Balut@sg


Gusto ko ng balut. Sa katunayan nga, nung bata-bata pa ko nakakaubos ako ng tatlong balut sa isang gabi. Hindi naman ako naweweirduhan sa lasa nya. Masarap sya para sa akin lalu na pagsinasawsaw sa suka.
 Ayon ke Mr. Wikipedia:
A balut is a fertilized duck (or chicken) egg with a nearly-developed embryo inside that is boiled and eaten in the shell.
Popularly believed to be an aphrodisiac and considered a high-protein, hearty snack, balut are mostly sold by street vendors in the regions where they are available. It is commonly sold as streetfood in the Philippines. They are common, everyday food in some other countries in Southeast Asia, such as in Laos (where it is called Khai Luk), Cambodia (Pong tea khon in Cambodian), and Vietnam (Trứng vịt lộn or Hột vịt lộn in Vietnamese). They are often served with beer.

At dito nagsimula ang istoryahan sa SG....
Dahil isa kong OFW, may mga panahon na tinatanong ng mga katrabaho kong ibang lahi kung ano yung mga pagkaing pang pinas lang. Ako, ni minsan hindi sumagi sa utak ko na ipatikim o ipagmalaki sa kanila ang ating balut. Hindi ko alam kung bakit, pero ang kadalasang nirerekumenda ko ay lechon, Purefoods na hotdog at ang ating tamis anghang na ketsup. Ang weird no? Nasabi ko nga sa sarili ko, wala kaya silang ganito at ganito pa ang pinagmamalaki ko. Sa safe side lang ako. Yung tipong simple lang tingnan pero cool yung lasa. Yung tipong hindi ako ipapahiya. Yung pagkatapos nya kainin ay maisasabi nya na nasarapan sya. Hindi ko nga din binabanggit yung adobo kasi ang iniisip ko ay baka hindi nila trip yung madaming spices. Alam ko kasi pagdating sa pagkain, may kanya kanya tayong trip.
Hanga ako sa kaopisina kong pinay. Naisip nya na iintroduce ang balut sa mga kateam nya. Hindi nya ba naisip na baka hindi sila masarapan dito at baka isumpa na nila ang mga pagkaing Filipino? Wag naman sana. Kaya ayon na nga ang nangyari. Mayo-a-singko, tea break, naganap ang dapat maganap. Sa unang pagkakataon, dalawang Chinese naming kaopisin ang sumubok kumain neto. Lakas ng loob nila. 
Pagmasdan, ngiting ngiti ang kaopisina kong pinay na pasimuno ng lahat. :P

Dalawang kaopisina kong pinoy ang nagdemo sa dalawang kaopisina naming chinese kung paano kumain ng balot.

Kala ko nga hindi pa nila mauubos pero naubos naman nila. 

Panoorin ang video na kinuhan ng batikang mamvivideo na si maynard... di lang pala seks scandal kaya mo ivideo pre. lol.
Nakakain ka na ba ng balut?
Siguro kung hindi pa, sasabihin mo nakakadiri, may buhok buhok pa at mararamdaman mo pa yung tuka ng itik. Tunay naman, hindi ako makikipagtalo tungkol dyan, yung balat nga ng baboy bago ipirito inaahitan pa eh, yung kalago pa kayang balahibo ng itik di mo malasap? Pero ang payo ko lang, subukan mo munang tikman saka mo ihusga. Kung ayaw mo, malamang ayaw mo talaga… iba iba naman talaga tayo ng trip. Possibleng ang trip mo naman ang hindi ko trip.
Tanong ko, kumakain ka ba ng pagkaing may gata? Pag sinabi mong oo. Swak, ako naman hindi. Ayaw ko ng pagkain na may gata. Hindi ko alam kung bakit. Siguro hindi ko lang sya talaga trip.
Siguro ganun din ang buhay, hindi mo naman masasabi na masarap hanggang hindi mo natitikman. May mga bagay na maganda sa panglabas pero panget sa panloob at meron din namang panget sa pangloob pero maganda sa panlabas. Yun lang.

19 comments:

Madz | May 5, 2010 at 10:24 AM

infairness nagustuhan ko itong post mo..yahooo nagkakaron na ng kwenta ang blog niya :P

kumakain ako ng balot pero madalas iniiwan ko ang sisiw, depende kung nakikita ko na yung paa at mukha.. Ang pinakapaborito ko sa balot ay yung matigas na part..hahaha ewan ko ba pinagtatawanan nila ko kasi bat daw yun ang gusto ko. walang basagan ng trip.. Ang sarap niyang kagatin, tapos malutong lutong pa.. hehehe

Ayoko rin ng pagkaing may gata pero gusto ko yung sabaw.. hainan mo ako niyan at siguradong sabaw lang ang mababawas...


Marami pa kong gustong tikman/malasahan sa pagkain at sa buhay. Konting lakas pa ng loob at kapal ng mukha, malapit na..hehe

Jepoy | May 5, 2010 at 1:10 PM

baket naka labgown ang mga chekwa? Nung ako ay nag training sa america pinakita ko sa kasama kong kano ang balut muntik na syang mahimatay, picture palang yun ha...

Ako naman ayaw ko ng may curry kakain nalang ako ng kulangot kesa pagkaing may curry.

