Tanikala
Kagabi pag uwe ko ng bahay… may isang note sa may punasan namin ng paa
Nang aking binuklat, isa pala itong singtel postpaid sim.
Hindi ko pa alam magkanu plan per month neto, di ko pa kasi sinubukan, hindi ko pa alam kung gagamitin ko na ba or kung gagamitin ko nga ba.
Wala lang, parang mahirap lang tumanggap ng SiM. Ok lang sana kung pasaload… pero kung postpaid sim… anyenye… ibang usapan na yun.
x0x
Tanikala siguro ang nagdudugtog sa pinoy at sa pilipinas. Mahirap buwagin -- mahirap paghiwalayin. Ako man ay nasa ibang bansa ngayon, taas noo ko na sinasabi na ako ay tunay na Pilipino. Kahit pa halos lahat ng tao kahit sa pinas ay inaakala nila na ako ay isang Instik.
At dahil dyan. Natuwa ako at dumating na nung sabado yung damit na inorder ko ke Pareng Dennis. Pinagpasapasahan din ang damit nato bago makarating sa aking mga palad. Wahehe… Una, Iniabot ng pamangkin ni pareng Dennis ke ermat, si Ermat inibigay sa tropa kong si raph para iluwas sa manila, si raph hinabilin sa pinsan kong si otep para ibigay kay pat dahil iisa lang sila ng pinagtatrabahuhan. Si pat kasi ay pumunta dito noong sabado. At ayun na nga, inabot sa akin ng personal ni pat ang mga damit na aking hinabilin. Salamat sa mga naging involve. :P
Ayus \m/ Proud to be Pinoy!
9 comments:
test
Okay ayan pwede na.
Sumasama ang loob ko pag nakikita ko yang 3 stars and a sun kasi meron akong kaibigan binagbigyan nya tapos binasura lang ni hindi manlang naisuut kahit isang beses.
naguluhan ako dun jepoy ah! binigyan mo yung kaibigan mo o maynagbigay sa kanya? kahit anu pa man din. pootek sya. dapat sakin nalang kung ibabasura nya nalang. haha.
nice shirts! pinoy!
astig pinoy shirts tapos suot mo jan sa SG! \m/
Paul/Ching, \m/ salamat sa inyong pagbisita sa aking tahanan. naway nakurot ko kahit bahagya ang inyong pagkatao.. awts... :P
im proud to be pinoy too! yoohoo hehe ^^ go go go...bigyan mo rin ako hehe
sendo, papackage ko sayo ung plastic na pinaglagyan ng FMCC shirts. Piz
Post a Comment