it’s the most wonderful time of the year
disyembre na. maaga ang pasko ng pinoy blogger dito sa singapore. maya-maya lang ay Christmas party na namin. egsayted na ko dahil nasukat alam ko na yung matatanggap kong exchange gift.
dahil nasa singapore ako, hindi pila yang larawan na nasa taas ng isang government office sa pinas. tatakbo ako sa SCB full marathon sa linggo at yan ay pila ng kuhanan ng race kit. patayan ulet sa 42KM. inam. di ko alam bakit gustong gusto ko pinapahirapan katawan ko.
malabo pa din ang pag-uwe ko sa pinas. inam. sana magkaroon na ng linaw next week.
gusto ko pala makumpleto simbang gabi dito sa singapore. sana sana… sino sasama?
ngaps, dahil nga desyembre na, PBA na… kaya ibinoboto ko po si Otep ng Libre lang mangarap 2011 Philippine Blog Awards Bloggers’ Choice. \m/
15 comments:
ayun base! :))
wow ang dami naman niyan.. mukhang sisiw na lang sa kanila ang tumakbo ng ganung kalayo ah.. kayo naaaa!
makakauwi ka dito sa pinas at makukumpleto mo ang simbang gabi :) tanggalin na natin yung sana para positive ^__^
maligayang pasko sa'yo parekoy!
oh no! 42k kamo? inam nga! susmeyo, ako nga 3k lang dami ko ng reklamo... kesyo sakit paa ko, kesyo init naman etc etc... well good luck sa pagtakbo mo! go go go!
makaka-uwi ka din. :D
at today pala ang inyong christmas partey! :D
ui!!!pwede pa bang mag register jan? gusto ko ring tumakbo...tsss
ienjoy ang party mamaya at sana makauwi ka dito sa pinas heheheh
wow ang active pala ng mga bloggers dyan sa singa. Good luck sa full mary mo. ako tatakbo din ulit ng 42k dis January - cebu marathon.
title ng isang song ang title nito, hehe! Sana makauwi ka na!!
Inam sa takbohan...maraming inam ang mawawala niya sayo..inam na yan.
Wow. Paparty na. Ang saya. :) Gusto ko talaga sumali sa ganyang takbuhan. :|
42k? wow gandang challenge nun dude... gud luck
wish ko lang makatakbo ng ganyan! ako hanggang 8km lang inside 1 hr! hehehe ako na mabagal!
hanggang ngayon, hindi ko pa rin talaga makuha ba't andaming nahuhumaling diyan sa mga marathon na 'yan. o siguro ako lang talaga ang tamad tumakbo. lol!
meri krismas, pre. wala bang maagang pamasko diyan. loljoke.
Psssst goodluck on your race! Alam mo ako rin gusto ko na magstart magtatakbo. Ndi dahil uso pero kase wala akong physical activity. Masama yung super sedentary lifestyle, baka matigok ako bigla. Hahahahah. Ang kaso, lahat ng mga friends ko, ke tatamad tumakbo! Yoko naman tumakbo mag isa, hehe!
magsimbang-gabi tau nina Sam, Leona at Santino!!! :)
42k as in? grabe ha...
Post a Comment