Vente lang si ligaya

“Tara OT tayo”

… naiisip mo ba ang naiisip ko? Malamang kung magkatulad tayo ng kinaroroonan ngayon, magiisip ka pa kung ano ba ang nais kong ipahiwatig. Dalawa kasi ang ibig sabihin neto dito. Kung ang ginagalawan mong bansa ay maliit lang tulad ng kung saan ako naroroon, malamang alamang, pamilyar ka na sa mga lugar nito. At siguro kung nandito ka nga, alam mo na ang OT, TP at Geylang. Sa mga hindi nakakaalam, bigyan ko lang kayo ng backgrounder… etong mga lugar na to ay lugar ng sambahan (banal lang).

Minsan nasa MRT kami ng isang tropa, napag-usapan namin ang nakakapagod at nakakatamad na araw sa trabaho. Biglang naglaro sa isip naming kung ano ba ang trabaho na kung saan, mageenjoy ka na kikita ka pa. Hindi ko akalain na masasambit ng aking mala anghel na dila ang isang trabaho na kung saan di tanggap ng karamihan. Ang mga susunod na salita ay di na saktong konsepto ng usapan:


AKO: alam mo, parang ang pinakamadaling trabaho ay yung pagbebenta ng laman, isipin mo nasasarapan ka na kumikita ka pa.

SIYA: ~di ko na tanda kung nagreak ba sya o nabastusan sa akin~

AKO: Isipin mo, di ka na magpapakahirap mag program, walang debug debug.. at higit sa lahat, habang kumikita ka.. napapapikit mata ka.. lol (babuy lang)

SIYA: ~nakikita ko medyo may pag-sang-ayon sa mukha~

AKO: Sa totoo lang naisip ko na din magbenta ng katawan… hirap kaya mawalan ng trabaho… mapakinabangan man lang yung maalindog kong katawan.

SIYA: ~muntik na masuka sa nadinig~


Putulin na natin dito, masyado ng censored ang mga susunod na salitain baka MTRCB pa tong blog ko. Wala akong gusto pahiwatig sa naturan ko sa taas. Pasensya na kung may masama akong nasabi. Sa totoo lang, kung wala nga ako trabaho ngayon, malamang alamang pasukin ko yung trabahong yan. Di ko kaya kaya magutom at magmafia lang maghapon sa feysbuk. Kakabagot kaya yun.

Subalit, datapwat, kumokontra etong trabahong eto sa aking motto in layf. Lol. Hayskul palang, eto na paburito kong isulat sa slambook ng mga nagpapaautograph sakin: ‘When you love someone sex her free’. So panu na? e magagawa mo naman pala ng libre bakit ka pa magbabayad? E kung vente lang si ligaya papayag ka ba? Ewan, baka, siguro?! Tapos ang laban, sabog ang sabaw…

Ganito nga siguro ang buhay OFW, madaming challenges, madaming pagsubok, madaming tukso. Nasa tao nalang kung paano nya ihahandle ang mga ito. Minsan, si ligaya nasa tabi mo lang, minsan hinahanap mo sya at di mo mabanaagan. Ang labo. Hay layf. Kaya dumadating ang panahon, naiisap mo mag OT para magpatangay lang sa agos ng buhay. Pag OT kasi ang bilis ng oras… agos lang ng agos… sumisirit ng mabilis… hay solb…

O ano, OT tayo?

4 comments:

krn | April 13, 2010 at 8:17 PM

orchard towers? lol

bulakbolero.sg | April 13, 2010 at 8:54 PM

Karen,salamat sa pagdalaw.... yep Orchard Towers yung tinutukoy ko... naka hyperlink sya sa dulong post... :)

iya_khin | June 18, 2011 at 10:15 PM

vente lang???cheap!!

Makina ni Monik | July 14, 2011 at 2:47 PM

Natawa ko. Sabi mo baka ma-MTRCB yung blog mo lol. ahahaha