Older but not Wiser

Sa buhay ng tao may mga bagay na natural na nangyayari. Ang pagtanda ay yaong isang bagay na hindi natin maiiwasan. Bawat taon na dumadagdag sa kalendaryo ng ating buhay ay reyalisasyon kung ano at nasaan na ba tayo.

Bilang ikaw ang may-ari ng iyong buhay. Ikaw ang nagiisang tao na pwedeng pumili kung ano ang landas na iyong tatahakin. Minsan nasasabi natin na humihingi tayo ng payo sa ibang tao, pero pansinin mo na sa bandang huli, ikaw at ikaw pa din ang nasusunod.

Sa aking buhay, may mga bagay na hindi ako naging Masaya sa aking desisyon. Wala na kong magagawa dun, nangyari na yon. Kung maibabalik ko lang ang pagtiktak ng orasan. Panigurado ginawa ko na yon.

Habang tumatanda ako, lalo akong nagiging marupok (wapak). Parang napapansin ko padalos dalos nalang ako sa aking mga desisyon sa buhay. Kumabaga, hindi ko iniisip kung ano ang kahihinatnan ng aking gagawin.

Taon-taon parang wlang pinagbabago. Tumatanda sa edad, pero isip bata parin.

Ngayong taong ito, may mga bagay na medyo tumimo sa utak ko at kung susumahin, medyo parang wala akong pinagkatandaan. Sa taon na ito:
- unang bagong taon na wala ako sa pinas
- nakatapak sa limang bansa
- nakiapid ulet
- natuto magblog
- nakakila ng mga bagong kaibigan
- first time humithit ng yosi
- at iba pa na kahit simpleng bagay, nagpabago ng tingin ko sa buhay.

Marami pa siguro kong kwento kung naging mabunga lang sana ang taong ito para sa akin. Pero sa tingin ko, naging easy easy lang ang trato ko sa buhay. May pag sisisi pero, ganun talaga, ang buhay ng tao parang chess lang, tats muv.

15 comments:

Pinoy AdvenTurista | October 26, 2010 at 11:02 AM

"Hindi ko pinagsisisihan ang mga bagay na ginawa ko, kundi ang mga bagay na hindi ko nagawa..."

Life is too short not to enjoy it. Do what makes you happy...

Axl | October 26, 2010 at 11:15 AM

i agree with mervz.. just enjoy the life.... everything we do it worth it.. its depends how we interpret it :D

hArTLeSsChiq | October 26, 2010 at 12:43 PM

hmmm wala ata akong maicomment ngayon dito sa post mo...emo kasi..parang hindi ikaw...hahahaha

niweiz kahit naman sabihin mo na naging pa-easy easy ka lang ngayong taon, di ba meron namang bawian??may next year pa kaya!

carpe diem! ^_^

hArTLeSsChiq | October 26, 2010 at 12:44 PM

teka idagdag mo na rin sa list mo:

- kumita sa nuffnang :))

Mokong™ | October 26, 2010 at 12:46 PM

Okay lang masubukan ang ilang bagay, life is too short, pero may mga bagay na dapat minsan lang sa buhay dapat gawin... Experience lang!

Chingoy | October 26, 2010 at 2:01 PM

arya lang... just be responsible for your actions... :)

Lord CM | October 26, 2010 at 2:09 PM

Ang mahalaga parekoy, kahit minsan naging masaya ka sa ibang nagawa mo at hindi lang puro lungkot...marami pang araw, marami pang bukas, enjoy lang bawat minuto :)

ahmer | October 26, 2010 at 5:42 PM

Age is just a number. Araw araw may natutunan tayo sa buhay. Nasa iyo na yun Kung paano mo Ito Ma I apply sa araw araw naten pag aaral sa buhay. Enjoy, Life is precious.

Jepoy | October 26, 2010 at 7:34 PM

Ang dumi dumi mo koya! Nakiapid you!..JOke!

Agree talaga ako sa sinabi mo na ang buhay ay parang chess, tats move. Pero alam mo ba na parang sa chess din na natutu tayo ng mga tamang moves pag nalaman na natin na mali na ung previous moves natin. Ang mahalaga dito Brader aware tayo na ganito ang status natin so that in the future we can do something about it.

Wag na makiapid ha, dami naman single dyan sa tabi-tabi pag sinumpong ng kati hihihi

wag na u humithit ng yosi bad for your health wala ka na sa stage na nag eexperimento kaya tigilan na ha..

God Bless you sa mga susunod mo pang decisions na gagawin sa buhay!

Andy | October 26, 2010 at 10:27 PM

It's ok to commit a mistake as long as you learn and will not do it again.

gillboard | October 27, 2010 at 12:10 AM

parang year-end report ah, ang aga, oktubre pa lang.

in any case, magandang taon pa rin to para sayo, kahit pa sabihin na di lahat ng nangyari ay maganda.

it's still eventful. hindi boring. :)

♥superjaid♥ | October 27, 2010 at 1:52 AM

wala naman masama kung bara bara ka lang sa pagdedesisyon eh ang importante eh pinangangatawan mo yung nagiging result ng mga desisyong nagawa mo..^^

chichirya | October 28, 2010 at 1:33 PM

Life is short. Sin a little.

Pong | October 31, 2010 at 9:19 PM

late naman ako dito
ikaw na ang nagsabi na ang life parang chess
aside sa tats muv
each piece plays a specific role on the board, ang mahalaga paly well.

be blessed sir!

glentot | November 2, 2010 at 4:08 AM

Nakiapid??? Please explain bwahaha