Excite me please
December 25, 2007 nung una akong magpasko ng wala sa pinas at malayo sa pamilya. Hindi ko alam kung nasaang lupalop ba ko ng mundo ng mga panahon na ‘yon. Umaga kase ng 24 ako umalis ng Tate at nakadating ako sa Pinas ng umaga ng 26. inam.
Mula noon, ordinaryo nalang sa akin magcelebrate ng pasko kung san-san mang lupalop ng mundo.
hindi na ko naegsayt magbukas ng regalo.
hindi na ko naegsayt kumain ng mga handa tuwing pasko.
wala na yung kakaibang simoy ng hangin na nararamdaman ko tuwing desyembre.
nag-iba na lahat ng pananaw ko.
lalong lumungkot ang pasko ko nung naging ofw na talaga ko.
Papasok ako ng December 24, tapos yung hapunan ko sa fastfood o kaya ay sa hawker center.
Walang ineexpect na regalo.
Tawag lang sa mahal sa buhay ay masaya na ko. Sobrang bihira kase ko tumawag sa pinas. Once in a blue moon ika nga. Sa nakakakilala sakin, Ako yung tao na pag hindi tinapik ay hindi gagalaw. De bateryang maituturing.
e bakit ko nga ba ‘to ipinopost? wala namang wenta storyahan ko.
wala lang. trip trip lang.
ramdam ko kase na magpapasko na talaga.
hindi ko alam kung uuwe ako ng pinas. wala pa kong ticket pauwe. kaya malamang sa alamang, mga 2% lang ang chance ko makauwe ng pinas. atleast may 2% kahit papaano.
Last year pala. Tenkpul ako kase nakaresib ako ng regalo galing sa mga bloggers nung pasko (nagpaparinig ako baka may magregalo ulet – haha).
Ngayong taon baka regaluhan ko nalang sarili ko. baka world peace ang iregalo ko. ganun. inam.
Gusto ko ulet mag Tate, kahit saglit lang. hayst.
Merry Christmas pala sa lahat. Ano gusto nio regalo galing ke bulakbol? Pagmamahal nalang pede ba ‘yon? haha. \m/
18 comments:
Aawww. :(
I remember my first Christmas alone also. Ibang level. Ma-excite ka sa mga xmas parties natin, if it would help :D
May naalala tuloy ako sa "pag hindi tinapik ay hindi gagalaw." Ako na ang tangang naglalakad... Hehehe... Sus, kahit saan pwede ka naman pumunta pasko man o hindi... ikaw si BULAKBOLero diba?! LOL yun na!
*byahe na, byahe na, byahe na... repeat until fades... LOL *
maagang pamasko! gusto ko din makaresib! haha
simula ng ako ay nagtrabaho sa isang 'call center type' parang naramdaman ko din yang ganyang feeling parang manhid ka sa kapaskuhan... parang ordinaryong araw lang sa buhay.
hopefully, bago magtapos ang buwan ng nov, lumaki ang chance ng pag-uwi mo by 10 or 15% malay mo mag sale. magpabook ka na lungs from sg to phils. (pede ba yung ganun?)
senyales yan ng nagkakaedad haha, peace sir!
kailangan ko yan regalo mong yan. Advance Happy Christmas. Pareho tayo. Kahit nasa Pinas ako, I seldom spend the holidays with my family kasi nasa hospitality industry ako. Sanayan lang
uwi ikaw aba, ililibre pa tayo ni kikilabotz di ba? hehe
Merry Christmas parekoy! ^_^
advance merry xmas
for some reasons nainggit ako.. gusto ko rin mag-ikut-ikot sa iba't ibang lugar and experience xmas on different places...
anyway, merry xmas po in advance!! :)
Si Katrina Halili na nasa loob ng kulay pulang kahon na may nakataling ribbon ang regalo sayo ni Santa.
Gusto kitang sampalin sa itlog. You're stealing my emo-ness. Hahahaha.
Sanay na naman ako magpasko at bagong taon na hindi kasama pamilya kahit andito lang kami parepareho sa Pinas. Hindi ko lang alam kung ganun din ang epek kung mangingibang bansa ako.
dito din ako magpapasko haha :P
Dec 2, ang aga ng krismas party naten for sure meron kang gip!
Tapos Dec 24 or 25 sa mga matitira sa SG, magkitakita nalang tau sa hawker para mag-celebrate! ;)
ang agang namasko.. excited bang makauwi.. ok lang yan :)
advance merry xmas din... buti pa nung elementary days khit simpleng exchange gift ok na...
So paano ba yan Maligayang pasko na lang sayo bulakbolero.PUnta ka na lang sa kahit saan mo gustuhin regalo mo sa sarili mo.
hoy humor blogger ka na ba? natatawa ko sa mga entries mo promise! LOL
Ako din ala pang tiket :-( Naisip ko kelangan ko palang umuwi dahil malungkutin me.
Pagmamahal marami na ako nun. Pwede iconvert mo n lng yun into I-Pad? Lol.
try going to NYC for the new year :) hehehehe.. or punta ka sa lugar na hindi mo pa napupuntahan..
Post a Comment