- October na.
- Wala pa din akong makitang
pinagbebentang bar na pwede kong kunin para magsimula ng negosyo.
- May nakita akong ad, resto space
ang binebenta… kinontak ko na kung baka pwedeng iconvert sa bar. Pinabisita ko
na din sa tropa ko para macheck kung oks yung lugar. sabi nung last weekend daw
o kaya nung last Wednesday. Kainaman yan, hanggang ngayon di pa din
pinupuntahan. (at ako na ang demanding kahit humihingi lang ako ng pabor... sorry naman).
- Lablayp ko parang iphone 5 laang
- Uuwi na daw sa pinas si '@', wala
namang nabanggit kung anong plano nya sa pinas. Pero sa'yo '@' kung san ka masaya suportahan taka. Ayown, kaya catch-up, catch-up
ang tropa dito pag may time. Woist. Mamimiss ka namin, paramdam ka kahit nasa
pinas ka na.
- Hindi ko na naman gusto ang trabaho
ko ngayon. Palagian na naman akong nakikipag debate sa opisina. Tsk.
- Kelan kaya ako magkakanegosyo para
pahinga muna sa trabaho?
- Namiss ko yung isang tropa ko.
kahit kasi limitado lang yung mga istoryahan sa buhay ko, yung limitado na ‘to
sa kanya ko lahat nakwekwento. Kaso lahat talaga nagbabago. Nalulungkot ako. Pero tama naman ang desisyon
nya. Hindi naman talaga ako yung tropa na kelangan ikeep. (umeemo lang. lol). Kahit di na tayo dikit, lagi mo lang isipin pag nahihirapan ka na. ayus lang yan... God is always with you. \m/
- Dami nagtatanong sakin sa chat,
tawag sa phone, personal, at kung saan saan pa (oo ganyang talaga kadami) kung kamusta na daw sg bloggers,
wala na daw kitaan, ano na daw update. Sorry naman, wala din ako balita. Busy
siguro karamihan.
- Nag ninong pala ako sa binyag nung
September. Virtually nga lang. haha. Kase taga Japan ang tropa ko at dun ang
binyagan ng anak nya. Katuwang ko daw sa binyag half pinay-half haponesa. Mukhang panalo
no? haha.
- 2weeks ago na ata yun, tinanong na ako sa
ofis kung magrerenew na ko ng contract, mapapaso na kase sa end of dec. Sabi ko
pag malapit na mapaso saka nila ko tanungin ulit. Kasi ngayon pag tatanungin
nila ko ang isasagot ko lang, “ayaw ko na”.
- Mahirap pala maging boxer? LOL
- Nakipagkita ko kay '$' nung isang
gabi. Sumalisi kami sa asawa nya (lol… joke). Nagdinner lang naman kami sa isang japanese resto at nag kape sa coffee bean, pagtapos nun uwi na (tunay to!). nagcatch
up lang naman (kamustahan ganun). Tagal na din kasi naming di nagkausap ng personal. Nakakamiss din yung mga
biruan at konting
landian lambingan. (lol… walang malisya ‘to. Magkaibigan lang.
Tuldok)
- May mangilan ngilan (mga isa) din palang nagtatanong kung bakit
daw puro repost ang mga nilalagay ko ngayon sa blog ko. Sorry naman, wala talaga
kong maisulat.
- Eto ngayon, wala na din uli ako
maidagdag sa post.
- Gang dito nalang ata yung post ko?
- Ngaps, naka iphone 5 na pala ko… (nagyayabang
lang… haha)
- The end.
15 comments:
ikaw na ang naka iphone5... chuchalan.
ang ilang sg blogger mukang papasyal sa pinas dis oct kasi panahon na ng bday nila, si jepoy at jojo. :D
pa try namn ng ipphone 5 mo :)
makakanap ka din ng magndang site para sa bar mo
Ingatan mo ang iphone5 ah. Good luck sa magiging negosyo mo :)
yaman iphone 5 oh nice nice
tutyal.. may new iphone5...
kaw na may iphone 5! kay na din nakisalisi kay $...hmmmmmm...musta dyowel?! di na din tayo nakakapag usap...
naka ipheng 5 ako lol
walang ganap ang SgBloggers kasi lahat may lovelife na, tayo na lang ang wala hahaha
Nice blog!
Hi.
Wow iPhone 5!
Happy Oktoberfest!
may luma ka? akin na lamang :)
iba ang pumasok sa imahinasyon ko sa pakikipagkita mo kay "$". ^^
gandang araw po
dami dami mo sinabi, iPhone5 lang ata nabasa ng iba. nyahahaha. nakita kits naman tayo nakaraan ah :)
Ituloy na kasi yang roadtohotness sa sentosa na kinikinangbreaknutsngmgayohnayan!
ikaw na nakaiphone 5 haha sure na uwi kagad kayo ni '$' after eating at kape? uyyyy. hahaha
Ayus yan negosyo, good luck pre, ang suggestion ko lang, ipon ipon to the max muna tapos resign agad hihi then simulan na ang search sa very elusive na business. I salute you sa ganong mindset kahit bagets ka pa!
ang yaman naka iphone5...hehe
Perkenalkan, saya dari tim kumpulbagi. Saya ingin tau, apakah kiranya anda berencana untuk mengoleksi files menggunakan hosting yang baru?
Jika ya, silahkan kunjungi website ini www.kumpulbagi.com untuk info selengkapnya.
Di sana anda bisa dengan bebas share dan mendowload foto-foto keluarga dan trip, music, video, filem dll dalam jumlah dan waktu yang tidak terbatas, setelah registrasi terlebih dahulu. Gratis :)
Post a Comment