Kahit ano lang



  • October na.
  • Wala pa din akong makitang pinagbebentang bar na pwede kong kunin para magsimula ng negosyo.
  • May nakita akong ad, resto space ang binebenta… kinontak ko na kung baka pwedeng iconvert sa bar. Pinabisita ko na din sa tropa ko para macheck kung oks yung lugar. sabi nung last weekend daw o kaya nung last Wednesday. Kainaman yan, hanggang ngayon di pa din pinupuntahan. (at ako na ang demanding kahit humihingi lang ako ng pabor... sorry naman).
  • Lablayp ko parang iphone 5 laang
  • Uuwi na daw sa pinas si '@', wala namang nabanggit kung anong plano nya sa pinas. Pero sa'yo '@' kung san ka masaya suportahan taka. Ayown, kaya catch-up, catch-up ang tropa dito pag may time. Woist. Mamimiss ka namin, paramdam ka kahit nasa pinas ka na.
  • Hindi ko na naman gusto ang trabaho ko ngayon. Palagian na naman akong nakikipag debate sa opisina. Tsk.
  • Kelan kaya ako magkakanegosyo para pahinga muna sa trabaho?
  • Namiss ko yung isang tropa ko. kahit kasi limitado lang yung mga istoryahan sa buhay ko, yung limitado na ‘to sa kanya ko lahat nakwekwento. Kaso lahat talaga nagbabago. Nalulungkot ako. Pero tama naman ang desisyon nya. Hindi naman talaga ako yung tropa na kelangan ikeep. (umeemo lang. lol). Kahit di na  tayo dikit, lagi mo lang isipin pag nahihirapan ka na. ayus lang yan... God is always with you. \m/
  • Dami nagtatanong sakin sa chat, tawag sa phone, personal, at kung saan saan pa (oo ganyang talaga kadami) kung kamusta na daw sg bloggers, wala na daw kitaan, ano na daw update. Sorry naman, wala din ako balita. Busy siguro karamihan.
  • Nag ninong pala ako sa binyag nung September. Virtually nga lang. haha. Kase taga Japan ang tropa ko at dun ang binyagan ng anak nya. Katuwang ko daw sa binyag half pinay-half haponesa. Mukhang panalo no? haha.
  • 2weeks ago na ata yun, tinanong na ako sa ofis kung magrerenew na ko ng contract, mapapaso na kase sa end of dec. Sabi ko pag malapit na mapaso saka nila ko tanungin ulit. Kasi ngayon pag tatanungin nila ko ang isasagot ko lang, “ayaw ko na”.
  • Mahirap pala maging boxer? LOL
  • Nakipagkita ko kay '$' nung isang gabi. Sumalisi kami sa asawa nya (lol… joke). Nagdinner lang naman kami sa isang japanese resto at nag kape sa coffee bean, pagtapos nun uwi na (tunay to!). nagcatch up lang naman (kamustahan ganun). Tagal na din kasi naming di nagkausap ng personal. Nakakamiss din yung mga biruan at konting landian lambingan. (lol… walang malisya ‘to. Magkaibigan lang. Tuldok)
  • May mangilan ngilan (mga isa) din palang nagtatanong kung bakit daw puro repost ang mga nilalagay ko ngayon sa blog ko. Sorry naman, wala talaga kong maisulat.
  • Eto ngayon, wala na din uli ako maidagdag sa post.
  • Gang dito nalang ata yung post ko?
  • Ngaps, naka iphone 5 na pala ko… (nagyayabang lang… haha)
  • The end.



16 comments:

khantotantra | October 1, 2012 at 9:31 AM

ikaw na ang naka iphone5... chuchalan.

ang ilang sg blogger mukang papasyal sa pinas dis oct kasi panahon na ng bday nila, si jepoy at jojo. :D

KULAPITOT | October 1, 2012 at 9:40 AM

pa try namn ng ipphone 5 mo :)

makakanap ka din ng magndang site para sa bar mo

Archieviner | October 1, 2012 at 10:13 AM

Ingatan mo ang iphone5 ah. Good luck sa magiging negosyo mo :)

MEcoy | October 1, 2012 at 12:38 PM

yaman iphone 5 oh nice nice

Axl Powerhouse Production Inc. | October 1, 2012 at 3:41 PM

tutyal.. may new iphone5...

iya_khin | October 1, 2012 at 8:45 PM

kaw na may iphone 5! kay na din nakisalisi kay $...hmmmmmm...musta dyowel?! di na din tayo nakakapag usap...

Bino | October 1, 2012 at 11:39 PM

naka ipheng 5 ako lol

bien | October 2, 2012 at 12:46 AM

walang ganap ang SgBloggers kasi lahat may lovelife na, tayo na lang ang wala hahaha

Lasher | October 2, 2012 at 3:21 AM

Nice blog!

Hi.

Wow iPhone 5!

Happy Oktoberfest!

TAMBAY | October 2, 2012 at 9:51 AM

may luma ka? akin na lamang :)

iba ang pumasok sa imahinasyon ko sa pakikipagkita mo kay "$". ^^

gandang araw po

Jojo Lakwatsero | October 3, 2012 at 12:26 AM

dami dami mo sinabi, iPhone5 lang ata nabasa ng iba. nyahahaha. nakita kits naman tayo nakaraan ah :)

Ituloy na kasi yang roadtohotness sa sentosa na kinikinangbreaknutsngmgayohnayan!

Superjaid | October 3, 2012 at 10:33 PM

ikaw na nakaiphone 5 haha sure na uwi kagad kayo ni '$' after eating at kape? uyyyy. hahaha

McRICH | October 4, 2012 at 7:37 AM

Ayus yan negosyo, good luck pre, ang suggestion ko lang, ipon ipon to the max muna tapos resign agad hihi then simulan na ang search sa very elusive na business. I salute you sa ganong mindset kahit bagets ka pa!

Xander | October 16, 2012 at 11:23 PM

ang yaman naka iphone5...hehe

BLOGS NG PINOY | October 19, 2012 at 1:43 PM

Hello,

We regret to inform you that your blog has been removed from the listings because we cannot find our link in it. You may link BNP to your blog for it to be added to the listings again or you may also opt to resubmit a new form at the SUBMIT YOUR BLOG page instead. Kindly let us know once done by leaving a comment at the CONTACT US page.

P.S. Link badges can be found at the BNP website.


Thanks,
BNP
blogsngpinoy.com

Dewi Aja | October 17, 2015 at 9:50 PM

Perkenalkan, saya dari tim kumpulbagi. Saya ingin tau, apakah kiranya anda berencana untuk mengoleksi files menggunakan hosting yang baru?
Jika ya, silahkan kunjungi website ini www.kumpulbagi.com untuk info selengkapnya.

Di sana anda bisa dengan bebas share dan mendowload foto-foto keluarga dan trip, music, video, filem dll dalam jumlah dan waktu yang tidak terbatas, setelah registrasi terlebih dahulu. Gratis :)