i love it that way nmn

MEcoy | September 11, 2012 at 10:05 AM

everything has limitation kahit ang blogging peo i love it that way nmn