Blogistang bulok


Limitado.
Noong una, akala ko ang blog ang magiging dahilan para isulat ko ang lahat ng aking saloobin.
Noong una, akala ko maibubulaslas ko dito kahit anong bagay na ninais kong ipahiwatig sa mundo.
Ganoon din pala.
May mga bagay na hindi mo pwedeng sabihin dahil na din may ibang makakabasa na alam mong hindi nya dapat ito pwedeng malaman.
May mga salitang di pwedeng bitawan kasi may masasaktan.
May mga pangyayaring hindi pwedeng ibunyag kasi walang madudulot na mabuti.
Limitado pa din ang mga bagay-bagay.
Minsan dapat mo itong pangalagaan at protektahan.
Hindi dapat mabunyag at hindi dapat malaman pa ng iba.
Hindi lahat ng nadidinig mo, kelangan mo sabihin sa ibang tao.
Hindi lahat ng nakikita mo, kelangan malaman ng nakararami.
Hindi lahat ng bagay, pampubliko.
Minsan, kelangan natin matutong itikum ang bibig at tumahimik nalang.
Katulad ng punyal, matalim ang dila.
Bawat salitang kanyang binibitawan ay kelangan pagplanuhan.
Minsan hindi mo alam nakakasakit ka na pala.
Yaong minsan na ito, hindi mo na mababawi, nakatarak na sa taong sinabihan mo.
Wala ka ng magagawa, checkmate na.

Dahil dito, parang nakikita ko, limitado pa din ang aking mga nailalathala.
Walang kwenta!


19 comments:

Unni-gl4ze^_^ | June 17, 2010 at 10:26 AM

apir~~i know how you feel..
san na ang freedom of writing dba??
haysss,,

chingoy, the great chef wannabe | June 17, 2010 at 10:36 AM

naiintindihan ko kung san nanggagaling ang post na ito... at naniniwala naman akong lahat naman tayo ay may responsibilidad sa bawat kalayaang meron tayo..

kikilabotz | June 17, 2010 at 10:49 AM

hmm naiintindihan kita pareng bulakbolero..minsan kung hindi mo kaya sabihin ng diretso pwede ka mgpahapyaw kagaya ng ginawa ni rizal sa knyang mga novela..hehe

ellehciren | June 17, 2010 at 11:03 AM

ganun talaga, kailangan mong maging responsable sa mga nilalathala mo... kailangan mong isipin kung may ikabubuti ba 'to. ang mahalaga you must be brave enough to face the consequences of what you have done... have a nice day fren! :)

Madz | June 17, 2010 at 12:12 PM

agree ako kay kiki..maraming paraan kung paano mo mailalabas ang iyong tunay na saloobin sa pagsusulat.. :)

bahay mo kaya 'to..yaan mo sila ^_^

goyo | June 17, 2010 at 12:44 PM

tama ka mr.bulakbolero, nitong ngang mga nakaraan naisip ko na sana naging anonymous blogger na lang ako para di ko na kailangan magpreno sa kung ano mang gusto kong sabihin. Magkaganun pa man, may mga paraan pa din. Tulad nag pagtatago ng isang salita sa iba pang salita. Ginawa ko na to sa nakaraang post ko, di ko napigilan, wala kasi ako mapagsabihan kundi ang blog ko, kaya isinulat ko pa din. Share ko lang: goyosadventure.blogspot.com/2010/05/palaisipan.html

an_indecent_mind | June 17, 2010 at 1:55 PM

i share the same feelings brod.. lalo pa at merong ilan na personal na nakakakilala sa akin sa blog ko, medyo sakal ang pakiramdam ko minsan.. bagamat gusto kong magsulat nang naaayon sa gusto kong diretsahang isigaw, napipigilan ako ng maaari nilang isipin tungkol sa akin at sa mga taong tutukuyin ko..

oo, ako ay isang blogistang bulok!

ivanrhys | June 17, 2010 at 3:23 PM

ganoon talaga ginoong bolero..
este blogero- o kung ano pa man.. lol

isipin mo, may salitang privacy..
hindi lahat kailangan nila malaman..
hindi lahat kailangan mong ipaalam..
dahil hindi naman lahat sila makikielam.. hindi naman lahat sila makikinabang..

sadyang may mga bagay sa mundo na dapat ay sa atin lamang..

wahahaha

Renz | June 17, 2010 at 6:33 PM

hands down to this post. wala akong masabi kundi napatango na lang

Null | June 17, 2010 at 8:30 PM

AGREE to the Nth power!

minsan gusto ko nga maging anonymous na lang para maisulat ko lahat ng bagay na hindi nangangamba na may masasaktan sa post ko, or may magugulat sa mga rebelasyon... kaya lang naisip ko, mag-isa lang ako blogger sa macau... kitang kita sa live feed hehe

ramdam ko ang lungkot ng post na ito...

Jepoy | June 17, 2010 at 9:18 PM

Alam mo kung baket?!

Kasi pinamigay mo sa facebook friends mo ang link ng blog mo, pinangalandakan mong ikaw ang author nito.

Well 'nung una akong gumawa ng blog ganun din at pinag sisihan ko ito dahil may mga taong nakakakilala na kung sino ang may akda sa likod ng sulatin at dahil doon mga mga bagay na dapat ng kontrolin sa pag susulat :-S

At the end of the day...

masarap parin mag sulat so if you can make you're entry as vague as you want to pwede para lang ikaw lang mismo ang makakaintindi.

Yown lang naman!

BatangGala | June 18, 2010 at 9:54 AM

so true! ganyan din po ang feeling ko minsan. nice post!

2ngaw | June 18, 2010 at 10:09 AM

Nasa sa atin pa rin ang kalayaan sa pagsusulat, malaya ka pa rin sa lahat ng bagay, nasa sayo lang kung paano mo ito gagamitin ng wlang nasasaktan...

krn | June 20, 2010 at 9:49 PM

ito rin ang naging problema ko at paminsan minsan pinuproblema ko pa rin. yes, everything has limitations. siguro if im gonna create another blog again, i'll make it anonymous. dyahe kasi nasimulan ko na with my true identity. hmmp

Sendo | June 21, 2010 at 12:25 AM

buking..mag-ingat ...private mode na lang..chosen viewers only..pano un? haha...at kasali ako run ha haha..

Sendo | June 21, 2010 at 12:27 AM

freedom of speech...pero siguro not to the point of hurting the ones we love...drama naman ng comment ko hehe

pusangkalye | June 21, 2010 at 9:58 PM

you can try being creative if you want para di give away ang story o sagot sa mga bagay-bagay. but yeah---there are things that we need to keep to ourselves...blogging should not be considered as a venue for us to tell all---kahit anung medium pa. meron at meron kang iiwanan sa sarili mo...parang bank accout yan. for emergency

redamethyst | June 22, 2010 at 11:17 AM

oo nga, may mga personal life pa rin tayo.
If you have time, please leave a comment on my entry for a blog contest. thank you

Raft3r | June 22, 2010 at 2:24 PM

kamusta!