Sunday,Jun17,
How to install iOS6 on your apple device
You
don't need to wait for an official release of apple before you install iOS6 on
your device. Iphone developers show a way on how to do it.
Below are the steps that you need to do in order for your device to be upgraded
with the new version.
1.
Make sure you have the latest version of iTunes (version 10.6.3)
in your PC.
2.
Download here the iOS 6 beta file for your
device.
3.
Unzip/convert the .dmg file to .ipsw
4.
Open your iTunes.
5.
Plug in your device (note: do some back up first).
6.
Look/click for your device name on the left panel of the iTunes
window, then in the main panel, search then click on the ‘Check for Update’ button (while
holding on the option key).
7.
Select the iOS 6 .ipsw file you have downloaded/extracted and
install it (it will take few minutes to finish the installation).
8.
Finish.
Source: Iphone developers
Posted by
Labels:
Wednesday,Jun6,
KM3: Tinig-Sintunado [hindi-lahok]
Gusto kong sumigaw ng
malakas ngayon. Dito kung saan ako nakaupo. Sa harapan ng de-kuryenteng kwaderno. Kung
mamarapatin lang. Kung posible lang.
Pinoy ako. Sa isip. Sa puso. Sa diwa. Sige pati na din sa gawa. Istura? Oo naman.
Pinoy ako pero wala ako sa pinas. Nagpupumilit makipagsapalaran sa ibang
bansa para sa pamilyang naiwan sa pinas. Mahirap. Malungkot. Pero ito ang
nakatakda sa akin.
Sa kalagayan ko ngayon, pinoy na wala sa sariling bansa, pag nagsiwalat ba
ako ng tinig ito ay maririnig?
POOOOOOOOOOOOOTEK!
Gusto ko umuwi ng pinas pero masyadong masalimuot. Mas madali pang pumunta
ng ibang bansa kaysa ang pag-uwe ng pinas. Bakit kelangang bayaran ang isang
kapirasong papel na nagkakahalaga ng halos dalawangdaang piso para lang
makabalik sa pinagtatrabahuhan kung sakaling umuwi sa ng pinas? Bakit sa
pagkuha ng kapirasong papel na ’yon kailangang pumila ng halos kalahating araw
at kung mamalasin ka pa, ubos ang isang buong araw mo. Bakit paulit-ulit na kelangang
isulat ang mga bagay tungkol sa sarili para makakuha ng papel na yon? Bakit di
sapat ang ID? Ang labo lang. Alam kong madami nang nagrereklamo sa makalumang
sistema na ito ng embahada. Pero walang nakikinig sa bawat tinig na sinasambit.
Ganoon ba kasarado ang bansa ko sa pagbabago? Kung gusto nilang pabayaran ang
serbisyo nila, wala namang problema doon, pero ayusin naman sana nila yung
sistema nila.
Bulok. Masakit mang aminin pero yan talaga ang deskripsyon kung ano yung
sistema ngayon ng embahada ng pilipinas kung saan ako naroroon ngayon. Kailan
kaya nila balak makinig sa tinig ng mga taong nakapalibot sa kanila? Simpleng
pagbabago lang sana. Konting kaayusan. Konting sistema. At pag-akap lang sa
mabilis na pagbabago ng teknolohiya ngayon. 2012
na, lahat Computerized na, tayo... sulat kamay – tipa sa makinilya. Nakakalungkot.
Mahal ko ang bansang
Pilipinas. At dahil concern ako sa kanya, gusto ko sana mabago yung mga panget na nakikita ko. Mali ba yon?
Joel dela Cruz po... isang OFW. Paos. Sintunado. Pero umaasang balang araw
madidinig din ng kinauukulan ang aking tinig at magiging maayos din ang sistema
ng mahal kong bansa.
= = = =
Ang akda kong
ito ay may relasyon sa naipost ko dati dito sa blog ko: ”Ang
hinagpis ng isang simpleng OFW”. Nalulungkot lang ako na sa pagsasabi ko ng
napansin ko sa embahada, na baka maitama pag pinuna ay namasama pa ang punto
kong ito.
Sinabay at inakma ko lang eto sa patimpalak ni Jkul ngayong taon. KM3: Tinig.
Sinabay at inakma ko lang eto sa patimpalak ni Jkul ngayong taon. KM3: Tinig.
Posted by
Labels:
Monday,Jun4,
Me
Nagback read lang ako sa mga post ko dati. Wala pa din pala gaanong
nagbabago sa buhay ko noon hanggang ngayon. Isa sa binalikan ko yung post ko
dati ng mga bagay tungkol sakin at kasama don yung ”Nine Things I want to do before I die”, isa palang pala
yung natupad don. Ang kumita sa
nuffnang. Ang loser ko lang takte.
Napost ko 'to dahil gusto ko magkaroon ng negosyo. Bar. Please po.
Napost ko 'to dahil gusto ko magkaroon ng negosyo. Bar. Please po.
Posted by
Labels:
Subscribe to:
Posts (Atom)