Inaantok na ko pero gusto ko pang magsulat. Kadalasan mas late pa nga ako matulog, madaling araw na. pero kakaiba ang araw na to, parang hupang hupa ang katawan at pagiisip ko. Isang buong araw na parang kahit anong gawin ko, hindi ko malabanan ang pagkabugnot. Sadyang may mga panahon talaga na kahit anong gawin mo, hindi maganda ang dating sayo.
Umaga palang… ang dami ko nang ginawang trabaho sa opisina. Balak ko pa naman sana sumundot ng blog tungkol sa nakita kong article sa yahoo Singapore homepage. Wala na. Natambakan na ko ng trabaho hanggang hindi ko na trip isulat yon.
Tanghali, hapon, gabi. Ganun pa din ang pakiramdam.
Hindi na din ako nag jog ngayong gabi. Takte, nasira na ang momentum. Naisip ko kasi baka di ko rin matapos takbuhin yung parke na iniikot ko. Walang lakas, walang gana.
=======
Nakakalungkot. Binigyan tayo ng utak para mag-isip hindi para magpacontrol. Natural lang naman na matakot pero dapat nasa lugar. Hindi laging ang nakakataas sayo ay tama katulad din ng hindi ka rin laging tama. Hindi papantay ang buhay kung hindi ka tutulong balansehin ito.
Alam kong malaking impluwensa ang nakakataas sa atin, pero tama bang controlin nya pati buhay natin? Nakakalungkot talaga! Hindi tayo de remote na kung anong gusto pagawa sa atin eh, isang click lang susunod na tayo.
Nirerespeto kita. Nirerespeto ko ang paniniwala mo. Pero sana respeturin mo ang sarili mo, Kapatid.
========
Bakit sa buhay natin laging may kontrabida?
Bakit mas gusto natin lagi ang bida kesa kontrabida?
Bakit pag nagsabi ka ng tunay mong saloobin may posibilidad na maging kontrabida ka? E ang sinasabi mo lang naman ay yung tama at ayaw mo lang magpa-api?
Bakit mas gusto pa ng iba na tumahimik o sumunod nalang para hindi tawaging kontrabida?
Bakit nga ba?
At bakit kamukha ko ang nasa larawan? Lol.
***photo from mr. google
=======
11:29 pm na.
Nawala ang antok ko. Basa basa ulet ng mga balita tungkol sa nangyayari sa pinas.
Gusto ko ng balut. Sa katunayan nga, nung bata-bata pa ko nakakaubos ako ng tatlong balut sa isang gabi. Hindi naman ako naweweirduhan sa lasa nya. Masarap sya para sa akin lalu na pagsinasawsaw sa suka.
Ayon ke Mr. Wikipedia:
A balut is a fertilized duck (or chicken) egg with a nearly-developed embryo inside that is boiled and eaten in the shell. Popularly believed to be an aphrodisiac and considered a high-protein, hearty snack, balut are mostly sold by street vendors in the regions where they are available. It is commonly sold as streetfood in the Philippines. They are common, everyday food in some other countries in Southeast Asia, such as in Laos (where it is called Khai Luk), Cambodia (Pong tea khon in Cambodian), and Vietnam (Trứng vịt lộn or Hột vịt lộn in Vietnamese). They are often served with beer.
At dito nagsimula ang istoryahan sa SG....
Dahil isa kong OFW, may mga panahon na tinatanong ng mga katrabaho kong ibang lahi kung ano yung mga pagkaing pang pinas lang. Ako, ni minsan hindi sumagi sa utak ko na ipatikim o ipagmalaki sa kanila ang ating balut. Hindi ko alam kung bakit, pero ang kadalasang nirerekumenda ko ay lechon, Purefoods na hotdog at ang ating tamis anghang na ketsup. Ang weird no? Nasabi ko nga sa sarili ko, wala kaya silang ganito at ganito pa ang pinagmamalaki ko. Sa safe side lang ako. Yung tipong simple lang tingnan pero cool yung lasa. Yung tipong hindi ako ipapahiya. Yung pagkatapos nya kainin ay maisasabi nya na nasarapan sya. Hindi ko nga din binabanggit yung adobo kasi ang iniisip ko ay baka hindi nila trip yung madaming spices. Alam ko kasi pagdating sa pagkain, may kanya kanya tayong trip.
Hanga ako sa kaopisina kong pinay. Naisip nya na iintroduce ang balut sa mga kateam nya. Hindi nya ba naisip na baka hindi sila masarapan dito at baka isumpa na nila ang mga pagkaing Filipino? Wag naman sana. Kaya ayon na nga ang nangyari. Mayo-a-singko, tea break, naganap ang dapat maganap. Sa unang pagkakataon, dalawang Chinese naming kaopisin ang sumubok kumain neto. Lakas ng loob nila.
Pagmasdan, ngiting ngiti ang kaopisina kong pinay na pasimuno ng lahat. :P
Dalawang kaopisina kong pinoy ang nagdemo sa dalawang kaopisina naming chinese kung paano kumain ng balot.
Kala ko nga hindi pa nila mauubos pero naubos naman nila.
Panoorin ang video na kinuhan ng batikang mamvivideo na si maynard... di lang pala seks scandal kaya mo ivideo pre. lol.
Nakakain ka na ba ng balut?
Siguro kung hindi pa, sasabihin mo nakakadiri, may buhok buhok pa at mararamdaman mo pa yung tuka ng itik. Tunay naman, hindi ako makikipagtalo tungkol dyan, yung balat nga ng baboy bago ipirito inaahitan pa eh, yung kalago pa kayang balahibo ng itik di mo malasap? Pero ang payo ko lang, subukan mo munang tikman saka mo ihusga. Kung ayaw mo, malamang ayaw mo talaga… iba iba naman talaga tayo ng trip. Possibleng ang trip mo naman ang hindi ko trip.
Tanong ko, kumakain ka ba ng pagkaing may gata? Pag sinabi mong oo. Swak, ako naman hindi. Ayaw ko ng pagkain na may gata. Hindi ko alam kung bakit. Siguro hindi ko lang sya talaga trip.
Siguro ganun din ang buhay, hindi mo naman masasabi na masarap hanggang hindi mo natitikman. May mga bagay na maganda sa panglabas pero panget sa panloob at meron din namang panget sa pangloob pero maganda sa panlabas. Yun lang.