I’m weird ‘coz I hate goodbyes

Paglisan

Hindi pa talaga ko magbloblog sana. Tinatamad kase ako. Pero dahil sa malongkot ako. Sige na nga magbloblog na ko.

Kadadating ko lang galing bakasyon sa pinas. Medyo bitin pero okay na din kesa wala. Nakakalungkot na balita kaagad ang sumalubong sa akin pagpasok ko sa opisina. Dalawa sa tunay na kaibigan ko ang nagresign. Isa ay hanggang sa bwan nalang na ‘to at isa naman ay sa susunod na bwan ang alis. Andami talagang surpresa ng mundo sa atin. Lalo tuloy umigting ang pagnanasa ko na makaalis na din sa kumpanyang aking pinagtatrabahuhan.

Malungkot. Nalulungkot ako.


Pagtitiwala

Hindi mahirap magtiwala si bulakbolero. Kung tutuusin nga, kung kasintahan, katropa o kadikit mo sya, asahan mo buong buo ang tiwala nya sa’yo. Subalit kapag nawala ang tiwala na ito parang inde nya alam kung kelan ulet magbabalik.


Pasasalamat

Salamat sa mabiyayang 2010. Madami kong natutunan.

Salamat din sa mga pagbati at regalo na natanggap ko.

Nakakahiya mang aminin. Wala akong niregaluhan nung pasko.

Special na pasasalamat pala ke Jackie ng inside a feeble’s mind sa regalo nya sa akin na talagang pinadala pa sa courier. Hehe. Nagustuhan ko ang lahat ng regalo mo, at nakakaaliw na meron pang explanation bawat isa. At salamat sa effort na talaga dun sa wishlist ko ikaw nagbase. Salamat salamat.



28 comments:

The Gasoline Dude | January 13, 2011 at 12:10 AM

Ang daya! Bakit sa 'yo madami?! Ampf. Hehe dyok lang Feeblemind! :)

uno | January 13, 2011 at 12:13 AM

wala pala ako sa blogroll mo... ok lng po...
happy new year na lang po... :)

Diamond R | January 13, 2011 at 12:20 AM

may nagmamahal.bakit naman aalis ka diyan.

Bino | January 13, 2011 at 1:05 AM

hopefully mameet ko ang isang blogger na katulad mo pag uwi mo muli

ahmer | January 13, 2011 at 1:34 AM

yung cap na binigay sayo ni feeblemind parang ganyan din ang binigay nya sa akin. LOL

hArTLeSsChiq | January 13, 2011 at 5:49 AM

Wow unang post sa taong 2011 =) welcome back parekoy!

Kung may umaalis,isipin mo na lang na may darating na panibago o babalik.ganyan talaga ang cycle ng life,enjoy lang..ayun oh sumeseryoso!haha

wow naman sa gifts, A for effort talaga!

ghienoxs™ | January 13, 2011 at 7:07 AM

this is the sad part of growing up...you won't be able to see your friends that often so cherish every minute that you're with them.

ingit naman ako sa mga gifts na natangap mo.

goyo | January 13, 2011 at 7:20 AM

nakabalik ka na pala ng SG sir. Medyo emo emo nga tayo ngayon a.hehe. Kapag mayaman na siguro ako, imemeet ko kayo.hehe.

LordCM | January 13, 2011 at 8:32 AM

pwede bang ipadala ko rin address ko kay feeblemind? :D

Zhurutang | January 13, 2011 at 9:37 AM

. . . kinaliwa ka, no?

♥superjaid♥ | January 13, 2011 at 12:19 PM

wow buti ka pa may natanggap na gift last year hehehe =)

gillboard | January 13, 2011 at 4:09 PM

para kanino kaya yung 2nd point mo? hmmmmm...

dami mong gifts kay feeble mind ah. ang saya lang. :)

Jepoy | January 13, 2011 at 8:07 PM

ang daya baket ang dami nang package mo galing kay feeblemind. Sakin onte. Dahil dyan cancel na ang chippy na pasalubong ko.

Ahahaha!

jake | January 13, 2011 at 11:18 PM

@bulakbol waaaahhh, adik ka bakit mo pa nipost. tsk! tsk!

@gasdude: sige sa berdei mo bawi tayo hehe ;)

@ahmer: yep, same nga kayo haha kasi papalagyan ko parehas ng print kaso wala nako time babalik nako dito (nag-explain?!?!)

@jepoy: last minute ko kase naisip ung sayo haha, soreeeeh na!! bawi tayo next pasko :)

Anonymous | January 13, 2011 at 11:19 PM

@lordcm: cge next pasko ;)

- jake

Ako si Yow | January 14, 2011 at 12:43 AM

Ayyy.. Ang yebang. Pinapadalan na lang ng gift. At ang dami. Haha. Happy New Year.

krn | January 14, 2011 at 1:30 AM

nasa sg na pala ulit ang bulakbolero...hehe. kahit may malungkot na nangyari may mga reasons pa rin to be happy. :)

Andy | January 14, 2011 at 1:35 AM

gusto ko din ng gift! inggit me! lOL!

kikilabotz | January 14, 2011 at 9:53 AM

hindi ko kilala si infeeble mind ah? hehe. gusto ko siya mging kaibgan. namimigay ng regalo. haha. joke

bossing ayos lang yun. ika nga ng isang kaibgan. sa kada goodbyes laging may kasunod na hello.

kinagagalak kong nakilala kita. ayos

Lakwatsero Ako | January 14, 2011 at 1:01 PM

welcome beck to singapore! wala lang

MiDniGHt DriVer | January 14, 2011 at 2:26 PM

Gusto ko din yan.. hehehe.. tama yan, pag malungkot ka,, Blog lang ang katapat nyan!

Pong | January 16, 2011 at 7:04 PM

ikaw na ang may regalo.

welcome sa SG sir!
tama at least nakapagbakasyon ka!
excited na din ako umuwi.

siguro part ng buhay natin ang may mawala, di din ako naniniwala sa goodbye, pwede pa na see you around/later

sa tiwala naman same here.

be blessed sir!

Abou | January 19, 2011 at 2:53 PM

hmp puro wholesome ang regalo


:-)

KESO | January 21, 2011 at 4:34 AM

daming regalo, parang gusto kong kaibiganin si feeblemind. nyahahaha. smile ka na lang kuya, wag ng malungkot. ;)

prinsesamusang | January 21, 2011 at 2:08 PM

wow! ikaw na ang mgay regalo!

secret | January 21, 2011 at 5:16 PM

Hi dude,

Newbie in SG as well :)
Have a great year ahead! Cheers!

Raft3r | January 22, 2011 at 10:00 PM

happy weekend!!!
bigla ko naalala hindi ko pa pala napapadala yun gift ng baby ko sa all i want for xmas
patay!
hehe

thepinaysolobackpacker | January 24, 2011 at 6:59 AM

hmmm...naisip ko din tuloy, wala rin pala akong ni-regaluhan ng Pasko, pero my natanggap akongmga regalo. :(

Have a blessed year ahead! It's nice that you know how to count ur blessings! :D