Siete Siete


07.07. Araw ng kapanganakan ni Itay. Sayang lang at hindi ko sya mababati ng personal. Nasa malayong lupalop kasi ako ng daigdig.
Kaninang umaga pagkagising ko. Naisip kong batiin sya sa pamamagitan ng text (text lang kasi kuripot ako). Hindi ko pa mapagtanto kung ano ang sasabihin ko. Nakagawa tuloy ako ng listahan.
a. Happy beerday
b. Happy birthday
c. Rock on \m/ its ur birthday
d. birthday u, painom u naman
e. Maligayang kaarawan itay.
At sa hinaba haba ng listahan ko. Eto ang natext ko sa kanya at kung ano ang nireply nya.
Ako: Tay happy bday. Ano gusto nio regalo?               
Tatay: Thank u anak luv u ung accessories ng pickup Ingat lagi.
Walang tuldok ang kanyang mensahe at napagtanto ko, may pagkacheesy din pala si itay. Nyahaha.
Bago ko pa man tanungin ano gusto nyang regalo, nagisip na din ako ng ilang araw kung ano ba magandang ibigay sa kanya. Kumunsulta na din ako sa utol ko dahil binalak ko bigyan sya ng camera . Sabi ng utol ko, ‘ano naman gagawin ni tatay dun, perahin mo nalang’.
Bakit nga ba camera? Nung mga nakalipas na taon kasi, ang nireregalo ko ke itay ay yaong dobol parpos. Ibig sabihin nun, yung magagamit ko din. :P Kadalasan na nireregalo ko sa kanya, Tshirt, pabango, sapatos, tsinelas. Nyahahaha… basta yung pede din sakin. Sa katunayan nga, yung mga nabili kong pabango sa kanya, sa akin din napunta kasi ayaw nya daw ng amoy. Tapos nung nagtrabaho ko sa Malaysia, hinakot ko lahat ng polo-tshirt na bigay ko sa kanya at ibinaon ko. Yung mga polo shirt nya kasi matitino pa. Ganyan ako kasweet.
Ayown. Mas masaya sana kung ako yung pipili ng gamit ng pickup at ibibigay sa kanya. Pero sabi nga basta naalala mo yung tao sa kanyang kaarawan, solb na yun.

Kaya para sa iyo Tatay… Maligayang kaarawan! Sana mapaganda pa natin ang pickup natin. \m/
 

14 comments:

Jepoy | July 7, 2010 at 10:33 AM

angas ng pickup!!!! Alabet! Nahiya ang kotse ko sa SUV nyo LOL

Happy birthday kay Erpats mo!!

ellehciren | July 7, 2010 at 10:34 AM

hanep ang ganda ng pick up ni itay! lavet the color! =)

Unni-gl4ze^_^ | July 7, 2010 at 10:35 AM
This comment has been removed by the author.
ellehciren | July 7, 2010 at 10:36 AM

ni itay mo pala! =) hahaha! happy berdey sa kanya!

Unni-gl4ze^_^ | July 7, 2010 at 10:36 AM

happy bday sa iyong itay..
hang sweet mo at nagregalo ka pa kaw din pla gagamit nung mga niregalo mo sa iyong fader hahah..jokes lng...
nice ang pick up ah,,baka pag uwi mo nyan eh MBenz na kapalit nyan ah ehehe...

♥superjaid♥ | July 7, 2010 at 12:18 PM

hanganda naman ng pickup ni itay..love the classic black color..^_^ happy birthday sayong itay..

jen | July 7, 2010 at 1:30 PM

happy bday sa itay mo... ^_~

kikilabotz | July 7, 2010 at 1:30 PM

ahaha. astig ng pick up..happy bday sa erpats mo..

nga pala parehas tayo..nireregalo ko sa tatay ko ay mga gamit na pwede ko rin gmitin.hahaha

domjullian | July 7, 2010 at 1:37 PM

ang angas ni tatay! happy birthday po!

ang dad ko naman pag nagtext either kung ang word (eg: tanon instead of tanong) or wrong spelling (eg: katapil instead of kapatid)

but we love them just the same!

gillboard | July 8, 2010 at 10:52 AM

pang mayaman naman ng pick up!!!

Happy Birthday sa'yong tatay!!!

Eoz | July 9, 2010 at 12:45 AM

happy birthday sa iyong itay...

karen anne | July 9, 2010 at 11:37 AM

happy beerday sa itay mo! anyways, ngayon ko lang nakita pic natin ah, haha.. nice..

BatangGala | July 9, 2010 at 11:49 AM

belated happy birthday kay itay! :D ang accesories ng pick up wag kakalimutan. hehe :))

Renz | July 9, 2010 at 5:56 PM

happy birthday kay itay :] napakaswerte ni itay ginhawa na siya nagaaccessorize nalang ng pick up :]