Pag puno na ang salop
May mga bagay na hindi lalabas kung hindi ka marunong dumiskarte kung paano ito palabasin. Halimbawa nalang ay yung tutpaste, hindi to lalabasan kung tititigan mo lang. Kailangan mo itong hawakan, diinan ng konti, himasin ng marahan at walang anu-ano ay pupulandit din ang likido nito.Ganun din (minsan) ang tao.
Magiging sweet sya sa'yo kung alam mo kung pano to palabasin sa kanya.
Magagalit sya sa'yo kung sa mga ginagawa mo ay napupuno mo na ang salop nya.
Minsan ganun lang yon kasimple (siguro/sana). Nasa tao din minsan kung paano sya tatratuhin ng taong nakapaligid sa kanya.
Given na ika nga...
-Posted using blogger for iPhone
11 comments:
Hindi naman bastos yung post mo pero parang nag-init ako doon
pupulandit. Ano pa ba ang mga bagay na pwedeng pumulandit?! ah lotion...LOL
pag puno na ang salop , mababaliw ako...
pag puno na ang salop... inuman na!
Tama! Yun lang powhz. BOW.
napaka-deep na blog. :D
parang bastos, ahaha
ako ba ang may problema at iba ang pagkainterpret ko sa unang paragraph ng post mo??wahhahaha
:)
Panalo ang choice of words ah. Pero true at agree ako. :D
hanep sa metaphor! mahilig ako maglabas ng mga ganyan haha
maigsi ang post na ito pero malalim.. :)
ASTIG!
Post a Comment