Kung lahat ng kandidato ay nagsasabing sila ay para sa mahirap, sinong magiging presidente ng mayaman?

Kanina, meron akong nakaututang dila sa yahu. Dumagundong kasi sa kanya ang status ko na, ‘Kung lahat ng kandidato ay nagsasabing sila ay para sa mahirap, sinong magiging presidente ng mayaman?’. Kopyahin nya din daw. Ang hindi nya lang alam at inde ko sinabi, ninakaw ko lang ang mga kasabihang eto sa blog na'to.

Eto ang usapan namin:

siya yun (4/12/2010 11:05:12 AM): good question

siya yun (4/12/2010 11:06:01 AM): gayahin ko status mo hahaha

siya yun (4/12/2010 11:09:14 AM): nakaboto ka naba?

ako to (4/12/2010 11:09:56 AM): di ako nakapagreg dito eh

ako to (4/12/2010 11:09:57 AM): sayang

ako to (4/12/2010 11:10:09 AM): pero oks na din, di ko iniisip kung sino iboboto ko

ako to (4/12/2010 11:10:13 AM): walang pressure

siya yun (4/12/2010 11:10:16 AM): sabagay

ako to (4/12/2010 11:11:16 AM): ikaw ba sino boboto mo?

siya yun (4/12/2010 11:12:47 AM): presidente?

siya yun (4/12/2010 11:12:52 AM): wala pa eh baka si noynoy

ako to (4/12/2010 11:12:54 AM): inde kapitan

siya yun (4/12/2010 11:12:55 AM): para lng d manalo si villar

siya yun (4/12/2010 11:12:56 AM): hahaha

siya yun (4/12/2010 11:12:57 AM):

ako to (4/12/2010 11:13:07 AM): panget naman ng dahilan mo

siya yun (4/12/2010 11:13:24 AM): wala eh

siya yun (4/12/2010 11:13:40 AM): feeling ko d din ok si noynoy eh

siya yun (4/12/2010 11:13:44 AM): kaya lagn mas hindi ok si

ako to (4/12/2010 11:14:26 AM): edi iboto mo yung OK para sa iyo

ako to (4/12/2010 11:14:44 AM): matalo man ung binoto mo atleast kung manalo ung inde OK... di mo masisisi yung sarili mo

ako to (4/12/2010 11:14:52 AM): na isa ka sa taong nagluklok dun sa inde OK

siya yun (4/12/2010 11:14:59 AM): hahaha good point

siya yun is typing...

siya yun (4/12/2010 11:15:17 AM): d ko naisip un! iniisip ko kasi sayang yung boto para dun sa alam kong tatalo dun sa d dapat iboto

ako to (4/12/2010 11:15:47 AM): mali naman kasi mentality nating mga pinoy

ako to (4/12/2010 11:16:12 AM): basta ako kung boboto ako.. dapat firm ung dahilan ko bakit ko sya boboto, inde ung dahil no choice lang

ako to (4/12/2010 11:17:18 AM): isipin mo nalang mas sayang ung boto mo pag nanalo yung binoto mo na di naman pala okay sa bayan

Madali lang maghangad ng mataas na posisyon sa Pilipinas.

Qualifications

According to the current constitution (1987), the President must be at least 40 years of age, a registered voter, able to read and write, a Filipino citizen by birth, and a resident of the Philippines for at least 17 years prior to election.


Kung tutuusin, halos lahat ng mamayang Filipino, may karapatan sa pwestong ‘to, ma-meet nya lang ang kwalipikasyong nakasaad sa taas.

Madali lang din makakuha ng simpatya ng tao… Paano?

1. Magpacute sa publiko

2. Maging Pro-masa

3. Makipagkaibigan at kumuha ng endorser na artista

4. Kumapit sa mga opisyal na kasalukuyang nakaluklok o kaya ay sa mga opisyal ng bayan.

5. Maging relihiyoso kuno at magpabibo sa mga Religious group

So swak…. Mananalo ka kahit wala kang anting-anting. Mananalo ka kahit HINDI ka naman pala okay sa tingin ng kadamihan. Mananalo ka dahil sikat ka o kaya no choice.

Kung ako kandidato at nanalo ako dahil no choice magiging Masaya ba ko?

Kung gahaman ako sa kapangyarihan… isang malaking OO ang sagot dyan. Wala naman syang pakealam dyan sa mga detalyeng yan eh, importante lang sa kanya ay manalo sya. Yun ang masaklap dun.

Para sa akin, hindi na importante sa mga panahong eto kung sino ang mananalo sa eleksyon. Kung pagbabasehan naman natin yung konstitusyon at bilang demokratikong bansa, lahat ay may karapatan para dito. Ang importante ay:

1. Walang epal: Hindi natin maiiwasan na hindi natin gusto ang magiging pangulo, pero hayaan muna natin sya gumawa ng alam nyang moves. Tingnan muna natin ang diskarte nya bago tayo magreact. Maaring di din natin gusto ang galaw nya, pero baka naman sakaling sa bandang huli, makakatulong sa atin ‘to.

2. Bumabangon pa din. Hindi naman ganun kabilis ang pagunlad ng isang bansa. Sariling buhay nga natin, hirap nating iaayos, asa pa tayo na sa isang kisap mata, maunlad agad ang pinas. Hayaan nating ang panahon ang maghilom ng sugat (nakana).

3. Hindi sya pacute. Kung presidente ka, kumilos ka, pakita mo na ikaw ay president, may mga galamay ka… pero nasa sayo pa din ang desisyon. Bagamat demokratiko tayong bansa, stand firm, kung ayan yung sa tingin mong tama panindigan mo… Pero dapat nasa pamamaraan na legal at pabor sa karamihan.

OO alam ko, wala akong karapatan magsalita ng ganitong bagay ngayon.. hindi naman ako boboto. Wala akong kwentang mamayan hanggang sa susunod na eleksyon. Gusto ko lang naman isiwalat ang mga saloobin ko, kaya pagbigyan nio na ako.

4 comments:

Jepoy | April 12, 2010 at 4:07 PM

Base! Mukang ako ang una dito

Botohan nyo na pala dyan. Okay lang na isiwalat mo ang saloobin mo basta siguraduhin mo pag siniwalat mo duun ka sa inodoro naka pwesto para hindi kadiri, k! LOL

Sana sa susunod mag pa rehistro ka na okay.

kthnaksbye!

bulakbolero.sg | April 12, 2010 at 4:28 PM

Jepoy, malamang alamang ikaw ang una... bagito palang ako eh. natuwa lang ako sa mga nababasa kong blog (ninyo). Na-inspire kumbaga... ayown, sumambulat ang pagnanasa magsulat.

salamat pala sa pagdaan.

iya_khin | June 18, 2011 at 10:09 PM

unang post talaga about politics?!! hahah!! magpacute..eh paano kung natural na kyut na?! haha

Brett Nash | December 22, 2024 at 8:13 AM

Aweesome blog you have here