Ang Aral. Bow.


10:01pm.
Inaantok na ko pero gusto ko pang magsulat. Kadalasan mas late pa nga ako matulog, madaling araw na. pero kakaiba ang araw na to, parang hupang hupa ang katawan at pagiisip ko. Isang buong araw na parang kahit anong gawin ko, hindi ko malabanan ang pagkabugnot. Sadyang may mga panahon talaga na kahit anong gawin mo, hindi maganda ang dating sayo.
Umaga palang… ang dami ko nang ginawang trabaho sa opisina. Balak ko pa naman sana sumundot ng blog tungkol sa nakita kong article sa yahoo Singapore homepage. Wala na. Natambakan na ko ng trabaho hanggang hindi ko na trip isulat yon.
Tanghali, hapon, gabi. Ganun pa din ang pakiramdam.
Hindi na din ako nag jog ngayong gabi. Takte, nasira na ang momentum. Naisip ko kasi baka di ko rin matapos takbuhin yung parke na iniikot ko. Walang lakas, walang gana.
=======
Nakakalungkot. Binigyan tayo ng utak para mag-isip hindi para magpacontrol. Natural lang naman na matakot pero dapat nasa lugar. Hindi laging ang nakakataas sayo ay tama katulad din ng hindi ka rin laging tama. Hindi papantay ang buhay kung hindi ka tutulong balansehin ito.
Alam kong malaking impluwensa ang nakakataas sa atin, pero tama bang controlin nya pati buhay natin? Nakakalungkot talaga! Hindi tayo de remote na kung anong gusto pagawa sa atin eh, isang click lang susunod na tayo.
Nirerespeto kita. Nirerespeto ko ang paniniwala mo. Pero sana respeturin mo ang sarili mo, Kapatid.
========

Bakit sa buhay natin laging may kontrabida?
Bakit mas gusto natin lagi ang bida kesa kontrabida?
Bakit pag nagsabi ka ng tunay mong saloobin may posibilidad na maging kontrabida ka? E ang sinasabi mo lang naman ay yung tama at ayaw mo lang magpa-api?
Bakit mas gusto pa ng iba na tumahimik o sumunod nalang para hindi tawaging kontrabida?
Bakit nga ba?
At bakit kamukha ko ang nasa larawan? Lol.


***photo from mr. google
 =======

11:29 pm na.

Nawala ang antok ko. Basa basa ulet ng mga balita tungkol sa nangyayari sa pinas.

~poof

6 comments:

pilyamaldita | May 7, 2010 at 10:42 AM

hmm... minsan kasi kapag hindi naayon ang pinapaniwalaan ng ibang tao sa paniniwala mo, iisipin nila, mali ka na. self-love. pride. self-centered. pag sumobra ang mga bagay na ito, nagiging monster na. inshort, nagiging makitid na ang kanilang pag-uutak. at shempre, ang iisipin nila, ikaw ang kontrabida.

kikilabotz | May 7, 2010 at 12:20 PM

napagod b? hehe
cgro kaya laging may kontrabida sa mundo kasi hnd parepareho ang paniniwala ng mga tao. at sa tingn ng bawat tao lahat sila bida ng kaninilang buhay.

krn | May 8, 2010 at 10:00 AM

pareho tayo, madaling araw na rin ako matulog.. siguro kailangan mo na muna talaga magpahinga... take it easy, pare. chill. ingat.=)

domjullian | May 8, 2010 at 7:06 PM

member ka din pala ng vampire club. ako maaga na sa akin ang 11:30 na tulog. pilit pa yun

Anonymous | May 8, 2010 at 8:45 PM

. . . bakit ang mga kontrabida, lalo na si rez cortez at paquito diaz at max alvarado, pag natatalo na sila ng bida, sabi nila nagjojoke lang daw sila at nag-so-sorry pa.


(wala lang)

bulakbolero.sg | May 8, 2010 at 11:23 PM

@kambal. edi ako na? :P

@kiki, may tama ka dyan. tapos yung iba close minded. kung ano yung iniisip nila. yun na ang tama para sa kanila. para sa akin, kung balanse lang ang buhay. baka di uso ang bida/kontrabida.

@muse, easy easy lang naman. may mga araw lang talaga na hirap magkikilos. parang kakatamad. hehe

@domj, yep. hirap matulog maaga. nung nasa pinas ako. matutulog nalang ako pag malapit na ko gumising. gulo. adik lang.

@zhuratang, kasi yun sabi ni direk. :P