The journey not the arrival matters.

 

 

Dami kong antok, pagod at puyat (hikab), pero masaya…

 

ayaw ko na habaan ang kwento tungkol sa paglalakwjackie chanatsa ko sa macau at hongkong kasama ang dalawang tropa. sadyang masarap magkaroon ng mababait na kabarkada. tunay ang kasabihan na opposite attracts, kung mabait sila… mas mabait ako. LOL.

 

nagpapiktyur ako sa star walk (di ko lam tawag, hula mode lang ako) ni jackie chan pero wala naman pangalan at putol ang star. ayus na ‘yon. walang aangal.

 

biernes ako lang mag-isa ang nagpalibot libot sa hongkong, sabado ay kasama ko na si roanne. linggo ay nag macau-hongkong kame ni jeff at roanne.

 

linggo ng madaling araw nag thugs thugs at nag casino kame.

 

kainaman yung dalawa, ako daw ang uncle at sila ang mga batang henerasyon. sila na.

 

dami kong tawa pag nagkukulitan ang dalawa. masaya na ko na pinapanood sila.

 

napatunayan kong marunong pa din ako tumupad sa pangako at magkontrol ng sarili. sabi ng dalawa na wag daw ako mag connect sa internet ng linggo at nagawa ko naman. ayus!

 

dami kong tenkyu sa dalawa. \m/

 

hanga ako sa english accent ng mga pinoy sa HK. inam. parang mga taga call cener lang.

 

kakabitin.

 

kagabi pag-uwe ng bahay, kahit pagod na pagod ay nagawa ko pang kumain ng madami. LOL. mas matimbang ang pagkaen kesa sa pahinga para sakin. ang siba lang.

 

inaantok pa talaga ko hanggang ngayon. kelangan ko pumasok ngayon dahil dami work na nakapending at may meetings pa mayang hapon.

 

 

 


 

 

For my part, I travel not to go anywhere, but to go. I travel for travel's sake.

the great affair is to move.
There are no foreign lands. It is the traveler only who is foreign.
Robert Louis Stevenson

 

 

 

 

Judge 1: Gusto ko yung treatment. Tsaka yung feeling na nasa middle of nowhere. Apir.

Judge 2: Awesome shot! Postcard like.

Judge 3: pwede na 'to pam-postcard!

Judge 4: parang painting lang, ang sarap sa mata nung kulay

Judge 5: Very oriental, relaxing to look at, perfect!

 

ang pangtatlo

 

63 voyage - chino

Voyage of Change


Judge 1: Beautiful model, subtle lighting, picturesque landmark, PERFECT!

Judge 2: ang gandang tignan nung sikat nung araw dun sa babae parang para sa kanya talaga , parang blessing lang

Judge 3: sayang, sana nakuha ang buong structure at ni-timing-an na walang tao sa likod para solong-solo ng model ung place

Judge 4: One of my favorites to win. Dramatic. Lady seems to be lost. Like the idea of the worm's eye-view shot.

Judge 5: Di ko ma pronounce yung lugar. Dun pa lang adventure na Ark Di Trayampel ba yan? Alam ko din sa gitna ng kalsada sya nag picture. Hindi sa Pedestrian. 

 

ang pangalawa

 

44 arc - manikreigun

 

Muy Caliente. It was a hot day. And it was the perfect time to travel. Arc de Triomf, Barcelona, Spain.

 

 

***ang mga kumento ay hindi sunod sunod at maaring yung judge 1 sa isang piktyur ay hindi sya judge 1 sa kabilang piktyur. halu-halo kumbaga.


 

 

paghihiwalayin ko pa sana yung pang 2nd at 3rd para surprays surprays pero ako na ang tinamad gumawa ng madaming post. nadrain ata ako masyado sa lakwatsa ko nung weekedn.

 

 

ABANGAN kung sinu ang maguuwi kay Choco (may nagbinyag na ng pangalan. inam).

20 comments:

Madz | November 14, 2011 at 10:37 AM

hmmmm sino nga kaya ang mag-uuwi kay Choco???

Unknown | November 14, 2011 at 10:42 AM

congrats sa mga nanalo at desrving nman tlga... congrats din sau pre sa pcontest mo....

Anonymous | November 14, 2011 at 10:50 AM

congrats sa lakwatsa at sa mananalo

eMPi | November 14, 2011 at 10:51 AM

Congrats sa mga nag wagi! Pa-bitin na naman... :D

Anonymous | November 14, 2011 at 11:01 AM

hahhaha wala na talo na, alam ko na yung mananalo, yung may kalapati. hahahahaa

kikilabotz

salbehe | November 14, 2011 at 11:04 AM

SYET! This is it pancit! Ako ang number one!

TSAROT!

Anonymous | November 14, 2011 at 11:05 AM

HAHAHA! Alam ko na kung sino nanalo!!!

AJ Banda | November 14, 2011 at 11:06 AM

congrats-congrats.. akala ko talaga yung ad ng nuffnang na girl na nakabikini ang nasa first slot.. hahahah

anyway, ang galing, lahat ng peborit pics ko nasa top ten! :)

khantotantra | November 14, 2011 at 11:55 AM

tama.... yun komment sa taas ko. akala ko yun yung winner kaso di ko matandaan na lumabas yun sa video.

bitin! bitin sa news kung sino ang mag-uuwi ng choco!

Jojo Lakwatsero | November 14, 2011 at 12:03 PM

ang daya. bata ako wala ako ideya kung sino yung first?

Diamond R | November 14, 2011 at 12:45 PM

ang galing ng pa contest na ito.

Anonymous | November 14, 2011 at 3:01 PM

wow.. star ni Jackie Chan. :D Ayos ang gala ah.. naenjoy mong tlaga, sigurado. :)

Congrats sa mga winners!! :D

Anonymous | November 14, 2011 at 3:11 PM

Bitin na naman!?? Ang sakit na ng puson.. este ng puso ko sa heksaytmeynt ha!

Roh | November 14, 2011 at 7:19 PM

wow! nakakeksayt talga ang winner para kay Choco! ahaha! galing!

McRICH | November 14, 2011 at 10:07 PM

congrats sa winners! sana next year, trip to hk-macau na ang premyo, tutal daming yaman ka naman sir :)

Unknown | November 14, 2011 at 11:19 PM

sana ako! (in shalla) hahaha

Anonymous | November 14, 2011 at 11:44 PM

wow palakpakan ang mga top... :)

mga tsinelas ni nieco | November 15, 2011 at 12:43 AM

woot woot. congrats! ilabas na ang resulta kasi. ehehehe

Aia | November 15, 2011 at 2:43 AM

Waging wagi mga comment ng judges! WAHAHAHHAHAHAHAHA

Poipagong (toiletots) | November 15, 2011 at 10:13 AM

pabitin si wawel. hongtogol!

basta ung glow in the dark na tumbler pamasko mo nalang sakin :P