Ikaw ba ung isa sa pic? Ang kyot kyot mo pala... Bow!

bulakbolero.sg | May 5, 2010 at 1:39 PM

@muse, ano naman ang kinaespesyal ng blog entry ko ngayon at himalang nagustuhan mo?

@jepoy, nakalabgown kami lahat. takteng uniform yan. para kaming nasa laboratory. Ayaw ko din ng curry. di ko trip amoy palang. Wala ako sa larawan. kaya inde ako yung kyot kyot na binabanggit mo. lol. mas kyot ako dyan sa mga nandyan. hehe.

Madz | May 5, 2010 at 1:46 PM

di ko din alam eh..adik mowde lang siguro... ^_^

binabawi ko na nga, walang kwenta pa rin 'tong post mo ..hahaha

Superjaid | May 5, 2010 at 1:52 PM

wow balut..sarap sarap naman nya..hehehe anyway..nakakatuwa namang isipin na kahit ibang lahi eh trip ang balut..^_^ ako ayoko naman sa mga japanese food lalo na yung mga hilaw..yikeness talaga..hehehe

Anonymous | May 5, 2010 at 2:16 PM

Proud na tiga Pateros here. :)

chingoy, the great chef wannabe | May 5, 2010 at 4:26 PM

dati gusto ko yang balut, hanggang sa mamulat ako hahahah...

that was 20 years ako, at ngayon ay di pa ulit ako kumain ng balut... :0

Mayet | May 5, 2010 at 4:37 PM

ay, gusto ko nyan, sawsaw suka pa kamo, itong hubby ko ayaw, pero gusto nya ang San Miguel beer at ang Tanduay rhum with kalamansi. Kumakain din sya ng adobo na gusto rin ng sister-in-law ko.ang pinaka latest para sa asawa ko--patis with sili.;-)

enjoy your day!!

bulakbolero.sg | May 5, 2010 at 5:32 PM

@muse, sige bawiin mo na. ganyan ka naman parati.

@superjaid, ako din, medyo di ko trip yung mga sushi.

@anonymous, wag ka na magtago, kilala kita. proud to be mukhang balot ka.piz!

@chingoy, kain ulet, pampalakas ng tuhod. hehe

@mayet, may balot din dyan sa geneva? hehe.. ayus. sarap talaga ng SMB kaya magugustuhan ng asawa mo. buti dito sa SG may mabibilan ng SMB. kaya solb na din. kaso mahal ng unte.

Sendo | May 5, 2010 at 7:52 PM

hahaha..there's a soup inside! ayan..nakakatuwa..naalala ko rin nung minsang nagbalot kami ng mga japanese friends ko haha...oy ...masarap ang balot at talgang pinagmamalaki ko ang exoticness niyan sa mga foreigners haha....tuwang tuwa sila sa balot ah haha..nakakatuwa!!!! hahaha...gusto ko tuloy kumain ng balot with forenjers haha

2ngaw | May 5, 2010 at 8:04 PM

Sabi na may nakalimutan ako nung bakasyon ko eh! Balut!!! lolzz

Sarap yan pre kung bubuhusan mo ng suka sa mismong shell tapos sabay higop kasabay ng sabay ng balot, tapos sabay lagay ng asin at yun na!!! putol ang ulo ng sisiw! lolzz

Chyng | May 6, 2010 at 12:05 AM

amazing yung ofcmate mo. hanga din ako sa kanya.

i dont even eat balut kasi, pati yung one day old. di ko maatim na kainin. nahahabag ako. hihi

pusangkalye | May 6, 2010 at 8:50 AM

grabeh ha...matapang sya para pakainin mga officemate nya....ako diko kaya yun.panu kung sabihin nilang YUCK!!!! hehe

bulakbolero.sg | May 6, 2010 at 1:55 PM

@sendo, may umiwi nung weekend sa pinas... sya ung nagdala at nagpakain ng balot. yep there's a soup inside. hehe

@LordCM, sayang. next na uwe mo nalang saka ka magbalut.

@Chyng, ayaw mo itry? masarap naman ang balut (para sa akin). hehe

@pusang kalye, yep. tapang nya. pero sa tingin ko nagustuhan naman nung mga chinese yung balot. success yung pag introduce nya sa balut.

KESO | May 6, 2010 at 2:12 PM

awww. nawala ung koment ko! okay. ulit ulit!


hndi ako kmakain ng balot pero ung ihi lng ng sisiw yung nilalantakan ko don,tama b, sbi nila ihi dw ng sisiw ung sabaw sa loob ng balot? waha

bulakbolero.sg | May 6, 2010 at 3:56 PM

@keso, sobrang cheesy. lol. hehe.. ngayon kolang nadinig na tinatawag palang ihi ng sisiw yung sabaw ng balot. :P asteeg. may bago akong natutunan. \m/

Anonymous | May 8, 2010 at 8:58 PM

. . . ang balot, hindi lang masarap- masustansiya pa. sabayan mo pa ng 3 baso ng pineapple juice kada round- sulit ang 12 hours mo!


(off topic: bigyan nga ng kulangot si sir jepoy. lolz. joke lang po)

bulakbolero.sg | May 8, 2010 at 11:19 PM

Zhurutang, naisip ko din bigyan ng kulangot si jepoy. hehe.

Jericho | May 24, 2010 at 8:08 PM

Wow.. Balut. Never taste before but I've tasted Tortang Talong and Halo-halo.. hehe