Desaru


Sakto, mayo-a-uno nag yaya ang bundokeros na magpunta sa Desaru. Ayon ke wikitravel ang Desaru ay matatagpuan sa south-east part ng Johor, Malaysia.


Photo courtesy of Wikitravel

Gabi palang ng biernes, naresib ko ang iterinary at kung anung oras ang byahe ng ferry na sasakyan papuntang Desaru. 630 ng umaga ang kitakits sa Changi Ferry Terminal. Ang bangkang ito ang maghahatid papuntang Malaysia at mula dun ay magpapadyak na hanggang makarating sa Desaru.

Sa pagtatantya, mga 4 na oras din ang gugugulin ng pagpapadyak kasama na ang pahinga at pamimisan minsang pagpipiktyur piktyur.

Matagal ito. Kaya ang makarating sa mismong destinasyon ay isang kaginhawahan.

Masarap na kahit paminsan-minsan ay magkaroon ng ganitong activity. Eto nga ang aking mga iniintay na gawin. Magbulakbol, magpiktyur sa pampang, lakbayin ang mga lugar na di ko pa napuntahan, at maginuman ng walang humpay hanggang sa pagkagising mo – parang wala lang nangyari.

Subalit… ako ay bigo. Hindi ako nakasama sa Desaru. Dahil sa sobrang aga ng alis. Tinamad ako gumising. Hahabol sana ko sa 2nd batch na 10am ang alis, pero nung nadinig ko ang alarm ko ng bandang alas-otso, pinatay ko lang ito at nagtalukbong na ulet ng kumot.
Lumipas ang araw na ang nagawa ko lang ay matulog at patumbahin si pareng Jose Curevo kasama ang mga tropa sa bahay.

Masarap din naman. Kaso nakakahinayang na di ako nakasama sa Desaru. Sana sa susunod na pagpadyak papuntang Desaru ay makasama na ako.

Moral Lesson:Daig ng tamad gumising ang alarm clock.”
Photos courtesy of Sir Carlo (salamat sir sa pahintulot na gamitin ang iyong mga obra)
 

8 comments:

Madz | May 3, 2010 at 3:52 PM

Hahaha nagbulakbol lang sa bahay...ktamaran mo.. :)) kaya pala di nagpaparamdan,lango sa alak...kampay!!

pusangkalye | May 3, 2010 at 7:08 PM

hmmm---1st time ko dito kaya nangangapa pako.....so let me guess---lahat tong mga bikers na to ay Pinoy living or working in malaysia...at isa ka sa kanila...

but for this particular session dika nakasama dahil dika nakagising,hehe. bad bad, bad timing yang antok na yan....hehe

krn | May 3, 2010 at 7:12 PM

akala ko naman totoo na.. sayang hindi ka sumama.. tamad!!! hehe. piz

Mayet | May 3, 2010 at 8:33 PM

sayang!! saya pa naman nila!!

lesson: dapat ilagay ang alarm clock di sa tabi kundi sa kusina ;-)

Pordoy Palaboy | May 4, 2010 at 6:40 AM

Magbulakbol, magpiktyur, maglakbay at maginuman ay ang mga hobbies ko rin.

hindi talaga ko tintamad pagdating sa mga bagay na ito. Sayang tol, you miss the adventure.

Superjaid | May 4, 2010 at 9:43 AM

aww...sayang naman muka pa namang maganda at nagenjoy sila..tsk tsk

Sendo | May 4, 2010 at 11:33 AM

my gas!!!! kung ako ang pinakatamad sa mundo inde ko talaga papalampasin ang adventure na iyan hahahaha ..sayang naman parekoy!!! T_T iiyak na ko para sayo huhu

bulakbolero.sg | May 4, 2010 at 1:52 PM

@muse madz, kakatamad gumising ng maaga. wahaha. minsan lang mawalan ng pasok, lubus lubusin na. :P

@pusang kalye, salamat sa pag-iiwan ng kumento,
<-- lahat ng bikers na to ay living/working in singapore at isa ako sa kanila.
yep bad timing nga yung antok. pero yaan mo na. masarap din naman matulog, nakakapanghinayang nga lang na di nakapunta.

@muse karen, sayang nga. medyo may pagsisisi. pero okay lang. bawi din sa tulog.

@mayet, baka di ko na madinig yung alarm clock pag sa kusina ko nilagay. advance happy mama's day seu.

@gino, yep namiss ko ang kasiyahan at katarantaduhan. next time nalang pairalin ko kasipagan.

@superjaid, yep, mukhang enjoy yun at enjoy sila. may next time pa naman. sayang nga lang napalampas ang isang pagkakataon ng pagbubulakbol.

@sendo, yep. sayang. next time padyak tayo.