Galing at Talino


Sa mga oras na ito, kasalukuyang ginaganap ang halalan sa Pilipinas kong mahal. Malamang sa alamang ang mga tao ay nakapili na ng kanilang kandidato. Ayus… nakakainggit naman kayo, na-practice nio ang inyong rights na bumoto.
Dahil wala rin naman akong kwentang mamayan ngayon, ninais ko na medyo tumahimik nalang kung may nagtatanong sa akin kung sino ang gusto kong iboto. Bakit? Alam ko kasi matatalino ang mga pinoy, may kanya kanya tayong pagiisip na hindi naman bigla bigla nalang nadidiktahan ng kahit sino. Kung sino ang sa tingin natin na tunay, tapat at makakatulong sa ating bayan… alam kong yun yung iboboto ng pinoy. Medyo nakakabadtrip lang yung nabasa ko sa comment sa facebook nung isang araw tungkol sa pageendorso ng isang malaking grupo sa isang kandidato. Parang dinidiktahan nya na tayo. (pasensya na kung may tamaan, sariling opinion ko lang to). Ang labo tsong… Ang nakasulat dun ay. Iboboto ko sana si candidate number 1 pero ang inendorso e si candidate number 2. Kaya para sa pagkakaisa at aral na dapat sundin si candidate 2 na dapat iboboto ko. Hayst… kakalungkot ang aral na yan.
At dahil simula na ng botohan at talagang fix na kung sino ang iboboto nyo. Sasabihin ko na ang aking saloobin.
Lahat ng kandidato, may kanya-kanyang plataporma na niniwala ako na sadyang makabayan. Alam ko naman na ang nagtulak sa kanila sa pagtakbo ay ang eagerness nila na makatulong sa bayan (think positive naman kahit paminsan mga kababayan – hindi lahat ng kandidato kumakampanya para humakot ng kamban ng bayan). Ewan ko lang dun sa isang kandidato na parang napilit lang naman ata dahil sa isang aksidenteng nangyari nung nakaraang taon (ako na ngayon ang negative).
 “Filipinos do not deserve the second best”. Eto ang tinuran ng isang kandidato. Huwaw parang Malaysia at Singapore lang to na gusto hakutin ang world record ah. Gahaman baga. LOL. Pero seryoso, hanga ako sa pagkakasabi nya neto. Bakit ba inde eto yung pinaplataforma ng ibang kandidato? Bakit puro pokus sila sa mahirap? Sorry sa pagiging rude. Mahirap din naman ako, pero iba ang pananaw ko sa buhay lalo na sa politika at sa bansa. Talagang mabagal ang pag-unlad ng bansa. Ganun naman talaga, hindi naman 1 click lang yan. Pero kahit ilang milyon man ang ibigay mo sa mga mahihirap, wala namang  imbestor na dayuhan. Wala din. Ganun padin ang flow of income ng Pilipinas. Kelangan natin na magisip kung paano tayo makikilala. We need to aim for the best! We need to be recognized, not as a poor country, not as a developing country but a country than can compete with other countries. Dami kaya natin pwede ipagmalaki. Kelangan lang natin magpakilala. Husay pinoy, galing pinoy at ganda ng pilipinas… Paano pa at tayo ang naging perlas ng silangan? Hahayaan ba natin itong maagaw ng mga gustong angkinin lahat ng world record? :P
Anu at ano pa man ang maging resulta ng halalan. Umaasa ako na ang mananalo ay yaong karapatdapat na maglingkod sa bayan.
Isa pa, laging 2 way yan para magwork. Sa atin mga mamamayan at sa mahahalan na pinuno nakasalalay ang pag-unlad ng ating bansa.  

8 comments:

2ngaw | May 10, 2010 at 11:53 AM

Sana nga matapos nang tahimik ang halalan at di magkamali ang tao sa kandidatong ibinoto nila...

Sana eto na nga ang simula ng pagbabago

domjullian | May 10, 2010 at 12:32 PM

Ang katwiran kasi nila, utos ni God yung so dapat i-follow. God first, parang ganun.

Jessa | May 10, 2010 at 3:07 PM

Galing at Talino din ako. :)
Kakaboto ko lang.Hindi naman lahat ng miymebro ng religious organization na tinutukoy mo e iboboto nga yung in-endorse ng lider nila, may kilala akong pasaway. Hehe.

krn | May 10, 2010 at 5:13 PM

Tama ka dyan.. Very well said. Hehe. Bulakbolero for president!

Anonymous | May 11, 2010 at 8:12 AM

Ako dn Galing at talino kaso mukhang mdyo malayo sa number ngay0n ai.. God bless us!

pilyamaldita | May 12, 2010 at 3:05 PM

cheers to that kambal! parang nung isang araw lang eh pinaguusapan natin nag mga bagay na itech ;) tayo na't tumakbo ka na... susuportahan nga kita :D

Sendo | May 12, 2010 at 11:40 PM

hay ewan na...pero bitter ako sa pagkapanalo ni noynoy pero wala na tayong magagawa diyan..ipagdasal na lang natin siya at ang bansa. at namanghan naman ako sa optimism mo..abay tama iyan! mabuhay ka! sana nga naman eh ganito rin tayong mga pilipino mag-isip, di rin kesa nagmula na tayo sa hirap eh mahirap na tayo forever...think positive na rin...hehe...we'll reach to that competitive will eventually hehe...

ivanrhys | June 6, 2010 at 8:12 PM

kahit automated na ang eleksyon sa pilipinas nating mahal, ambagal parin ng resulta.. hehe